Time Stopped
Ron pov
Maaga akong nagising para mag prepare, pero sa totoo lang hindi ako naka tulog ng maayos kagabi, ginugulo parin ni Ali utak ko.
" Good Morning teh," Pam bungad sa akin ni Brea.
" Good Morning," Sagot ko.
" Ang aga mo nagising ah," Sagot niya habang nag lalakad papunta sa CR.
" Ganyan talaga, early birds catches the early boys," Pabiro kong sagot.
Tawa nalang ang sagot niya sa akin. Nag handa na din ako ng plato sa lamesa at nag timpla ng kape.
Pag katapos naming kumain, nag prepare narin kami para umalis ng bahay. Pasakay na kami ng jeep nang makita namin si Christian na naka tunganga habang naka ngiti sa waiting shed.
"Good Morning," Bati namin sa kanya.
" Ow, Hi, Good Morning!" Sagot naman niya.
" Saan ka banda naka tira dito? Parang araw-araw kitang nakikita dito ah?" Pabiro kong tanong sa kanya.
" Malapit lang bahay namin dito," Sagot niya
" Mayaman ka, dapat nag kokotse ka nalang, sayang pera pag everyday ka nag cocommute," Saad ni Brea.
" Ayoko, mas maganda pag nag cocommute, nakakasabay ko kayo, lalo ka na Ron," Sagot niya habang naka titig ng derecho sa mata ko.
Biglang kumislot ang puso ko, kinabahan din ako bigla.
" Pinag sasabi mo," Sagot ko at bahagyang tumawa.
" Wala,"
Dumating na din yung jeep at sabay sabay na din kaming sumakay, ang aga aga pero traffic na, isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Brea para maka idlip kahit papaano.
CHRISTIAN POV
" Hindi siya mahirap mahalin, kung pwede lang agawin siya, siguro akin na siya ngayon," Sigaw ko sa kabilang linya.
" Ulol ka, akin lang siya," Sagot naman niya at agad inend yung call.
Naka ngiti ako na parang ewan nung biglang sumulpot sa harapan ko si Ron at Brea.
Ang cute talaga ni Ron, lalo na pag salubong yung mga makakapal niyang kilay.
Sabay sabay kaming sumakay sa jeep, halatang walang tulog ang taong to, isinandal niya yung ulo niya sa balikat ni Brea pero halatang nahihirapan siya, paanong hindi siya mahihirapan eh isinasandal niya yung ulo niya sa mas maliit sa kanya, mangangalay to.
Dahan dahan kong inalalayan ulo niya at ipinatong sa balikat ko. Tinitigan pa ako ni Brea pero binigyan ko lang siya ng matipid na ngiti.
Habang natutulog si Ron hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang naka titig sa mukha niya, ang ganda ng kilay niya, matangos ang ilong tapos mahaba pilikmata, halata ding malambot ang kanyang labi at tila ba inaanyayahan akong idampi ang labi ko papunta sa kanya. Hindi ko namalayan na naka titig na pala ako sa kanya ng matagal, bigla akong nabalik sa realidad nung marinig ko ang shutter sounds ng camera galing sa pasahero na nasa harapan ko. Agad akong napa tingin sa kanya, bigla naman siyang ngumiti at nag bigay ng peace sign.
" Sorry, stolen shots, ang ganda at sweet niyo kasing tignan, "Saad nung babaeng pasahero na kung tititigan ay nasa mga 17 years old.
" Pwede patingin?" Sabi ko.
Agad naman niyang inabot yung cellphone niya, " Kung ayaw mo naman buburahin ko nalang," Dagdag pa niya.
" Hindi, ang ganda ng shots, pwede isend mo sa akin? memories din 'to eh," Sagot ko at inabot sa kanya pabalik ang cellphone niya, " Christian Miguel, Yan ang name ko, pasend nalang," Dagdag ko.
" Sige, ipopost ko din to sa social media accounts ko, para mas madaming makakita sa ka sweetan niyo," Sabi niya habang kinikilig." Jowa mo ba siya?" Tanong pa niya.
Hindi, ka work ko lang." Sagot ko.
"Sayang naman, bagay kayo." Sagot niya.
Nginitian ko nalang siya. Nang mapansin kong malapit na kami sa bababaan, ginising ko na din si Ron.
" Hoi, bakit sayo ako naka sandal, nakakahiya," Bulong niya habang pinupunasan ang mata niya.
" Nahihirapan kasi si Brea kanina," Sagot ko at agad namang ginising si Brea.
Bumaba na din kami sa jeep, kinalabit pa ako nung babaeng kumuha ng litrato namin at binigyan ako ng Okay sign, nginitian ko din siya at tuluyan nang bumaba ng jeep.
" Ang aga pa, tara mag coffee," Pang aaya ni Ron.
" Sige, coffee tapos strawberry cake," Sagot ni Brea.
Tumango nalang ako at sinundan sila papunta sa coffee shop malapit sa office namin. Pag dating namin eh nag order ng dalawang caramel macchiato hot si Ron at isang java hip choco naman para kay Brea. May tatlong strawberry cakes din, sasabihin ko sana na wag na ako kuhanan ng cake pero huli na ang lahat, hindi sa ayaw ko ng cake, bawal ako sa masyadong matatamis na pagkain.
Habang nag kakape kami, hindi kami mapakali sa mga taong naka tingin sa amin, parang bawat dumadaan ay tinititigan kami.
" Anong meron?" Tanong ni Brea habang hinihiwa ang strawberry cake.
" Ewan ko?" Sagot naman ni Ron.
"Ikaw po ba ito?" Tanong ng isang babae habang inaabot ang kanyang cellphone.
" Ah, oo," Sagot ko habang kinakamot ang batok ko.
" Ano yan?" Tanong ni Ron.
" Ah kasi kanina sa jeep may babaeng kumuha ng litrato natin, ang sweet daw kasing tignan, sabi niya ipopost daw niya sa social media niya, hindi ko naman inexpect na ganito kakalabasan. " Sagot ko at inabot yung cellphone kay Ron.
"Hala, ang cute ko," Saad naman niya na naging dahilan nang pag tawa nung babaeng may ari ng cellphone.
" Hindi ka galit?" Tanong naming tatlo.
" Huh? Bakit naman ako magagalit? Ang cute nga ng picture eh, para kaming mag jowa ni Christian," Sagot niya," Pwede mo bang isend sa akin yung photo?" Dagdag pa niya.
" Sure, sure," Sagot naman nung babae at agad niyang kinuha cellphon niya.
" Ron Collins, yan ang name ko,"
" Alright na send ko na,"
Agad agad namang kinuha ni Ron ang cellphone niya at kinakalikot ito habang naka ngiti.
" Charan," Sigaw niya at pinakita sa amin ang wallpaper ng cellphone niya.
" Oh diba perfect pang wallpaper, sakto sa frame ng cellphone yung picture natin," Saad niya habang naka ngiti.
Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya si Ron, masasabi ko na masaya siya dahil pati mata niya naka ngiti, biglang kumislot ang puso ko, nakaramdam din ako ng kaba at tila ba may mga paru-parong nag liliparan sa sikmura ko. Habang nakikita kong naka ngiti si Ron, parang dahan dahang bumabagal ang pag ikot ng mundo, bumibigat din ang pakiramdam ko at nahihirapang huminga.
" Okay ka lang Christian?" Nabalik ako sa realided nung bigla akong makaramdam ng tapik sa balikat ko.
"Ah oo, pasensya na spaced out nanaman ako," Pag aalibi ko.
"Okay lang, ganyan din ako minsan, lalo na pag may iniisip na problema," Sagot ni Ron.
"Sige nice meeting you," Saad nung babaeng nag pakita ng photo bago tuluyang umalis at bumalik sa upuan niya.
" Tara na, baka malate tayo," Pag aaya ni Brea.
Tumayo na kaming tatlo at lumabas ng coffee shop, Pag pasok namin ng office nagulat kami kasi lahat ng tao ay naka titig sa amin, hindi na kami nag tanong kasi alam na namin na dahil eto dun sa nag viral na photo namin.
Dumerecho nalang kami sa kanya kanya naming stations at nag simula na ding mag trabaho, ngayon ang unang araw ko na maging secretary ni Mr. Jing, siya yung head manager namin, masyado siyang strikto pero maganda namang kasama. Papasok na ako ng office niya ng makita ko ang isang pamilyar na tao na naka upo sa couch. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nakita ko ang Tatay ko.
" Dad?" Hindi ako maka paniwala na nandito siya ngayon, lagi kasi siyang nasa abroad para sa business trip, alam ko matanda na ako pero ibang saya yung naramdaman ko nung nakita ko ang daddy ko.
" Christian," Bungad niya.Agad naman akong tumakbo at niyakap siya.
" I'll go ahead sir, just call me when you need something," Aniya ni Mr. Jing.
Pag kalabas ni Mr. Jing, agad naman akong niyakap ng mahigpit ni Daddy, alam kong miss na miss niya ako, paano ba naman mahigit apat na taon din siyang nag stay abroad para asikasuhin ang business namin.
" Dad, anong meron at napa aga ang balik mo? diba dapat next year pa?" Tanong ko.
Nag lakad si Daddy papuntang bintana at tsaka ako tinitigan. " Namamayat ka, may gusto ka bang sabihin sa akin?" Tanong niya.
Bigla akong kinabahan, napa buntong hininga na din ako.
" Alam ko na ang lahat Christian,hanggang kelan mo balak ilihim sa amin to ng nanay mo?" Tanong niya, halata sa boses niya kung gaano siya na dismaya pero mas nangingibabaw parin ang lungkot sa pananalita niya.
" Nasan pala si Mommy?" Pag iiba ko ng topic.
" Nasa bahay, sabi din sa akin ni Aling Joana, hindi ka na daw umuuwi, umupa ka daw ng sarili mong bahay? Bakit sa iba ko pa nalalaman ang mga ganitong bagay. Christian, bakit sa iba ko pa malalaman na--" Biglang natigil sa pag sasalita si Daddy nung biglang lumindol. Napahawak si Daddy sa lamesa samantalang ako napahawak naman sa kinauupuan ko.
Mahigit limang minuto din ang tinagal ng lindol, pag katapos neto ay agad agad kaming pinalabas sa loob ng opisina, pinapunta kami sa park para isafety ang sarili namin, nag aantay ng baka biglang may after shock. Habang nag lalakad nakita ko si Brea na inaalalayan si Ron, agad akong lumapit sa kanila.
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko
" Inaabot ko kasi yung files sa taas nung cabinet kanina nung biglang yumanig yung sahig, na out balance ako tapos na hulog sa akin yung files at yung cabinet, naipit yung paa ko," Sagot naman ni Ron.
Inalalayan ko silang dalawa at iniupo sa may bench, tinignan ko din ang namamgang paa ni Ron. "Mukhang may puputulin tayong paa mamaya," Pag bibiro ko.
" Nakaktawa?" Tanong naman ni Ron.
" Biro lang, eto naman," Saad ko at ipinatong ang paa niya sa hita ko para imasahe.
" Aray, masakit," Hiyaw niya
" Tiisin mo lang, kailangan dumaloy nung dugo para hindi mamaga ng tuluyan yung paa mo," Sagot ko at dahan dahang hinilot ang paa niya, nakikita ko kung gaano siya nasasaktan. Ganitong ganito kasi yung nangyari sa akin nung nadulas ako sa basketball court habang nag lalaro kami ni Ali, sobrang sakit nung paa ko nung araw na iyon, akala ko nga mapipilayan na ako ng tuluyan, buti nalang napag aralan na ni Ali kung paano yung tamang pag masahe sa paa pag na spraint or pag na dulas.
Habang minamasahe ko ang paa ni Ron, napansin ko na kumukuha siya ng mga stolen pictures ko. " Para san yan?" Tanong ko habang naka tingala sa kanya.
" Update lang sa mga followers ng love team natin," Sagot niya at tumawa, nakita ko nanaman ang paniningkit ng mga kyut niyang mata.
" Love team? mamamatay na tayo sa lindol kapokpokan parin iniisip mo!" Pabalang na sabi ni Brea.
" Manahimik ka jan basahin mo nalang caption," Sagot naman ni Ron, agad namang kinuha ni Brea yung cellphone niya,Habang nag babasa nakikita ko kung paano napapangiti si Brea dahil sa post ni Ron.
"Wait naiingit ako," Sagot ko, dahan dahan kong binaba ang paa ni Ron at kinuha sa bulsa ang cellphone ko, binuksan ko agad yung facebook ko at pumunta sa profile ni Ron.
Bigla akong napa ngiti sa caption ng post niya." Hanapin mo sarili mo kung saan ka sasaya, huwag mo hanapin sarili mo sa ibang tao, ngayon nahanap ko na kasiyahan ko, sana makita mo na din ako,"
" Ang sweet no?" Tanong niya.
" Oo," Sagot ko habang nakatitig sa post niya.
" Nakita na kita, hindi ko na kailangang humanap pa ng iba," Comment ko.
" Nakita ko kung gaano kasaya si Ron sa comment ko sa post niya," Wala pang isang minuto nung madaming nag react sa comment ko, madami ding nag cocomment.
" Alright, let's go inside," Sigaw ni Jing.
Inalalayan ko si Ron papasok sa opisina namin hanggang sa station niya.
" Salamat," Bulong niya pag katapos umupo sa upuan niya.
"Maliit na bagay, basta ikaw," Sagot ko at tuluyan na siyang iniwan.
Masayahing tao talaga etong si Ron, mabait pa, mapag mahal, ano kayang hindi nakita ni Ali sa kanya para saktan ng ganoon?
" Mr. Miguel, pinapa abot ng Daddy mo," Saad ni Mr. Jing at inabot sa akin ang isang paper bag.
Kinuha ko eto at binuksan habang nag lalakad papasok sa opisina namin.
" Wrist watch?" Tanong ko sa sarili ko. Bakit naman ako bibilhan ni Daddy ng wrist watch eh ang dami kong branded na ganito sa bahay.
Itatapon ko na sana yung paper bag nang mahagip ng mata ako ang maliit na papel sa loob. Kinuha ko eto at binasa ang naka sulat.
" Gawin mo lahat ng mga bagay na mag papasaya sa iyo habang may oras ka pa, dahil hindi mo na eto mababalikan pag tumanda ka na, Eto muna regalo ko sa iyo, alam ko madami kang ganito sa bahay, pero gusto ko lang malaman mo na mahalaga ang mag karoon ka ng oras hindi lang sa Pamilya at mga Kaibigan mo, kundi pati rin sa sarili mo, enjoy every moments you have before it lasts," Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako, agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at dinaial ng number ni Daddy. Hindi umabot ng tatlong ring at agad naman niya etong sinagot.
" Anong meron, anak?" Tanong niya.
Nararamdaman ko na alam na ni Daddy ang lahat pero inaantay lang niya na aminin ko to sa kanya.
" A-Asan ka?" Tanong ko, pinipigilan kong umiyak, ayoko marinig ni Daddy na umiiyak ang nag iisang anak nila.
" Pauwi sa bahay,"
" Pauwi na ako daddy, antayin niyo ako ni Mommy," Sagot ko at agad tumakbo palabas ng pintuan.
Nasalubong ko pa si Ron pero dumerecho lang ako sa pag takbo, ayoko din na makita niyang may mga luhang pumapatak sa mga mata ko, ayoko na makita niyang mahina ako.
Pag labas ko sa office, sukamay agad ako ng taxi at pina derecho sa bahay. Kailangan kong aminin kila Mommy at Daddy ang lahat, alam kong maiintindihan nila ako, alam kong tatanggapin parin nila ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top