Surprised

Christian

--

Nagulat ako nang makita ko ang expression ni Ron nung nakita niya si Ali, pero mas nagulat ako nung sinabi niya na kaklase niya lang si Ali, ang pagkaka alam ko ay mag EX sila, siguro ayaw lang ipaalam ni Ron yung nakaraan nila.

"Oh anong naramdaman mo nung nag kita ulit kayo?" Tanong ko kay Ali. Nag lalakad kami papunta sa parking area para iwan yung mga stuffed toys na napanalunan namin sa arcade kanina.

" Ewan, nagulat ako. Ang laki na pala ng pinag bago niya dati ang payat payat niya pero ngayon nag kalaman na siya," Sagot niya.

" Yan ang nagagawa ng pag momove on, nagiging best version siya ng sarili niya." Sagot ko.

"Tsaka napansin ko na parang wala na siyang pake sayo, ayaw na nga niyang buksan ulit yung librong sinara niya dati. Yung chapter ng buhay niyong dalawa, halatang naka move on na siya, kaya kung ako sayo, hindi ko na ulit babalikan yung mapait na nakaraan na naranasan niya. Besides, kasalanan mo naman lahat ng eto eh," Sagot ko habang nilalagay sa back seat ng kotse niya yung mga stuffed toys.

" Oo nga, pati yung favourite niya na stuffed toys pinalitan niya," Sumbat naman ng mokong na 'to.

Hinimas ko ang likuran niya para pakalmahin siya," Huwag kang iiyak, extra ka lang sa story na 'to, huwag mo akong agawan ng eksena," Sabi ko at agad tumawa.

" Ulol ka." Sagot niya at nag lakad na pabalik sa restaurant.

Tinawanan ko nalang siya habang naka sunod sa likuran niya. Nag lalakad kami pabalik sa restaurant nung biglang tumigil sa isang souvenir shop si Ali.

" Anong gagawin natin dito?" Tanong ko at agad siyang sinundan papasok.

" May bibilhin lang ako," Sagot niya

" Ano naman?"

" Basta iabot mo to kay Ron mamaya,"

Pumasok kami sa souvenir shop at bumili siya ng silver necklace na may design na lilo and stitch. Pag katapos niyang bayaran ay agad niyang inabot sa akin.

" Para saan to?"

"Basta iabot mo sa kanya, sabihin mo regalo mo,"

" Bahala ka jan," Sagot ko at ibinulsa yung necklace.

" Nga pala, alam ba nilang Doctor ka na?" Tanong ko sa kanya

" Hindi ko alam, tsaka huwag mo muna sasabihin,"

"Bakit naman, ayaw mo bang maging proud siya sayo?"

" Hindi naman sa ganon, pero parang ayoko muna malaman nila, alam mo naman na isa si Ron sa rason kung bakit ko na achieve etong pangarap ko,"

" Edi mas maganda pag nalaman niya, mas matutuwa siya, diba?"

" Basta sa tamang panahon pag handa na ako, sasabihin ko din," Sagot niya.

Nag lakad na ulit kami pabalik ng biglang huminto si Ali sa pharmacy at bumili ng gamot, pag katapos ay bumalik na kami sa restaurant naabutan namin si Brea na hinihimas ang likuran ni Ron. Agad kaming tumayo sa tabi nila.

RON POV

Hindi ako mapakali, tapos etong Breang eto tanong pa ng tanong ang sarap salpakan ng plato yung bunganga niya.

" Teh, kumain ka na nga lang andami mong hanash sa buhay nakaka gigil ka swear," Pairap kong sabi habang binabalatan yung hipon na kinakain ko.

" Hoi, tarantada, allergy ka sa hipon mamaya hindi ka nanaman maka hinga jan," Sigaw niya at akmang aagawin yung hipon na hawak ko.

" Isa lang eto naman," sabi ko at mabilisang sinubo yung hipon na nabalatan ko.

" Bahala ka sa buhay mo,"

Ang tagal ko ng hindi nakakain ng hipon, maliban sa allergy kasi ako dito favourite din to ni Ali, part ng pag momove on ko dati kasi yung iwasang kainin yung mga bagay na gusto niya at iwasang gawin yung mga bagay na ginagawa niya pati yung mga bagay na lagi naming ginagawa.

Nararamdaman ko na yung side effect ng hipon, nag uumpisa na kasing mangati ang lalamunan ko tapos nag papantal na yung kamay ko. Napaka arte ng katawan na to, iisang peraso palang nakain ko eh nangangati na agad ako.

" Hoi, okay ka lang? isa lang naman kinain mo diba? namumula na yang leeg mo," Paninita ni Brea.

Tumango nalang ako, nangangati na rin kasi lalamunan ko. Nahihirapan akong mag salita.

" Okay ka lang ba talaga?" Nararamdaman ko kung gaano nag aalala si Brea, nag iba na kasi ang tono ng boses niya. Ayoko muna mag salita kaya agad ko kinuha yung tubig na nasa lamesa.Nagulat ako ng biglang hawakan ni Brea yung kamay ko, " Shit, tignan mo yang pantal sa kamay mo," Sigaw niya at tumayo sa likuran ko, inabot na rin niya yung tubig, dahan dahan kong ininom yung tubig habang si Brea naman ay hinihimas yung likod ko para maka hinga ako ng maayos.

" Anong nang yayari?" Nagulat kami nung biglang tumayo si Christian at Ali sa likuran namin.

" Kumain ng hipon ang walang hiya, alam naman niyang allergy siya eh!" Pabalang na sagot ni Brea.

Nag uumpisa ng mangati ang katawan ko, tatayo na sana ako nung biglang hinawakan ni Ali ang kamay ko at inabutan ng ceterizine, gamot sa pangangati. Agad ko naman itong kinuha at ininom.

Bakit kaya hindi ininom ni Ali at Nezza etong gamot na to nung nangati sila dati?

" Kaya ka pala nag stop sa pharmacy," Sambit ni Christian. So alam ni Ali na kakain ako ng hipon at bumili pa siya ng gamot para sa akin?

"Salamat," Pabulong kong sabi pag katapos kong inumin yung gamot.

Nginitian ako ni Ali bago bumalik sa upuan niya, nag umpisa na din silang kumain habang ako hinahabol parin ang pag hinga.

" Allergy ka pala sa hipon bakit hindi mo sinabi sa akin? edi sana hindi ko inorder," Pabirong sabi ni Christian.

" Gusto ko lang tikman, matagal na din kasi akong hindi nakakakain neto eh," Sagot ko at kinuha yung buko shake.

Pag katapos naming kumain, dumerecho naman kami sa spa, nag pa foot spa sila Brea at Christian habang ako mas piniling mag pa massage, masakit buong katawan ko kaya mas pinili ko ipamasahe eto, hindi ko inasahang mag papamasahe din pala si Ali, tapos mag kasama pa kami sa isang room, kurtina lang ang pagitan namin.

Habang inaantay ang masahista dumapa na din ako sa kama, ipaphinga ko muna katawan ko.

" Kumusta ka na?" Tanong ni Ali.

"Okay lang naman, eto masaya na," Sagot ko

"Sorry pala sa nangyari sa atin,"

" Loka matagal na yon naka move on na ako, kalimutan na ang nakaraan, focus na tayo sa hinaharap." Sagot ko.

"Narinig ko kung gaano kalalim ang pag buntong hininga niya," Mag sasalita pa sana siya kaso pumasok na ang masahista,maganda ang music nakaka relax kaya pinikit ko na din ang mga mata ko para kahit papaano eh maka tulog ako.

Halos dalawang oras din pala ang tinagal nang pag mamasahe namin, hindi ko namalayan ang oras, naka tulog na pala ako.

Pag katapos ng spa at masahe namin, nag pa salon naman kami, nag pakulay kami ng buhok, nag pa gray ako, nag pa rebond si Brea, nag pa blonde naman si Ali at si Christian na bagay sa kanila, mas lalong gumwapo tuloy silang dalawa. Mag aalas syete na ng gabi ng mag ayang manuod ng sine si Ali, this time siya naman daw ang man lilibre. Mag aayaw na sana ako kasi pagod na ako pero etong Brea na to agad akong hinila sa bilihan ng ticket para mamili ng movie.

" Teh antok na ako," Pabulong kong sabi sa kanya.

"Teh minsan lang to, tapos EX mo pa nag yaya, pag bigyan na natin," Sagot niya habang pinipisil pisil ang braso ko.

Inirapan ko lang siya. Pag katapos naming mamili ng movie bumili na ng ticket si Ali, nag volunteer naman ako na ako na sa chips at sa drinks. Pag katapos naming mamili, pumasok na kami sa sinehan by numbers ang upuan. nauna si Brea, sumunod si Christian, Ali tapos ako ang nasa dulo. Hindi ako sanay na hindi si Brea ang katabi ko, makikipag palit sana ako ng upuan pero naunahan na niya ako.

" Mas gusto ko dito sa dulo kasi may sandalan," Pasigaw niyang sabi.

" Edi jan ka na, saksak mo sa baga mo," Sagot ko.

Kahit ilang na ilang na ako, wala akong choice kundi ang tabihan si Ali.

"Tissue," Bulong niya habang inaabot sa akin yung hawak niyang tissue. " Hanggang ngayon iyakin ka parin pala no," Dagdag pa niya habang tumatawa ng mahinhin.

" Ganun talaga, may mga bagay na kaya nating baguhin pero mas malaki parin yung bagay na mahirap nating baguhin, lalo na kung kinalakihan mo na 'yon," Sagot ko habang pinupunasan yung luha sa mata ko. Bwisit naman kasing movie to eh, puro iyakan.

Alas dyes na ng gabi nung matapos ang movie, nag decide kaming mag dinner sa isang restaurant. Pag katapos napag desisyunan narin naming umuwi, hinatid naman kami ni Ali sa apartment ko.

" Salamat sa oras, Ron,"Saad ni Christian.

" No worries, see you sa office bukas." Sagot ko

Pumasok na din kami ni Brea sa apartment, ang kapal ng mukha ng babaeng 'to akala mo walang sariling bahay, inaraw araw naman na niyang mag stay in dito sa apartment ko, singilin ko kaya ng city services rent? Pero mas okay ng nandito siya, may nakaka usap ako. May mapag sasabihan ako, baka kasi mamaya mag suicide nanaman ako kagaya nung ginawa ko dati. Nag tangka akong mag bigti dahil sa sakit na ginawa ni Ali at Nezza, buti nalang nandun si Brea kaya kahit papaano gumaan ang mabigat kong nararamdaman.

" Nakaka pagod naman itong araw na to," Sigaw ni Brea habang nag lalakad papuntang kusina upang uminom ng tubig.

" Teh, kunin mo nga yung beer jan sa ref, inom tayo, pam patulog lang," Saad ko

" Pam patulog ba talaga o pam palimot?" Tanong niya

" Manahimik ka papuwiin kita ng wala sa oras," Pananakot ko sa kanya.

" Eto naman hindi mabiro, eto na," Sagot niya at kinuha ang beer sa loob ng ref umupo naman ako sa terrace at nag sindi ng sigarilyo. Tumabi din sa akin si Brea at binuksan ang beer.

" Okay ka lang?" Tanong niya.

" Ewan ko nga eh, naguguluhan ako, na iistress ako,"

" Bakit naman?"

" Si Ali kasi, bakit kung kelan ayos na ako tsaka naman siya biglang dumating,"

" Teh, dumating siya pero hindi para sayo, para yun kay Christian, Huwag asumera,"

Kinuha ko yung beer at ininom. " Tanga, alam ko pero bakit ganun I felt butterflies in my stomach nung nakita ko siya?"

" It means hindi ka pa nakaka move on, para kang si Khai dun sa pinanuod natin na Theory of Love, pareho kayong indenial, ang pinag kaiba niyo lang, si Khai, na realize niya na mahal niya pala talaga si Third, pero ikaw alam mo pang mahal mo si Ali pero nag papanggap ka parin na hindi na," Sagot niya.

" Hindi ko alam teh, hindi ko na alam," Sagot ko.

Pag katapos naming maubos ang beers eh nag decide na din kaming matulog, maaga pa kaming papasok bukas. Siguro nga niloloko ko lang ang sarili ko, lagi kong sinasabi na okay na ako, okay na ang isip ko, pero iba yung sinisigaw ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top