soulmate
Mahigit limang taon na simula nung kinasal kami ni Ali. Limang taon na at marami na ding nag bago sa amin. Lagi kaming nag aaway pero hindi kami natutulog hanggat hindi kami nag kakaayos.
Ngayon ang ika limang taon ng aming pag sasama. Sa mga nakaraang taon pareho kaming naging busy ni Ali, kinuha siyang manager ng Nanay at Tatay ni Christian. Simula nung iniwan kami ni Christian tinuring na kaming anak nila Tito at Tita. Tinulungan nila akong mag patayo ng milktea shop. Syempre yung pangalan ng store ko naka base sa kwento naming tatlo " Memory of the wind". Si Brea, kinasal na din, ngayon nasa abroad siya kasama ang pamilya niya. Kami ni Ali, nakapag decide na mag ampon ng magiging anak namin. Nung third year anniversary namin, napag desisyunan naming pumunta sa orphanage at nag ampon ng dalawang bata. Inampon namin si Jeric, limang taong gulang palang siya nung kinuha namin siya. Sabi sa amin, iniwan daw siya ng mga magulang niya sa labas ng simbahan. Halos lahat naman ng mga batang nandito ay iniiwan ng kaniya kaniya nilang mga magulang. Yung mga magulang nila na nag papakasaya sa buhay tapos kapag naka buo ng bata iiwan nalang kung saan-saan. Kasabay nang pag ampon namin kay Jeric ay si Jing. Ganun din ang kwento pero mas bata siya kay Jeric ng isang taon. Sa ikaapat na anibersaryo namin ay bumalik kami sa bahay ampunan at duon naman namin nakuha ang kambal naming anak na sina Ericson at Errol. Tatlong taong gulang sila nung kinuha namin sila. Ang kwento sa amin, si Errol at Ericson daw ay inabanduna ng mga magulang nila sa kalye. Naka lagay daw silang dalawa sa loob ng maliit na karton. Nakaka awa ang sinapit nilang dalawa. Nangako kami ni Ali sa isa't isa na mamahalin at aalagaan namin sila ng mas maayos. Ngayon masasabi ko na, na masaya na ako dahil naka buo na kami ng pamilya ni Ali. Hindi man galing sa amin ang mga naging anak namin ang importante ay itinuring at ituturing namin silang mga tunay naming mga anak kahit pareho kaming magiging haligi ng tahanan.
" Papa." Sigaw ni Jeric habang nag sasabit ng mga palamuti sa dingding.
" Uhhmm?" Sagot ko at lumapit sa kaniya.
" Hindi ko po mailagay yung star sa itaas." Saad niya.
Nag lakad naman ako papalapit sa kaniya para buhatin siya at ilagay ang bituin sa tuktok ng Christmas tree. Dalawang araw na lang at Christmas nanaman. Ang bilis talaga ng panahon.
" Pa, ako nalang mag lalagay. Mas magaan ako kay kuya." Pag mamaktol naman ni Jing.
" Anak, ikaw na lang mag sabit nung parol sa pintuan mamaya." Sagot ko naman.
" Talaga po? Sige po ayusin ko na. Kuya mas maganda yung isasabit ko. Bleee." Pang aasar niya kay Jeric.
Tumawa naman kaming dalawa ni Jeric. Nung nailagay na niya yung bituin sa taas ay agad ko naman siyang ibinaba.
" Pa, may tanong ako." Saad niya.
" Ano yon?" Sagot ko pabalik.
" Paano niyo kami nabuong apat kung pareho kayong lalaki ni Daddy Ali?" Tanong niya.
Agad ko naman siyang tinitigan at nginitian. Hindi pa pala nila alam na kinuha lang namin sila sa bahay ampunan. Ngayong may mga isip na silang apat. Siguro eto na yung tamang oras para malaman nila ang totoo.
" Gisingin mo si Daddy tapos tawagin mo na mga kapatid mo. Ikwekwento namin ng daddy niyo kung saan kayo nanggaling." Saad ko.
Agad namang tumakbo si Jeric para gisingin si Ali.
Mahigit limang minuto ang itinagal nung dumating sa harapan ko ang mga mag aama ko.
" Good morning mahal, anong meron at ang aga niyo akong ginising?" Tanong ni Ali habang nag lalakad papalapit sa akin.
" Eto kasing mga anak natin malalaki na, gusto na nilang malaman ang kwento ng kanilang buhay. Kung saan sila nanggaling." Saad ko.
Nginitian naman ako ni Ali bago umupo sa tabi ko. Umupo naman ang apat naming mga anak sa harapan naming dalawa.
Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. Kinakabahan ako.
" Alam niyo namang pareho kaming lalaki ni Daddy niyo. Jeric ikaw ang pinaka matanda sa inyong apat kaya alam ko na marami ka nang naririnig sa paaralan tungkol sa same sex relationship." Pag uumpisa ko.
Agad naman akong nginitian ni Jeric. "Opo Pa. Madami nga po akong nababasa na libro." Ika niya.
" Nung ikinasal kami ng daddy niyo, napag desisyunan naming mag ampon ng mga magiging anak. Oo, galing kayong lahat sa bahay ampunan. Kayo ang naging bunga ng panandaliang pag mamahalan ng mga tunay niyong mga magulang." Saad ko.
" Paanong panandaliang pag mamahalan iyon Papa?" Tanong naman ni Jing.
" Anak, meron kasi tayong tinatawag na panandaliang ligaya at pang matagalang ligaya. Ang panandaliang ligaya ay maihahalintulad natin sa pasko. Isang taon kayong mag aantay para maramdaman ang diwa ng pasko pero isang araw lang ang dadaan para matapos ang kasiyahan na iyon. Ang pang matagalang ligaya naman ay maihahalintulad natin sa pamilya natin. Kahit lahat tayo lalaki sa pamamahay na eto, nag mamahalan tayo at yung pag mamahalan na iyon ay sapat na para maging masaya tayo." Saad ni Ali.
"Pero daddy, asan po yung panandaliang pag mamahalan?" Tanong ni Errol.
" Ang panandaliang pag mamahalan naman ay yung nangyari sa mga totoo niyong mga magulang. Akala nila madali lang ang buhay. Akala nila isang ihip lang ng hangin ang dadaan at magiging okay na ang lahat, pero hindi nila inakala na sa ihip ng hangin na iyon mag babago ang buhay nila. Nung nabuo nila kayo, dun pumasok ang salitang pag hihirap, takot, pangangamba at higit sa lahat dun pumasok ang salitang hiwalayan. Nung nalaman nilang naka buo sila ng mga bata dahil sa panandaliang pag mamahalan nila dun nasubok ang totoong pag mamahalan nila. Bakit? Dahil kailangan nilang mamili kung bubuhayin nila kayo o hahayaang mawala sa mundong eto. Kayo ang proweba na may mga taong hindi natakot na makipag sapalaran sa mundo dahil nailuwal kayo ng mga totoo niyong nanay. Pero, nung nailuwal na kayo, dun naman pumasok ang isa pang pag hihirap nila at yun ay ang kung saan sila kukuha ng pang tustos sa inyo sa pang araw araw kaya mas pinili nilang iwan kayo sa bahay ampunan para kahit sa ganuong paraan ay mabuhay kayo ng mas maayos. " Dagdag pa ni Ali.
" Daddy, bakla din po ba kami? Kasi syempre parehong lalaki ang magulang namin. Ibig sabihin po ba neto ay bakla din po kami?" Tanong ni Jeric. Sampong taon na si Jeric kaya marami na siyang gustong malaman. Bakas sa mga mata niya ang mga katanungang gustong gusto niyang itanong.
" Bakit mo naman naitanong iyan anak?" Tanong ni Ali.
" Kasi sa paaralan lagi akong inaasar dahil wala daw akong nanay. Na puro daw lalaki ang magulang ko."
" Anong sinasagot mo?"
" Hindi ko kailangan ng nanay dahil alam ko na kahit pareho kayong lalaki ni Papa alam ko na mahal na mahal niyo ako, kaming apat. Lagi kong sinasabi na hindi naman maisusukat ng kahit ano ang pag aalaga at pag mamahal niyo sa amin."
Ngumiti ako.
" Anak, tandaan mo na sa bawat araw na dadaan, marami kang makikilala na huhusga sa amin ng Daddy niyo. Maraming mag sasabi ng masasakit na salita, pero ang lagi niyong tatandaan na walang maidudulot na maayos kapag nakipag away kayo. Mas mainam na intindihin niyo sila dahil. Oo, tama naman sila, pareho kaming lalaki ng Daddy niyo. Hindi kayo nanggaling sa amin pero tama din kayo, mahal na mahal namin kayo. Kayong apat ang isa sa magagandang regalong natanggap namin." Saad ko.
" Daddy may tanong ako. Paano naging kayo ni Papa?" Tanong naman ni Ericson.
Agad namang tumitig sa mga mata ko si Ali. " Dapat si Papa ang sumagot niyan hindi ako. Inakit niya kasi ako kaya nahulog ako sa kaniya." Saad ni Ali at bahagyang pinisil ang pisngi ko.
Agad naman akong ngumiti. Matagal tagal na din ang kwento namin ni Ali at handa na akong ibahagi eto sa mga anak namin.
" Naaalala niyo ba yung lagi kong kwinekwento, si Tito Christian niyo?" Tanong ko.
"Opo, yung kaibigan niyo ni Daddy?" Tanong ni Jing.
" Oo, siya ang nag bigay ulit ng liwanag sa amin ng Daddy niyo. Siya ang nag bukas ng mga mata namin at nag bigay ng kulay sa mundo namin." Saad ko.
"Po?" Tanong nilang apat.
"Papa, alam mo po ang lalim mong mag salita." Saad ni Jeric.
Tumawa naman silang apat.
" Mga anak. Dati kasi nadisgrasya si Daddy niyo. Muntikan siyang nabulag. Pero muling nabigyan siya ng liwanag dahil kay tito niyo. Siya ang nag donate ng mga mata para sa Daddy niyo. Si Tito niyo ang naging daan para mag kita kaming muli ng Daddy niyo. Dahil sa kaniya nagka ayos kami ng Daddy niyo. Naging tulay namin siya. Alam niyo ang sabi niya sa akin dati. Kapag umihip ang malakas na hangin ibig sabihin nandito siya sa tabi ko, tabi namin. Marami kaming pinag daanan na pag subok ng Daddy niyo. Ilang beses kaming naligaw pero dahil kay Christian nahanap namin ang isa't isa. Pag laki niyo mas lalo niyo etong maiintindihan." Saad ko
" Maraming salamat Papa tsaka Daddy." Saad ni Errol.
"Para saan?" Tanong ko.
" Kasi hindi kayo nag dalawang isip na alagaan kami. Maraming salamat dahil itinuring niyo kaming tunay niyong mga anak." Saad niya.
" Mga anak, simula nung napag desisyunan naming mag ampon, inihanda namin ang sarili namin para alagaan kayo. Hindi niyo kailangang mag pasalamat. Kami dapat ang mag pasalamat sa inyo dahil minamahal niyo kami ng Daddy niyo kahit alam niyong pareho kaming lalaki. Salamat mga anak dahil tanggap niyo kami. Tandaan niyo na hindi kami mga bakla, o kung dadating man ang araw na itatanong niyo sa sarili niyo kung mga bakla kayo. Tandaan niyo na hindi tayo mga bakla, tayo ay mga mabubuting tao na handang tumulong sa mga nangangailangan. Hindi nababase sa sexualidad ng isang tao ang pag tulong. Babae, lalaki, bakla, tomboy o kung ano pa man ang itawag sa atin. Tandaan niyo na lahat tayo ay pantay pantay sa mga mata ng Diyos. Tandaan niyo na kahit ilang beses kayong saksakin ng masasakit na salita, dapat lagi kayong maging malakas at dapat lagi kayong handa para pangaralan sila. Huwag na huwag kayong mananakit ng kapwa, mapa salita man yan o sa gawa. Huwag kayong mananakit ng kapwa. Tayo ang bahaghari ng mundo, tayo dapat ang mag bigay kulay sa madilim na mundo." Saad ko.
Tumayo naman sila at niyakap kami ni Ali.
Ang sarap sa pakiramdam na masaya kaming pareho.
Nasa ganuong pusisyon kami nung biglang may kumatok sa pintuan.
" Buksan ko po." Sigaw ni Jing at tumakbo.
"Pa, andito sila Lolo at Lola." Sigaw niya.
Agad naman kaming nag lakad para salubungin si Tito at Tita.
" Tito, Tita napasyal kayo?" Tanong ko habang inaalalayan silang buhatin ang mga bitbit nilang pasalubong.
" Ron, ilang beses ko bang sasabihin na Mama at Papa na ang itawag niyo sa amin." Pag mamaktol ni Tita.
" Sorry Ma." Saad ko habang kinakamot ang batok ko.
Agad naman niya akong niayakap. " Sa makalawa pa dapat kami papasyal. Sa pasko pa dapat pero kasi etong isang to napaaga ang pag bisita." Sad niya.
" Po?" Tanong ko
" Hindi ba kayo sinabihan?" Tanong ni Papa.
" Ni--" Hindi pa ako tapos mag salita nung narinig ko ang sigaw ni Brea.
" Bakllaaaaaaaaa!!!"
Agad naman akong napa tingin sa labas at nakita ko siyang naka tayo sa harapan ng kotse niya.
" Breaaaaa?" Sigaw ko at agarang tumakbo papalapit sa kaniya.
" Halaaaaa. Kumusta ka na?" Tanong ko. Yakap yakap ko parin siya.
"Okay naman. Kayo, kumusta kayo?" Tanong niya pabalik.
Tinulungan ko naman siyang buhatin ang mga dala niyang paper bags.
" Okay naman, susunod sa makalawa ang mag aama ko. Nauna na ako para supresahin kayo." Saad niya.
" Ali!" Sigaw niya pag pasok sa pinto
"Bre--Brea? Shet ang ganda mo na."
"Bolero. Asan na mga inaanak ko?"
"Tita." Sigaw nung apat kong anak at isa isa siyang niyakap.
" Ang lalaki niyo na. Oh eto mga regalo ko." Sad ni Brea habang inaabot ang mga paper bags sa mga anak ko.
" Oh." Saad naman niya at inabot sa akin ang isang maliit na kahon.
"Nag abala ka pa." Saad ko naman. " Pasensya hindi pa ako nakaka bili ng regalo ko sa iyo." Dagdag ko pa.
" Makita ko lang na masaya ka, magandang regalo na iyon para sa akin." Sagot naman niya.
"Drama mo." Saad ko habang binubuksan yung kahon.
" Susi?" Tanong ko.
" Oo." Sagot niya.
"Para saan?"
" Yung kotse sa labas. Yun ang regalo ko sa inyo ni Ali." Saad niya.
"To--totoo? Totoo ba?"
"Oo. Madami kang naibigay sa akin nung mga araw na nag hihirap ako. Kulang pa iyang kotse sa lahat ng naibigay mo." Saad niya.
Agad ko naman siyang niyakap. Tinawag ko din si Ali. Kagaya ng expression ko. Nagulat din siya.
Maraming pag babago ang nangyari sa aming lahat. Maraming nabago sa aming lahat pero ang pag sasama namin alam kong tatagal habang buhay.
Nag umpisa na din kaming kumain. Early Christmas celebration at anniversary na rin namin ni Ali.
Ngayon masasabi ko na talagang masaya na ako. Masayang masaya na ako.
Sa susunod na kabanata ng buhay namin alam ko na marami pa kaming haharapin. Darating ang araw na mahihirapan kaming suongin ang mga bagyong kakaharapin namin pero ngayon alam kong malalampasan ulit namin eto dahil hindi lang kami ni Ali ang mag sasalba para sa amin. Meron na kaming apat na anak na tutulungan kaming harangan ang bagyong sisira sa amin. Meron kaming Jeric, Jing, Errol at Ericson na gagabayan kami hanggan tumanda kami at mawala sa mundong eto.
Ilang taon na ang lumipas at ang mga ala-ala mo parin Christian ang laging tumatakbo sa isipan namin. Maraming salamat sa iyo. Maraming salamat at dumating ka sa buhay naming lahat. You will always be our bridge. Kahit gaano ka na karupok. Ikaw at ikaw parin ang tulay na dadaanan namin para maka balik kami sa tamang daan. Your smile, kindness and specially your love that made us believe that it it worth to risk specially when you are risking for someone who is worth risking for.
Ikaw ako at si Ali ang mag papatunay nang walang hanggang pag kakaibigan.
Sa tamang oras at panahon, mag kikita tayong muli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top