Secrets

Ron pov

Madaling araw na pero heto mulat parin ako, buti nalang at wala kaming pasok mamaya, salamat sa medical certificate na binigay ni Ali dahil dun nakapag file ako ng emergency leave. Nakatitig lang ako sa kisame, Kinakabahan parin ako sa kung anong nangyayari kay Christian. Tinatawagan ko si Ali sa number niya pero hindi niya sinasagot.

"Teh, yosi tayo?" Nagulat ako nung bigla akong yayain ni Brea mag yosi. Matagal tagal na din simula nung itinigil niya tong bisyo na eto. Siguro nararamdaman niya din kung gaano ako na stress.

Tumango nalang ako at nag lakad papunta sa terrace.

Sabay kaming nag buntong hininga, parehong malalim, mas malalim pa sa pangarap naming dalawa.

"Ano kayang sakit ni Christian?" Tanong ko.

" Ewan ko. Pero, hindi mo ba napapansin yung mga rashes sa balat niya?"

" Napapansin ko, pero ano namang kuneksyon nun? Nag rarashes din naman ako,"

"Pero iba yung sa kanya, napansin ko yun nung unang dating palang niya sa office, tapos nung nag mall tayo parang mas dumadami, hindi ko lang tinanong kung may sakit siya kasi nahihiya ako,"

"Wait nga lang," Sabi ko at agad pumasok sa kwarto. Kinuha ko yung cellphone ko at dinial yung number ni Ali.

It took three rings bago niya sinagot.

"Ali, si Ron to hindi ko alam if it will be rude to ask, pero anong--"

Hindi pa ako tapos mag salita nung biglang nag salita si Ali. " He is suffering from Lupus," saad niya.

" Lupus?" Pasigaw kong sambit, nagulat si Brea at agad tumayo sa tabi ko.

Nagka titigan kami ni Brea ng mga limang segundo bago ako muling ang salita.

" Lupus? Diba sa mga babae lang yun?" Tanong ko.

" OO, pero may mga lalaki din na pwedeng ma apektuhan ng Lupus, and sad to say isa si Christian sa naapektuhan neto," Sagot niya.

" So- kumusta na siya ngayon?"

" Eto nag papahinga," Sagot niya

" Pakisabi sa kanya, bibisitahin namin siya bukas," Saad ko.

" Sige,"

" Salamat sa oras, bye na matutulog na kami, mag pahinga ka na din,"

" Sige, sige"

Naka tulala parin ako habang naka titig sa selpon ko.

" Teh, hui. Okay ka lang?" nabalik ako sa realidad nung bahagyang hinawakan ni Brea yung kamay ko.

" Teh, bakit ganun? kaya pala napaka eksited niya nung nag arcade tayo,akala ko nung una eksited siya kasi first time niya, pero hindi pala. Eksited siya kasi nafefeel niya na yun na yung huling time niyang makakapag arcade." Saad ko.

" Hindi ko alam teh, puntahan nalang natin siya bukas? Since naka sick leave ka naman, pwede natin siyang pasyalan," Suhestyon niya.

" Sige, puntahan natin bukas," Sagot ko, pumasok na din kami sa bahay at humiga na, kailangan naming matulog.

CHRISTIAN POV

" Tumawag si Ron kanina, kinukumusta ka," Agad na bungad sa akin ni Ali.

" Huwag mo sabihing nag seselos ka?" Pabiro kong tanong.

" Pwe, mag pahinga ka na nga lang jaan," Saad neto at handa ng mag lakad papalabas sa kwarto ko.

" Bro, mabait si Ron, sobrang bait. Kung bibigyan ka ng pag kakataon na mahalin siya ulit, please huwag mo na siyang gagaguhin." Saad ko.

Tumango nalang siya at dumerecho na sa pintuan.

Bahagya akong umupo at kinuha ang selpon sa bulsa ko nang makapa ko yung regalo ni Ali kay Ron. Hindi ko maiwasang hindi mapa ngiti, kahit sabihin kasi nilang dalawa na hindi na nila mahal ang isa't isa, nakikita ko sa mga mata nila na hinahanap parin nila ang kalinga at yakap ng bawat isa. Siguro isa akong guardian angel, ako yung magiging tulay para mag kaayos si Ali at Ron.

Naka titig ako sa bintana nung may nahagip ang mata ko na shooting star, kahit matanda na ako agad agaran kong pinikit ang mga mata ko at parang bata na humiling. Binuksan ko ang puso ko at kasabay ng pag hiling ko ang pag patak ng luha sa mga mata ko.

" Hindi ko alam kung hanggang kailan nalang, kung gaano pa kahaba at kung ilang oras nalang. Pero sana bigyan mo ako ng lakas para harapin ang bukas. Alam ko marami pa akong pag dadaanan, marami pang tulay ang aking tatawirin, sana makayanan ko pa."

Bigla akong nakaramdam ng malakas na hangin, agad kong niyakap ang sarili ko.Malakas na hangin ang dumampi sa balat ko, hangin na nag paalala sa akin ng mga nakaraan ko. Dampi mula sa nakaraan na gustong gusto kong balikan. Bahagyang pumatak ang luha sa mga mata ko. Pinikit ko muli ang mga mata ko at dinama ang hangin.

Ilang luha na ba ang natuyo sa mga mata ko? Kailan ulit ako makakatawa? Magiging masaya?

Bakit kung kailan nararamdaman ko na, na masaya ako tsaka ako pinag lalaruan ng tadhana? Saan ba ako nag kulang, saan ba ako nag kamali? I'm just 24 years old and andami ko pang gustong marating sa buhay, madami pa akong gusto ma achieve in life, pero bakit kinukuha na agad eto ng panahon?

I wanted to travel the world, gusto ko pang magkaroon ng sariling pamilya, makita ang mga anak ko na nag lalaro at nag aaral. Madami pa akong gustong gawin.

" Anak, ayos ka lang ba?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ng nanay ko. dahan dahan kong pinunasan ang mga luha sa mata ko at nilingon siya.

"OO naman, Ma. Bakit mo natanong?" Pangiti kong sambit.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Eto yung yakap na matagal ko ng gustong maramdaman.

"Nak, patawarin mo kami ng tatay mo kung hindi namin naibigay yung mga pangangailangan mo, patawad kung nag kulang kami, kung mas naging priority namin ang pag tratrabaho kesa ang alagaan ka," Sambit niya. Ramdam ko sa tono ng pananalita ni Mama kung gaano siya kalungkot.

" Ma, okay lang ano ka ba? Alam ko naman na ginagawa niyo ni Daddy yon para sa akin." Sagot ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag umiyak, ayokong maramdaman ni Mama na nanghihina ako.

Dahan dahan niyang hinimas ang likod ko. Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko.

" Anak, mahal na mahal ka namin, lakasan mo lang loob mo at makakayanan mo ding malampasan ang mga pag subok na ito, "Dagdag pa niya.

Huminga ako ng malalim at bahagyang tumingin sa itaas, pinipilit kong pigilan ang pag tulo ng luha ko. Pero bakit ganun? parang sirang gripo ang mga mata ko na patuloy ang pag agos ng mainit na luha.

"Ma, Sorry. Sorry sa mga nagawa kong mali, sa pag lihim ko ng sakit ko," Pag hihingi ko ng tawad. Siguro ngayon hindi ko kailangang umarte na malakas ako, siguro ngayon kailangan kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ngayon kailangan ko nang kausap at andito ang Mama ko para pag sumbungan ko. Para akong isang bata na umiiyak habang nag susumbong sa Nanay niya kasi inagawan siya ng lollipop. Tulo lang ng tulo ang luha sa mga mata ko.

Dahan dahang kumalas si Mama sa pag kakayakap sa akin at hinawakan ang baba ko para titigan siya. "Bakit ka humihingi ng tawad?" Tanong niya.

" Kasi madami akong nagawang pag kakamali," Saad ko.

" Anak, kahit anong mangyari, ikaw ang nag iisang anak namin. Hindi mo kailangang humingi ng tawad, hindi mo kailangang mag panggap na malakas ka. Hindi mo kailangang sarilihin ang problema mo. Andito ako, ang Daddy mo, handa kaming makinig sa iyo. Kaya huwag na huwag kang matatakot na kausapin kami," Sagot niya at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

" Ma, nanghihina na ako, hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ang itatagal ko. Madami pa akong pangarap pero hindi ko alam kung paano ko pa ito aabutin, kung paano ko pa sasalubungin ang umaga. Kung paano ko haharapin ang kinabukasan." Saad ko habang humahagulgol.

"Christian, Anak. Kailangan mong tatagan at lakasan loob mo, makakayanan mong lagpasan ang mga pag subok na ito. Andito lang kami, ako at ang tatay mo. Pati mga kaibigan mo andito lang sa tabi mo. Kami ang magiging lakas mo,"

" Natatakot ako,"

" Huwag kang matakot, gagaling ka. Sakit lang yan,"

" Pero nasa last stage na ako. Ma, wala ng lunas itong sakit ko."

" Hindi anak, gagawan namin ng paraan. Pupunta tayo sa ibang bansa para maka hingi ng tulong." Saad ni Mama.

" Hindi na Ma. Magaling naman mga Doctor dito sa Pilipinas. At kahit sinong Doctor pa yan, wala silang magagawa kung may taning na buhay ko."

" Ano ba, Anak maging positibo tayo sa buhay, huwag mong hayaang balutin ka ng lungkot. Kailangan mong maging matatag. Hahanap tayo ng kidney donor. "

" Pe-ro," Napa tigil ako sa pag sasalita nung bigla akong inubo at may kasamang dugo. Bigla ding sumakit sng tagiliran ko.

" Anak, tatawagin ko lang si Ali." Sigaw ni Mama, tatayo na sana siya nung bigla kong hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

" Ma, huwag mo akong iiwan, natatakot ako." Saad ko.

Agad umupo si Mama sa tabi ko at tinulungan akong pinunasan ang dugo sa bibig ko. Kinuha niya din ang cellphone niya at tinawagan si Ali. Mga dalawang minuto ang tinagal bago namin nakita si Ali na kasama si Ron at Brea na pumasok sa pintuan.

" Tita anong nangyari?" Tanong niya at agad akong inalalayan pahiga sa kama.

" Hindi ko alam, bigla nalang siyang nag suka ng dugo,tapos sumakit tagiliran niya."Saad ni Mama.

Naka titig lang ako kila Ron at Brea habang naka higa sa kama. Ilang buwan palang kaming mag kakasama pero ibang saya yung naihatid nila sa akin.

Naka ngiti ako habang naka titig sa kanya, bakas sa mukha nilang dalawa ang takot at pangangamba. Mag sasalita sana ako ng biglang umikot ang mundo ko at agad akong nawalan ng malay. Narinig ko pa ang pag sigaw ni Mama at Ali bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Siguro nga oras ko na, siguro nga kailangan ko ng mag pahinga. Kailangan ko ng tanggapin sa sarili ko na wala na, wala ng pag-asa na gagaling pa ako.

Malakas akong tao, sobrang lakas pero bakit ngayon nanghihina ako?

Lord, kung babawiin mo na yung buhay na pinahiram mo sa akin, kusa ko na pong isasauli, ibabalik ko na. Pero bago mo po sana kuhanin, bigyan niyo muna ako ng ilan pang oras para makapag paalam sa lahat. Sa magulang ko, at sa mga naging kaibigan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top