Phone Call

Ron

Naka sakay kami ng tahimik sa kotse ni Ali habang naka titig sa bintana. Bumabyahe kami ng tahimik papunta kay Christian.

"Wait lang. Ali mauna ka na. Punta muna kami ni Brea sa mall may bibilihin lang ako." Saad ko.

"Ano yun sama na ako."

"Hindi na." Sagot ko.

"Antayin ko na kayo." Saad niya

"Hindi na mauna ka na baka malusaw yung cake."Pag tangi ko.

" Sige."Sagot naman niya. Binaba niya kami sa mall. Agad naman kaming pumasok ni Brea. Naka hinga ako ng maluwag.

Ngayon nasa loob na kami ng mall ni Brea para bumili ng regalo para kay Christian, ngayon ang araw na matagal na niyang inaantay. Yung masorpresa siya. After neto pupunta na siya sa states para mag pagaling.

"Teh, naeeksite ako para iabot kay Christian etong regalo ko."Saad ko habang naka titig sa key chain na mickey mouse.

" Halata naman teh, "Sagot ni Brea.

Pasakay na kami ng elevator nung mahagip ng mata ko si Ali.

" Ron! "Sigaw niya.

Agad agad kong pinindot ang button para mag sarado ang pintuan.

" Teh, bakit iniiwasan mo parin si Ali? Akala ko okay na kayo? "Tanong ni Brea.

" Okay na kami, pero hindi ibig sabihin non na masaya na ako. "Sagot ko.

Tumigil ang elevator sa basement at lumabas na kami, pasakay na kami sa taxi nung makita ko muli si Ali.

Agad agad kaming sumakay ni Brea at sinabihan ang driver na paandarin agad ang sasakyan.

Yumuko ako para hindi ako makita ni Ali.

Naka yuko ako nung biglang may kumatok sa pintuan. Nagulat ako nang makita ko ang pawisang Ali na natatakot habang naka titig derecho sa mga mata ko

"Ron talk to me," Sigaw niya habang kinakalampag ang pintuan.

"Sir, tara na po," Utos ko sa driver.

Biglang kumirot ang puso ko ng makita ko si Ali na hinahabol ang taxi.

"Teh, kausapin mo muna siya."

Nilingon ko lang si Brea at nginitian. Nasa ganung posisyon ako nung biglang nag ring ang telepono ni Brea.

"Si Christian."Saad ni Brea at sinagot ang tawag.

Naka titig lang siya sa akin, bakas sa mukha niyang natatakot siya. Bigla niyang inabot yung phone sa akin.

" Hello? "Bati ko.

" Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?"Tanong niya.

Kinapa ko ang bulsa ko. Tumitig ako kay Brea at sinenyasan siya kung nakita ba niya ang selpon ko.

" Naiwan ko ata cellphone ko sa kotse ni Ali. "Sagot ko.

Huminga ng malaim si Christian.

"Ron?" Pang bungad niya sa akin, halata sa boses niyang nahihirapan siyang mag salita.

"Kumusta ka?" Tanong ko.

Narinig ko kung paano siya huminga ng malalim, halata sa boses niyang nahihirapan siyang huminga.

"Antayin mo ako, malapit na ako." Saad ko.

"Huwag mo na akong habulin, balikan mo na si Ali. Inaantay ka niya." Sagot ni Christian.

"Christian, hindi. Antayin mo ako, antayin mo kami ni Brea." .

" Balikan mo si Ali, mahal na mahal ka ng kaibigan ko."

"Christian, Christian? Antayin mo kami."

"Kausapin mo na siya, Ron. Tama na yung pag iwas mo sa kanya, mahal ka nung tao, tandaan mo madaming tao ang dadating sa buhay mo. Yung iba tuturuan ka maging matatag, maging masaya. Pero meron ding taong sasaktan ka. Papa hirapan ka. Pero ang dapat mong itatak sa puso mo eh yung mga lessons na naibigay nila sa iyo. Walang magagawa ang galit at inis kapag hindi ka natutong mag patawad."Saad niya

Ewan ko pero bakit bigla akong natakot. Natakot ako sa mga katagang binitawan niya.

Marahil tama siya, it's time for me to forgive.

Naka titig lang ako sa likod nung makita ko si Ali na pilit kaming hinahabol. Isa dalawa tatlong hakbang ang ginawa niya nung bigla siyang nasagasaan. Kita ng dalawang mga mata ko kung paano siya bumagsak sa kalsada.

"Ali!" Sigaw ko.

"Kuya pakihinto" sigaw ni Brea

Agad agad kaming lumabas ng taxi at tumakbo papunta kay Ali.

"Mahal na Mahal ka ng bestfriend ko. Patawarin mo na siya."Saad ni Christian.

" ANAK! "narinig kong sigaw ng Mama ni Christian sa kabilang linya.

" Christian, anong nang yayari? "

Naka tayo lang ako sa kalsada habang pinapakinggan ang ingay sa kabilang linya. Nakikinig ako habang naka titig sa katawan ni Ali na naka handusay sa kalsada.

Ilang minuto ang lumipas ng mag end ang call. Pinilit kong tawagan ang numero ni Christian pero wala nang sumasagot.

Biglang bumuhos ang ulan. Tumakbo ako papalapit kay Ali.

Habang umuulan, nakikita ko ang pag agos ng dugo niya sa kalsada.

"A-Ali. Ali." Bulong ko habang ginugungon ang katawan niya.

Naka luhod ako at yakap yakap ang katawan niya.

"No, please. No Ali. Gising huwag mo akong iiwan." Kasabay ng pag patak ng ulan ang pag daloy ng mga luha sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung saan ako lulugar, kung sinong pipiliin ko. Kung yung taong nag pasaya sa akin, yung taong nanjan nung may problema ako oh etong taong pilit hinihilom ang puso ko.

Kahit nahihirapan si Ali, pinilit niyang hinawakan ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang derechong pumapatak.

May lahi ba akong gripo? Bakit pag umiiyak ako dere-derecho ang pag agos ng maiinit na luha sa mga mata ko?

"Salamat." Huling salitang binitawan niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.

"No. NO! Hindi maaari, ambulansya. Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ko habang yakap yakap ang katawan ni Ali.

" Ali, please. Please, Huwag mo na ulit akong iiwan. Gumising ka jan, Pinapatawad na kita. Tama nga si Christian, kahit anong iwas ang gawin ko, ikaw at ikaw parin ang babalikan ko. Please, gising. " Umiiyak lang ako habang yakap yakap ang katawan ng mahal ko.

Limang minuto ang dumaan ng dumating ang ambulansya at agarang sinakay si Ali sa loob. Nanginginig ang tuhod ko habang inaalalayan ni Brea pumasok sa sasakyan.

Tama nga sila. Laging nasa huli ang pag sisisi. Marerealize mo lahat ng pag kakamali mo kapag nakita mo na nahihirapan ang taong mahal mo.

Bangungot ba eto? Nananaginip lang ba ako?

Napaka selfish kong tao. Hinayaan kong balutin ng madilim na kahapon ang maliwanag kong hinaharap. Hindi ko inisip ang mga consequences ng mga ginagawa ko. Bakit ko sinarado ang utak ko. Bakit hindi ko eto binuksan at hinayaang alamin ang mga bagay na dapat kong malaman, harapin ang mga pag subok na pilit kong iniiwasan.

Hindi maaring mawala ang dalawang taong importante sa buhay ko. Hindi maaaring iiwan nila ako ng sabay. Hindi ako papayag na matatapos ang kwento namin sa panget na paraan.

God please, help us. Tulungan niyo kaming malagpasan ang mga bangungot na eto. Bigyan niyo kami ng liwanag. Liwanag para harapin ang mga pag hihirap na eto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top