Patawad
Ron pov
Hindi ko alam ang gagawin, ang sasabihin. Bakit ganun, imbis na sarili niya ang iniisip niya
Bakit kapakanan ko pa ang iniisip niya? Bakit ako parin ang mas pinili niyang sumaya?
Ang hirap pilitin ng taong ayaw. Wala akong nagawa kundi makipag laro sa tadhana. Kung yun ang gusto ni Christian, sige gagawin ko.
"Teh, sigurado ka ba?" Tanong ni Brea. Nandito kami ngayon sa bar umiinom. Ang bigat bigat ng loob ko. Naka ilang bote narin ako, kailangan ko ng alak para palakasin loob ko. Ngayon haharapin ko ang dalawang taong kina mumuhian ko.
"Oo teh, kailangan ko tong gawin para kay Christian." Sagot ko.
Mga sampong minuto ang dumaan bago dumating si Nezza at Ali. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Teh, alis muna ako," Tatayo na sana si Brea pero agad kong hinawakan ang kamay niya. Kailangan ko siya ngayon. Baka bigla akong umiyak, kailangan ko ng masasandalan.
"Ron, sorry." Pambungad ni Nezza.
Tahimik lang ako habang naka titig sa kanilang dalawa. Masakit parin pala, masakit parin lalo na't nasa harapan ko silang dalawa ngayon.
Hindi ako umiimik, naka tingin lang ako sa kanila.
Dumating yung mga inorder ko na beer, isa isa kong binuksan at inabot sa kanila.
"Gaano na ba katagal mula nung niloko niyo ako?" Pag uumpisa ko.
"Sorry," Sagot nilang dalawa.
"Hindi ko kailangan ng sorry niyo. Limang taon, limang taon ko kinimkim to, limang taon kong pinilit kalimutan to pero hindi ko nagawa. Nezza, alam mong ikaw lang ang pinag kakatiwalaan ko, pero anong ginawa mo? Anong ginawa niyo? Pinag mukha niyo akong tanga. Ginamit niyo akong dalawa. Okay lang sana kung ibang babae eh, kaso ikaw, ikaw pa na tinuring kong kapatid ang aahas sa akin?"
Naramdaman ko ang pag hawak ni Brea sa kamay ko. Tinitigan ko siya. Nakikita ko sa mga mata niya kung paano siya naaawa sa akin.
Ngumiti ako.
" Sorry. Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa, Ron."Saad ni Nezza.
" Mag umpisa ka sa dulo. "Pambabara ko.
Huminga silang dalawa ng malalim.
"Kung hindi niyo kayang mag salita ako muna," Dagdag ko.
"Kaya kong mag patawad pero hindi ako nakakalimot. Papatawarin ko kayo hindi dahil gusto ko, patatawarin ko kayo kasi yun ang huling hiling niya para sa akin."
"Ron, alam ko hindi mo na kayang ibalik yung tiwalang binigay mo sa akin, sa amin ni Nezza. Pero sana mapatawad mo kami. Hindi ko naman gustong ilihim sa iyo yung sa amin ni Nezza. Minahal kita, God knows how much I loved you, kahit si Nezza alam niya iyon. Matagal na kaming mag On ni Nezza bago pa naging tayo. Kaso--"Napatigil si Ali nung biglang hinawakan ni Nezza ang kamay niya.
" It's fine, it's time na malaman niya ang totoo. "Sagot ni Ali.
Matagal ng sila? Pinag laruan nila ako?
" A-Ano ulit? "Pasigaw kong sagot. Nakita ko kung paano sila nagulat.
Ali took a deep breath before speaking." Naaalala mo yung araw na nadulas ako sa hagdan? Yung first time nating mag kita? It was a prank, planado lahat ng mga iyon. Plinano ng mga barkada ko. Plinano naming lahat, plinano naming pag laruan ka. Alam ko na--" Napatahimik si Ali nung binuhos ni Brea yung tubig na hawak niya sa mukha ni Ali.
" Hell! Putangina!Ali. Bakit niyo ginawa yon? Hindi niyo ba naisip yung pwedeng maging consequences nung mga katarantaduhan niyo? Ikaw Nezza, tinuring kang kapatid pero anong ginawa mo? Kinunsinte mo pa siya sa katarantaduhan niya? Tara na Ron. Walang patutunguhan tong usapang eto. "Sambit ni Brea at agad hinila ang kamay ko.
" Let us explain. "Saad ni Nezza.
" For what? Para saan? Para gaguhin niyo ako? "Sagot ko.
" Ron, that was the stupidest thing I've done. Oo, aaminin ko nung una nakikipag laro lang ako, pero habang tumatagal mas lalo akong nahulog sa iyo. Yung araw na nakita mo kami ni Nezza, Birthday ko. Yun yung araw na nakipag hiwalay ako sa kanya. Mas pinili kita, kasi ikaw yung laging nanjan sa likod ko nung kailangan ko ng masasandalan. Ikaw yung nag iisang taong nag paramdam sa akin na hindi ako basura. Last date namin yong araw na iyon, huling pag sasama dapat namin at kakausapin ka dapat namin pero naunahan mo kami. Nakita mo kami, sa hindi inaasahang oras at panahon nakita mo kaming mag kasama, pinilit kitang habulin para kausapin pero pinigilan ako ni Nezza. Pinigilan niya ako kasi alam niyang mainit pa. Kailangan mo munang mag palamig. Pero after that. Hinanap kita kaso wala ka na. Umalis ka na, kaya ang sabi ko sa sarili ko gagraduate ako at mag tratrabaho para pag nakita ulit kita. Hinding hindi ka ma didissappoint sa akin. "
Sabay sabay kaming nag buntong hininga.
" Ngayon nahanap na kita. Pwede bang bumalik na tayo sa dati? "Tanong niya." Gusto kong maramdaman yung mahigpit mong yakap, yung maramdaman yung mga matatamis mong labi. "Dagdag pa niya.
" Hindi na ako kagaya ng dati. Hindi na ako yung Ron na mahina. Malakas na ako. Alam niyo ba na yung buhay ko parang rubics cube? Pinilit kong buuin at ayusin tapos sinira niyo lang. Akala niyo ba ang salitang sorry at patawad maayos uli eto? Hindi kailangan niyo ulit pag tuunan ng pansin. Pag aksayahan ng oras para mabuo ulit! " Saad ko.
I controlled myself from crying, ayoko makita nila na mahina ako. Ayokong maawa sila sa akin.
" Alam ko, kaya nga andito ako para ayusin ka ulit. Para buoin ka ulit. Sa mga panahon na hindi kita nakikita. Parang naging jigsaw puzzle ang buhay ko. Ilang beses akong nasira, marami ding taong gusto akong buoin pero kahit anong gawin nila hindi nila magawa kasi may nawawalang parte. At ikaw yun Ron. Ikaw yung isang parteng nawawala, ikaw ang kulang para makumpleto at maayos ulit ako. Hindi ko, hindi namin hinihiling na mapatawad mo kami ngayon. Pero buksan mo ulit ang puso mo. Mag aantay kami hanggang mapatawad mo kami. "Saad niya.
Kumislot ng bahagya ang puso ko. Nakaramdam ako ng kaba.
Mag sasalita sana si Ali nung biglang nag ring ang cellphone niya.
" Ano? "Napasigaw si Ali at tumayo sa upuan.
" Anong nangyari? "Tanong ko.
" Nag flat life line ni Christian, "Sigaw niya.
Napa tayo kaming lahat at mabilisang lumabas sa bar.
Hindi to pwede, hindi niya kami pwedeng iwan.
Nahihilo na kami pero biglang nawala ang tama namin sa alak nung narinig namin ang balita.
Please, Christian. Antayin mo kami.
The scariest thing that might happen to one person is dying without even having the courage to make himself happy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top