Gising
Nilapitan ako ni Ron at hinawakan ang kamay ko. Kita ko sa mata niya na wala pa siyang tulog. Kahit namamaga mata niya pinilit niyang ngumiti.
Bahagya akong umupo.
"Kumusta ka?" Tanong niya.
"Okay lang," Sagot ko.
Huminga siya ng malalim.
"Ilang buwan na ba tayong mag kakilala? Isa, dalawa? Pero parang sampong taon na kitang kilala. Christian, kailangan mong maging malakas para sa loveteam natin," Saad niya at bahagyang tumawa.
Ngumiti din ako.
Huminga ulit siya ng malalim. "Kailangan mong pumunta abroad para mag palakas, duon gagaling ka,"
"Ron wala ng pag-asa, hindi na ako gagaling. Wala ng lunas tong sakit ko. Nasa last stage na ako, nanghihina na ako," Sagot ko.
Bahagya siyang tumingin sa itaas para pigilan and mga luha niya.
"Miracles exists," Maikling sagot niya. Simple words but I felt the power from it.
"Yes, nag eexist yan, kaso hindi para sa akin, ayoko mag pagaling abroad, wala na din namang kwenta. Mamamtay na ako," Sagot ko.
"Hindi! Hindi ka mamamatay," Sagot niya.
"Let's accept the--" Napatahimik ako nung bigla siyang tumayo at sumigaw.
"Christian, hindi ka mamamatay. Madami pa tayong gagawin, diba gusto mo pang sumakay sa roller coaster? Gusto mo pang mag picture habang naka suot ng costume ni mickey mouse?"
"Paano--"
"Nabasa ko diary mo, nakita ko lahat ng mga bagay na gusto mong gawin, sa tingin mo ba magagawa mo pa yon kung nag papaalam ka na?" biglang kumalma ang boses niya.
"Ron, alam ko na didisappoint ka na sa akin, pero wala akong magagawa kung eto naka tadhana sa akin,"
"Please. Christian, huwag matigas ulo mo, kailangan mong mag pagaling, malakas ka naman, gusto ko makita na naka ngiti ka,"
" Thank you sa lahat ng bagay na naitulong mo sa akin Ron. Alam ko na hindi pa ganun kalalim ang pag kakaibigan natin. Pero, kahit sa maiking oras na nakilala kita, masasabi ko na kuntento na ako. Kuntento na sa mga bagay na nakuha ko. Sa mga araw na pinasaya mo ako. Naramdaman ko na naabot ko na ang tuktok ng mundo. Masakit mang mama-alam, pero wala akong choice. Hiram lang ang buhay na eto. Kung babawiin na sa akin, wala akong karapatang tumanggi. Wala akong karapatang umayaw. "
" Lakasan mo lang loob mo, andito lang kami ng pamilya mo naka alalay sayo. "Sagot niya.
" Kahit gaano ka kalakas, pag napagod ka. Mapapagod ka, pag mang hihina ka. Mang--" Napa tigil ako sa pag sasalita nung bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
" Kapag nanghina ka, dapat gumawa ka ng paraan para lumakas ka ulit. Gawin mo kaming instrumento para maging malakas ka ulit. Hinding hindi ka namin iiwan, hinding hindi kami aalis sa tabi mo. Hinding hindi kami mapapagod alalayan ka."Sagot niya habang hinahagod ang likod ko.
Dahan dahan siyang kumalas sa pag kakayakap sa akin at umupo ng derecho.
Kinapa ko ang bulsa ko at inabot sa kanya yung box na regalo ni Ali.
"Ano to?" Tanong niya
"Iaabot ko dapat yan nung kumain tayo, regalo sayo ni Ali. Ron, ang hiling ko nalang sayo ngayon ay maging masaya ka, patawarin mo na si Ali sa mga nagawa niya, siguro etong storyang eto ay nabuo para sa ating dalawa pero hindi ako ang tamang tao para sayo, siya ang nag simula, akala natin tayo ang tatapos pero. Siya at siya parin pala ang tatapos ng kwentong sinimulan niyo, naging daan lang ako para mag kita ulit kayong dalawa. Naging daan ako para mag kaayos kayong dalawa. Ginawa akong instrumento para maayos niyo ang nasira niyong pag sasama, "
" Naaalala mo pa ba yung araw na nakita niyo ako sa labas ng office, yung bago tayo pumunta sa bahay niyo? Alam ko nakita mo akong naka tayo sa harapan ng kotse, sasakyan ni Ali yon, yun yung araw na sinabi niya sa akin yung sakit ko, yun yung araw na nakita ka niya ulit. Bakas sa mga mata niya na nasisiyahan siya. Bakas sa mga mata niya ang pangungulila. Alam ko masakit parin yung mga nangyari sa inyo. Nung naka
raan na nakita mo si Nezza, kinausap ko siya para kausapin ka. Para mag kaayos kayo, yun lang yung mga bagay na kaya kong ibigay sayo, malalim ang sugat sa puso mo. Pero kung hindi mo ito gagamutin mas lalo itong lalalim, matagal tagal na din yon Ron, kailangan mo ng mag patawad. Naging pansamantalang kaligayahan nating ang isa't isa habang inaantay mong bumalik si Ali sayo. "Saad ko.
" Papatawarin ko sila, pero ipangako mo na mag papagaling ka abroad, pupunta ka abroad para mag pagaling. Mag papalakas ka ulit, "Sagot niya.
Alam ko na hindi na ako gagaling, wala ng pag-asang gumaling pa.
" Oo, gusto ko pa kayong makitang masaya, "Sagot ko.
" Lalabas muna ako, "Sagot niya at nag lakad palabas ng pintuan.
" Huwag mong pilitin kung hindi mo pa kaya,"
" Kaya ko na, "Huling katagang binitawan niya at tuluyan ng lumabas ng pintuan. Kasabay ng pag sarado ng pinto ang pag patak ng mga luha ko.
Masaya ako? Masaya ba talaga?
Si Ron ang isa sa mga taong naging magandang parte ng buhay ko. Hindi ako nag sisisi na nakilala ko siya. Hinding hindi ako mag sisisi na minahal ko siya kahit mabilisang panahon lang. Pero tama nga sila, kung sino ang nauna, siya at siya ang magiging huli.
May mga taong magsasabi na. 'Sila ang nauna pero hindi sila ang wakas.' Pero ang masasabi ko lang sa love story naming tatlo. Si Ali ang nauna, si Ali parin ang wakas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top