Friday Night
Palabas na ako ng office nang mapansin ko si Christian na nakatayo sa harapan ng isang magarang kotse at tila ba nakikipag away eto, mag lalakad sana ako papalapit sa kanya ng bigla akong harangan ni Brea.
"Tara na!" Sigaw niya at agad ibinalot ang kamay niya sa braso ko.
"Si--Sige" Sagot ko
Nag lalakad kami palabas nung biglang tumayo si Christian sa harapan namin at nginitian kami.
"Magandang hapon po Sir" Bati ni Brea.
"Saan kayo pupunta?" Tanong niya
"Uuwi na po"
Napansin ko na namumugto mata ni Christian, para bang kakatapos lang niyang umiyak.
"Kain tayo sa labas, my treat?" Pang aaya niya.
"Si-sige," Sagot ko.
Ewan ko kung bakit yun ang unang lumabas sa bibig ko, hindi ako sanay na nag papalibre kasi I can afford everything, mayaman ako, char. Pero there is something in him na gusto kong alamin, parang gusto ko hukayin ang buhay niya.
"Saan tayo kakain?" Nabalik ako sa realidad ng biglang mag tanong si Brea.
"Barbeque, gusto ko kumain ng streetfoods," Sabi ni Christian.
"Sige sir," Agad na sagot ni Brea.
Nag umpisa na kaming mag lakad papunta sa bentahan ng barbeque habang nag kwekwentuhan. Ang sarap sa feeling na you are enjoying the life you have, tapos may makikilala kang tao and ililibre ka ba pa ng Barbeque, hahaha.
"San tayo after kumain?" Tanong ni Christian.
"Manunuod kami sa apartment ni Ron, sir." Sagot ni Brea.
"Ai oo nga noh, sama ako," Eksited na sigaw ni Christian.
"Sige ba, tara." Sagot ko naman. Pag katapos naming kumain eh, dumerecho nadin kami sa sakayan ng jeep at umuwi sa apartment ko. Prinipare ko na din ang tv at nag prepare ng popcorns. Ngayon Manunuod kami ng Theory of Love, next time na yung Tharntype.
" Sabi ko naman sa inyo maganda tong Theory of Love, tatlong beses ko na itong napanuod," Saad ko habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata ko.
" Oh, bakit? wala naman kaming sinasabi na hindi maganda 'to ah?" Sumbat naman ni Brea.
"Ay wala ba, bakit, masama bang mag explain?"
" Hindi naman friend, nagiging over acting ka lang, tignan mo nga sarili mo, naka ilang rolyo ka na ng tissue kakaiyak, parang kada episode eh iiyak ka," Pang aasar ni Brea
" Alam mo, madami ka ng nalalaman, kailangan ko na atang tapusin buhay mo," Pananakot ko sa kanya at akmang tatakpan ng unan mukha niya.
" HAHAHA, ang kwela niyong dalawa," Saad naman ni Christian.
" Ay hala, andito ka pa pala? HAHAHA," Pang aasar ko.
Agad naman akong kinurot ni Brea sa tagiliran.
" Ano nanaman!"
" Wala yang bunganga mo ayusin mo,"
" Bakit tabingi ba?" Sagot ko at humarap sa salamin para icheck ang maganda at fresh ko na mukha.
"Wala ka talagang kwentang kausap minsan, swear," sumbat ni Brea at agad binato ang hawak niyang unan, handa na sana akong ibato sa kanya yung hawak kong lampshade pero agad etong tumakbo at dumerecho sa kusina.
" Anong gusto niyong kainin? nagugutom na ako," Sigaw niya
" Kahit ano na, mag luto ka na jan," Sigaw ko
" Sir Christian, anong gusto mong kainin? walang kwentang kausap yang si Ron eh,"
" Kahit ano na," Sigaw niya pabalik.
Tumayo na din ako at inayos yung mga tissue na naka kalat sa sahig, napa titig din ako sa orasan. " Alas kwatro na pala ng madaling araw, buti nalang day off nating tatlo bukas," Saad ko.
" Oo nga eh, ganito pala ang buhay pag wala kang iniisip na trabaho kinabukasan," Sagot ni Christian.
" Totoo din,"
" Mag yoyosi lang ako ha, jan ka muna sa kwarto,"
" Wait nag yoyosi ka?" Tanong ni Christian, bakas sa mukha niya ang gulat.
" Ah, oo, pero paminsan minsan lang naman, kapag--" hindi pa ako tapos sa pag sasalita ng biglang tumayo sa harapan namin si Brea
" Ang dami mong alam, huwag ka maniwala jan Sir. Laging nag yoyosi yan, tagal ko na ngang pinapatigil yan pero yung bunganga niya parang tambutso ng kotse," Saad neto sabay hampas sa bunganga ko.
"Aray ko, that hurts you know?" Sagot ko naman at agad siyang inirapan.
Sa totoo lang, gustong gusto ko nang itigil ang pag sisigarilyo pero ewan ko ba, tuwing stress ako eto lang nag papagaan ng loob ko, parang stress reliever ko to.
Nabalik ako sa realidad nung bigla akong kurutin ni Christian.
"May sinasabi ka?" Tanong ko habang kinakamot ulo ko.
" OO, ano bang nakukuha mo sa paninigarilyo? Anong benefits niyan?"
" Ah, stress reliever, alam mo yun, yung pag stress na stress ka, sigarilyo lang yung pwede mong kapitan, mas okay naman na to kesa mag drugs ako diba?" Tanong ko pabalik," Tsaka kahit pilitin ko kasi na tanggalin to sa sistema ko, parang tuwing napapagod ako kusa siyang hinahanap ng katawan ko," dagdag ko pa.
" Ah ganun ba?"
" Gusto mo bang subukan?" Tanong ko at akmang aabutan siya ng isang piraso ng Marlboro blue. Agad namang hinampas ni Brea ang kamay ko, sanhi ng pag kahulog ng yosi sa sahig.
" Tuturuan mo pa ng bisyo mo si Christian, demonyo ka talaga,"
" HAHA, gaga kaya nga tinanong ko kung gusto niya diba?"
" Hindi, hindi na ako nag sisigarilyo, tinigil ko na," Sagot ni Christian
" Sana all kayang itigil, Charot," Pabiro kong sagot
" Kaya mo naman pag gusto mo, oh kung gugustuhin mo, pero ngayon siguro hindi mo pa kaya, pero soon makakayanan mo yan, nakaya ko nga eh, ikaw pa ba," Saad niya at agad akong kinindatan.
" Andami niyong alam kumain na nga kayo, tapusin ko lang to, susunod na din ako mamaya," Dumerecho ako sa terrace at sinimulang sindihan ang sigarilyo na hawak ko.
Habang naka upo ako, hindi ko maiwasang alalahanin yung mga nakaraan ko, kumusta na kaya si Ali,si Ali na ginawa kong mundo, ginawa kong langit pero trinato akong lupa, Kumusta na kaya yung mga pangarap na plinano namin na binuo niya sa ibang tao?
Biglang umihip ang malakas na hangin, napayakap ako bigla sa katawan ko. I took the moment to take a deep breath.
" Ang lalim naman ng buntong hininga mo?" Nagulat ako ng biglang sumuplot sa likuran ko si Christian habang bitbit ang kanyang makapal na mukha, ay este jacket.
I smiled." Ang sarap kasi ng simoy ng hangin eh," Sagot ko
Lumapit siya sa akin at ipinatong ang jacket niya sa balikat ko, agad ko naman itong hinubad at ibinalik sa kanya," Hoi suotin mo nalang sanay na ako sa lamig," Saad ko.
" Hindi suotin mo na," Sagot niya at umupo sa tabi ko. " Ang ganda ng langit, ang aliwalas, kitang kita mo ang mga bituin," Sabi niya habang naka titig sa kalangitan.
Hindi ko alam pero tila ba may malalim na problema itong taong to, mahilig siyang ngumiti at tumawa pero makikita mo ang kalungkutan sa mga mata niya, makikita mo na tila ba'y may malalim siyang problema na hindi niya kayang sabihin sa iba, na mas pipiliin niyang solohin nalang kaysa ikwento sa iba, selfish naman pala to. Charot.
" May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.
" Wala naman, bakit mo naman natanong?"
" Wala lang, para kasing may mabigat kang problema eh, halata sa mukha mo na may problema ka, pag kailangan mo ng masasabihan, andito lang ako, hindi tayo ganun ka close pero. I can lend you my shoulders when you need." Kibit balikat kong sagot.
" Salamat, pero ayos lang talaga ako no need to worry,"
" Okay, tara na sa loob at kumain," Sabi ko at tumayo, tumayo na din si Christian at sumunod sa akin sa loob ng bahay.
" Buti naman at naisipan niyon pumasok. Ano?" Pabirong sabi ni Brea.
" Malamig na sa labas eh," Sagot ko at umupo.
" Oh siya, kumain na tayo't inaantok na ako eh," dagdag pa neto.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang mabulunan si Christian, agad namang inabutan ni Brea ng tubig.
" Ayos ka lang?" Tanong ko habang hinihimas ang kanyang likuran.
" OO salamat, ang sarap pala mag luto ni Brea,"
" Anong masarap jan, eh itlog at tocino lang yan, bolero ka. " Sagot ko at mahinang hinampas ang kanyang likuran.
" Hoi, masarap naman talaga ako mag luto ah, sadyang yan lang laman ng ref mo kaya yan na niluto ko," Pagalit na sagot ni Brea
"Biro lang, eto naman masyadong seryoso, "Sagot ko at tinusok ng tinidor ang tocino na nasa plato.
Pero sa totoo lang, masarap talagang mag luto si Brea, minsan nga napapaisip nalang ako kung bakit naging kaibigan ko to eh, naging kaibigan ko lang ata tong si Brea para may taga luto ako.
" Tara sa Mall bukas?" Saad ni Christian.
" Good idea, makaka pag grocery na din ako," Sagot ko naman.
" Sige, dito naman na kayo matutulog kaya sakto lang sabay sabay na tayo umalis," Sagot ko
" Wala akong extrang damit," Sagot naman ni Christian
" Hindi ka naman siguro maarte 'no? may mga extra ako na damit, kasya naman siguro sa'yo mga yon, yun nalang suotin mo or kung gusto mo damit ni Brea suotin mo, madami din siyang damit dito sa apartment ko eh, akala mo bahay niya kapal ng mukha," Pang aasar ko.
" Hoi, sa bahay madami ka ding damit. Half ng cabinet ko damit mo ang laman, huwag ambisyosa," Pang babara niya sa akin.
" Che, dalian niyong kumain at inaantok na ako. Christian dun ka nalang sa kama humiga, tabi na kami ni Brea dito sa lapag may extra foam naman ako," Sagot ko habang inaayos yung hihigaan namin.
" Hindi ako na sa lapag kayo na sa kama," Sagot naman nito
" Nakikita mo ba kung gaano kaliit yung kama ko? sa tingin mo ba kasya kaming dalawa jan? Okay lang dito na kami, tsaka sanay naman na kaming magkatabi ni Brea huwag kang mabahala," Sagot ko
" Sige, sige,"
Mag aalas singko nadin nung humiga kaming tatlo, wala pang 30 minutes nung maka tulog kaming lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top