Ex-Cuses
Nagising ako sa sigaw nang walang hiyang Brea na to. " Good Morning, alas dose na baka gusto niyo nang bumangon? Alas dyes ang usapan,"
Napabalikwas ako sa kama at agad nilingon ang orasan, " Shit, oo nga napasarap tulog natin, mag luto ka na ng breakfast para derecho na tayo mamaya," sagot ko at nilingon si Christian na nag uunat.
" Sorry napa sarap tulog ko. Good Morning," bati niya sa amin.
" Okay lang maligo ka na, mag luluto muna si Brea tapos mag liligpit lang ako," Sagot ko.
" Sige sige,"
Dumerecho sa banyo si Christian at sa kusina naman si Brea, inumpisahan ko ng mag linis ng may mahagip ang mata ko sa gilid ng kama. Pinagpag ko ang bedsheet ng may mahulog na maliit na papel, pinulot ko to at binasa ang naka sulat.
Ali Dela Cruz, 09127846910" Calling card ni Ali? Doctor na siya? Bakit may ganito si Christian? Tanong ko sa sarili ko.
" Hoi!" Napa balikwas ako ng biglang sumigaw si Brea, agad agad kong tinupi ang papel at hinarap siya.
" Pota ka!" Pasigaw kong sabi.
" Anong ginagawa mo?" Tanong niya
"Boba, nag lilinis," Sagot ko
" Hindi may binabasa ka eh ayan oh tinupi mo pa sa palad mo," Sagot niya habang naka turo ang nguso niya sa palad ko.
" May nakita kasi ako na calling card ng isang Doctor, siguro kay Christian to, pero mas lalo akong nagulat kasi yung pangalan ng Doctor ay si Dela Cruz,
" Dela Cruz? si Ali? yung EX mo? Si Ali na binuo mo pero sinira ka ng paulit ulit? Si Ali na minahal mo pero niloko ka lang? Si Ali na---" Na tahimik siya sa pag sasalita nang ibato ko ang unan sa mukha niya.
" Sige ipamukha mo pa kung gaano ako nag paka tanga sa kanya," Pang iirap ko sa kanya.
" Hoi biro lang eto naman, pero bakit kaya meron siya niyan?" Tanong niya
" Malay ko, tanungin mo kaya si Christian?"
" Ayoko, gaga, ayoko mangialam sa buhay niya no,"
"Tapos na ako maligo," Nagulat kami ng biglang sumulpot sa likuran namin si Christian.
" Pota," sabay naming sigaw ni Brea.
" Sorry, asan ko pala kukunin yung damit?" Tanong neto.
" Duon sa cabinet," Sabay turo ko nung cabinet ko.
Hindi ko maiwasang mabighani sa katawan ni Christian, 6 pack abs tapos ang ganda pa ng kutis niya, parang kutis ng artista. Kutis artista pero bakit andaming pantal? Kagat ba ng lamok yon?
" Laway mo teh," Bulong ni Brea, agad ko namang pinunasan ang bibig ko. Pag katapos ko mag linis, dumerecho na din ako sa CR para maligo. Prinipare na din ni Brea yung damit na susuotin ko. Habang naliligo hindi mawala sa isipan ko yung katawan ni Christian, ang sarap kagatin. Chos. Bigla kong sinampal ang sarili ko dahil sa kahalayang nabubuo sa isipan ko, binuksan ko na ang shower at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa katawan ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag sasabon ng bigla kong maalala yung calling card ni Ali kanina, bakit kaya merong copy nun si Christian? Doctor niya kaya si Ali? at natupad na nga ni Ali ang pangarap niya, ngayon Doctor na siya. Naaalala ko yung mga araw na tinutulungan ko siyang mag review para sa exams niya, yung mga araw na hindi ako natutulog para tulungan siyang mag memorize ng internal organs ng isang tao, mga araw na tinapay at kape lang ang pang tawid ko ng gutom kasi tinitipid ko ang pera ko para matulungan siyang mabayaran ang tuition fees niya. Dati ang saya saya ko pa nung tinutulungan ko siya, kasi alam ko na ginagawa niya eto para sa amin, para sa kinabukasan namin. Pero nasira at nag bago ang lahat nung isang araw nakita ko siya sa mall na kasama si Nezza, yung nag iisang kaibigan ko na tinuring kong Best friend at kapatid, Birthday niya yung araw na yon, bumili ako ng gift at tsaka cake para sana surpresahin siya, pero hindi ko akalain na ako pala ang masusurpresa, yung araw na nakita ko silang mag kasama at mag kahawak ang kamay ay nginitian ko lang silang dalawa at nag lakad papalayo, hinabol pa ako ni Ali pero hindi ko siya nilingon. Pinigilan ko ang sarili ko na sampalin silang dalawa, ang sakit kasi niloko nila akong dalawa. That time, pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako mag mamahal, hinding hindi ko din mapapatawad silang dalawa. Hindi na din ako mag titiwala, alam ko masyadong mababaw ang rason, pero malalim ang sakit na ginawa nila. Masyadong malalim ang pag kakabaon nila ng kutsilyo sa puso ko, kutsilyo na hanggang ngayon hindi ko matanggal kasi masyadong masakit para hugutin ko nang biglaan.
" Hoi tagal mo maligo!" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang malakas na pag katok ni Brea.
"Tapos na palabas na ako," Sagot ko.
Dumerecho ako sa kwarto at nag bihis, plain white T-shirt at shorts lang ang susupotin ko, yung T-shirt ay may maliliit na punit na disenyo neto. Pag katapos ko mag bihis dumerecho na ako sa sala at umupo para kumain.
" Bagay mo yang mga ganyang damit," Saad ni Brea.
" Alam ko, kahit ano namang ipasuot mo sa akin babagay eh, kahit nga basahan ipasuot mo it will look expensive kapag ako na ang gumamit," Pag mamayabang ko.
" Ang dami mong alam, kumain ka na nga tayo," Sagot neto.
Pag katapos naming kumain ay sabay sabay na din kaming lumabas sa apartment at sumakay sa jeep, mabibilang sa palad ko kung ilang beses akong pumasyal sa mall, simula kasi nung nag hiwalay kami ni Ali, nag focus nalang ako sa pag aaral at nung maka graduate ako nag focus naman ako sa pag tratrabaho dahil duon nawalan ako ng oras sa pamamasyal, so para tuloy akong bata na masyadong eksited na maka tapak sa mall. Pag dating namin, dumerecho muna kami sa isang coffee shop at nag order ng kape.
" Anong gusto niyong flavor?" Tanong ni Christian.
" Caramel Machiatto hot, kay Ron at Choco chip frappe naman sa akin," Sagot ni Brea.
Ilalabas ko na sana yung wallet ko pero nag offer si Christian na siya na daw ang mag babayad.
"Wow ang galante," Pag bibiro ko.
" Maliit na bagay," Sagot naman niya at inabot ang pang bayad sa cashier. Umupo na din kami ni Brea habang inaantay si Christian.
" So kumusta ka naman?" Tanong ni Brea.
" Huh? Okay lang naman, bakit?"
"Tahimik ka eh, kanina pa sa byahe hanggang pag dating natin dito? Anong problema? Huwag mo sabihing naaalala mo nanaman si Ali kasi nandito tayo sa mall?"
Alam kasi ni Brea na kaya ayoko nag mamall kasi naaalala ko yung araw na nag hiwalay kami ni Ali. yun din yung rason kung bakit naging close kami ng taong to, naalala ko yung araw na umiiyak ako habang naka upo sa bench sa parke, bigla siyang lumapit at inabutan ako ng panyo, hindi ko siya kilala, she was a stranger but she did not hesitant to help me, guardian angel na mukhang demonyo, parang ganun.
" So anong uunahin kong sagutin sa mga tanong mo?" Pabalik kong tanong sa kanya.
" Bahala ka,"
" Wala, wala lang. Ewan ko, bigla kasi bumalik lahat nung pain eh, nung nabasa ko pangalan niya kanina hindi ko alam kung naka move on na ba ako or what, I am not sure talaga," Sagot ko.
" Here's your coffees guys,"
" Bakit apat? Kanino yung isa?" Tanong ko.
" Ah, papunta dito yung kaibigan ko, ipapakilala ko sa inyo," Sagot ni Christian.
Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan, bumilis bigla ang tibok ng puso ko.
" Okay," sagot namin ni Brea
Mahigit sampung minuto na kaming nag antay sa kaibigan ni Christian. " Punta muna ako ng CR," Pag papaalam ko.
" Sige," Sagot nilang dalawa.
Hindi ko talaga mawari ang nararamdaman ko ngayon, napaka bilis ng tibok ng puso ko hindi rin ako mapakali para bang may masamang mang yayari.
Pag katapos ko mag hugas ng kamay eh agad na akong lumabas ng pintuan at bumalik sa kinauupuan namin. Pabilis nang pabilis ang pag tibok ng puso ko habang nag lalakad ako pabalik.
"Besh, tara na mauna na tayong mamili," Nagulat ako sa pag sulpot ni Brea sa harapan ko.
" Huh? Bakit?" Tanong ko.
" Baka kasi magulat ka pag nakita mo yung kaibigan ni Christian,"
"Bakit sino ba iyon?"
" Si--" Hindi pa tapos sa pag sasalita si Brea ng biglang tumayo sa likuran niya si Christian at kasama niya si--
" Ron, si Ali pala Kaibigan ko,"
Biglang tumigil sa pag ikot ang mundo ko, para akong nasa isang movie show tapos lahat ng bagay ay gumagalaw nang mabagal, naramdaman ko din ang mabilis na pag tibok ng puso ko at ang pag daloy ng malamig na pawis sa noo ko.Napabalik ako sa realidad nung hinawakan ni Ali palad ko. Bakit ganun? naka ramdam parin ako ng electricity sa pag hawak niya, naramdaman niya rin kaya iyon?
"Kumusta ka na?" Bati niya sa akin.
Ngumiti ako, tinatagan ko ang sarili ko at inilahad ang palad ko sa kanya.
" Okay lang naman," Sagot ko.
"Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ni Christian.
" Yes, he was my--"
"He was my high school friend," Panunupalpal ko. Nakita ko kung gaano nagulat si Brea at Ali sa sagot ko. Ayoko malaman ni Christian na Ex-Boyfriend ko si Ali, ayoko malaman niya na kaibigan niya yung taong sumira ng mundo ko.
"Ganun ba?" Sagot nito
" Yes, let's go back to our seats? Tapusin na natin yung kape, marami pa tayong gagawin mamaya," Sumbat ko at agad nag lakad pabalik sa upuan namin. Huminga ako ng malalim bago umupo sa upuan. Ngayon kailangan ko suotin ang pekeng maskarang matagal kong itinago, kailangan ko ipakita kay Ali na hindi ako apektado sa pang iwan niya sa akin, kailangan ko ipakita sa kanya na matatag at masaya na ako.
" So si Ron pala yung kwinekwento mo sa akin na ka trabaho mo?" Tanong ni Ali kay Christian.
" Yes, yes, siya yung tumutulong sa akin sa office,"
" Kumusta naman siyang katrabaho?" Tanong sa akin ni Ali.
" Well, okay lang naman, siya yung tao na kahit anak ng may ari ng kumapanya hindi ko naramdaman na anak siya ng may ari, napaka down to earth niya," Sagot ko
" Flowery words ka naman masyado," Pag bibiro ni Christian.
" I'm just being honest, ganito talaga ako hindi ako mahilig gumawa ng kwento, hindi ako mahilig mag biro alam ko kasi yung pakiramdam ng niloloko," Sagot ko at hinigop ang kape ko.
"Ang lalim ng hugot ah mukhang malalim ang problema," Pag bibiro ni Ali.
Agad ko siyang tinitigan at nginisian.
" Totoo naman, sabagay hindi mo kasi alam yung pakiramdam nung maloko at mapag laruan, player ka kasi nung high school. " Sagot ko, agad naman siyang napa tahimik." Biro lang, sa totoo lang hindi ko na nga maalala kung paano tayo nag kakilala nuon eh anong year ba tayo naging mag kaklase?" Sagot ko habang hinihimas ang baba ko.
" Hindi ko din maalala kung paano basta ang alam ko naging close tayo kasi kay Nezza--"
Napa igting ang panga ko nang marinig ko nanaman ang pangalan ng hayop na babaeng iyon, napa tingin na din ako kay Brea, agad naman niya akong nginitian.
"Haist tama na nga tong topic natin, kinalimutan ko na yung mga panget na nakaraan, naka move on na ako sa past ko huwag na nating balikan," Pag bibiro ko.
Sabay sabay kaming tumawa.
" San pala tayo pupunta pag katapos natin mag kape?" Tanong ni Christian.
" Kami ni Brea baka mag mamarket kami ng stocks sa apartment. Ikaw baka may lakad kayo ni Ali, okay lang naman sa amin kung mauuna na kayo. " Sagot ko.
" Wala akong lakad free ako ngayon," Sagot naman ni Ali
Leche naman, hindi nanaman ako makaka kilos ng maayos neto.
" Oh wala palang lakad eh, edi tara mag arcade muna tayo, tapos, mag lunch tayo sa restaurant na lagi kong kinakainan, tapos spa, salon, tara din sa bookstore, tapos sa--"
" Andami mo namang plano? matatapos ba natin ng isang araw lahat ng iyan?" Sumbat ko.
" Ah eh, gusto ko kasi ifulfill yung mga nasa bucket lists ko bago mahuli ang lahat," Sagot ni Christian, bakas sa mukha niya ang lungkot at takot.
" Mahuli ang lahat?" Tanong ni Brea
"Kasi--" Napa tahimik si Christian nung bigla siyang tinitigan ni Ali, alam ko ang mga galawang ganito, alam ko ang mga senyales na ito, yung titigan na yan may nais ipahiwatig yan.
" Wala, wala, gusto ko lang ma experience yung mga bagay na hindi ko nagawa nung bata pa ako," Pag papalusot ni Christian.
Nginitian nalang namin siya, tumayo na din kami at pumunta sa arcade para mag laro para tuloy kaming mga bata.
" Gusto ko yung claw games, yung susungkit ka ng mga stuffed toys," Sigaw ni Brea
" Edi punta ka," Sagot ko
" Eh di ako magaling jan, alam ko na specialty mo to," Sumbat neto habang hinihila kamay ko.
Tumayo ako sa harapan ng machine at nag hulog ng token, matagal tagal na din simula nung huli akong nag laro neto. Hindi ko alam kung alam ko pa ang techniques.
Habang minomove ko ang claw nakikita ko sa gilid ko kung gaano ka excite si Ali at Christian, alam din kasi ni Ali na magaling ako mag laro ng ganito, baka andami kong nabigay na stuffed toys sa kanya.
Nakuha ko yung stuffed toy na stitch ang design at sinunod ko naman yung spongebob design, ilang minuto narin akong nag lalaro, madami na akong nakuha na stuffed toys, nagulat ako nung mapansin ko na halos lahat ng tao eh naka titig na sa akin, pati yung mga staffs naka titig na din, paano ba naman isang malaking plastik na ng stuffed toys ang hawak ni Brea, mahigit limang beses na din nag lagay ng panibagong laruan yung mga staffs.
"Sir, ibigay ko nalang ata sayo lahat ng mga stuffed toys dito," Pag bibiro nung staff.
Nginitan lang namin siya.
"Tama na, tara mag basketball," Sabi ko at agad lumayo sa machine, ang saya saya naman ni Brea dahil mapupuno nanaman daw ang room niya ng stuffed toys. Inirapan ko lang siya at hinayaang buhatin yung isang sako ng stuffed toys.
Dumerecho din kami sa basketball area, dito naman magaling si Ali, magaling siyang mag laro ng baskteball, varsity siya sa school namin dati sa sobrang galing niya nga mag laro ng baskteball pati feelings ko pinag laruan niya.
Halos kalahating oras ding nag laro si Ali, naka ipon din siya ng tickets na pwedeng ipalit sa items, pumunta kami sa cashier at ipinalit ang tickets na naipon nila ni Christian.
" Wow, naka ipon kayo ng 2 thousand tickets dahil lang sa baskteball?" Nalolokang tanong ni Brea.
" Anong kukunin natin?" Tuwang tuwang tanong ni Christian, etong taong to parang 8 years old na bata, sobrang excited at ang saya niya. Sabagay, mayaman kasi siya kaya hindi niya alam ang feelings ng manalo sa arcade.
" Yung human size bear nalang, para may katabi kang matulog," Suhestiyon ko.
" Magandang idea," Sagot naman ni Brea at Ali.
"Sige,"
Pag katapos naming mag laro, dumerecho na din kami sa restaurant at kumain, nag order ng isang katerbang pagkain si Christian. Halos lahat ng nasa menu inorder na niya sana nag pa buffet nalang siya diba? akala mo kakalaya sa preso ng taong to.
" Galing ka bang kulungan? parang gutom na gutom ka? andami nating pagkain," Pag bibiro ko
Imbis na sagutin ako, kinuha niya yung sako na hawak ni Brea at isa isang nilabas yung mga stuffed toys, pinag hatian nilang dalawa ang mga laruan sa loob.
" Anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Christian.
" Stitch, lilo and stitch, yun ibigay mo sa kanya favourite niya yon," Sagot ni Ali.
" Gusto ko yung spongebob," Sagot ko naman. Favourite ko si Stitch ng Lilo and Stitch dati, pero ayoko na ngayon, naaalala ko kasi yung binigay ko na human size na Stitch kay Ali.
" Nagbago ka na ng favourite?" Tanong ni Ali.
"Oo matagal na, lahat naman nag babago eh, lahat kayang palitan," Sagot ko at hinila yung Spongebob na naka suot ng pirate outfit.
" Oh siya, ilagay natin muna sa kotse ko yang mga yan para maka lakwatsa tayo ng maayos," Suggestion ni Ali.
"Sige tayong dalawa na mag lalagay sa kotse," Sagot naman ni Christian, tumayo nadin silang dalawa at umalis. Naiwan kaming dalawa ni Brea. Dumating na din ang mga pagkain kaya nag umpisa na din akong kumain kasi nagutom ako sa pagod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top