Emergency LOVE
CHRISTIAN POV
Yakap ang sumalubong sa akin pag tapak ko sa loob ng bahay namin, mahigpit na yakap galing sa aking mahal na Ina.
" I missed you so much," Saad niya at hinalikan ako sa pisngi.
" Namiss ko din kayo," sagot ko.
Dumerecho naman kami sa sala at kumain, ang daming pagkain na naka handa sa lamesa, akala mo nag pa fiesta sila Mommy at Daddy. Kung nandito sila Brea at Ron, siguro busog na busog nanaman sila.
"Anak, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Mommy habang hinihimas kamay ko.
" Ah oo Mommy, sorry may naalala lang ako,"
" Bakit ka nga pala nag trabaho sa opisina natin?" Tanong niya
" Gusto ko ma experience na mag kapera na ako mismo ang nag hirap, ayoko na lagi akong naka depende sa inyo ni Daddy, kaya din ako bumukod ng tirahan para masubukan ko mamuhay ng mag-isa," Sagot ko at tinitigan si Ate Joana.
"Sorry ate Joana, hindi ako nag paalam nung umalis ako. Alam ko kasi na hindi mo ako papayagan,"
" Naku ka talaga Sir. kahit kailan talaga, Okay lang yon. At least may natutunan ka nung umalis ka dito sa mansyon niyo, diba?" Sagot niya.
" Madami ate, sobrang dami. May mga nakilala din ako na mga tao na naging close friends ko, nga pala sumabay na kayong kumain sa amin. Masyadong madami tong pagkain na inihanda ni Mommy kung kaming tatlo lang ang kakain," Pag aaya ko sa kanila.
" Sige Sir. Mauna na kayo, mamaya na kami kakain, ang panget naman tignan kung sasabay ang mga katulong sa mga amo nila sa hapag kainan." Sagot niya.
" Anong nakakahiya duon ate Joana? Pamilya tayo dito, hanggat maaari dapat sabay sabay tayo sa pagkain," Sagot ko at hinila siya papunta sa silya sa tabi ko.
" Ma'am, Sir, Okay lang po ba na--" Napatahimik si ate Joana nung nilagyan ni Mommy ng tocino yung plato niya. " Tama si Christian, Joana, pamilya tayo," Sagot ni Mommy.
Isa isa ko na ding tinawag lahat ng trabahador sa bahay. Ang sayang tignan na sabay sabay kaming kumakain at nag tatawanan.
Bakas sa mata nila Mommy at Daddy kung gaano sila nasisiyahan. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Nabalik ako sa realidad nung hinimas muli ni Mommy yung kamay ko.
" Anak, may problema ba?" ramdam ko ang takot sa boses niya.
Ngayon kailangan ko ng aminin lahat sa kanila habang kumpleto pa kami. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga mata ko.
" Mom. Dad. I have an important announcement to make," Saad ko.
" Ano yon?" Tanong ni Daddy.
Huminga ako ng malalim bago nag salita." Latest ko lang nalaman--"
"Good Morning," Napa tingin kami sa pintuan nung biglang dumating si Ali.
" Tinawag ko siya," Sagot naman ni Daddy.
Mas mabuti ng andito si Ali mas maeexplain niya yung sakit ko.
" Good Morning Tito,Good Morning Tita," Bati niya
Nag lakad si Ali at tumayo sa likuran ko, bahagya niya ding tinapik ang balikat ko. Senyales andito siya sa tabi ko.
Natatakot ako, kinakabahan, ano kayang magiging reaksyon nila pag nalaman nila na may Lupus ako?
Hindi ko alam ang gagawin, hindi ako mapakali. Bahagya akong pumikit at huminga ng malalim. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng hilo.
"Nahihi--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla akong bumagsak sa kina uupuan ko.
Nagising ako dahil sa ingay ng kapaligiran ko.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko agad sila Mommy at Daddy na naka titig sa akin.
" Kumusta pakiramdam mo?" Tanong ni Ali.
" Okay lang naman, anong nangyari?" Tanong ko.
"Nawalan ka ng malay kanina," Sagot niya.
Tumango ako at dahan dahang umupo sa kama.
"Anong gusto mo?" Tanong ni Mommy.
"Wala," Sagot ko. Bakas sa mga mata nila ang lungkot at takot. Hindi ako sigurado kung inamin na ni Ali ang sakit ko.
" Mag pahinga ka muna anak, tawagin mo nalang kami pag kailangan mo ng kahit na ano," Sagot ni Mommy at hinalikan ang noo ko.
Isa isa silang lumabas. Naiwan ako sa room ko kasama si Ali.
"Nasabi mo na ba?" Tanong ko.
"Oo," Sagot niya.
"Anong reaksyon nila?"
"Nagulat si Mama mo, lumuha pa siya, si Daddy mo naman, natulala lang, alam na kasi ni Daddy mo, tinanong niya kasi ako dati sa kanya ko unang sinabi," Saad niya.
"May gamot pa ba eto? Gagaling pa ba ako?"
"Naaalala mo pa ba nung last kitang chineck up, naaalala mo pa ba kung anong class na yung lupus mo?" Tanong niya.
" Class 6?"
"Oo,Class 6 yung sakit mo ay na ilelevel sa class 6 or what we call Advanced sclerotic, eto yung level na, Na damage na mahigit 90% ng small blood vessels sa kidney mo."
"Malapit na ba to sa kidney failure?" Tanong ko.
Hindi umimik si Ali, pero alam ko na tama ang hinala ko, malapit na kaya akong mamatay?
"Nga pala, pumunta sila Ron sa office ko kanina, nag pa X-ray," Pag iiba niya ng topic.
"So alam na nila na Doctor ka?"
"Oo, nakita daw nila yung calling card ko, naiwan mo daw,"
"Ah ganun ba? Anong nangyari?"
"Wala, closure, nagka closure kami," Sagot niya.
Gusto ko pa sana mag tanong pero bigla namang sumakit tagiliran ko. Agad agad namang lumapit sa akin si Ali. Nagulat ako nung bigla akong naihi tapos may dugo. Agad agad tinawag ni Ali sila Mama at Papa, dinala din nila ako agad sa ospital.
I think I'm dying.
RON POV.
" Teh kumusta na kaya si Christian?" Tanong ko kay Brea. Nandito kami sa coffee shop malapit sa apartment ko.
"Tanungin mo kaya siya, mas close kayo kesa sa akin," Sagot neto.
" Wala akong number niya, hindi din siya nag rereply sa chat ko sa messenger," Sagot ko.
" Ow, shit bakla tignan mo to!" Sigaw ni Brea habang inaabot yung kanyang cellphone.
Nakita ko yung picture ko na naka talikod habang naka titig sa machine, eto yung moment na nag fofocus ako na kumuha ng stuffed toys nung nag arcade kami.
" Oh ano? pinost mo nanaman yung mga stolen pictures ko?" Tanong ko at hinigop ang Java chip choco na drink ko.
" Boba, hindi ako ang nag post, si Ali,"
Agad akong nasamid sa iniinom ko.
"Ali?" Tanong ko at hinila ang cellphone niya.
" Your smile is the best thing I've ever seen, I tried moving away but my heart still go back for you." Eto yung caption niya.
hindi ko namalayan na naka titig na ako ng matagal. Nabalik lang ako sa ulirat nung tinapik ni Brea yung kamay ko.
"Hoi, teh okay ka lang ba?"
Tinitigan ko siya. " Teh hindi ko alam, bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Ibang kaba yung naramdaman ko, hindi sa picture na to.
Napa tingin kami ni Brea nung may dumaang ambulansya.
" Teh, kinakabahan ako, "Saad ko at tumakbo palabas.
Sinundan namin yung ambulansya, tumigil ito sa apartment malapit sa amin, nakita ko si Ali, palapit na ako nung makita ko si Christian na naka higa sa stretcher.
" Anong nangyari kay Christian? "Tanong ko.
Nagulat si Ali sa pag sulpot ko. Isasakay na sana si Christian sa ambulansya nung pina hinto niya eto.
" Sorry, Ali will explain everything, "Saad niya.
Napa titig lang ako kay Ali, bakas sa mukha niya na nag aalala siya.
" I'll explain everything, go to my office later, " Huling sinabi niya at sumakay na ng ambulansya. Nakita ko din na may naka sunod sa kanila, siguro Mama at Papa to ni Christian.
Naka tunganga lang ako habang pinapanuod ang mabilisang pag andar ng ambulansya sa harapan namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top