Closure
RON POV
Iika- ika akong nag lalakad papunta sa office ni Christian, nag dala ako ng coffee para ioffer sa kanya, bubuksan ko sana ang pintuan nung bigla ko siyang nakitang patakbong lumabas dito, nag mamadali siya at bakas sa mukha niya na natatakot siya, basa din ang mata niya na halatang kagagaling sa pag iyak, kinawayan ko lang siya, pinanuod ko lang ang pag daan niya sa harapan ko.
Ano kayang problema niya? Bakit nag mamadali siya?
" Teh, anong meron at naka tunganga ka jaan?" Nabalik ako sa wisyo nung biglang tapikin ni Brea ang kamay ko. " Akin ba to? ang sweet mo naman," Tanong pa niya at kinuha yung isang baso ng kape sa kamay ko.
Tinititigan ko lang siya habang iniinom yung kape. " May lason yan," saad ko na naging sanhi ng pag buga niya nung kape sa harapan ko.
" Dugyot ka!" Sigaw niya at binalik sa akin yung baso.
" Joke lang, gaga," Sagot ko at inabot pabalik yung baso sa kamay niya. Sabay na din kaming pumasok sa office namin.
"Teh, mukhang may malaking problema si Christian," Saad ko at umupo sa upuan.
"Paano mo nasabi?"
" Kanina kasi, nakita ko siyang nag mamadaling tumatakbo palabas sa Office niya, tapos halatang kagagaling niya sa pag-iyak,"
"Oh tapos? baka na tatae lang, kaka panuod mo yan ng BL series," Sagot niya
"Ano namang kuneksyon nun?"
" Kakanuod mo ng BL series lahat nalang ng bagay na nakikita mo binibigyan mo agad ng malisya, malay mo natatae siya, tapos nag yawn kaya ayon basa ang mata," kibit balikat niyang sagot.
" K," Sagot ko at tuluyan ng umupo sa upuan.
" Pero kung ganon, pwede mo namang tanungin si Ali, nasayo naman calling card niya, diba? Malay mo may maibigay siyang impormasyon," Suhesyon pa niya.
" Nahihiya ako,"
"Bakit ka naman mahihiya, kaibigan natin si Christian, need nating malaman kung kailangan niya ng tulong o hindi, huwag mo kasing isipin na kakausapin mo si Ali para sa sa closure niyo, kausapin mo siya kasi siya pinaka close ni Chrsitian. Madami na sigurong silang secrets na alam sa isa't isa,"
" Mas maganda kung kay Christian manggagaling yung sagot diba?"
" Oo din, so siya nalang kausapin mo, malay mo mag open up din siya sa iyo,"
" Sige, sige,"
Pinipilit kong mag focus sa trabaho ko pero hindi ko magawa, ginugulo ni Christian isipan ko.
" Teh mag under time ako ngayon," Saad ko at agarang kinuha yung bag ko.
" Hoi, hoi, hindi ka papayagan ni Sir. Jing,"
" Papayagan niya ako, sabihin ko punta ako sa ospital kasi sobrang sakit ng paa ko, kakausapin ko na din si Ali,"
" Sama ako,"
Pumunta kami sa opisina ni Mr. Jing at nag paalam, buti nalang at pinayagan niya kami, habang nag lalakad kami palabas nagulat ako nung bigla kong nakita yung pinaka traydor na kaibigan ko.
" Ron?" Sigaw niya.
Hindi ko siya pinansin at derecho lang kami sa pag lalakad.
"Teh tawag ka ata nung babae," Bulong ni Brea.
"Naalala mo yung babaeng nanira sa akin at kay Ali?"
" Oo, wait wag mo sabihing--"
"Oo siya yan, kaya huwag mong pansinin," Pag babara ko sa kanya.
Pasakay na kami ng taxi nung biglang hinila ni Nezza yung kamay ko.
"Ron, ano ba bakit hindi mo ko kinaka usap?" Sigaw niya
" Bakit kita kakausapin? hindi kita kilala," Pambabara ko.
Bakas sa mukha niya ang hiya. Dapat lang na mahiya siya.
" Ako to si Nezza,"
" Wala akong pake kung sino ka," Sumbat ko, wala akong pakialam kung masaktan siya. Mas masakit parin yung ginawa nila sa akin. Sakit na hinding hindi mahihilom ng salitang PATAWAD.
"Ron, hear me out, please!" Pag mamakaawa niya.
Pagalit ko siyang nilingon." Para saan Nezza? Para saan pa? sinira mo na tiwala ko, sinira mo na ako, ngayong okay na ako, bakit kayo bumabalik? bakit niyo ko binabalikan at kinukulit?" Pasigaw kong tanong.
" Sorry,"
" Hindi magagamot ng sorry mo yung sakit na ginawa mo sa akin, yung tiwala na nasira dahil sa ginawa mo sa akin,"
" Ron, please listen to me," Pag mamakaawa niya, hahawakan niya pa sana ang kamay ko pero agad itong hinawi ni Brea.
" Hindi kita kilala, ayokong mangialam sa nangyayari sa inyo, but please tigilan mo na, hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo kay Ron, hindi mo alam kung ilang timba ng luha ang pumatak sa mata niya nung araw na sinaktan niyo siya, lalo ka na you were his best friend, you should be the one he'll share his problems with, but in reality you were the reasons why he was in pained. Stop hurting him!" Sigaw ni Brea.
Natahimik si Nezza, bakas sa mukha niya ang gulat. Mabait si Brea pero pag napuno siya, para siyang bulkan na bigla nalang puputok pag na trigger. Sumakay na kami ng taxi at pina derecho papuntang ospital.
"Okay ka lang?" Tanong ni Brea.
"Oo teh salamat, sorry nagulat kasi ako sa pag dating niya, hindi ko naman inexpect na mag kikita kami biglaan," Sagot ko
" Okay lang yan, andito naman ako eh," Sagot niya.
Bumaba na kami sa taxi at agad nag lakad papuntang opisina ni Ali.
"Hi Sir Good Morning, may appointment po ba kayo?" Tanong nung nurse
"Ah wala, pero need ko kausapin si Mr. Dela Cruz, pakisabi nalang,"
" Ano pong name niyo sir?"
" Ron Collins,"
" Wait lang po,"
Umupo kami ni Brea sa couch at inantay bumalik yung nurse, mga sampong minuto din kaming nag antay nung dumating yung nurse.
" Mr. Collins, pwede na po kayo pumasok," Saad niya.
Kinakabahan ako habang nag lalakad papasok sa pintuan ni Ali. Kumatok muna kami ni Brea bago tuluyang pumasok sa loob.
" Good Morning, pasensya na kayo kung nag antay kayo ng matagal, nag linis pa kami ng office, HAHAHA," Pang bati sa amin ni Ali.
" Okay lang, pasensya na sa abala,"
" Anong nangyari sayo?" Tanong niya.
" Nadaganan ako ng cabinet kanina nung lumindol, papacheck up sana ako,"
"Ah sige, upo ka muna," Saad niya
" Teh, bili lang ako ng coffee, Ali anong gusto mong flavor?" Tanong ni Brea
" Caramel Machiatto," Sagot niya
" Espresso sa akin," Sagot ko
" Espresso? Masyadong matapang yun teh, sure ka?" Tanong ni Brea
" Oo Kailangan ko ng matapang na kape, para kahit papaano kaya akong ipag laban," Pag bibiro ko.
"Bahala ka sa buhay mo," Saad niya at tuluyan ng lumabas ng pintuan. Naiwan ako mag isa kasama si Ali. Ito ata yung tinatawag nilang awkward moments, awkward moments with your EX!
Dahan dahang inangat ni Ali yung paa ko at unti unting minasahe.
" Nakita ko pala yung viral photo niyo ni Christian, ang sweet niyo." Pag bungad niya sa akin.
" Nagulat nga din ako eh, hindi ko inexpect." Sagot ko at bahagyang tumawa.
" Sayang hindi natin naranasan yung mga ganyang bagay nuon," Sagot niya.
Biglang lumamig sa loob ng office, hindi ko alam kung dahil ba sa aircon oh sa conversation naming dalawa.
" Oi Ali nga pala, nakita ko si Nezza kanina sa labas ng office namin,"
Agad na tumingin sa mata ko si Ali, hindi ko mabasa facial expression niya, nag hahalong takot, inis at gulat ang gumuguhit sa mukha niya.
" Oo ba? Anong nangyari?" Tanong niya
" Wala, umalis lang kami ni Brea kasi masakit paa ko, naiirita ako kaya iniwasan ko siya," Kibit balikat kong sagot
"Nga pala, paano mo nalaman na doctor na ako?" Tanong niya.
"Nakita ko kasi calling card mo, naiwan ata eto ni Christian," Sagot ko.
Tango nalang sinagot niya sa akin.
Dahan dahan niyang binaba yung paa ko. " Tara sa X-ray room, kailangan ko suriin yung bones mo baka may nabali," sagot niya at dahan dahan akong inalalyan.
Haban nag lalakad kami hindi ko maiwasang maalala yung mga nakaraan naming dalawa. " Naaalala mo ba ganitong ganito tayo nung nadulas ka sa hagdan nung highschool?" Tanong ko.
" OO hindi ko makakalimutan yun, yun yung araw na naging close tayo, yun yung araw na nakaramdam ako ng care and security galing sa ibang tao, yun din yung araw na unang tumibok ang puso ko sa kapwa ko lalaki," Sagot niya. " Kung maibabalik ko lang yung nakaraan si--"
"Kung maibabalik ko lang yung nakaraan, hindi sana ako dumaan sa hagdan na yon, siguro hindi tayo magiging close, hindi sana ako masasaktan ng sobra," Pag babara ko sa kanya.
Napa hinto sa paglalakad si Ali, bahagya ko siyang tinitigan at nginitian.
" Galit ka parin ba sa akin?" Tanong niya.
" Hindi naman na ako galit sayo, Masama lang loob ko sa ginawa mo, sa ginawa niyo. Alam mo kung gaano kita pinahalagahan dati, pero sinira mo lang," Tinanggal ko ang pag kakahawak niya sa akin at pinilit mag lakad mag isa papunta sa X-ray room. Naka sunod lang sa akin si Ali.
Bakit ganon, diba dapat maraming tao sa ospital pero bakit ngayon dadalawa lang kaming nag lalakad sa hallway. Wala akong makita kahit anino ng mga tao.
Nagulat ako nung bigla akong niyakap ni Ali mula sa likuran ko, napa tigil ako sa pag lalakad. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.
" Sorry Ron, Sorry," Bulong niya.
Bahagya kong tinapik ang kamay niya, " Okay na ako, pinalaya na kita simula noong araw na iyon, masaya na ako, ngayon Doctor ka na nakamit mo na din yung pangarap mo, maging masaya ka na, siguro binigay ni Lord etong araw na eto para mag karoon tayo ng closure eto na ata ang closure na matagal na nating inaantay." Saad ko. Naramdaman ko ang dahan dahan niyang pag bitaw sa pag kakayakap sa akin. Kung bibigyan pa kami ng oras, gusto ko parin maramdaman yung mahigpit at mainit niyang yakap, pero wala na akong karapatan.
Dumerecho na kami sa X-ray room,pag katapos suriin ang paa ko ay bumalik kami sa opisina niya at inabutan niya ako ng reseta ng gamot na kailangan ko inumin,tinalian din niya ng bandage ang paa ko at binigyan ako ng medical certificate para maka pag file ako ng emergency leave.
Pag katapos naming mag kape umuwi na din kami ni Brea. Tahimik naming iniwan si Ali sa kanyang opisina.
" Teh ano, natanong mo ba about kay Christian?" Tanong ni Brea.
" Hindi teh, napunta sa closure namin yung usapan." Sagot ko
Hndi na muling nag tanong si Brea, naramdaman niya sigurong ayoko munang mag open ng kahit anong topic. Sumakay kami sa taxi at umuwi na ng apartment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top