At My Worst

Christian pov

Life can be short or long. Sometimes it's up to us on how are you going to play with it.

Mahabang pag lalakbay ang tatahakin natin bago natin makamit ang salitang realization. Ngayon masasabi ko na, na nakatapak na ako sa parte ng buhay ng realization. Ngayong may sakit ako na realize ko na hindi pala madaling makipag laro sa tadhana. Una pasasayahin ka, patatawanin ka. Pero sa isang iglap lahat ng mga eto ay mawawala na parang bula. Its like a bubble that suddenly pops and its gone.

Nagising ako sa liwanag na nanggaling sa itaas. Ginamit ko ang kamay ko para takpan ng bahagya ang mga mata ko. Nakita ko ang repleksyon ko sa harapan ko na naka tayo. Naka ngiti at tila ba'y walang problema. Ito yung ngiti na nawala sa akin nung nalaman ko na may sakit ako.

"Christian," Pag tawag niya sa akin. Dahan dahan akong nag lakad papunta sa kanya.

"Anong nangyayari?" Tanong ko.

Hinila niya ang kamay ko at nag lakad ng derecho.

Tumigil kami sa gitna ng bahaghari. Maliwanag at maaliwalas ang kapaligiran. Umupo ako sa upuan at huminga ng malalim.

"Maraming nag aantay sa iyo," Napatingin ako sa sarili kong repleksyon habang siya ay naka ngiti.

Mag sasalita pa sana ako nung biglang may pamilyar na boses na tumawag sa akin.

"Christian!" Tinitigan ko sila.

"Ron?" Pag sigaw ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Naka ngiti siya habang nag lalakad papunta sa akin. Hinawakan ko ang dibdib ko at dinama ang malakas na pag tibok ng puso ko.

Is this what they call happiness?

Hindi ko inakala na mahuhulog ako, hindi ko inakala na yung mga simpleng bagay na ginagawa niya sa akin ay nagiging malaking bagay na pala para sa pag babago ko. Aaminin ko nung una gusto ko lang siyang makilala, gustong maramdaman yung mga bagay na naramdaman ni Ali. Gusto ko lang siyang makilala, gustong makasama. Pero hindi ko inakala na yung pag kakaibigan na naibigay niya sa akin ay may nais na palang ipahiwatig. Kaibigan ko siya, pero pwede bang maging Ka-ibigan? Pero paano si Ali? Kaibigan ko siya, matalik na kaibigan.Alam ko na kahit ayaw niyang aminin, mahal na mahal niya parin si Ron.

"Kumusta ka na?" Tanong ni Ron habang naka ngiti at nag lalakad papunta sa gawi ko.

"O-Okay lang naman." Sagot ko.

" Galit ka ba sa akin?" Tanong ko kay Ron.

"Bakit naman ako magagalit?" Tanong niya pabalik.

"Kasi nilihim ko yung sakit ko."

"Hindi, hindi ako magagalit dahil nilihim mo yan. Mas magagalit ako pag hindi ka gumaling. Pag hindi mo nilakasan sarili mo."

"Natatakot ako na baka bukas bigla nalang akong mawala," Sagot ko.

" Huwag kang natakot, andito kami. Hinding hindi ka namin iiwan sa laban na ito. Hinding hindi kami aalis sa tabi mo. Kung nang hihina ka, kami ang magiging lakas mo." Saad niya.

Niyakap ko siya. Kahit alam ko na imahinasyon lang ang mga eto. Pinilit kong pinaniwala na masaya ako.

" Balik ka na, inaantay ka namin. "Saad ni Ron at kumalas sa pag kakayakap sa akin. Dahan dahan siyang tumayo at nag lakad palayo sa akin.

Isa, dalawa, tatlong hakbang ang ginawa niya bago siya tuluyang nawala sa harapan ko.

Nakaramdam ako ng lungkot, biglang dumilim ang kapaligiran. Binalot ng madilim na usok ang kalangitan.

Nagising ako ng maramdaman ko ang pag tapik sa palad ko.

"Ali, gising na si Christian!" Sigaw ni Ron.

Agad agad lumapit sa akin si Ali at chinek ang katawan ko.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

" Bumagsak katawan mo. 3 days ka ngang naka higa at natulog." Saad niya.

Hindi ko ma imagine na naka tulog ako ng ganun kahaba.

Napa titig ako sa salamin sa gilid ko. Biglang tumayo si Ron at tinaob yung salamin. Nahakata niya atang tinititigan ko ang katawan ko. Ang laki na pala ng pinayat ko.

" Okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Ang laki ng ng pinayat ko. Ang pangit ko na atang tignan."Pag bibiro ko.

" Mababawi mo din naman agad yang pinayat mo, basta mag pagaling ka. Pustahan tayo tataba ka agad. "

" Kelan pa ko gagaling? "

" Malapit na, mag tiwala ka lang."

Sa dinami dami ng taong dumaan sa buhay ko. Bakit sa kanya lang ako nag titiwala? Marahil tama sila. Kung sino yung hindi mo inaasahang dadating sa buhay mo sila pa yung taong nakakakapag paligaya sayo. Sila yung taong mag papangiti sayo at higit sa lahat sila yung taong makaka intindi sa iyo.

My time is about to end and still may mga taong naniniwala parin sa akin.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ni Ron.

"Hindi, busog na ako nakita na kita." Sagot ko.

"Andami mong alam." Saad niya.

"Sige uupo muna ako. Tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka." Saad niya at umupo sa upuan sa tabi ko. Halata sa kanya na wala pa siyang matinong tulog.

Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang yumuko.

"Matulog ka muna, ako naman mag babantay sa iyo." Sabi ko.

Tumango naman siya. Hinimas ko ang buhok niya. Limang minuto ang dumaan nung narinig ko siyang humihilik.

" Wala pa yang maayos na tulog. Parang naging instant nurse mo yang si Ron. Siya yung kapalitan kong nag babantay sa iyo."Sabi ni Ali.

" Selos ka? "Pabiro kong sagot.

Ngumiti nalang siya. Ewan ko ba sa dalawang to. Halata namang mahal pa nila ang isa't isa, nag papataasan pa ng ihi.

Naka titig lang ako sa ulo ni Ron nung makaramdam ako ng antok. Bahagya kong pinikit ang mata ko at hinayaang balutin ng antok ang buong pagkatao ko.

We are both sleeping peacefully. Hawak parin namin ang kamay ng isa't isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top