Accident
"Shit." Napasigaw ako sa inis nang makita kong nag riring ang cellphone ko, tinitigan ko pa to ng mga tatlong minuto bago sinagot ang tawag ni Breachbelle. Katrabaho ko.
"Hoi. Bobo ka ba? Late ka na ng 10 minutes. Kanina ka pa hinahanap ni boss. " Pang bungad niya sa akin.
"Sorry, palusutan mo nalang ako. On the way na ko. "
Hindi ko na inantay ang sagot niya at agad ng pinatay ang call, ito ang masama sa akin kapag nanunuod ako ng BL series eh. Isang episode ako ng isang episode hanggang sa matapos ko na yung whole series. Kahapon tinapos ko yung Theory of Love at eto maliban sa late na akong nagising, namamaga pa yung mata ko. Halata pamandin sa akin pag umiyak ako kasi mamamaga ng bongga yung mata ko.
Bwisit kasi tong Khai na to eh nakaka awa si third, bigla ko kasing naalala yung mga nakaraan ko kay Third, kung paano ko nilihim pag mamahal ko sa kanya at kung paano ako sinira ng paulit ulit.
Pag katapos ko mag ayos eh agad na akong lumabas ng bahay at tumakbo papuntang sakayan ng jeep.
"Isa nalang isa nalang aalis na." Sigaw nung dispatcher, hindi ako sanay sumiksik at ipag sisikan sarili ko pero kailangan.
Agad akong sumakay sa jeep at umupo. Hirap na hirap akong nakaupo sa jeep, parang naka squat ako sa itsura ko, nangangatog na din tuhod ko dahil sa ngalay.
Mas lalo pa akong nahirapan nung biglang tumalbog yung jeep dahil sa humps sa daanan.
" Kuya, para po. " Narinig kong sigaw ng katabi ko.
Pag hinto ng jeep eh agad siyang tumayo at sumabit sa jeep.
"Upo ka na" Sabi niya sa akin at agad tumayo.
"Salamat" Bulong ko
Nakita ko kung paano siya nahihirapan sa pag buhat niya sa bag niya habang naka sabit sa jeep, tagaktak na din ang pawis niya dahil sa sikat ng araw.
"Amina yung bag mo, " Sabi ko
"Huwag na, " Sagot naman niya
"Hindi amina na," Saad ko ulit at kinuha yung bag niya na inipit niya sa paanan niya.
Alam ko ang hirap ng pag sabit sa jeep, tsaka eto din ang pinaka ayaw kong ginagawa.
Nginitian niya ako at ganun din ang ginawa ko sa kanya pabalik.
Bumaba na ako sa tapat ng office namin, ganun din ang ginawa niya.
"Salamat pala kanina, " Sabi ko at mabilisang tumakbo papasok sa office.
"Mr. Collins, late ka nanaman" Agad na sigaw ng boss namin.
"Sir. Sorry, hindi na po mauulit, " Sagot ko.
Nagulat kami nung may biglang pumasok na guard na hinihingal.
"Sir, anjan na si Sir Miguel" Sabi neto.
"Guys. Listen may bisita tayo, siya yung anak nung may ari ng kumpanyang eto. " Sabi ni Sir Jing, boss namin.
"Let's give a round of applause to Mr. Christian Miguel. " Sabi ni sir Jing at agad pumasok ang anak ng may ari ng kumpanya na pinapasukan ko.
Nan laki ang mata ko ng makita ko na si Sir Christian ay yung lalaking sumabit kanina sa jeep, yung lalaking nag offer sa akin ng upuan kanina. Agad siyang ngumiti at nag pakilala.
"Good Morning everyone, I am Christian Miguel and please huwag kayong mahiyang kausapin ako, hindi porke anak ako ng may ari ng kumpanyang eto eh iiwasan niyo na ako. Andito ako para mag trabaho at para matuto, since nauna na kayo sa akin so kakailanganin ko ang mga tulong niyo." Sabi niya habang naka ngiti.
Hindi ko maialis ang pag katitig ko sa kanya. Bakit? Kasi naka ngiti siya pero bakas sa mata niya ang lungkot, tila ba may sakit siyang dinadamdam na pilit niyang iniiwasan gamit ang pag ngiti.
"Okay ka lang ba?" Agad akong kinurot ni Breachbelle kaya bigla kong naitaas ang kamay ko.
"Yes, ano yung tanong mo?" agad na tanong ni Mr. Miguel.
Tinitigan ko si Breachbelle bago tumayo.
"Uhhm, ano, ahh, Single ka po ba?" Bigla akong napatakip sa bibig ko.
But instead of getting mad at me he simply smiles and answered my question "Yes, single ako. Wala akong oras makipag relasyon ngayon, priority ko muna ang matutong mag trabahong mag isa. " Sagot niya habang naka ngiti at naka titig derecho sa mga mata ko.
Nginitian ko siya pabalik at tsaka bumalik sa pag kaka upo.
"Tarantada" Bulong ko kay Breachbelle na parang tangang naka ngiti.
Nag yayang mag lunch si Breachbelle, since oras na din para kumain eh tumayo na din ako sa kinauupuan ko, mag lalakad na sana kami palabas ng office ng makita ko si Mr. Christian na naka upo at hindi mapakali. Halata sa mukha niya na may nararamdaman siyang hindi kaaya-aya. Agad agad akong nag lakad papasok sa office niya at tinitigan siya.
"Sir-sir, okay ka lang po ba?" Tanong ko sa kanya.
Tumitig siya sa akin at pinilit ngumiti "Oo" Sagot niya.
Agad niyang tinago ang kamay niya sa likod niya at pinilit tumayo ng derecho.
"Sige na kumain ka na."
Mag lalakad na sana ako palabas ng office niya ng mahagip ng mata ko ang dugo sa ibaba ng uniporme niya.
"Dugo ba yan?" Tanong ko sa kanya habang papalit palit ang tingin sa mukha at sa damit niya.
"Hindi, tinta lang ng ballpen iyan." Sagot niya.
Tinignan ko ang likuran niya at nakita ko ang mga patak ng dugo.
"Tinta!" pasigaw kong sabi at hinila ang kamay niya, nakita kong halos mabalutan na ng dugo ang buong palad niya.
"Anong nangyari dito?" Tanong ko habang pinupunasan ang palad niya gamit ang tissue.
"Nag kamali ako ng pag gamit ng cutter, dumulas siya sa kamay ko at yan bumaon."
" Ano! "Agad ko siyang hinila palabas ng office at hinila papuntang clinic.
Pag dating namin sa clinic agad hinugasan ng nurse yung palad ni sir Christian at ginamot.
" Ron, Ron pangalan mo diba? Mag lunch ka na sorry sa abala."
"Mamaya na hindi pa ako gutom." Pag sisinungaling ko.
Uupo na sana ako sa upuan malapit sa kama niya ng biglang tumunog ang tiyan ko.
"Kumain ka na, halatang gutom ka na." Saad niya at pasimpleng ngumiti.
Those smile.
"Ah, haha, sige po, kain lang ako saglit Sir tapos babalik agad ako dito" Sagot ko.
"Dont call me sir, Christian is fine" He said.
"Si-sige po." Sagot ko at agad lumabas ng clinic.
"Asan ka na?" Sigaw ni Breachbelle sa akin pag katapos kong sagutin ang tawag niya.
"Breachbelle, papunta na ako"
"Hoi, bakla ka ng taon, pwede ba huwag mo akong tawagin sa buong pangalan ko, leche ka. Brea is fine" Sumbat niya.
Natatawa ako kapag tinatawag ko siya sa buong pangalan niya, paano ba naman ang cute kayang ipronounce and Breachebelle.
"HaHa, on the way na."
"Inorder ko na yung favourite mo."
"Sige." Binaba ko na ang tawag at tumakbo papuntang canteen.
Hindi ko inakala na ang simpleng pag tulong ko sa kanya ay mag bibigay ng malaking impact sa buhay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top