31
"Hey!?" Halos maubo ako dahil sa gulat ng may humawak sa siko ko.
Pagkatapos ng tawag no'ng nagpakilalang Abdulaziz,wala nang paglagyan ang takot ko. Hindi ko lubos maisip na aabot kami sa ganitong pangyayari.
Iyong pinoproblema ko lang noon ay kung paano mapadali matapos ang pag aaral ko dahil gusto ko nang makapagturo. Ngayon may malalang problema na akong hinaharap.
I didn't imagine just this my entire life.
"Ayos kalang? You always startled," kunot noo'ng saad ni Hymier.
Palagi akong nagugulat sa mga simpleng kalabog at hawak sa akin. Pakiramdam ko bawat kilos ko ay may mangyayaring hindi kaaya-aya.
I cleared my throat, inabot niya naman kaagad ang baso na may lamang tubig. I can't tell him what happened. I don't want to risk him and my family, I need to talk to Casimir about the call but how? Paano ko sasabihin kay Cas na alisin ang kampo sa dinaraanan ng mga rebelde?
I don't have the right to demand, I have no power to command them. And how can I steal that fucking paper, e hindi ko naman alam kung nasaan 'yon.
God! Ang sakit na ng ulo ko kakaisip ng paraan kung paano reresulbahin ang lahat ng 'to.
I can't even sleep at night knowing that there's people who want us dead. Na nanganganib ang buhay ng pamilya ko kung hindi ko mapagbibigyan ang hiling ng demonyong 'yon.
Kung maaalis lang ng iyak ang lahat ng ito,matagal na sanang nawala ang lahat ng problema namin.
"I was just nervous...paano kung hindi ko kayang ilabas si baby,mahal?" It was half true.
Iniisip ko rin ang posibilidad na baka hindi ko kayang manganak. Na baka maduwag ako pag oras na ng panganganak.
"You're a fighter and brave...kaya duda ako mahal..." He said confidently and kiss my temple.
"Paano nga?"pangungulit ko pa.
"I'm here okay? I'll be with you in the labor room, I'll help you..." tumango lang ako.
I diverted our topic to make my mind in peace. Nagkunwari nalang akong interesado sa bagong tinatayo niyang negosyo. Kahit ang totoo ay takot na takot ako sa mga posibleng panganib sa amin.
Nang makauwi sina Papa at tita galing manila ay niyaya ko silang mag swimming. Hindi ko alam bakit gusto ko,basta pakiramdam ko lang kailangan kong gawin ito. Kialangan kong iwaksi sa isipan ko ang mga nagyayari...
I want to spend more time with them.
Kaya naman nang sumunod na araw ay gumayak kami patungong resort. Kuya is already there, dinaanan nalang namin sina ate Beth at ang anak nila. Mabuti rin at nakauwi na rin si tito Hymie kaya nakasama siya sa amin.
"Sana palaging ganito, 'no?" Saad ko kay Hymier habang nakaupo kami sa buhanginan.
Watching our family having their best day, naliligo sila sa dagat dahil hindi na masyadong mataas ang aaraw dahil hapon na.
"Iyong kompleto tayo palagi, iyong mapayapa na sana at wala na tayong takot sa araw-araw..." Bumuntong-hininga siya. Ramdam ko 'yon dahil nakasandal ako sa kanyang malapad niyang dibdib.
"I can't promise you that it will end so soon,but I will do my best,mahal. May lead na rin sila ni Cas kung saan ang bagong kampo nila kaya nagpaplano na silang sumugod. Naghihintay nalang sila ng utos mula sa taas."
Ngumiti ako ng mapait, nananalangin na sana nga magawa na nila 'yon bago pa sila maunahang kumilos ng mga rebelde.
Gusto kong maiyak pero pakiramdam ko ubos na ang luha ko. Mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko, kaya kung maari ay pinipilit kong uwag nalang isipin muna.
I need to divert the topic kaya niyaya ko nalang siyang maligo kami. Hindi naman siya tumanggi,nauna siyang tumayo at inilahad ang kanyang kamay upang alalayan ako.
Sabay naming tinungo ang dagat, nakisabay din kami sa nagsasayahan naming pamilya. It's a day of celebration without any special occassion,it's another day of thanks giving for another life .
"Syn, remove your cover up. We'll take your photos here." Masayang saad ni ate Beth.
I am wearing my two piece, Hymier made me wear it. It looks good to me daw sabi niya kaya niya ako pinilit kahit pa ayaw ko naman. Pakiramdam ko kasi mukha akong butiti dahil sa laki ng tiyan. But Hymier insisted and did his best just make me agree. Wala na rin akong nagawa dahil lahat sila ay pinilit ako.
Ako raw ang pinakasexy'ng buntis,sabi pa niya. Binobola pa ako!
Napangiwi ako sa narinig kay ate Bethany. Hindi ako nag maternity shoot dahil hindi ko ramdam na kailangan kong gawin 'yon. Hindi naman siguro required,diba? Kaya hindi ko na ginawa kahit gusto pa ni Hymier.
"Go,love!" Segunda rin niya.
Napailing nalang ako bago lumapit na sa mag asawa sa dalampasigan. Kung ano anong pose pa ang pinagawa ni ate sa akin,sumunod din naman si Hymier kaya may mga litrato kaming magkasama.
Ilang pose pa ang pinagawa ni ate Beth sa akin hanggang makuntento siya. Tuwang tuwa pa siya ng nireview niya ang mga kuhang litrato. Napangiti rin ako dahil magaganda ang angle noon,lalo pa noong nasa tabi ko na si Hymier.
Nag enjoy din ako lalo pa't nakita ko sila na masaya sa pinangagawa ni ate sa akin. After the photoshoot, we enjoyed the rest of the day by singing in our cottage.
Nanumbalik lahat ng masasayang memorya ko sa lugar na ito. Kung paano ako sinupladuhan ni Hymied. Kung paano sila namangha noong kumanta ako. Kung paano kami ni Ysa sa tuwing may trabaho sa resort. Kung paano kami nagsaya noong mga panahong kompleto pa kaming magkakaibigan.
It feels nostalgic.
Ang daming masasayang nangyari sa lugar na ito, sigurado rin ako na isa na rin ang lugar na ito sa paborito ni Hymier. Kung noon ay ayaw niya rito dahil sa masasamang alaala ng mga magulang namin. Ngayon, he love this place so much because of our happy memories together.
Indeed, we ended the day happy and enjoy.
But as another day passed, mas lalo lang akong dinadalaw ng takot at kaba. Halos halughugin ko na ang gamit ni Hymier para lang mahanap ang sinasabing papeles na gustong makuha ng lider ng bandido.
Bigo akong matagpuan ang hinahanap ko sa gamit niya kaya ng nagkaroon ng pagkakataon ay nagpumilit ako kay Hymier na sumama sa opisina niya. I need to find that papers as soon as possible.
"Can you wait for one hour or so?" Hymier asked. Magana naman akong tumango. "I'll just check the production and the new machinery,okay? I'll be back before you notice it. And if you need anything,you can call my secretary outside. Be good here,love."
He kissed me on the lips before leaving his office. Hindi ganoon kalaki itong opisina niya dito sa rice mill, nag expand lang ito at mas nagkaroon ng iilang buildings dahil magtatayo rin siya ng azucarera.
This is the fruit of Hymier's hardwork. Kung hindi niya pinansin itong rice mill noon ay hindi ito magiging ganito ka successful ngayon. Dati wala pa itong opisina,tanging rice mill lang at dryer na maliit. Pero dahil sa pagsusumikap niya at kasipagan ay unti-unti niya itong pinalawak.
Halos kalahati na ng lupa nila ang ginawang processing at production area. Kung ang dati limang laborer at dalawang operator lang ang nagpapatakbo ng milling,ngayon ay nasa trenta na sila. Unti unti nang umaangat ang dating binalewala lang nilang negosyo.
Halos kada buwan ay libo-libong bigas ang nilalabas sa San Vicente simula ng si Hymier na ang namamahala nito. Tapos ngayon ay magtatayo pa siya ng azucarera, I am beyond proud of him. The playful Hymier before is now a succeful businessman.
Nang makaalis siya ay pinalipas ko muna ang ilang minuto bago nagsimulang halughugin ang drawer sa lamesa niya. It should be here,dahil sigurado akong nandito lahat ng papeles niya tungkol sa mga lupang nabili.
Lahat ng kabinet ay hinalughog ko na pero hindi ko parin nakikita. Pinagpawisan na ako at nahihirapan pero wala parin. Lahat na rin ay nabuksan ko pero hindi ko mahanap ang titulo na hinihingi sa akin.
Susuko na sana ako sa paghahanap ng may makita akong secret bolt sa dulo ng cabinet. I am hundred percent sure that it was lock,but I tried to open it using his birthday but it didn't open.
"Please..."
Muling kong sinubukan ang petsa ng monthsarry namin kaso hindi parin. Sinubukan ko rin ang birthday ko pero ayaw. I took a deep breath and thi k another possible pin.
Para tuloy akong nakakita ng liwanag sa taas ng ulo ko ng maalala ang unang araw ng aming pagkikita. Dahan dahan ko pinindot iyon,at hindi nga ako nabigo ng magbukas ito.
I smiled to myself.
"Brilliant,Syn." Puri ko sa aking sarili.
Inisa-isa ko ang bawat papeles, hanggang sa makalahati na ang nandoon. Mabibigo na sana akong muli ngunit napahinga ako ng malalim ng makita ang hinahanap ko.
Panay ang pasalamat ko ng makuha na ito at kaagad na inilagay sa dala kong bag. Inayos ko pa ang bawat nakakalat na papel at inayos ko rin ang aking sarili upang hindi mahalata na may ginawa ako.
After minutes of fixing myself in his personal bathroom ay halos mawalan ako ng hininga dahil sa gulat. Hymier is standing outside the bathroom while crossing his arms.
"Hymier!?"
Napahawak pa ako sa aking dibdib sahil sa kaba. Kumunot naman ang noo niya.
"What? Kinatok kita,ah?" May pagtataka sa mukha niya.
Hindi ko narinig 'yon,wala akong narinig dahil abala ako sa pag aayos ng sarili ko. At higit sa lahat abala ako sa pagkalma sa nanginginig kong kamay. I feel like I made a crime, and I am guilty from doing it. But I did it for the sake of everyone.
It's time for me to compensate from what I did to everyone in the family. Kailangan kong gawin ang lahat para lang mailigtas sila. If Hymier and Casimir are doing their best to protect me,I am hundred percent willing to do that too.
"I didn't hear it..." Nag iwas ako ng tingin sa kanya.
After stealing his papers, I feel like I don't have the face to show up. But of course, I can't do that...
"Let's have our lunch to our favorite restaurant, I already made a reservation theere." Magiliw niyang saad at ngumiti siya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya at nauna nang umalis doon. I grab my bag. Pinasadahan ko pa ng tingin ang opisina niya,I doubled check if something is in the mess. Pero iba ang natagpuan ko.
Halos mawalan ako ng balanse ng makita sa itaas ng ceiling ang CCTV camera. Kung wala lang akong lipstick ngayon ay sigurado akong kasing putla na ako ng papel.
I felt like my world is already spinning. Bakit hindi ko man lang nakita 'yan kanina? Ganoon ba ako ka occupied sa mga balak ko kaya hindi ko napansin na may camera?
Omg!
Hindi ko na maibabalik pa ang mga nakuha kong papeles dahil malalaman ni Hymier ang lahat ng plano ko.
"Hey,hey! Are you okay? You look pale,love..." He said worriedly.
Napalunok ako,hindi ko kayang masikmura ang mga pinanggagawa ko sa kanya. Gusto kong sumuka,tila hinahalukay ang tiyan ko dahil sa takot at kaba.
"If you're not feeling well,we can go home immediately but you have to eat lunch first." Umiling ako.
I don't want to ruin his mood dahil nakita ko ang excitement niya na sa paboritong restaurant namin kami kakain.
"We can enjoy the rest of the day together,love." I said, trying to act normal.
Umalis kami ng opisina niya na balisa parin ako. I am bothered about the CCTV camera,sino kaya ang may access noon?
"You have a camera in your office?" I asked. Trying my best not to stutter.
"For safety purposes,love."tumango ako kunwaring wala lang sa akin 'yon.
"Sino lang may access 'non?"
"Ako lang, nasa computer ng opisina,pero hindi ko naman chinicheck 'yon araw araw."
Halos marinig ko na yung kalabog ng dibdib ko. Nakahinga rin ako ng maluwag ng marinig ko 'yon sa kanya.
"Bakit,love?" Tanong pa niya.
"Wala lang, hindi mo lang kasi nabanggit ang tungkol doon."
"Oh, I was pre-occupied these past months kaya hindi ko na rin nasabi sa'yo...nothing to worry about it mahal. Suggestion lang ni dad 'yon,dahil mayroon din siya sa opsina niya, you know..."
Tumango lang ako at hindi na kumibo. Tahimik lang kaming parehas habang nasa biyahe papuntang bayan. It's just minutes away from his office kaya madali lang kaming nakarating doon.
Nang makapasok sa mismong restaurant ay inilibot ko pa muna ang aking paningin. It is normal for me to check the place whenever we go out. Hindi ko alam basta balisa ako palagi kapag nasa labas na kami.
"I always noticed that every time we go out your eyes will always checking around. If you're bothered,mahal...please calm down,okay? We have people around us to secure the places we've been."
I smiled sadly. I just can't help myself from worrying,dahil wala naman talagang kasiguraduhan ang lahat. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti...
"Just enjoy the food,okay? It's your favorite..."
Sinubukan kong maging masigla sa harap ng pagkain. Sinubukan ko ring buksan muli ang pagpapaalam ko sa kanya na lumabas nang hindi siya kasama. I have to plan on how I will give the documents to Abdulaziz.
"About buying things we don't have for the baby..."
Nagkasalubong ang kilay niya at nangunot ang noo. He took his glass and sip his wine, nag iwas agad siya ng tingin at bumuntong-hininga.
"Mahal..."malumanay niyang tawag sa akin pero halata ang inis doon.
I was just trying my luck, okay? At kung ayaw niya akong payagan na ako lang at kasama mga bodyguards. Hihintayin kong kasama nalang siya.
Bumagsak ang tingin ko sa pagkain,mataman ko lang itong tinitigan. Bumuntong-hininga siyang muli kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.
"What about shopping online?" Umiling ako. Siyempre hindi 'yon ang plano ko. Pumikit siya ng mariin. Nang magmulat ang mata ay agad nagkasalubong ang tingin namin.
His almond eyes are full of mix emotions. Hindi ko mabasa iyon.
"Fine,but with me..." Kuminang kaagad ang mata ko sa narinig.
Hahanap nalang ako ng paraan para maabot iyong dukumento sa kung sino man sa tauhan ng demonyong 'yon.
Dahil sa ngiti ko ay napatitig siya sa akin, para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko. Kaya nag iwas kaagad ako ng tingin sa kanya.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay nakangiti parin ako. Hindi ko alam,basta masaya ako dahil pakiramdam ko talaga ay malapit na namin makamit ang kalayaan namin mula sa mga masasamang tao.
Nang matapos kaming kumain ay nag request pa ako ng dessert sa kanya kaya lumapit siya sa counted at nag order doon. Nasa gilid lang ako ng pinto at hinihintay siyang matapos ng may bumangga pa ng braso ko. Nagtataka akong nag angat ng tingin dahil nasa gilid naman na ako ng pinto. Umangat ang tingin ko ay tsaka ko lang nakita ang ngising aso nang lalaking nakabangga sa akin. He's wearing a cap that covered half of his face kaya hindi ko masyadong klaro 'yon.
Inangat pa niya ng kaunti ang sumbrero niya tsaka ako nilagpasan. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kahina-hinalang tao. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa maupo siya sa pinakadulong bahagi ng restaurant.
"Let's go? "aya ni Hymier ng makapag bayad na siya sa tinake-out niyang dessert. Tumango lang ako at nagpahigit na sa kanya palabas ng lugar at nagtungo sa sasakyan.
Nang makaupo ay naramdaman ko ang pag vibrate ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at chineck dahil may hinala na ako kung sino man ang nagpadala ng mensahe.
Hindi nga ako nagkakamali ng mabuksan na ito.
Unknown Number:
I hope you can give me what I want this weekend.
Make sure it is complete okay! Btw, pregnancy looks good on you.
Enjoy the rest of the day.
-A.Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top