29
I used to think that the most painful thing was when mama left us when I was a kid. But now, seeing my mother inside the coffin lifeless made the pain triple.
Ngayon,narealized ko na mas pipiliin ko pa yung hindi ko siya nakikita dahil nasa ibang bansa siya. At kahit hindi sigurado na babalikan niya kami,atleast alam ko na nasa ibang parte lang siya ng mundo at may posibilidad pang makita ko siya.
Looking at her body pains me more. I can't even cry because I can't accepted it yet.
I saw how my brother broke down when he saw mama in her bed closing her eyes. I saw how tito Bernard shouted while holding mama's hand and asking her to stay for more.
Sobrang sakit mawalan...
Iyong nagkita nga kayo ulit pero pinagbibigyan lang pala ako ng panginoon. Iyong pinapasulit lang pala sa inyo ang pagkakataon, binigyan kayo ng panahon para makabawi...pagkatapos babawiin din siya sa inyo kaagad.
"Love, you have to eat kahit kaunti lang..." Saad ni Hymier habang nasa tabi ko. He's holding a plate with sandwich, at sigurado akong siya mismo ang gumawa nito para sa akin.
Wala pa akong masyadong tulog mula kahapon,kumakain naman ako pero kakaunti lang. Mabuti nalang at palaging nandiyan si Hymier para alalayan ako.
Kinuha ko ang dala niya at kinain 'yon. At sa awa ng diyos ay naubos ko naman. Hindi ako dapat magpagutom dahil hindi lang ako ang apektado.
Sumapit ang araw ng libing ni mama matapos ang tatlong araw. We decided to shorten her wake for us to move,ganoon din naman ang gusto ni tito Bernard dahil may balak na siyang bumalik agad sa ibang bansa.
He can't stay here,for sure it will hurt him so much if he stays because of Mama's memories.
I couldn't look at her face inside the coffin for the last time. I tried my best to see her but I just can't, sobrang sakit. Mahirap pilitin ang sarili na maging maayos at mahirap din tanggapin ang lahat.
Pakiramdam ko kasi sobrang kulang ng isang buwan para makasama namin siya. Sobrang nabitin ako,gusto ko pang makita niya ang kanyang apo pero wala na siya.
Walang tigil din ang iyak ko habang nagmemesa kanina. Kahit habang nagbibigay ng eulogy si tito Bernard ay nag iiyak ako. He told everyone on how my mother captured his heart. He told us how good she is being his wife. She once the best for me,she took care of me when I was kid. She never let me sleep at night without her lullaby's.
Hindi lang kami nabigyan ng pagkakataon na magsama ng matagal noon. But she never failed to make me feel safe whenever she's with me.
Tualala lang ako habang unti-unting tinatabunan ang kabaong ni mama ng lupa. Wala ng may humagulhol sa amin pero ramdam ko parin iyong tahimik na iyak sa paligid.
It is really hard to accept it, pero mas mabuti na rin 'yon dahil hindi na siya mahihirapan pa sa sakit niya. No more fighting and pain, she will rest in peace beside our savior now.
Nauna na kaming umalis ni Hymier sa sementeryo dahil sumama na ang pakiramdam ko. Habang pabalik na sa sasakyan ay napatigil ako sa paglalakad ng may napansin akong lalaki na nakatago sa isang puno ng maliit na mangga. Mataman ko itong tinitigan,inaanag kung kilala ko ba pero hindi ko maklaro ang mukha dahil sa sumbrero nito.
"Hey, what's wrong?" Agaw ni Hymier ng atensyon ko.
Agad akong napakurap at umiling sa kanya,mabuti nalang at hindi napansin ni Hymier ang tinitingnan ko. Isang beses pang nakatingin sa akin ang lalaki at tumalikod na ito at naglakad palayo.
Even if I wanted so bad to tell him that I already knew what's happening, I couldn't bring myself to do it. I'm still scared. I'm still scared that Hymier will do something impulsive and will bring him to danger. I can't risk anyone in my family's life, ayaw ko nang mawalan.
Casimir promise me to protect us no matter what happen. He will do everything to solve the problem, hindi man kaagad pero sinisigurado niyang malulutas din ito.
I stayed at home for the next days, Hindi ko naman hinayaan na hindi pumunta ng opisina si Hymier dahil kahit pa sabihin niyang hindi siya kailangan doon ay alam kong kailangan siya.
At napapansin ko na rin ang madalas niyang pag alis sa tuwing gabi. Sinisigurado niya munang tulog ako bago umalis pero hindi niya alam ay nararamdaman ko iyon. Minsan kasama niya ang mga bodyguards niya na hindi ko pansin noon. At minsan naman ay si Casimir kasama ang iilang sundalo ang sumusundo sa kanya.
Nagkunwari akong walang alam, alam kong nakikipagkita siya sa mga sundalo dahil tungkol ito doon sa kaso ng mga bandido. It never let me sleep good at night. Kabado ako palagi sa tuwing umaalis siya sa tabi ko.
The next morning I recieved a text from Ericka again. I was hesitant to meet her dahil baka manipulahin na naman ako ng babaeng 'yon pero ginawa ko parin.
Nakita ko nalang ang sarili kong nakaupo sa café kung saan kami unang nagkita noon. This time ako ang nauna sa kanya, I waited her for minutes before she finally arrived. She's not alone anymore, she's with a man with her age. They look good together too.
Kung noon ay naka fitted dress siya, ngayon naman ay naka bohemian dress na nagpaliwanag ng aura niya. Intimidating siyang tingnan noon,ngayon naman ay napaka lovely na.
"I'm sorry for being late, si Alaric pala...t-tatay ng anak ko..." Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya.
I thought it was a one night stand?
Hindi nalang ako kumibo at tinanggap na ang nakalahad na kamay ng kasama niya. Nagpakilala rin ako.
Alaric ordered four seasons for me and Ericka, siya naman ay kape at sinamahan din niya ng blue berry cheesecake.
Natakam tuloy ako bigla ng maamoy ang cake at makita ito.
Ericka cleared her throat that made me stop from eating.
"I am sorry for the trouble,Syn... I was so desperate back then." Nag iwas siya ng tingin.
I breathed heavily.
"Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko noon, I don't know who's the father...Gusto ko lang naman na may managot sa pagbubuntis ko. Pero patawad kung pati ikaw nadamay sa kagagahan ko."
Gusto kong magsalita pero hinayaan ko na muna siya.
"I'm sorry if I messed up your relationship,and it made my friendship with Hymier cut off too.Sinadya talaga namin ang pumunta rito para humingi ng tawad sa'yo. Sa inyo ni Hymier but he told me to talk to your first." Tumango ako.
"Naintindihan ko..."
"Gagawin ko lahat,Syn. Basta mapatawad mo lang ako..." She started to cry.
Inalo naman siya kaagad ni Alaric. Inabot ko ang kamay niya at hinimas ito.
"Hindi ako santo para hindi magpatawad. I understand why you did that. All mother are willing to do everything for their child,it sometimes made us do impulsive things just to protect them."
Kasi kahit ako,handa akong gawin ang lahat para lang sa anak ko. Iyon nga lang ay sa hindi magandang paraan niya ginamit 'yon. Hindi niya naisip na may relasyon siyang masisira sa gawa-gawa niyang estorya.
"Hindi na mauulit 'yon,pangako!" She even raise her right hand,na para bang nanunumpa talaga sa akin.
We stay there for another minutes, naging komportable naman ako katagalan habang kausap siya. She's good. Atleast now,we're okay...she's talkative too and lively. Siya palagi ang nagsasalita at nagtatanong sa amin. Sinasagot ko lang naman 'yon at minsan nagtatanong din ako. Si Alaric naman ay tahimik lang na nagmamasid sa amin.
Naikwento pa ni Ericka na hindi niya talaga kilala kung sino ang nakatabi niya nang gabing 'yon. But when Alaric found out that she's pregnant,he told her everything. Hindi pa siya naniwala noong una,she even want to do a DNA testing and Alaric is willing too.
Hindi ko lubos maisip na posible pala 'yon,akala ko kasi kapag may karelasyon kang babae rin ay magiging ganoon pa rin 'yong gusto mo habangbuhay. Wala akong ideya sa ganoong bagay,may mga kaklase akong sinasabi na bisexual at tomboy sila...pero hindi ko naman talaga alam kung ano ang pagkakaiba nila.
And now,seeing how Alaric look at Ericka and how she smiled while telling their story. Walang imposible, you really can't predict what's the future holds.
Nagpaalam na rin ako sa kanila na mauuna na,maylakad din naman sila dahil kikitain daw nila ang kapatid ni Alaric. Hindi ko naman sigurado kung taga rito rin siya.
Pabalik na ako ng sasakyan ng may tumawag sa akin na unregistered number. Kumunot ang noo ko pero sinagot ko naman ito baka importante.
Simula nang mangyari yung sa San Isidro, It always haunted me in my dreams. Kaya naging mas mapagmatyag na ako ngayon sa lahat ng bagay. Hindi ko naman alam kung ano ang mangyayari sa akin at sa lahat ng nakapaligid. Malay natin,sa susunod na araw may magpapadala ulit ng kung ano na siyang kinakatakutan ko.
My bodyguard open the door for me, I slided myself inside the car and settled.
Sinagot ko ang tawag pero hindi ako umimik,tahimik lang din ang nasa kabilang linya kaya dahil sa takot ay pinatay ko nalang. I now realized, that this is the same number who called me for how many times after my mother's burial.
Since then, pakiramdam ko sa bawat kilos na ginagawa ko ay may nakamasid na sa akin. Kaya takot akong sagutin iyong tawag na 'yon dahil may hinala na ako kung sino sila. I always have this thought in my head that anytime,those NPA will attack me and my family.
Nang makarating na ako sa bahay ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Hymier.
"Oh,Thanks God that you finally answered it. I've been calling you,hindi mo sinabi na lalabas ka.?" Bungad niya sa akin.
Napansin ko naman kanina pa ang tawag niya pero ayaw kong maging bastos sa mga kausap ko kaya hindi ko sinagot.
"Biglaan lang mahal,and it's Ericka and Alaric..."sagot ko.
"Oh!you already met my pussy whipped cousin,huh?" He said while chuckling, ako naman ay hindi maintindihan ang sinabi niya.
"What?"
"Alaric,he's my cousin."
Kaya pala sa isip ko may kamukha siya,magpinsan pala sila? Wow! Kaya panay ang titig ko kanina kay Alaric kasi iniisip ko kung sino ang kamukha niya,tapos si Hymier lang pala.
"Magpinsan pala kayo?wow!" Natutuwang saad ko.
"Not by choice anyway...so how's our baby doing?"
Napangiti ako at napahimas sa aking tiyan sa tanong niya. Palagi niyang tinatanong sa akin 'yan, palagi siyang nae-excite sa tuwing anak na namin ang pag uusapan.
"She's moving again and keep on kicking me." Natatawa ako nang maalala ang nangyari kanina habang nagbibihis ng pambahay.
"Excited to come out,eh." He chuckled too.
"Yeah, lalo na kapag naririnig niya boses mo,she will immediately kick. Ngayon palang feel ko bias na 'tong anak natin,mukhang si tatay ang paborito,feel ko nga pagbubuntis at pag-ere lang magiging role ko,eh."
Sabay kaming natawa sa sinabi ko.
"Of course not,mahal. You will be a great mother to our daughter..." I smiled.
Oo naman,gagawin ko ang lahat para maging mabuting ina sa kanya. Itataya ko buhay ko para lang mailabas at masilayan niya ang mundo.
After Hymier's call,si Casimir naman ang tumawag sa akin.
"So how's life going?"
"Bored but fine..."he chuckled.
"Nananaginip ka parin ba tungkol sa mga nangyari?"
"I'm still trying to cope up with it...pero madalas kasi akong mag overthink kaya siguro bumabalik parin sila sa panaginip ko."
After what happened. I always had a nightmares, na may nagtatangka sa buhay ko. May tumututok ng baril at may sigawang nagaganap. Kaya minsan nagigising ako ng madaling araw dahil doon.
I lay down in bed and close my eyes. Palagi akong nagp-pray bago matulog. Umiinom din ako ng gatas para makatulog agad pero madalas naman akong dalawin ng masasamang panaginip na 'yon.
"I'm sorry,Syn...I know it is hard for you but we are trying our best to solve this case immediately. Nakakatunog yata sila kaya medyo wala pang kilos ngayon,pero sinisigurado ko na pagkatapos ng lahat makakatulog kana ng mahimbing." He said lowly.
Napangiti ako sa kanya, he is acting like my brother too. Kaya hindi ko rin masisi ang iba noon kung bakit kami pinag iisipan na may relasyon. The way how he cared for me is too much,kaya sobrang swerte ko na naging kaibigan ko siya.
"Hindi ko man maalis sa isip mo ang mag alala pero tutuparin ko ang mga pangako ko sa'yo. And I want you to know that I am always here for you. In case you need someone to talk to, just call me,okay? Don't ever hesitate to call me, I'll immediately come over if you need me..." Dugtong pa niya.
"Salamat kuya, Cas..."sinadya ko talagang tawagin siyang kuya. Matagal na niya akong sinasabihan na ganoon ang itawag ko sa kanya pero inaasar ko lang siya.
Hindi tuloy siya nakaimik sa kabilang linya kaya tumawa ako. It is my first time for me to call him that,kaya sigurado akong hindi pa nagsisink in 'yon sa utak niya.
"Leandro,tikman mo nga itong tinola na niluto ko. Huwag kang puro dotdot diyan, pauwiin kita,eh."
Natawa ako sa narinig, Im sure it's his girlfriend. Nandoon na naman siguro siya sa apartment ng nobya niya. Naiimagine ko tuloy kung paano ang lukot ng mukha ni Cas,he hate his second name so much. But he let his girl called him that,kahit pa tunog matanda.
"Ang uhugin no'ng Leandro,matandang uhugin pakinggan."pang aasar ko.
Napasinghap siya sa sinabi ko, kaya mas lalo lang akong natawa.
"Sigi na, mamaya nalang ako tatawag ulit. Galit na si misis..."
Tumango ako kahit hindi niya naman kita.
"Okay, take your time with her and enjoy,Leandro..." Natatawa talaga ako. Ang sarap ding asarin ng isang 'to,eh...napaghalataang patay na patay sa girlfriend.
Nakatulogan ko nalang ang pag iisip ko matapos ang tawag ni Cas. Nagising lang ako sa mumunting haplos sa aking pisngi. I slowly open my eyes and immediately met Hymier's eyes. I smiled to him at inangat ang aking kamay upang haplusin ang kanyang pisngi.
I will never get tired looking at his face. I will never get tired adoring his eyes. I will never get tired kissing those thick and red lips. I will never get tired brushing his hair. I will never get tired appreciating those thick brows of him. I will never get tired loving him.
"Dinner time na mahal, naghanda na si mama ng paborito mong tinola. I'm sure gutom na kayo ni baby,ang haba ng tulog niyo,eh..." Hinimas niya pa ang malaki kong tiyan.
Kinusot-kusot ko pa ang mata ko. Bumangon naman din siya at inabot ang kamay niya sa akin upang alalayan ako. Naghilamos pa muna ako at naghintay naman siya. Hawak kamay pa kaming bumaba at tinungo ang kusina.
"Sino kasama mo sa check up bukas,Syn? Hindi kami makakasama ng papa mo, monthly check-up namin ng papa mo at ni Serena sa siyudad bukas ng maaga."
Shocks! Oo nga pala may monthly check-up ako bukas ng umaga.
"Susunod ako,Ma. Tatapusin ko lang yung meeting namin sa mga Investors..." Sagot ni Hymier.
"Hay nakung bata ka! Dapat inuuna mo yung asawa mo. Puro ka trabaho..."maktol ni tita kaya sumingit na ako.
"Sasamahan ako ni Casimir,tita. Maghihintay po siya sa clinic. May bodyguards din naman po." Sabi ko.
"Kahit na...mas mabuti parin yung kayong dalawa talaga,naku,Hymier,ah!" Naiiling pa siya kaya hinawakan na ni Papa ang kamay niya, pilit kinakalma.
Wala namang kaso sa akin 'yon. Emergency meeting din kasi 'yon,kaya ayos lang. At kung sa siguridad naman,nandoon naman si Casimir. Ilang araw narin kaming hindi nagkikita kaya may oras kaming magkasama.
Natapos ang hapunan na panay ang sermon ni tita sa anak niya. Tahimik lang naman si Hymier na nakikinig sa ina. Gusto ko pa ngang matawa kanina dahil mukhang bata siya na pinapagalitan ng nanay. Tapos tatahimik lang sa gilid.
Kinabukasan ay maagang umalis si Hymier patungong opisina. Ganoon din sila Papa dahil malayo pa ang lakad nila. I was left with the bodyguards.
Nag ayos na rin ako dahil alas diyes ang schedule ko sa OB. Nang tinawag ako ng guard ay tumayo na ako at lumabas.
I made myself comfortable at the backseat, nakatanggap pa ako ng tawag kay Hymier.
"I'm sorry mahal,nag request pa yung investor na maglaro ng golf. Hindi ako makahindi eh, hindi ko rin alam na matatagalan pala kami. Susunod nalang ako kapag hindi kapa tapos,mahal..."
"Okay lang,love. Nandoon na nga si Cas,eh."
He scoffed. Natawa tuloy ako,hindi ko alam kung hanggang ngayon ba ay nagseselos parin siya kay Casimir. Naiisip ko tuloy na umiirap siya ngayon.
"Remind kuya Migs to drive carefully."
"Yes,tatay..."
"Ingat,mahal...I love you two."
Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. Ang isa pang bodyguard ang nagpaalala sa kasama na mag ingat sa pagdrive.
Buong biyahe nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan. Tinatanaw ang bawat palayan na madadaanan namin. Sobrang ganda ng San Vicente dahil kahit medyo nag improve na ito ay maramdaman mo parin yung pakiramdam na nasa probinsya ka. Na kahit marami na ring building na nakatayo sa bayan ay may ganitong tanawin parin kahit papaano.
I unconsciouly carress my belly as I look at the beautiful scenery outside the car.
Few weeks from now,you will see this world,anak. And few weeks from now,you will be with us. Sabik na kaming makita ka,lalo na ng tatay mo. I should be feeling nervous because it would be my first time to deliver a child but I am more excited.
Excited to hear her first cry,see her smile, her first crawl and walk. Kung sino sa amin ni Hymier and una niyang tatawagin. Nanay ba o tatay,pero pakiramdam ko tatay talaga. Lahat nang una sa kanya kinasasabikan ko na.
Sana ganoon parin ka-healthy ang anak ko kagaya ng huling check-up namin.
Natraffic pa kami sa highway papasok ng bayan dahil may banggaan, nakamotorsiklo at pick up. Kaya nag alala ako na baka naghihintay na sa amin ang doctor dahil pag check ko ng phone ay late na kami ng sampung minuto.
Nakita ko pa ang mensahe ni Hymier na nagtatanong kung nakarating naba kami ng clinic. Nagreply lang ako na malapit na at tinago nang muli ang phone.
Nagkasalubong pa ng sasakyan namin nina Ericka at Alaric sa intersection. Palabas sila galing sa resort at kami naman ay padiretso. Tamang tama at nakababa ang bintana ni Alaric kaya naman binaba ko rin ang sa akin.
I waved my hand to him kinausap niya naman ang katabi niya kaya kumaway din sa akin si Ericka. Nalagpasan namin ang sasakyan nila kaya kita ko sa side mirror na nakasunod na sila sa amin.
Ilang minuto pa ang nakalipas at paliko na sana kami sa kalye na papasok sa clinic nang may rumaragasang sasakyan. Huli na nang matanto ng driver na may sasakyang mabilis ang takbo sa likod. At dahil mahina ang patakbo namin at alanganin din papasok hindi na nakontrol ang pangyayari.
Namilog ang mata ko nang marinig ang malakas na salpukan.
I gasped.
Tumilapon ang sasakyan namin sa gitna ng daan ganoon din ang nakasunod sa amin at sigurado akong sina Alaric at Ericka 'yon.
Sobrang sakit ng ulo ko at ganoon din ang aking katawan. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top