25


Nagising ako na hindi pamilyar ang lugar sa akin, it's not my room nor our house. Masakit ang ulo ko at  nahihilo pa ng kaunti. I can hear voices but not familliar to me.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko,nasilaw pa sa liwanag na hatid ng ilaw. The smell is soothing in my nose and I didn't like it.  Bumaliktad ang sikmura ko,dali-dali akong bumangon kahit nahihilo pa. Agad naman napabalik sa pwesto ng mahila ako pabalik dahil sa nakakabit sa akin.

Taranta pa ang mga nurse at doctor ng maramdaman nilang gumalaw ako.

Agad nila akong nilapitan at tinulungan sa pagtayo,me head spin a little. Nakalimutan ko na tuloy ang masuka. I even saw my brother panicking.

"Gusto kong magbanyo."saad ko.

Inalalayan naman ako ni kuya.

Umihi ako at sumuka na rin. This is my first time vomiting for my entire pregnancy.

Napaayos ng tayo si kuya ng makalabas na ako ng banyo. Inalalayan niya akong muli hanggang sa makahiga na sa kama. He was just silent and staring at me like he was waiting for something. Huminga ako ng malalim at napaiwaa ng tingin sa kanya.

Wala na rin ang kausap niyang mga doctor at nurse kanina kaya naging awkward ang atmosphere naming dalawa.

"Kailan pa?"seryusong tanong niya.

"Eight weeks na. . ."napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Alam niya?" Umiling ako kaya naman umupo siya sa tabi ko. "Parating na 'yon,tinawagan ni tita. Nataranta nga sabi ni Sam,nagdrive ng sasakyan akala siguro nasa manila ka." Natatawa pa siya.

Hindi siya galit? Si Papa kaya?

"Hindi ka galit?" Mahina kong tanong.

"Bakit naman ako magagalit? E,blessing 'yan."nakangiti niyang saad.

"Kumusta raw yung baby?"

"It's fine and healthy,stress ka raw kaya nawalan ka ng malay at siguro dahil na rin sa result ng board?"

And that reminds me of the real reason why i fainted. Or maybe because of stress too,hindi ko alam.

Halos mapangiwi ako,bakit pa siya uuwi? Iyon lang pala ang magpapauwi sa kanya? Kung walang nangyaring ganito sa akin hindi niya ako uuwian.

Tahimik lang ako,ayaw kong sabihin sa kanya ang nangyari kanina. I know kuya,he will do something stupid when he'll know what happened.

Hindi na siya nagsalita pa,pero halata sa mukha niya na may gusto pa siyang itanong. Para makaiwas sa kung ano mang hinala niya ay nagpaalam akong magpapahinga muli. Totoong nahihilo pa ako ng kaunti pero kaya ko naman.

Dahil sa pagpapanggap ay nakatulugan ko na ngtuluyan iyon. Nagising nalang ako ng makaramdam ng marahan na haplos sa pisngi ko. Hindi pa ako nagmulat kaagad dahil para akong hinihili sa bawat haplos na iyon.

Siguro ay madaling araw pa lang dahil sa sobrang tahimik ng paligid.

Agad kong napagtanto na iisang tao lang ang gumagawa sa akin ng ganoon. Napamulat kaagad ako ng mata at marahas na tinanggal ang kanyang kamay sa pisngi ko. He look at me disappointed but I didn't mind it. Bumangon kaagad ako at napaayos ng upo.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko habang kinukusot-kusot pa ang aking mata.

Gusto kong maiyak dahil sa inis ko sa kanya. Makita palang siya ay bumabalik na sa akin ang nangyari. He let someone hold his phone,he let someone inside his room.

"I was worried and still is."napaiwas ako ng tingin.

Thinking about Ericka and him in one room,made me want to vomit again. Hindi naman siguro sasabahin ng babaeng 'yon kung wala nga silang ginawang dalawa.

Nandidiri ako maisip lang na may nangyari sa kanila.

"So,kailangan pa pala na may mangyari sa akin na masama bago mo maalala na may girlfriend ka?"

Hindi siya nakasagot kaagad, hindi ko naman hinihingi ang buong oras niya. Gusto ko lang naman na kahit papaano ay maalala niya na naghihintay ako ng tawag niya. Alam kong abala siya sa trabaho,pero kasi...nakuha niya ngang mag bar halos gabi gabi tapos kaunting oras lang para sa akin ay limitado pa.

It hurts me so much, I don't want to beg for his attention but I deserve it as his girlfriend.

Palagi kong napapansin na kung gaano ako kabilis sumaya,ganoon din ako kabilis masaktan.

"Anong ginagawa ni Ericka sa kwarto mo?magkatabi kayong natulog? May ginawa kayo kaya ka pagod na pagod?" Sunod na sunod ang tanong ko.

Kumunot ang noo niya.

"What?"

Ngumiwi ako.

"I called you yesterday,ibabalita ko sana sa'yo na nakapasa ako. Pero ako ang sinalubong ng balita."

"I didn't knew..."

"Paano mo malalaman,e tulog ka nga. Napagod ka raw,'di ba?" I rolled my eyes.

"I was alone in my room the whole afternoon, what the fuck are you talking about?!"

"Huwag mo akong murahin,Hymier! Ako dapat ang galit,ako dapat ang may karapatang kwestyunin ka!?"sigaw ko sa kanya sabay duro ng kamay ko.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. . .I slept alone and woke up alone too."

Suminghap ako,ayaw ko paring maniwala.  Imposible naman na nakapasok ang babae doon kung hindi niya pinapasok.

"Simula noong biglaan mo nalang akong iniwan at umalis ka dahil sa bestfriend mo,alam kong dadaan tayo sa pinakamahirap na sitwasyon. Pinilit kong intindihin iyon kasi sabi ko sa sarili ko,dadamayan mo lang siya,kasi noong mga panahong nalulungkot at may pinagdaanan ka,nandiyan siya."

Gusto ko siyang sumbatan,gusto kong magalit sa kanya.

"Pero simula rin nang umalis ka,nakalimutan mo narin na may naghihintay na girlfriend saiyo. Kahit sa tawag Hymier, pakiramdam ko  bawal kitang kausapin. Bawat tawag mo sa akin limitado,tapos makikita pa kitang palaging nasa bar kasama mga kaibigan mo. Hindi naman kita pinagbabawalan eh,kasi mas nauna sila sa buhay mo kaysa sa akin. Pero sana naman naisip mo rin na may nobya ka rito." Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.

"Minsan ba nang mga panahong nasa manila ka naiisip mo rin ba ako? Nag aalala ka rin ba sa akin? Kasi pakiramdam ko,ako lang yung ganoon,eh. Minsan,naiisip ko nalang na ganoon ba ako kahirap kumustahin? Ganoon ba ako kahirap bigyan ng oras? Hindi ka naman ganoon dati,ah...bakit ngayon..." Humagulhol na ako.

Naninikip ang dibdib dahil sa samu't saring emosyon.

"Gusto kong magalit saiyo dahil nawalan kana ng oras sa akin. Gusto kong sumbatan ka,gusto kong sigawan ka dahil naiinis ako saiyo. Gusto kong maramdaman mo rin iyong sama ng loob na pinaparamdam mo sa akin."  tumigil ako saglit at humugot ng hangin.

"Kaso tangina! Mas nasasaktan ako dahil hindi ko kayang gawin 'yon lahat sa'yo kasi masyado akong takot na mawala ka. Takot akong magising ulit na wala na nama 'yong taong mahalaga sa akin. Ayaw kong masakal ka sa akin,kaya hinayaan kitang matanto mo na nawawalan kana ng oras sa kin. Pero bakit ganoon,Hymier? Bakit hindi mo ramdam 'yon? Isang buwan ka lang nawala,pero iyong pambalewala na pinaramdam mo sa akin,pang ilang taong sakit."

Lumapit siya sa akin at hinagkan ako.

"I'm sorry,love..." Hindi ako sumagot,nasasaktan ako sa sorry niya. Palagi nalang ganoon ang naririnig ko sa tuwing may taong nagkakamali sa'kin.

Ang dali lang para sa kanila ang humingi ng tawad pero kalaunan ay may gagawin na namang panibagong pagkakamali.

"Please...stop giving me heavy feeling, I am afraid that one day I'll be numb and lose my feelings...lalo na ang pagmamahal ko..."

He hug me even more,mas lalo pa siyang humihingi ng tawad sa akin. I keep crying on his shoulder,ubos na ubos na ako. Gusto ko lang naman maging masaya,pero bakit parang kay hirap makamit 'yon?

Lahat nalang ay panandalian,lahat ng kasiyahan ko ay may kaakibat na kalungkutan.

We become silent for minutes...I wait for him to explain but he never did. Hindi ko nalang binuksan ang topic na iyon ulit hanggang sa makatulog akong muli dahil sa pagod.

The time I woke up,I feel lighter. Maybe because I let out the heavy feeling I felt and maybe because of the confrontation with Hymier last night.

Wala na siya sa tabi ko,hindi ko rin naman siya masisi matapos ko siyang pagsabihan ng kung ano ano.

Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas ng bumukas ang pintuan at pumasok siya. He's holding a paperbag,nag iwas ako ng tingin dahil nahihiya. Napagtanto kong hindi ko man lang siya nabigyan ng pagkakataon kagabi na magsalita.

"I brought healthy food for you,maybe you don't want the food here kaya nagpagawa ako sa bahay. "

Inilapag niya 'yon sa side table at inilabas na isa isa. Nakasubaybay lang ako sa bawat kilos niya. Umupo siya sa gilid ng kama ko at akmang susubuan sana ngunit inagaw ko sa kanya ang kutsara. I am not crippled and I can manage to eat on my own. Hinayaan niya naman akong gawin ang gusto ko.

Mataman niya lang akong tinitigan habang kumakain, magana akong sumusubo dahil sarap na sarap sa lasa ng aruzcaldo'ng puno ng fried bawang.

Inabutan niya ako ng tubig ng makita niyang nauuhaw ako. Bumalik naman kaagad sa pagsubo matapos uminom. Tahimik niya lang ako pinagmamasdan at hinintay na matapos.

Inalalayan niya akong umayos ng upo,inayos niya rin ang unan sa likuran ko. Hindi ako kumibo at ganoon rin siya. Nagsusukatan lang kami ng tingin at bawat isa sa amin ay ayaw magpatalo.

He cleared his throat.

"About Ericka..."napatitig ako sa kanya. "We never slept together...I was alone in my room as I remembered. She has the access of my unit,hindi ko rin alam na pumasok siya roon ng walang pahintulot ko. I was tired that afternoon because I came home late the other day and woke up early for the meetings."diretso niyang saad.

"I'm sorry if I made you feel like you weren't important to me. You are my life,Syn... I will surely do anything just for you to be happy...sadyang abala lang ako nitong nakaraan sa trabaho at may inasikaso rin."

Nakatitig lang ako sa kanya ng bumitaw na siya sa yakap. Pakiramdam ko tuloy pati ako ay binitawan niya na rin. I am so emotional to the point na lahat ng kilos niya ay kinakatakutan ko na.

"I will never do something that can make our relationship fall,Syneca. That would kill me... Kakausapin ko si Ericka patungkol sa nangyari...just please believe me,I want to be with you..."

Hindi ko alam kung bakit pagdating sa  kanya ay sobrang marupok ko. Wala sa sarili akong tumango sa kanya. Pinatakan njya muna ako ng halik sa noo bago nagpaalam na aasikasuhin ang paglabas ko.

Naka admit lang ako kagabi dahil kailangan ko raw obserbahan pa. Ngayon pupwede na akong lumabas at kailangan lang magpahinga.

Pumasok din ang doctor at nurse at inasikaso pa muna ako. Tinanggal na rin ang swero ko bago sila nagpaalam sa akin. Nagpasalamat lang ako sa kanila at nagpasyang tanawin ang payapang bayan ng San Vicente.

Mataas na building ang hospital,kaya kahit papaano ay tanaw mo ang buong bayan dahil nasa mataas na parte rin ito ng lugar.

I should stop thinking about Ericka,right? At kung ano man ang ibig niyang sabihin ay baka gawa gawa lang niya 'yon. Baka ikakasama pa ng nasa sinapupunan ko  kung mae-stress ako. Hindi dapat ako nag iisip ng kung ano anong bagay,ngayong dalawa na kami ang kailangan kong alagaan ay dapat mas mag ingat ako.

Ngayong bubuo na kami ng sarili naming pamilya ni Hymier. Hindi ko hahayaang may manggugulo, I will always listen to his explanation. At nangangako akong hindi kaagad maniniwala sa kahit ano mang balita ang makarating sa akin.

He loves me,and I will trust him.

Napahimas ako sa aking tiyan.

"Aalagaan kita,anak. Simula ngayon,ikaw na ang mas uunahin ko. Sisiguraduhin kong lalabas ka ng maayos at malusog. I will make sure that you will see this wonderful world..."I whispered as I continue caressing my belly.

Simula nang malaman kong buntis ako,everything  change. The way I move,I'm always being careful,the food I eat,I always made sure it's all healthy. Ganoon talaga siguro,motherhood will just suddenly kicks you in. Hindi pa man nailalabas ang bata,handa ka nang  magsakripisyo at ilaban siya sa mundo.

Handa akong gawin ang lahat para maprotektahan siya.

Napabalik lang ako sa kasalukuyan ng bumukas ang pintuan at pumasok si Hymier. Agad akong lumingon sa kanya,bumuntong hininga muna siya bago ako nilapitan.

He hug me from the back and caress my belly too. I smiled. This is what I'm dreaming of,having a small and happy family that will make our life full.

"I will never let anyone ruin this happiness...I will do my best to protect you and our little one..." Nakabihis na ako ng normal na damit kaya madali lang para sa kanya ang itaas ang suot kong shirt.

Patuloy niyang hinahaplos ang aking tiyan,he even form a heart shape using his fingers and kiss my cheek. Hindi na ako nagsalita pa at nagpaliwanag sa mga nangyari. He knew already that I am bearing his child. Sa bibig na niya mismo nanggaling 'yon.

This is so fullfiling,despite my tantrums. It always ends up with forgiving and accepting our every mistake. It really helps when you always communicate and compensate with each other.

Hindi na ako sinundo ng pamilya ko,maybe Hymier promise them to send me home. Parehas lang kaming tahimik sa sasakyan, mabuti nalang at nagpatugtog siya sa stereo. Sa labas lang ako nakatingin at siya naman ay focus lang sa pagmamaneho.

Hanggang sa makarating sa bahay ay tahimik ako. Napansin niya rin siguro 'yon kaya matapos kausapin ang pamilya ko ay nagpaalam na siyang umalis na.

He just kissed my forehead.

Agad naman akong umakyat sa silid at nagkulong doon. Nalinawan na ako sa pag uusap namin at tanggap ko na iyon kong ano man ang pagkukulang niya. Naintindihan ko iyon. May kung ano lang sa loob ko ang hindi maintindihan.

Kahit sarili ko ay hindi ko rin maintindihan nitong nakaraan.

The next weeks,I started to noticed some changes in my body. My morning sickness started and my cravings worsen. Mabilis din akong manghina at palaging nauuhaw kahit wala namang ginagawa.

Ang sumunod na check sa OB-Gyne ko ay kasama ko na si Hymier. Kitang kita ko ang excitement at tuwa niya ng makita na ang sonogram ng anak. Hindi ko sigurado kong naiyak nga ba siya talaga ng makita ito pero nakita kong may pinunasan siya sa gilid ng kanyang mata.

Agad siyang nag iwas ng mataman ko siyang tiningnan. Ngumiti naman ako dahil alam kong masaya siya.

I continue my teaching,hindi na rin muna bumalik si Hymier sa Manila dahil si kuya Hendrei ang nag aasikaso ng kompanya. He is the one who send and pick me up from school. We're okay but there's  something inside me feeling guilty,dahil na rin siguro sa pakikitungo ko sa kanya nitong nakaraan.

I hate to admit it but I hate his presence,kaunting kilos niya lang ay naiirita ako. I hate him being around but I love his smell. Kaya naiinis ako sa sarili ko,ayaw ko siyang nakikita pero gustong gusto ko ang amoy niya.

Hays.

Lord,hindi po ako nagrereklamo pero bakit ang hirap naman po magbuntis?

Simula no'ng marami na ang nakakaalam na buntis ako,nagpapakitang gilas yata ang anak ko. She/He always want something new,kahit sa pagkain ay sobrang mapili ako.

"Nasa stage kapa ng paglilihi dahil trimester mo pa,normal lang 'yan,hija."

Si tita Helena palagi ang nakakausap ko sa ganitong bagay. Siya kasi ang may mas karanasan sa pagbubuntis,umaalalay lang din si ate Beth. Pero sa ngayon kasi ay kabuwanan na niya kaya mas nanaitli na siya sa kanila para makapag pahinga.

Madalas magbago ang mood ko at minsan din naaaway ko si Hymier. Minsan gusto ko siyang nakakatabi matulog at minsan naman ayaw ko siyang makita.

Kagaya nalang ngayon,ilang gabi na siyang dito natutulog dahil gusto ko siyang katabi. Minsan pa niya akong sinasabayan magising dahil nagugutom ako sa madaling araw. Tapos nagluluto siya ng noodles kahit labag sa kalooban niya dahil hindi daw healthy 'yon sa akin. Pero hindi ko naman kinakain,inaamoy ko lang.

"Ikaw magpapangalan sa baby kapag lalaki,ah?" Saad ko,habang kumakain ng cream stick na chocolate flavor. Isang balot na ang naubos ko ngayong gabi.

Nakasandal ako sa headboard ng kama,samantalang siya ay nakahiga sa hita ko at ang mukha ay nasa aking tiyan. Panay halik niya roon sa maliit na umbok.

"Hmm..."

"Ano ipapangalan mo kung ganoon?"

"Hymier Ferrer Montero II..." nakatingala siya sa akin at ngumisi. "Ikaw,ano ipapangalan mo kapag babae?" Balik niyang tanong.

Nagkunwari akong nag iisip,kasi sa totoo lang may pangalan na akong nakahanda.

"Hyasynth Ferrer Montero..." Nakangiti ako.

"I like it,it's  still sound our name...ang galing talaga ng cum laude ko..." I rolled my eyes. Siya kasi 'di na nag isip kaya sinunod nalang sa pangalan niya.

"Sana kapag lalaki,hindi kasing suplado mo..." Natatawa kong saad.

"Sa'kin ayos lang na suplada basta kasing ganda at talino mo..."nahampas ko siya sa braso. Ayaw talaga patalo ng isang 'to.

Palaging ganoon ang routine namin sa araw-araw. Hinahatid sundo niya ako sa San Isidro, nagtatrabaho siya sa hotel at rice milling nila at sa bahay siya umuuwi sa tuwing gabi.

Minsan naman ay sinasamahan niya ako sa school at nagdadala lang ngtrabaho doon sa laptop niya. Kapag wala naman akong pasok ay sa bahay lang kami.

Kagaya ngayon, nasa bahay ako buong araw dahil sabado. Gumagawa ng lesson plan at nagsusulat din ng topic sa manila papaer para sa lunes.

Habang abala sa pagsusulat ay may natanggap akong text sa hindi kilalang numero.

Unknown number:

Hi! I'm here at the resort,can we meet this afternoon? I badly need to talk to you about Hymier and I. This is Ericka.

Napakunot ang noo ko,saan niya naman nakuha ang numero ko? At tsaka ano naman ang ginagawa niya rito?

I replied and agreed with her,gusto ko rin siyang kausapin kaya sinabi ko sa kanya na sa cafe sa bayan kami mag usap dalawa.

Kaya nang maghapon na ay nagpasya na akong tigilan muna ang ginagawa at tinungo ang café.

Naabutan ko si Ericka nakaupo sa pandalawahang table at tumitingin sa menu.

Nag angat siya ng tingin ng makalapit na ako. It is our first time to meet in person. She has a sophisticated and intimidating aura. Her  hair is in bob cut that define her chin even more. She's pretty and sexy,kaya hindi ko rin masisi kung sakaling magustuhan nga siya ni Hymier.

She kissed both of my cheeks and gesture me to seat down. Hindi ko maintindihan ang sarili,pakiramdam ko napaka plastik ng kilos niya sa akin. Tinawag niya din kaagad ang waiter at lumapit naman ito. She ordered for us and I didn't mind though.

"I am not sorry for telling you that I am with Hymier that day..."taas kilay niyang saad. "At kung ano man ang itinanggi niya ay hindi ko na problema 'yon... I am telling the truth that we're together and he slept with me..."

Hindi ako kumibo,diskumpiyado parin sa mga sinasabi niya.

"I followed him here to deliver the news," may kinuha siya sa bag niya. Nilapag niya 'yon sa mesa,agad akong namutla sa nakita.

It is a pregnancy stick,tatlong stick at puro may dalawang linyang pula. Nanginig ako ng makita pa ang isang papel na may lamang sonogram. It has her name...

Nag angat ako ng tingin sa kanya at pinigilan ang sarili ko.

"I am five weeks pregnant and he is the father...kaya ako nandito para ipaalam sa kanya na nagbunga ang nagawa namin nang gabing parehas kaming lasing."

Agad na pumatak ang luha ko. Nanginginig ang mga kamay ko at nanghihina ako. Siguro kung nakatayo ako ngayon, kanina pa ako natumba.

"I don't want to ruin your relationship but I don't want to raise my child without a father too."

Wala sa isip akong napahimas sa aking tiyan.This can't be,right? I trust Hymier and I know he can't do this to me.

She's bluffing...

I thought, she's... May girlfriend siya...paanong...

I immediately stood up and walk out the place. Pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata. I don't believed her but I am hesitant at the same time.

May batang involve ngayon, that sonogram is the proof that she's really pregnant. At kahit pa sabihing hindi nila sinadyang may nangyari sa kanila ay nangyari na iyon.

My vission become blurry na halos mabangga pa ako sa mga nadadaanan ko.  Wala akong mahanap na tricycle at mas lalo nawawala na ako sa sarili ko.

I need to talk to Hymier regarding this.

How can he fucked someone while fucking me too?

Kaagad akong pumara ng tricycle na paparating. I should'nt believed that bitch but what the point of lying,right? Anong mapapala niya kung sakaling nagsisinungaling nga siya?

My phone keep on ringing but I ignored it... I know it was Hymier but I don't care anymore. I don't want  to talk to him right now baka masuntok ko lang siya.

Nang makarating sa tapat ng bahay ay halos ayaw ko nang bumaba ng tricycle. Hymier's car is outside our house at sigurado akong nasa loob siya at naghihintay sa akin.

Tama nga ako,nang makapasok sa bahay ay nabautan ko siyang hindi mapakali sa palakad-lakad niya. Tita Helena and Papa are both in the sala too. Nakaupo lang sila sa sofa at pinagmamasdan lang si Hymier.

Kaagad akong nagmadali at lalagpasan na sana siya ng hawakan niya ang braso ko. Dahil sa biglaang hawak ay nakaramdam ako ng sakit. Pinanlilisikan ko siya ng tingin,kaya unti unti niyang binitawan.

"Please talk to me,Syn..."

"Talk about what? About you having another child while I am pregnant too? Damn you!"

Nasampal ko siya sa sobrang galit ko...Ano na naman? Magpapaliwanag na naman siya? Mag so-sorry kung sakaling totoo nga na nabuntis niya si Ericka?

"I am not the father of her child...do you think I can do that to you?"

"Bakit,Hymier? Hindi ba?" I saw the pain in his eyes. Napahilamos din siya ng kanyang mukha, frustrated na rin.

"I didn't fuck another woman,I can't do that..."

"Hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa mga pinagsasabi mo. Ang dami mo nang binigay sa akin na sakit sa ulo...sa tingin mo ba maniniwala pa ako?"

I wipe my tears. Nakatayo na rin sina Papa at tita...

"Please go home...I don't want to see your face...Nandidiri ako sa'yo,Hymier. At sa tuwing nakikita kita,nandidiri rin ako sa sarili ko."

Patakbo akong umakyat ng hagdan at kaagad na pumasok sa kwarto at nilock ito. Sobrang sakit na ng puso ko...

Umiyak lang ako ng umiyak habang nakahimas sa aking tiyan...

Bakit ba palaging nangyayari ito?

Gumapang ako sa kama at nahiga. Ayaw kong may makausap ngayong gabi. Gusto kong mapag isa.

Hanggang sa nakatulugan ko nalang ang pag iyak at nakalimutan ang pagkain ng hapunan.

Naalimpungatan nalang ako dahil sa naramdamang gutom.

Madaling araw na kaya sigurado akong wala nang tayo sa baba. Nagpasya akong bumaba para kumuha ng pagkain. Hindi pa man nakalahati ang hagdan ay nakita ko na si Hymier na nakahiga sa sofa.

What is he still doing here?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top