24

They said, that every relationships will get boring after you've been together for years. Maybe? but the most important thing is,you know how to handle those boring days and you both have to work out a way to not lose the excitement in your relationship.

It is not all about feelings,it is a commitment to love every day, physically and emotionally. Hindi lang naman kasi umiikot ang relasyon sa puro tawanan,ngiti at saya. People tend to quit when it stops being fun,tapos iiwanan ka at hahanap ng iba dahil nagsawa na. Nawala na yong sparks at boring na.

Kakalungkot.

Pero kung iisipin,hindi naman dapat ganoon,eh. Kung gusto mong hindi ka iwan ng taong mahal mo,gawin mo 'yung mga bagay na magiging rason upang manatili 'yong tao sayo. Love is not like a movies who always had a happy endings. Love is not like a fairytales that tend to have a happy ever after.

Relationship is not strong when you don't experienced to be on the rock. Kaya dapat parehas kayong lumalaban sa relasyon niyo.

Couple should both work for it,you have to help each other if you really want the relationship to keep. Understanding,trust, give and take is the key.

Magmahal ka ng taong hindi mo inaasahan na darating sa'yo. At kung umabot kayo sa punto na nahihirapan ka ng e-handle at mahalin siya? Take a break to think and comeback when you're ready.

After those years ,after what we've been through,I realized alot. From the family problems we've been facing,our relationship became shaky. I appreciate and love the things I have,let go of people who don't want to be part of my life and hold on to people who appreciate me despite my imperfections.

And Hymier, he made me believe in love,made me believe in promises again. He showed me that love is not just about the butterflies and sweet moments. It is all about acceptance,care and trust.

At ngayon na may paparating na blessing sa amin,I am more in love with him.

I am nervous at the same time happy, hindi ko lubos maisip na magkakaroon na ako ng sariling pamilya. I dreamed having one,kahit ngayon na hindi pa naman namin plinano. Masaya ako. Totoong masaya dahil matutupad ko na ang matagal ko nang pinangarap.

Buong maghapon akong naging masaya,kaya magana akong nagturo sa mga estudyante ko. Iyon nga lang ay naputol 'yon ng tumawag si Hymier at pinaalam sa aking ang biglaang lipad patungong Manila.

It was an emergency, his bestfriend is in the hospital. Siya raw ang hinahanap kaya walang pagdalawang isip siyang nagtungo roon. Normal lang naman siguro ang makaramdam ng disappointment diba?

Kasi ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam para kanino,siguro dala na rin ng pagbubuntis ko. Hindi ko alam.

Gusto ko mang magtampo pero naintindihan ko bakit ganoon nalang ka kabilis para kay Hymier na puntahan ang bestfriend niya. Hindi ko alam na suicidal pala siya. She's been with Hymier when we had our break up. Kaya naman pakiramdam ko ay wala akong karapatang magreklamo. Dinadamayan lang niya ang kaibigan na may pinagdadaanan ngayon.

Ilang araw pa ang lumipas ngunit hindi parin umuuwi si Hymier. He even forgot my birthday, he apologized but I feel disappointed.Madalang lang din siyang tumawag na siyang mas nagpalungkot sa akin. Nagtatampo ako pero pinipilit kong kontrolin iyon,pilit kong iniintindi nga sitwasyon. Kahit pakiramdam ko ay may hindi na tama.

I once saw his cousin's Intagram story,nasa bar sila at kasama na si Ericka. Nakaakbay ito sa kanya at tila wala naman nang naramdamang sakit. Mas lalo lang nadagdagan ang inis ko kay Hymier.

Ginawa pa niyang excuse na siya muna ang nag aasikaso ng kompanya nila doon. If I know,nag eenjoy siya doon dahil una sa lahat mas gusto niya roon kesa rito.

We never had a chance to talk about my situation. Ayaw ko rin kasing sa telepono ko lang siya makakausap. Palagi siyang busy sa trabaho at ganoon din ako. Pakiramdam ko tuloy nabalewala ko na ang pagdadalang tao,it should be him the first one to know. Pero nasaan nga ba siya?

Another month had passed,hindi parin nakauwi si Hymier. Tito Hymie even apologize to me dahil daw kasi sa kanya kaya nandoon pa rin hanggang ngayon si Hymier. Nawalan na ako ng pake,dahil nakita ko naman din kung paano nag eenjoy si Hymier sa buhay niya roon. Kahit sabihin pang busy siya,nakikita ko parin kung nasaan sila kada gabi.

At 'yon ang nagpapagalit sa akin.

I have to understand,I should.

I already had my check up. I am eight weeks pregnant right now. Naalala ko na kung paano nabuo ang bata,it was when Hymier late from pulling his shaft when we both reach our heaven.

Mabuti nalang at hindi naman masilan ang pagbubuntis ko. Hindi ako nagsusuka tuwing umaga,malakas lang akong kumain. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa alam ng mga magulang ko at ng kapatid. Only Casimir knew this, he was with me during my check up. Napagkamalan tuloy kami na siya ang tatay,but he claimed that I am his sister.

Mabuti pa siya at palaging nandiyan sa tuwing kailangan ko. Gusto ko sanang kausapib ang nobya niya dahil pakiramdam ko,naagaw ko na ang atensyon ni Cas sa kanya.

I always thought if she's jealous with me,maiintindihan ko 'yon pero hindi naman ako sinasagot ni Cas sa tuwing nagtatanong ako.

"Nakalimutan na yata tayo ng daddy niyo." I sighed.

Hinihimas ko si Gatua at ganoon din ang aking tiyan.

"Paano ko sasabihin sa kanya na may kapatid kana,huh?" Sabi ko sa pusa na akala mo ay sasagot.

"Wala na yata balak na umuwi 'yon,eh." Pinunasan ko ang nakatakas na luha sa aking mata.

Pregnany hormones made me more emotional these days.

Sa isang buwan na nakalipas,siguro tatlong beses lang kaming nag videocall. Tumatawag siya sa number ko pero palagi naman 'yon napuputol kaagad dahil sa tawag ng sekretarya niya o nang kung sino.

Sa totoo lang pagod na akong umintindi,pagod na akong lukuhin ang sarili ko na ayos lang sa akin ang nangyayari. I choose to understand because of my situation, but sometimes it also exhaust my patience.

Ayaw kong ini-stress ang sarili ko kaya mas pinipili kong tumahimik nalang. Pero minsan kasi nakakapagod na...

Gusto kong umiyak at ibuhos lahat ng luha ko sa sobrang bigat ng nararamdaman. I am tired of being strong, I am tired to pretend that I am still okay. But true to be told,I am drained already.

"Salamat at napaunlakan mo ang imbetasyon ko..." Nakangiting saad ni tito Hymie.

Nasa Aroma Haus kami,he texted me yesterday. Asking for the talk,matagal ko na rin na gustong kausapin siya pero naging abala lang talaga. Hindi ko na nga matandaan na may dapat pala kaming pag usapan.

"No problem po,sadyang abala lang sa school."tumango siya at uminom ng kape sa kanyang tasa. Gustuhin ko mang magkape ay pinigilan ko ang aking sarili.

I just ordered some bread and juice,I am avoiding caffeine right now because of my pregnancy.

"I thought you already know the reason of this talk,right?" Tumango ako.

It is all about the past.

"First,I want to apologize to you."he sighed. "Hindi ko na mabilang ang mga naging kasalanan ko noon sa inyo,sa Papa mo at lalong lalo na sa inyong magkakapatid. But I did all of that because of my desperation. In those years, I had no other things in their mind but to revenge. I am hurt because my wife chose the other man over me. My anger eaten me because of my cheated wife. Hindi lang naman kasi unang beses nangyari 'yon."ngumiti siya ng mapait.

"Your father and Helena are highschool sweetheart. They just broke up when Helena decided to study college in Manila where we met. We started to hang out being friends,dahil parehas kaming taga probinsya ay madali kaming nagkasundo. Hanggang sa umamin ako sa kanya na gusto ko siya,she rejected me and even avoided me after my confession. Nagkataon pa noon na christmas break and we both go home. Umuwi siya rito sa San Vicente at ako naman sa Santa Monica. At nang makabalik kami sa siyudad, nagtaka nalang ako kung bakit niya ako pinayagan na manligaw sa akin. I thought what made her change her decision,hindi ko na siya inusisa noon. What important to me is the chance she gave me."

Ngumiti siya sa akin ng mag anagat siya ng tingin bago nagpatuloy.

"I didn't know that she had her ex, hindi ko naman siya tinatanong noon. We're happy for years,she loved the way I did. We decided to get married after our graduation. I worked hard for our future,I gave my best to be the great husband for her and be the best father for our first born. After years of staying in the city,she wants us to settle down here. Inintindi ko 'yon kasi kahit ako mas gusto ko sa probinsya. I left my position as the CEO of our company after we finished the constraction of the resort. It was named after her,she loved that place so much. Akala ko noon dahil lang sa tabi ng dagat ito,you know,refreshing and relax..."

"Little did I know,it was because of someone. She loved the place because it reminds her of your father. And as the time goes by,we had our second child,our relationahip become shaky... She always got home late,she's always outside our premises. Hindi na niya naaasikaso ang resort na siyang nagpapataka sa akin. She really loved that place,she loved what she's doing there. Pero bakit sa isang iglap ay napapabayaan na niya 'yon? I always asked her why,but she keep her distance to me and avoided whatever I'm going to asked..."

Bumuntong hininga muna siya.

"Until she got pregnant with Hymier, I also questioned her pregnancy. As far as I remembered, we had been protected for years. She always made sure she got her shots,dahil ayaw na niyang mabuntis sa akin. Our fights got worse,until I did my investigations. I found out that your father exist,I found out that she still loves him even we're married. Ang mas malala pa ay palagi silang nagkikita noon, I got mad at her. Mas lalo lang lumakas ang duda ko, I asked her for the DNA of the child she's bearing. But it comes out to be mine, we reconciled after. Naging maganda na ulit ang relasyon namin,pero ilang taon lang din 'yon. Hymier was five when we started the endless fights again. You know what's worst?"

Ngumiti siya ng mapait.

"Hymier was the only one witnessed it,he's always there hearing our arguments. Fights after fights,until she got tired and decided to leave us. I was broke,I was devastated, without knowing that Hymier is suffering from the trauma we've caused. I discovered it one time when I got home drunk and lost. Nagwala ako noon sa bahay,nagbasag ng mga gamit at nagsisigaw..."

"...Hymier was in the stairs watching me, he was just quite, crying while covering his ears. He is scared...Simula noon, napansin ko na ang kinikilos niya. Kapag tataas ang boses ko ay nagugulat siya at nanginginig. He's even scared of me,nadagdagan pa ng umuwi siyang umiiyak dahil nakita niya raw ang mommy niya na may kasamang ibang lalaki."

"Pinatingnan ko siya sa doctor sa manila, he had an early childhood trauma. Naging magugulatin siya,madalas mainit ang ulo at minsan na rin nakapanakit ng kaklase. I decided to bring him in the city at the early age,doon ko na siya pinatira dahil nati-trigger kapag nananatili kami sa probinsya. Kaya ako nagalit noon, kaya kinamumuhian ko si Helena at ang tatay mo dahil sa naidulot nito kay Hymier..."

He look at me apologetically.

"I was selfish, hindi ko maamin sa sarili ko na may kasalanan din ako sa nangyari. Mas dumagdag pa noon ang pag alis ng nanay mo,they had their own time for each other. Palagi na silang nakikita na magkasama sa bayan, they were free to be with each other without knowing that there's a child suffering from trauma. That's why I started my revenge, I always threatened them to used my own hands for the revenge I wanted. I used my connections to shoo them away from San Vicente..."

Pumasok kaagad sa isip ko ang kwento ni Papa na hinarang siya ni tito Hymie pabalik sa amin.

"Hinarang ko siya ng magtangkang bumalik sa inyo, hindi pupwede na ako lang ang masaktan. Hindi pupwede na sa'kin lang magalit ang mga anak.
I planned my revenge not only for them, I also want to do it with you... But seeing Nyle while struggling in work,while seeing you being bullied by other children... Natakot ako... Natakot na baka maranasan niyo rin ang naranasan ng anak ko...at doon ko lang napagtanto na wala naman kayong kasalanan. Na dapat hindi ko kayo idamay sa mga pang gago ng magulang niyo. That's why I compensate to Nyle, I saw the potential in him being the best hotelier in the country. Kaya nga tinanggap ko siya kaagad bilang manager ko sa resort."he smiled proudly.

"I saw myself in him...I saw his dedication for work. Kaya humihingi ako ng tawad saiyo sa mga kasalanan ko sa pamilya niyo,Syn." Ang kaninang ngiti ay napalitan ng lungkot.

"Tatanggapin ko kung hindi mo a-" I didn't let him finished his words.

Tumayo ako at nilapitan siya. Kaagad ko siyang niyakap,may luha pang nakataas sa mata ko. Pinalis ko kaagad 'yon at hinarap siya.

"Matagal ko na po kayong napatawad,tito...and thank you for sharing your side of the story." May luha ring nakatas sa kanyang mata kaya ako na mismo ang nagpunas noon bago bumalik sa pwesto ko.

Nag usap pa kami ng ilang minuto bago ako nagpaalam sa kanya. I am planning to buy some clothes for me, few months from now I will be expecting my baby bump to grow. Kaya habang maaga pa ay bibili na ako ng mga damit ko. Iyon nga lang ay hindi pa muna para sa bata, it's too early to buy,dahil hindi ko pa alam ang gender niya.

"Umupo ka nga,Syn...nakakahilo 'yang pabalik balik mo ng lakad,eh." Saway ni kuya sa akin habang nag aabang kami ng resulta ng board.

Siya itong nakaharap sa laptop ko at kanina pa rin mainit ang ulo. He can't blame me though,totoong kabado ako kanina pa. Samahan pa ng sama ng loob na halos ilang linggo ko na rin dala dala.

Hymier is not with me until now. Kung kailan kailangan ko siya ay siya naman wala.

Tita Helena brought us some merienda,kahit sila ay excited na rin malaman ang resulta. Ako lang yata ang kabado sa bahay... Hapon na kasi at hanggang ngayon wala pa rin ang result. I keep on scrolling my social media if ever someone I know posted already, pero hanggang ngayon ay wala pa.

"Baka hindi pa ngayong araw,kuya..."kabado kong saad. Nasa bibig ko pa ang mga daliri ko dahil kanina ko pa ito nginangatngat.

"Umupo ka kaya muna,Syn."si ate Beth.

Pati siya ay nahilo na rin siguro sa kakalakad ko. Kaya naman umupo na ako sa tabi ni tita Helena.

"I'm sure pasado ka,ikaw pa ba?" She said.

Napakagat labi ako,nagdadalawang isip kong papaniwalaan ko ba siya.

"Diretso kana sa F, hon." Utos ni ate kay Kuya. Napa angat naman ang tingin ko sa kanila.

Omg!

This is it,right?

Taranta akong tumayo at nilapitan sila. Kuya keep on typing there,seryuso pa ang itsura niya. Habang ako,nanginginig na sa kaba.

Napasigaw si kuya ng makita na ang hinahanap niya. Lumapit pa ako lalo sa kaniya,and there I saw my name, klarung klaro pa kesa sa sikat ng araw.

1523 FERRER,SYNECA G. 82.89%

Sabay napasigaw si ate Beth at kuya Nyle. Agad namang lumapit si tita sa amin at nakigulo na rin.Napaluha ako sa tuwa,nanginginig pa ako dahil sa samu't saring emosyon.

This is what I prayed,this is now the result of my struggles. This is now my price for everything.

Hinagkan kaagad ako ni kuya,kahit siya na lumuha luha ang mga mata. Ganoon din si ate Beth na humagulhol din kasabay ko.

Papa is not around but tita Helena hugged and congratulated me too.

Napahimas din ako sa aking tiyan. This is it,anak. Mama's dream is coming true.

Kaagad kong inabot ang telepono ko upang ibalita kay Hymier ang resulta. Nanginginig pa ang kamay ko,excited rin na sagutin niya.

But I got disappointed immediately when the girl answered his phone.

"Hello!" Masayang bati ng nasa kabilang linya. "Hymier is still sleeping,can you call again later? Napagod yata sa ginawa namin,eh" she even chuckled like a devil.

Hindi man klaro kung ano ang ginawa nila pero parang gumuho na ang mundo ko. Ano ba ang ginagawa ng babae at lalaki sa isang kwato? Imagining their situation in one room made my stomach churn. Nabitawan ko kaagad ang hawak na telepono at unti unting nanghihina.

Nahihilo ako sa sakit ng ulo at higit sa lahat sa sakit na nararamdaman sa dibdib ko. I lost my balance.

Sabay naman napasigaw ang mga kasama ko sa gulat at takot.

Nakita ko kung paano tinakbo ni kuya ang pwesto ko, nagdidilim ang paningin ko dahil sa kaba at takot.

"My baby...kuya please save my baby..." Pagmamakaawa ko sa kanya nang makalapit na.

I slowly close my eyes.

The last thing I remember was kuya carrying me into bridal style while shouting.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top