23
Nagising ako kinabukasan na parang binugbog ang katawan. My whole body is aching and my baby down there is stinging in pain.
Napamura ako ng akmang babangon at ramdam na ramdam ko iyong hapdi.
I've been reading books with those kind of scene but I didn't expect that it's really that painful. Akala ko noon ay exaggerated lang ang mga nakasulat sa libro,pero ngayon,napatunayan ko na sobrang sakit pala talaga.
Gusto ko nalang sabunutan si Hymier. At ang isang 'yon ay wala na sa tabi ko matapos niya akong pagurin at bigyan ng sakit sa katawan ko.
I stood up even though I could still feel the pain down there. I want to pee.
Paika-ika pa akong naglalakad patungo sa banyo,I mentally curse Hymier. Kasalanan niya talaga 'to!
"AHHHHHH......"
I shouted loudly when my baby became more painful because of my pee.I even cried because of the pain, I really sobbed.
Padabog naman bumukas ang pintuan at iniluwa si Hymier na sobrang nag alala ang itsura. Mabuti nalang at hindi ko nilock ang pinto.
Agad ko siyang hinampas sa braso ng makalapit na siya sa akin. Mas lalo akong umiiyak at sinisi siya.
"Kasalanan mo 'to...sobrang hapdi, yawa ka,Hymier..." Iyak ko.
Hinagkan niya naman kaagad ako at inaalo,hinihimas pa niya ang buhok ko.
"I'm really sorry,mahal..." Paumanhin niya.
Sinamaan ko siya ng tingin... Hindi lang kasi isang beses namin ginawa 'yon. We did it for the second time,siguro mga isang oras lang ako natulog noon. He was tempting me and I am tempted too,kaya nangyari ulit kaninang madaling araw.
Ayan tuloy,sobrang sakit.
Umiyak lang ako,binuhat niya naman ako at dinala sa bath tub. Kailangan ko raw kasi hot shower.
"It's really your fault..."hikbi ko parin,panay naman ang hingi niya ng tawad at halik sa mga mata ko.
"You want me to massage it?" Tanong niya.
Anong massage? Paano naman 'yon...
"Shut up,baka kung saan na naman tayo umabot..."
Natawa siya sa sinabi ko kaya hinampas ko siya sa braso.
"I'll be gentle next time..."malumanay niyang saad.
I scoffed.
"Wala ng next time,ang sakit sakit ng baby ko..."
Tumawa siya ng malakas at nag umpisa ng e-masahe ang kasilanan ko gamit ang kanyang kamay. Unti unti namang nawala ang hapdi roon dahil narin siguro sa pang aaliw niya sa akin sa kung ano anong mga sinasabi niya.
Pagkatapos naming mag-agahan ay natulog ulit ako. Hindi ko pa nabawi ang pagod sa ginawa namin ni Hymier kagabi.
Sa ilang buwan na lumipas ay mas lalong naging matatag ang relasyon namin. Kahit abala siya sa negosyo at resort nila ay sinisigurado niya parin na magka oras sa akin. Ganoon din ako sa kanya.
I started my review and helping the school of San Isidro for the incoming school year.
Nagpasalamat din ako na doon nagfocus ang battalion nina Casimir. May bagong nakatayong kampo kasi doon dahil sa may dumaan na mga NPA. Wala naman daw may nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga sibilyan pero natakot din ang mga residente. Kaya ang ibang mga sundalo niya ay doon na denistino. Minsan din akong hinahatid ni Hymier at sinusundo kapag hindi siya busy sa trabaho.
"Sumama ka na sa akin pauwi,bilin ng jowa mong feeling boss..." Saad ni Casimir habang nakatingin pa sa cellphone niya.
Natatakot din si Hymier at ang pamilya ko sa sitwasyon pero sinisiguro naman ni Cas na palagi akong ligtas.
"Bakit hindi ako ang tinext niya?" Inis kong saad. Habang tumatagal talaga,kumakapal na ang mukha ni Hymier.
Palagi niya kasing binibilinan si Cas na bantayan ako,akala mo naman kung bata ako na kailangan ng tagabantay.
"Ewan ko sa boyfriend,"inirapan pa niya ako.
Natawa nalang ako at inayos na ang mga gamit. Nagpaalam na rin ako sa mga kasamahang volunteers at principal ng school. Dala ni Cas ang hammer niya kaya hindi masyadong mahirap sa daan.
Naglalakad kami palabas ng school nang may mapansin akong dalawang babae na titig na titig sa akin, na para bang pinag uusapan nila ako. Binalewala ko naman 'yon dahil hindi ko naman sila kilala at wala akong pake.
"Bili tayo durian Cas..."
"Saan naman? Hindi pa season ngayon...naglilihi ka?" Napasimangot ako. Gusto ko lang naman kumain.
"Eh,gusto kong kumain eh..."
Napakamot siya ng ulo, totoo naman kasi na hindi pa season ng durian ngayon. At kung mayroon man,bihira lang talaga 'yon.
"Siya,hahanap tayo sa madadaanan natin. Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong buntis ka." Seryuso niyang saad.
Sa ilang buwan magmula ng una naming gawin ni Hymier 'yon ay nasundan pa. Naging maingat naman kami kahit hindi gumagamit ng kahit anong proteksyon. He always made sure that he didn't spill it inside,kaya imposible naman siguro,diba?
Akala niya siguro ang banal ko talaga. Gusto ko tuloy matawa sa sinabi niya. Pero ngumiti lang ako dahil kahit kailan ay hindi niya talaga ako natitiis.
Mabuti nalang ng bago kami makarating sa bayan talaga ng San Vicente ay may nadaanan kaming durian. Binilhan niya ako ng limang piraso dahil 'yon na lang din ang natira,kaya inubos na niya.
Para tuloy akong bata na tuwang-tuwa dahil nabilhan ng candy.
Hanggang sa makarating kami ng bahay ay niyaya ko pa si Casimir na maghaponan. Tumanggi naman siya dahil may night shift pa raw siya,sus! Sa girlfriend niya lang 'yon eh.
"Dahan dahan, Syn..." Naiiritang saway ni kuya habang tinitignan akong nilalantakan ang durian.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain ko. After we eat our dinner,pinabuksan ko sa kanya ang pinaka malaki dahil takam na takam na ako. Mabuti na lang ay naisipan nila na dito magdinner kaya may nautusan ako. Ang hirap pa namang buksan ng durian kaya ayon,nahirapan nga ang kapatid ko.
Kami lang dalawa ni kuya ang natira sa kusina,si ate Beth kasi ay nasuka kanina dahil sa amoy ng durian. Sina papa at tita naman ay hindi talaga kumakain noon,ganoon din si Serena. Kaya tuwang tuwa ako dahil wala akong kaagaw.
Napailing naman si kuya bago ako iniwan sa counter. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko doon hanggang sa nag video call si Hymier.
"Hi,love!" Magiliw kong bati sa kanya.
Mukhang kakatapos niya lang maligo dahil nagpupunas siya ng kanyang buhok. Napakunot ang noo niya ng makita ang kinakain ko.
"What's that?" Ngumiwi pa siya.
"Durian..."I happily answered.
Mas lalong hindi maipinta ang itsura niya,of course,he don't like it. Ngumuso ako.
"It taste good,sobrang tamis pa..." Saad ko.
"Saan mo nakuha iyan?" Umupo siya sa kama niya at nagpatuloy parin sa pagpupunas ng buhok habang hawak ang telepono.
"Binili namin ni Cas,hulaan mo kung ilang piraso..." Masaya kong sabi.
"You bought more?" Gulat niyang tanong, I happily nodded. Napasinghap siya at napailing. Hindi makapaniwala sa akin. "Eating too much is not good,mahal. Two seeds is enough for you..."malumay niyang saad. Umiling ako. Hindi satisfied sa narinig.
Tama naman siya na hindi nakakabuti ang pagkain ng durian. It can make your blood high. Pero ayaw kong tigilan dahil sarap na sarap ako.
"I'll eat the whole durian mahal,at apat na buto nalang natira."I chuckled.
"What the hell? Mahal naman...it's too much. Tsaka gabi na,ah."
Sumimangot ako. Nitong nakaraang mga araw kasi ay nakahiligan ko na ang kumain ng kung ano-ano. Kagabi nga ay kumain akong mansanas na sinawsaw sa patis na may ketchup. Ang sarap noon kaya tatlong mansanas ang naubos ko.
" You always want me to stop from eating fruits..."napaluha ako dahil nasasaktan sa sinabi niya.
Ilang araw ko na rin kasing napapansin na ayaw niya akong kumakain ng madaming prutas sa tuwing gabi. Pinalis ko kaagad ang luha na nakatakas sa aking mata. Ayaw niya siguro akong tumaba.
"Hindi sa ganoon,mahal...pero kasi palagi kang kumakain ng prutas sa tuwing gabi. Paano kung hindi ka matunawan at sumama ang tiyan mo?" Malumanay ang boses niya na tila pinapaliwanag sa akin ang posibleng mangyari. Nagmukha tuloy akong bata na walang alam.
"Ngayon lang naman,eh." Tinulak ko nalang palayo ang platong may durian. Kahit gusto ko pang kumain ay nawalan na ako ng gana.
Iniwan ko ang telepono ko sa counter at nilagyan ng cling wrap ang natirang durian at pinasok sa ref. Naghugas na rin ako ng kamay bago kinuha pabalik ang telepono at umalis na sa kusina.
Umakyat na ako ng kwarto na walang may pinansin sa mga taong nadaanan ko sa sala.
Badtrip!
Mag rereview nalang ako.
Hindi ko na pinansin si Hymier sa kabilang linya. Nilapag ko lang ang telepono sa study table ko at hinayaan siyang nakatitig lang sa akin. Ganoon naman palagi ang ginagawa namin sa nakalipas na mga buwan. Sa tuwing gabi na nagrereview ako ay tumatawag siya. Sinasabayan niya akong magreview habang siya ay nagbabasa ng kung ano anong papeles o 'di kaya ay may ginagawa sa laptop niya.
My Licensure exam would be next month,bago ang birthday ko. Kaya mas lalo pa akong nagsumikap sa pagrereview dahil kaunting panahon nalang ang natira sa akin.
"Mahal..."malambing na tawag ni Hymier. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa. Mukha yatang wala siyang gagawin dahil nakatingin lang siya sa screen at nakapangalumbaba.
"Galit ka ba?" Malumanay niyang tanong.
"Hindi."tipid kong sagot. Hindi ko parin siya binalingan ng tingin.
"Galit ka, eh."
"Nagrereview ako,pwedi ba?" Medyo tumaas ang boses ko. "Sorry..."paumanhin ko nalang dahil naiirita ako sa kanya.
"Sige,papatayin ko nalang ang tawag. Mauuna na akong matulog, I'll have a breakfast meeting with the investors tomorrow early in the morning." Tumango lang ako at hinintay na patayin niya ang tawag. Pero hindi niya ginawa.
Nilagay niya lang sa bedside table niya ang phone at nakaharap sa kanya. Napansin ko lang iyon ng bumaling ako sa screen at nakitang nakatulog na pala siya.
Napabuntong hininga ako,guilty sa inasta kong kamalditahan sa kanya. I know that he is just concerned about my health,hindi ko lang naisip 'yon kanina dahil sa kagustuhan kong kumain.
Nainis tuloy ako sa sarili ko dahil mukhang pagod pa nga siya galing sa trabaho. Tapos nag suplada pa ako.
Alam kong nagtatampo rin siya sa akin pero sigurado naman akong mawawala rin iyon. Minsan kasi hindi ko rin talaga napipigilan ang sarili ko. Lumalabas talaga ang ugali kong kinakainisan niya dati pa.
I turn off the phone when it's time for my sleep.
Kinabukasan ay wala akong nakatanggap ni isang mensahe galing sa kanya. Tuloy,puro simangot lang ako hanggang sa trabaho. Dumagdag pa sa inis ko ang dalawang ginang na kahapon pa masama ang tingin sa akin. Hindi ko naman alam ang problema nila. Nagpapa brigada kasi ang school kaya nandito sila,hindi ko alam kung tapos na ba sila or nag volunteer lang tumulong dahil estudyante ang mga anak nila.
Nagpatuloy ang routine ko na si Casimir ang nakakasama papuntang school. Nagtetext naman si Hymier na abala siya sa trabaho dahil harvest time ngayon. Dumagdag pa ang panay lakad niya sa kabilang bayan o sa siyudad dahil sa mga mga investor ng mga produkto nila sa hacienda.
Pero agad naman siyang bumawi nang sumunod na linggo. Siya na ang naghahatid sundo sa akin. Panay din ang bili niya ng mga request kong pagkain. Hindi ko nga maintindihan bakit nagiging matakaw ako nitong mga nakaraan.
Araw,linggo at buwan pa ang nakalipas. Nagsimula na ang pasukan sa pinapasukan ko. Ganoon pa rin naman,walang nagbago sa amin. Sa tuwing magkakatampuhan ay mas nauuna siyang humihingi ng tawad sa akin kahit pa kasalanan ko naman.
Hanggang sa dumating ang araw ng exam ko. Hymier is with me,sa siyudad gaganapin ang exam. Kabado ako dahil hindi sigurado kung papasa ba o hindi. But I need to believe in him,lahat ng santo ay tinawag ko na at humiling na sana makapasa ako ngayon dahil nakakapagod ang magreview.
Mas nakadagdag pa ang pagkawala ni Ysa. Last month,she disappeared in San Vicente. Kahit si Adrian ay walang ideya kung nasaan ang kaibigan ko. Her parents didn't give us the information we needed. Ysa and Adrian,broke up, and it involves other girl.Inamin namin ni Adrian na may pagkakamali siya.
Inaway ko pa siya noong nalaman ko iyon. Umiyak ako ng malaman 'yon,at hanggang ngayon ay hindi pa kami nakapag usap ni Adrian. Sayang dahil nakita ko kung paano nagsumikap si Ysa sa pagrereview din tapos hindi man lang siya makakakuha ng exam ngayon.
Sana kung nasaan man siya ngayon ay nasa ligtas siya at sana may kasama siya. Kung sana nasa tabi niya ako para damayan siya.
I sighed.
"I'll wait for you,okay? Goodluck mahal,I know you can do it...I love you." Ngumiti ako sa kanya. He kissed my forehead before I get inside the building.
I said my prayers before the exam starts. It took us hours.
It was hard but I think, I did answered naman. May iba lang talaga na hindi ako sigurado sa mga sagot ko. Pero may tiwala naman ako sa sarili ko kaya...
Nang makalabas na ako sa building ay napangiti kaagad. Nakahinga ako ng malalim,isang tinik na naman ang nakawala sa akin. Naririnig ko pa ang mga kasama na nag uusap patungkol sa exam. Sobrang ingay sa labas ng building dahil halos lahat ay nagsasaya dahil pagkatapos ng ilang buwan ay tapos na ang exam.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita si Hymier na nakasandal sa may pintuan ng sasakyan. He is holding a bouquet of tulips. One of my favorite flowers.
I immediately run towards him,he open his arms widely to welcome me with hug.
Napaiyak ako dahil sa tuwa. Ganito pala ang pakiramdam. Paano nalang kapag nakapasa na ako,mapapahagulhol siguro ako sa sobrang saya.
"You did great there,mahal...I am so proud of you..."emosyunal niyang saad na mas lalong nagpaiyak sa akin.
Pinunasan niya ang mga luha ko at inabot ang bitbit niyang bulaklak. Inalalayan pa niya ako papasok ng sasakyan.
Kumain muna kami sa isang mamahaling restuarant sa siyudad bago nag pasyang umuwi. I told him to buy me some ube ice cream and he obliged.
Kumakain ako ng ice cream sa biyahe. Nakasimangot naman si Hymier dahil halos maubos ko na ang isang litro ng selecta.
"Napapansin kong ang takaw takaw mo na,noong nakaraang buwan pa..."natatawa niyang saad na siyang ikinasimangot ko.
"Bakit? Ayaw mo na sa akin kapag mataba ako?" Nakasimangot kong tanong.
"Of course not...Mas gugustuhin ko pang tumaba ka kaysa sa sexy."
"At bakit?"
"Kasi kung ang sexy sexy mo,madaming nakatingin saiyo...ayaw ko no'n dapat ako lang..."
Sus!
"Mataba na ba ako mahal?"
Kuryuso kong tanong. Pakiramdam ko kasi nadagdagan talaga ang timbang ko. At medyo kakaiba ang pakiramdam ko sa katawan, hindi naman nagbago pisikal pero basta...
"Hindi naman halata,love. At tsaka mas gusto ko nga ang katawan mo ngayon,eh... Pero iyong kain mo parang hindi na normal,gaya dati." Natigilan ako sa sinabi niya.
Matakaw ako noon kahit noong nag aaral pa. Pero mas dumoble yata ngayon.
"Paano kapag buntis ka mahal?" Tanong niya pero nakatuon parin sa daan ang mga mata.
Naiisip ko palang na buntis ako,nakakatuwa na nakakakaba. Hindi ko kasi alam kung handa na ba ako maging ina.
Hindi ko siya nasagot ng gabing iyon,dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
Kaya kinabukasan nang si Casimir ang naghatid sa akin sa school ay dumaan muna kaming botika. I told him that me and Hymier did it already kaya siya ang inutusan kong bumili ng pregnancy kit sa botika.
Wala naman siyang sinabi,basta binilinan niya lang ako na huwag magpagod sa trabaho.
Kaya ng makarating sa school ay agad kong tinungo ang banyo. I tried the three sticks Casimir bought for me.
Nagpabalik balik pa ako ng lakad habang kagat kagat ang kuko ko at pinapaypayan ang sarili. I am nervous about the result but of course excited at the same time. I know that Hymier would be glad to know if ever I am pregnant.
Lumipas ang limang minuto na kabado akong tinignan ng sabay ang tatlong sticks.
Two red lines.
Confirmed.
I am pregnant with Hymier's child.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top