18
Reconciliation.
Together with forgiveness can actually help all of us to move on in a healthier and happier way.
This is what I needed now, I need to reconcile with my father for me to be able to move forward.
Tumikhim ako bago umupo sa stool ng counter top, he is not yet finish preparing the food. I look at his back and notice that even at his age, he is still look strong and lean. At masasabi ko na mula noon ay gwapo talaga siya kaya kahit ibang dalagang kapitbahay namin noon ay nahuhumaling sa kanya.
Hindi niya napansin ang presensya ko kaya kinuha ko 'yon na pagkakataon upang pagmasdan siya. May iniinit siya sa microwave at at may pini-prito sa kawali. I still can't believe that he's here,after what? Ten years?
Halos makalimutan ko na nga ang itsura niya dahil sa pinatago ko lahat ng litrato nila ni mama rito sa bahay. Because I believed that it was one way to forget and move on. At effective naman,pero kasi bumalik na siya...
Nagulat pa siya ng humarap siya sa akin, he smiled a little and put the plate infront of me. Halata na ang wrinkles sa kanyang noo at gilid ng mata. He aged now but still the handsome Seymour Ferrer of San Vicente.
Funny how I remembered when his bestfriend told us about how he attracts alot of girls when they are still teenagers. Basketball player sila ng school at magagaling kaya agaw pansin ang kapogian nila kahit saan man sila mapunta. Lalo na raw si Papa.
"I cooked your favorite breakfast..."tumango lang ako at nanalangin. Kahit pa hindi sigurado kung natatandaan pa ba niya ang mga paborito ko.
Umupo rin siya sa harapan ko at naka pangalumababa habang titig na titig sa akin. Na-awkward tuloy ako sa pagkain ko kaya tumigil muna ako at tinitigan din siya.
"Eat first,we'll talk later. Titignan ko lang ang kapatid mo."he said and stood up.
Kapatid.
I have a sister on him with another mother. I am not against it anymore and I never hate the kid. Kay Papa lang ako galit noon at kahit anong gawin ng galit ko ay hindi ko na mababago pa ang nakaraan. I already accepted that my father found his new happiness again.
Aminin ko man at sa hindi,I saw how devastated my father was when he found out about our mother's cheating. Palagi siyang naglalasing noon at late na umuuwi ng bahay galing sa trabaho. At nakita ko rin kung paano nagbago ang lahat sa kanya simula noong nalaman ko na may grilfriend siya.
Ang masaklap lang ay may pamilya rin ito at nauna lang iwanan kaysa sa ginawa sa amin ni Papa. Hindi ko lubos maisip kung paano rin hinarap ng pamilya niya ang mga nangyari sa kanila.
In this life,we are not really sure what will happen in the future. We can't control what destined for us, especially who we will be with us forever. Even if you love the person you are with right now, you still never so sure if you will make it to the end.
At posible rin mangyari ang mawalan ka ng pagmamahal sa taong mahal mo ngayon. Hindi natin alam,isang araw mararamdaman nalang natin na wala na. Magigising nalang tayo isang araw na wala ng spark. Na tumigil na sa pagtibok ng mabilis ang puso natin sa isang tao.
In my parents case, they would never love another if their love was strong and enough for each other. My mother would never found another man if she really loves my father. Maybe before? Because I saw how they adored and loved each other. And I saw they started became distant to each other before they decided to end it.
That's life.
Everything are uncertain. Like we live our life now and leave this world soon. Everything in this world is just borrowed. That the time will come and all of us will come back to him. God is the beginning and ending of everything.
I stood up ang clean my mess before going to the sala. Naabutan kong nakakandong si Serena kay Papa,hindi ko napigilan ang mapangiti dahil naalala ko kung paano niya rin ako ituring noong bata pa ako. I was the princess of this household before and now we are have another one.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung paano ako napalambot ni Serena. Hindi pa naman kami gaano nabigyan ng pagkakataon na makabonding ang bawat isa pero kakaiba ang hatid niya sa akin. It is really the same blood that is flowing our body. It's really thicker than water,huh.
Tumikhim ako at sabay silang nag angat ng tingin sa akin. There's something in Serena's smile that will surely capture your attention. It is always innocent and pure.
"A-ate can we play?" She made a puppy eyes too that made my heart melt. I just smiled,hindi pa naman sigurado dahil mag uusap pa kami ni Papa.
"Later,Serena. Ate and I need to talk first,okay?" Maganang tumango ang bata,ako naman ay ngumiti lang sa kanya.
Tumayo na si Papa at naunang tinungo ang dati niyang opisina na ngayon ay ginagamit na rin ni kuya. He opened the door for me and let me go in first. Pinagsiklop ko ang mga daliri ko at pinaglalaruan ito. I am nervous at hindi alam kung para saan.
He sighed.
"I know it was years too late to say this but...I am really sorry for leaving you and your brother,anak..." His eyes were full of regrets. "It was an impulsive desicions I made, I was so selfish back then...Iniwan ko kayo na hindi man lang inisip ang magiging kapakanan ninyong magkapatid." May luha na tumakas sa kanyang mga mata. Hindi ako umimik.
"Nagsisisi ako anak na iniwan ko kayo,pero sobrang proud akong makita kayong naging matagumpay kahit hindi niyo kami kasama ng mama niyo. I can't say that I want to turn back the time and change it, dahil kahit anong gagawin ko,tapos na iyon. Hindi rin ako nagsisi na pinili si Helena dahil sa takot kong mawala silang mag-ina." Pinalis niya ang luha sa kanyang pisngi. Hindi ko na rin napigilan ang maiyak.
This is what I need, to hear his side and our closure.
"Nang umalis kami ay dalawang buwan ng buntis si Helena, parehas kaming mali dahil parehas pa kaming kasal sa mga asawa namin ng mga panahong 'yon. We were both reckless and irresponsible, pero hindi ako nagsisi dahil mayroon nang Serena ngayon."ngumiti siya sa akin.
"Her husband threatened her, na kung hindi siya aalis ng San Vicente ay ipapahuli niya kami at ipapakulong kahit na matagal na silang hiwalay mag asawa. Ayaw ng asawa niya magpa-annulled, not because he still loves Helena but because he wants her to suffer from her mistakes. Nahihirapan ako noon,natatakot ako sa posibleng mangyari kapag kayo ang pinili ko ng kuya mo. Nagbanta si Helena na ipapalaglag niya ang kaniyang pinagbubuntis kapag hindi ko siya sinamahang umalis... I was so scared..."nanginig ang boses niya.
"Natakot lang ako anak para sa kapatid niyo... After a year and she gave birth I came back but Helena's husband blocked me. Nagbanta siyang kayo ang babalikan niya kapag bumalik ako sa inyong magkapatid. I didn't have a choice because he used his power. Anong panlaban ko? Eh, mapera 'yon at kilala sa lipunan at maraming kilalang matataas na tao. Umalis akong muli na bigo kayong makita, ang tulong na binibigay ko sa inyo kahit financial ay hinarang din ng kapatid mo,hindi niya rin ako hinayaang matawagan kayo. Naintindihan ko naman 'yon... Alam kong mali ako at nagsisisi ako sa lahat. Kaya sana anak,mapatawad mo ang Papa..." Umangat ang tingin niya sa akin,puno na ng luha ang kanyang mga mata at nagsiunahan ng umagos ito sa pisngi niya.
"Naniwala ako sa inyong dalawa ng kuya mo na kaya niyong makaahon sa hirap kahit wala ako. Kaya mas pinili ko ang kapatid niyo dahil alam kong wala ring mapupuntahan si Helena noon. Her children loathed her,she had noone but me..."
Wala akong ni isang salita na binitawan. I just hug him tight and sob in his chest. Ngayong narinig ko na ang rason kung bakit hindi niya kami nabalikan ay naawa ako sa kanya. Sa loob ng ilang taon,akala ko ay kami lang ang nasasaktan at nahihirapan. Our father also suffered because someone used his money and power.
Hindi naman na pala siya masaya at hindi na niya mahal ang kaniyang asawa. Pero bakit ganoon? Dinamay niya pa kami... Edi sana nakasama namin ang tatay namin noon at hindi siya kinamuhian ngayon.
I don't really understand those powerful people. They will probably use their advantage in this society to step down on other people. They will take revenge just to give themselves the justice they want. Kahit pa sa maling paraan at sa hindi katanggap-tanggap na dahilan. Basta ba magawa nila ang gusto nila.
Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Wala ni isa sa amin ang nagsalita hanggang sa ako na mismo ang nagbasag ng katahimikan namin.
"I'm sorry too,Papa...patawad kung nagtanim ako ng galit sainyo...patawad kung pati kayo ay nahirapan din sa sitwasyon natin..." Iyak ko.
Umiling naman siya at mas hinagkan ako lalo.
"We were all victims here, but now that we are together...babawi ako sa inyo ng kapatid mo...Patawarin mo sana si Papa Syn...mahal na mahal ko kayo anak..."tumango lang ako at umiyak lalo.
I forgave him already and now that I heard his explainations. I fully understood everything,tama nga siya at lahat kami ay parehong biktima. At kung may sisisihin man dito,'yong asawa 'yon ni Helena na hindi maka move on sa kanya.
Nagtagal pa kami roon at kung ano-ano pa ang pinag usapan namin. Lumabas lang kami ng kwarto ng marinig namin si Serena na umiiyak. I saw how my father panicked and run towards her. Napa-facepalm ako ng makita ang iniiyakan niya. It was the movie she's watching, I already watched that movie at talaga namang nakakaiyak.Namatay kasi iyong bidang bata dahil nasagaan ng truck at sumunod din ang alagang aso nito dahil nagpasagasa.
She keep on crying while hugging our father,panay naman haplos ng ama sa likod nito at may kung anong binubulong sa kanya. Nang mag angat siya ng tingin sa akin at nginitian ko ito,hindi parin natigil ang pag iyak niya pero sisinghap-singhap nalang. Lumapit ako sa kanila at hinaplos na rin ang kanyang likuran. I told her that it's okay dahil palabas lang naman 'yon at hindi nangyari sa totoong buhay.
Maghapon ko siyang kasama dahil nagpaalam sina papa na may pupuntahan. Kasama niya si tita Helena, I didn't had a chance to talked to her dahil kahit siya ay may ilang pa rin sa akin.Guilty siguro sa mga nangyari. Ganoon din naman ako, pero siguro susubukan ko siyang kausapin sa susunod na araw.
I texted Hymier and told him about my talked between my father. Hindi pa siya nakareply dahil siguro abala pa siya sa trabaho. Nakatulog na rin si Serena dahil sa kakulitan kanina.
She's very jolly and fun. Taliwas siya sa pag uugali naming dalawa ni Kuya. Pero kung mapapansin mo talaga,parang pinaghalo ang ugali ko at kanya. Pwera nalang sa madaldal ito at masayahing bata.
Nang mga sumunod na araw ay mas naging abala kami sa paparating na kasal ni kuya. Tumulong rin ako sa pagpili ng gamit para sa bahay nila,may pinatayo kasi itong bahay hindi naman kalayuan sa amin. It was a two storey house too,kaya sobrang nakakaproud si kuya dahil dito.
Hanggang sa dumating na nga ang araw na pinakahihintay ng kapatid ko. I was a bit emotional, I am happy because he will marry his happiness, he will spend the rest of his life to his beloved. Na kahit hindi naman siya lalayo,pakiramdam ko malalayo na siya sa akin.
"I'm so happy for you,kuya..."I emotionally said. Pinalis ko pa ang nakatakas na luha sa aking mga mata. "Be happy,okay? Build a family that centers with love and God...always remember that I will always be here for you, I love you,kuya..." Dugtong ko.
"Ano ba yan,Syn..."naluluha niyang saad.
Hindi niya na rin napigilan ang mapaluha. Wala mang make up ay biniro kami ni Papa na papangit daw si kuya dahil pinaiyak ko. Lumapit siya sa amin at at parehas kaming hinagkan at hinalikan sa sentido.
This,this is what I've been dreaming before...this is what I want for my family. Hindi man buo pero may pagmamahal at magkasama na ulit kaming tatlo... Na pagkatapos ng mga pinagdaanan namin,nandito pa rin kami nananatiling nakatayo.
"I want group hug too..."tili ni Serena ng sabay silang pumasok ni tita Helena sa kwarto. Inangat din siya ni Papa at niyakap kasama kami. I look up and saw tita Helena watching us. I gestured my hand to make her come with us,she obliged and join our group hug too.
Sa San Vicente parish gaganapin ang seremonya ng kasal. At sa Casa Montero naman ang reception nito, Tito Hymie sponsored the place dahil kinuha rin siyang ninong nina kuya. Iyon nga lang ay hindi siya makakadalo dahil nasa seminar daw sa Singapore. Si Hymier naman ay hahabol sa reception dahil nanggaling siya sa Manila dahil may inaayos daw. Hindi ko naman na tinanong dahil abala rin ako nitong mga nakaraang linggo kakatulong kina kuya.
He never told me about their dinner with his mother. Sigurado akong hindi naging maayos 'yon dahil nakikita ko sa kanya na hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa kanyang ina.
The ceremony was short, pagkatapos ng picture taking ay nauna na akong lumabas upang mauuna sa reception. I am not one of those usherette but I want to make sure that everything are fine.
Abala ako sa pagmamando ng mga gawain sa venue ng may tumakip sa mata ko. Sa amoy palang niya ay sigurado na ako kung sino ito. Umikot ako paharap sa kanya at agad siyang binalot ng mahigpit na yakap. Dalawang linggo rin kaming hindi nagkita dahil sa kanya-kanya naming ginagawa.
It was exciting to see him right infront of me. My heart is beating so fast again when he grab my waist and kiss my lips. It was a gentle and smooth kiss from him but it gives me chills.
Tinulak ko siya ng marahan ng may umubo sa likuran niya. It was my father faking his cough,napangiti ako dahil nagkasalubong ang kilay ni Papa habang pinagmamasdan kami. He cross his arms and raise his brow when Hymier look at him.
Nakita ko kung paano natigilan si Hymier. Nakita ko kung paano umigting ang kanyang panga. Normal naman ang itsura ni Papa pero hindi ko parin maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya ng makita ito. As if he is seeing a ghost.
Binaling niya ang tingin sa akin at kumunot ang noo niya. Hindi naman ako nagdalawang isip na ipakilala siya sa ama ko.
"Love,si Papa nga pala...Pa,si Hymier po boyfriend ko."nakangiti ako ng sabihin ko 'yon. I am happy because I finally introduce him to my father.
Mas lalo umigting ang kanyang panga,halata na rin ngayon ang kung anong galit sa kanyang mga mata. Napalunok rin si Papa ng makita ang tingin ni Hymier sa kanya.
Nagsidatingan na rin ang iba pang mga bisita sa ballroom. Nasa gitnang bahagi kami kaya lahat ng dumadaan ay nababaling ang mga tingin sa amin.
Hymier look at me furiously. Napakunot ang noo ko dahil nalilito sa reaksyon siya. What his problem seeing my father?
"Siya ang tatay mo?" His voice raise a little, napatingin naman ang ibang tao na malapit ang mesa sa amin.
Nagdalawang isip pa akong tumango, ano ba? Bakit siya galit?
"B-bakit Hymier?" Kabado kong tanong.
"You know who is he?"galit niyang tanong.
"Ano ba kasi problema mo,Hymier? Can we not make a scene here?" Naiinis ko na ring saad.
"Let's go out for a while...we can talk there habang wala ba ang kuya mo,Syn... I can explain.." Mahinahong saad ni Papa.
Hinila ko na siya palabas ng reception at dahil tulala pa ito sa galit na hindi ko maintindihan ay nagpatangay naman siya sa akin. Sumunod din si Papa sa labas,ngunit hindi pa man kami nakapagsimulang mag usap ay dumating na sila kuya.
"Gusto ko mang magpaliwanag at kausapin ka,hijo. Pero ayaw kong sirain ang pinakamagandang gabi ng anak ko."mahinahon pa rin si Papa,ngunit si Hymier ay tila lalabas na sa balat niya dahil sa galit na kanina pa niya dala-dala.
Napailing ito dahil sa pagkadismaya. He look at me with the same emotion,ang galit niya kanina ay mas lalong nag-aalab ngayon.
"Yeah," he sarcastically said. "And I bet it would be a happy family gathering too,right?"he laughed with humor. Nalilito ko silang papalit-palit na tiningnan. I don't really understand what's happening.
Umalis si Hymier at nabangga pa niya ang kanang balikat ko. Halos matumba ako sa lakas ng pagkabangga niya. Hindi ako nakaramdam ng sakit sa ginawa niyang pagbangga sa akin. It hurts me to see his anger towards my father without knowing his reason. Tapos ngayon ay aalis siya ng hindi man lang nagpapaalam.
"Hayaan mo muna anak,baka kailangan lang magpahangin ng nobyo mo." Papa said. But there's sadness in his voice too.
Kaya nang pumasok kami ay halos hindi ako nakapag focus sa program. Panay ang baling ko sa entrance ng bulwagan,ngunit ni anino ni Hymier ay hindi ko makita ito.
Hanggang matapos nga ang program ay hindi parin siya bumabalik. Sobrang kabado na ako dahil sa pag-aalala sa kanya. I keep on calling his phone but no one's answering. Nakauwi nalang kami sa bahay ay hindi ko parin siya nakakausap.
I was in the middle of my sleep when I heard loud voices downstairs. Sigurado akong madaling araw na dahil anong oras na rin kaming nakauwi rito kanina. Dali-dali akong bumangon at sinuot ang pulang roba ko at lumabas ng kwarto para e-check kung sino. Nasa hagdanan pa lang ako ng mapansin ang lasing na si Hymier. He was shouting at my father,dinuduro-duro niya pa ito na para bang may malaking utang sa kanya ang Papa ko.
Tita Helena was begging him stop and keep on telling him her sorry. Hindi ko maintindihan kung para saan,hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-aawayan nila. Nagising tuloy ang kaluluwa ko sa sigaw ni tita Helena ng akmang susuntukin ni Hymier si Papa. I immediately went down at pumagitna ako sa kanila. Tinulak ko ng bahagya si Hymier.
He is trespassing our house and making a scandalous scene. Ano ba ang problema nito? Ngumisi siya ng makita ako.
"Wow! My beautiful and kind girlfriend is awake,huh? So,how was it spending time with your complete family now? Did it made you happy? Are you satisfied now that you are finally complete?" His every words were full of sarcasm. He is really drunk to the point na kahit nakatayo lang ay gumigiwang-giwang pa siya.
Napailing ako dahil sa naramdamang dismaya.
He's not my Hymier.
Tita Helena is still crying,mabuti nalang at hindi nagising si Serena.
"A-anak please...mapag-usapan naman natin 'to..."
I was shocked after I heard her. What?
Sinong anak?
"Why? You think if we'll talk,everything will be back to normal!? Sa tingin mo maayos mo pa ako at ang sinira niyong pamilya kung mag-uusap pa tayo? Hindi!? That's bullshit,right!? And this is fucking bullshit!? Everything is fucking Bullshit!? Thanks to the both of you..."dinuro niya si Papa at tita. Hindi ko na napigilan ang kamay ko at lumipad na ito sa pisngi niya.
He cried. I saw how his tears flew from his eyes.
I saw anger,betrayal and pain in his eyes too. He look at me sadly before he wipe his tears. Tumango-tango pa siya habang nakangisi. Tila nang iinsulto sa amin.
"And now you are siding those cheaters...I thought you will understand me because we're on the same page?"tumango siya ulit na para bang kinukumbinsi ang kanyang sarili.
"I am not siding anyone here,Hymier. I don't understand what you are talking about. And it is my parents you were insulting!?" Sigaw ko.
"Yeah! That so called parents are cheaters!?" Balik niya ring sigaw sa akin. Lakas loob niyang mang bintang!Nasampal ko siyang muli,at dahil sa sobrang lakas ng sampal ko ay napabaling sa kabilang side ang kanyang mukha. I immediately regretted doing it,mas lalo lang siyang nasaktan dahil sa ginawa ko.
"Nice!? But it didn't hurt me like how I felt right now, seeing my mother being with your dad for years. And you, tolerating them..."umiling siya. "You know what is more painful,Syneca? It is painful seeing you happy with them while I'm hurting from the inside... How can you be that happy,huh? Paano ka nagiging masaya habang may ibang taong nasasaktan dahil sa pagkakamali nila?"
He cried even more,tahimik lang naman ang dalawa sa tila nanonood ng palabas.
"It will never be acceptable for me,I will never accept that your father is my mother's husband. And I can't stand in this relationship knowing that you are the daughter of my mother's mistress!?" Dugtong niya.
I was stunned. Tila ngayon pa lang naproseso ang lahat ng binitawan niyang salita kanina pa.
What?
Her mother is my father's what? Binalingan ko ang dalawa sa aking likuran, nakita ko kung paano ang pagsisi sa itsura ni Papa. Nakita ko ang sakit sa mga mata ni tita Helena.
So, all of this mess...
Our families...
Oh my God!
Isa isang naglaglagan ang mga luha ko, napatakip na rin ako sa aking bibig at pilit na pinipigilan ang paghikbi.
Why?
Why this is happening to us? Of all people? Bakit 'yung mga magulang pa namin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top