16
Marupok.
A person who is easily falls inlove or a person gets easily giddy in romantic way.
And in my situation right now,I can perfectly said that I am that kind of a person. When it comes to Hymier,I easily get soft. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil kahit anong gawing harang ko sa sarili ko ay rumurupok talaga ako.
"Eat." Utos niya sa akin habang nilalapag ang pagkain sa harap ko.
Mas naging maliit tingnan ang kusina ko habang kumikilos siya rito. In his height and body built it looks like a big kitchen toy.
Hindi ko ginalaw muna ang hinain niya kahit gutom na ako.
"Paano ka nakapasok dito?" Alam ko naman na kaya niyang kausapin ang landlady ko pero paano niya nalaman ang bahay nito? Eh,malayo ang bahay noon dito.
"Key." I scoffed.
"Talaga,Hymier?"
Padabog niyang binitawan ang sandok sa sink,lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko. Nilagyan niya muna ng kanin at ulam ang plato ko bago ang sa kanya. This is how I love about him,kahit pa nagtatampo 'yan sa akin. Nakukuha niya parin akong pagsilbihan.
He crossed his arms and look at me using his cold stare. But I didn't flinched too I equal his stares,nagsusukatan kami ng titig ngayon at wala ni kahit anong salita ang namutawi sa amin.
"Explain..." He asked. Still using his cold tone,tumaas ang kilay ko.
"You explain first..."seryuso kong saad.
Hi sighed.
"That was Jio and Lizeth you saw...they were both drunk that afternoon. Jio borrowed my hoodie..."hindi ako kumibo. "Kahit tawagan pa natin sina Jio at Lizeth..."I almost rolled my eyes because of his voice.
Sobrang lambing noon,na kahit sino ay magiging malambot.
"They decided to stay in my apartment dahil sa kalasingan nila. Nauna na ako sa loob noon at gumagawa ng noodles para sa kanila. That's not me,love...please,believe me." Pagmamakaawa niya.
"Uminom kayo after work?" Umiling siya.
"Sila lang,nag early dinner kami kasama ang buong team. Nagkatuwaan sila at uminom na rin."tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Narinig ko ang matunog niyang buntonghininga. Ganoon din ang ginawa ko bago nagsalita.
"The soldier last night was the captain,sumabay lang siya sa akin dahil delekado na sa daan kagabi." I explained.
He's intently looking at me,napalunok ako ng sariling laway dahil sa titig niya. Nakaka hepnotismo ang kanyang mga mata.
"We did nothing wrong,nagmamagandang loob lang naman yung tao..." I pouted.
"Tss." I rolled my eyes,ang suplado!
"Ano? Hindi ka naniniwala?"akusa ko sa kanya.
"I believed you,"sagot niya.
"Mukhang hindi naman, wala ka bang tiwala sa akin?"
"I have,but to the people around you, I don't."
"Ako rin naman,Hymier. I don't easily trust people but still I am giving them the benefits of the doubt to prove that it's a friendly gesture and concerned." Tahimik lang siya. "At hindi dahil may mga lalaki akong nakakausap,ibig sabihin noon ay bibigyan ko na sila ng tsansa na pumasok sa buhay ko."
"Alam ko,it's just that..."
"You don't trust me." Agad kong dugtong.
"Of course not!" Medyo tumaas na ang boses niya. Napailing siya tsaka nagbuntong hininga.
"I am not like your mother nor mine." I prankly said.
Ganoon naman kasi palagi ang nakikita kong isyu sa kanya. Na baka sakaling gumaya ako sa nanay namin na sumama sa ibang lalaki at iiwan ang pamilya. Well,I am different from them, if ever I'll buld a family. I will treasure them,I want to keep them,unlike my shattered one.
I doubted him before,but it never crosses my mind that he will be like my father. Kahit kailan ay hindi ko naisip 'yon sa kanya. Dahil una sa lahat,magkaiba sila.
After sharing our family issues before,napapansin ko kinikilos niya palagi sa tuwing may nakakausap lang akong lalaki. Hindi naman maiwasan ang magduda pero hindi ko naman naisip na ulitin ang pagkakamali ng mga magulang namin.
We both experienced worst family problem,uulitin pa ba namin 'yon?
Napailing ako dala na rin ng disappointment sa kanya. Sa tagal na naming magka relasyon,nagdududa pa rin siya. Wala parin siyang tiwala na kaya namin maging masaya at malalagpasan ang bawat problema. Na walang hiwalauang mangyayari at walang third party na maiinvolve.
Tahimik na kami hanggang natapos ang pagkain namin. Nauna siyang matapos kaya hinintay niya ako at siya na rin ang naghugas ng mga plato. Pumasok naman ako kwarto ko at naligo na,sabado ngayon at plano ko sanang umuwi.
Nang makalabas sa kwarto ay nakita ko na siyang komportableng nakaupo sa maliit kong sala. He was scrolling in social media,nang makalapit ay nakita kong nasa timeline ko siya sa facebook ko.
Tumigil siya ng makaupo na ako sa kabilang banda ng sofa.
"Any plan for today?" He asked.
"Uuwing San Vicente..."
"Umuwi ka ba noong nakaraang linggo?"tumango lang ako. "Pack your things,then. We'll go home together."
I almost rolled my eyes,kagabi pa ako handa. I stood up and get my bag from my room. Nagsuot na rin ako ng sapatos ko at naunang lumabas sa pintuan. Hindi rin naman nagtagal ay sumunod siya sa akin.
Our one hour travel was silent,I didn't bother to talk to him dahil baka mag away lang kami ulit. Hindi rin naman siya nagtangkang magsalita,tsaka niya lang ginagawa 'yon kapag nags-stop over kami para bumili na kung ano-anong pagkain sa dinaraanan namin.
"Saan ka natulog kagabi?" Hindi ko na napigilan ang magtanong dahil kanina pa ako nabo-bother.
"Dito..."maikli niyang sagot. Napasinghap ako sa narinig. Dito?
"W-what?"
"Dito sa sasakyan,Syneca..."kinain agad ako ng konsensya ko sa narinig. But I heard his car engine last night,right?
"U-umalis ka diba?" Nanginig pa ang boses ko.
"Bumili lang ng pagkain."mas lalo akong kinain ng konsensya ko. Anong oras na iyon kagabi at hindi pa siya kumakain. Ang layo rin ng binyahe niya,malamang ay galing pa siya sa trabaho at dumiretso sa akin.
I felt bad for him.
Hindi na ako umimik pa dahil sa hiya ko. Hanggang sa nasa bungad na kami ng San Vicente ay tahimik parin kami pareho.
"May kailangan ka pa ba bago kita mahatid sa inyo?" Mababang boses na tanong ni Hymier na siyang nagpabaling sa akin sa kaniya.
Tipid lang akong umiling,after hearing him. Pakiramdam ko tuloy ay wala na akong karapatan na mag request pa ng gusto ko.
"Hindi na kita kinatok kagabi dahil sabi mo ay pagod ka."
Tumango ako,nahihiya parin sa kagagahan ko.
"Ahm...kumusta ang tulog mo?" Halos sapakin ki na ang sarili ko sa walang kwenta kong tanong. Of course he didn't slept well,sino ba naman ang magihing maganda ang tulog kung sa sasakyan.
"Sa likod ako natulog,may kumot at unan naman akong dala..." Kahit na, iba parin ang tulog kapag nasa kama. At sa haba ng biyas niya,paano siya nagkasya sa likod.
"Kumusta naman ang trabaho mo?" Walang hiya kong tanong.
"Ayos naman,masaya..."he said meaningfully.
I look at him with disbelief.
"Kasi maraming babae?" Nakataas na ang kilay ko, I know him too well. Kapag ganito na ang tono ng boses niya,alam kong magsisimula na siyang mang asar sa akin.
"Oo." Agad siyang tumingin sa daan but still wearing his smirked.
"Huh!" I scoffed.
"Mga katrabaho ko lang sila,Ikaw kung ano-anong iniisip mo." Ngumisi siya,hinampas ko kaagad ang braso niya.
"Ikaw kumusta ka rito? Mukhang nag-eenjoy ka nga,ah " halos matawa na siya sa sinabi niya.
"Ayos lang,nakaka-adjust na." Tumango siya. He maneuvered the car out of our way home.
"Masaya ka?" Ngumuso ako at tumango sa kanya. Binalingan ko siya ng tingin at nakitang hindi mapawi ang ngisi niya. I rolled ny eyes again.
I think we're okay now.
He stopped the car infront of our favorite milktea shop. Alas dos palang ng hapon at oras na para mag meryenda. Na-excite tuloy ako dahil namiss ko rito. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at magkahawak kamay na kaming pumasok sa shop. Halos lahat ng tao roon ay bumaling sa amin ng pumasok kami. May iilan pa na bumati sa amin dahil halos kakilala lang naman.
He ordered my favorite flavor of milktea and added a croissant too. Hindi kami parehas ng paboritong flavor kaya inuna kong tikman ang milktea niya.
"Ang sarap! Sana ganyan nalang din muna sa'kin." I pouted. Umiling lang siya at ngumiti.
"We can order again if you want,pero ubusin mo muna 'yan" para naman akong bata na tumango sa kanya.
"What's your plan next month?" He asked. Napakunot naman ang noo ko,plano saan?
Pinitik niya ang noo ko.
"Silly. It's your birthday." Oo nga pala. It's September next month and I will be celebrating my 20th birthday already.
"Wala..."
"You don't plan it? How about swimming with friends?" Napaisip ako.
"Pwedi naman kapag hindi na busy. But my birthday is weekdays."
"We can do something about that."
"Para namang bata kung magce-celebrate pa ng birthday."ngumuso ako.
"You're still my baby,though." I immediately felt my face heated. He chuckled.
Sumandal ako sa balikat niya at siya, enjoying our moments together.
"Aba!?" Malakas na sigaw ang nagpa-ayos sa akin ng upo. It was my bestfriend Ysa with her loudest self. Sobrang nakakahiya dahil lahat ng tao sa milktea shop ay nakatuon ang atensyon sa amin.
Napailing nalang ang kasama niya at hinila ito papunta sa pwesto namin.
Here we are enjoying our moments but interrupted with her voice. Kahit kailan talaga ay walang pagbabago ang isang 'to,hindi na nag mature.
Tumawa rin ang katabi ko bago ako hinalikan sa tuktok ko. Nag fist palm naman si Hymier at Adrian bago umorder si Adrian ng para sa kanila. I am happy that their relationship is going stronger. Kahit pa alam kong minsang may pagka isip bata rin si Ysa,alam ko na lahat ng 'yon ay tanggap ng boyfriend niya.
"Kayo ha hindi man lang kayo nag-aaya,double date sana tayo. Minsan lang,eh." Tunog nagtatampo pa siya.
"Ano pa ba tawag mo rito?" Nakataas kilay na tanong ng katabi ko sa kanya.
"Kung 'di namin kayo nakita,edi hindi rin."ngumiwi siya,Hymier chuckled.
Hindi kami magkasama ni Ysa sa school dahil mas pinili niya sa Santa Monica. May bahay kasi sila doon at gusto rin ng mama niya na doon siya muna. But she promised me that after our graduation,sabay na kami sa San Isidro magvo-volunteer.
Hanggang sa dumating na si Adrian ay patuloy pa rin ang daldal ni Ysa at kung ano-anong topic pa ang sinasabi niya. Tawanan lang din kami dahil nga sa mga kwento niya tungkol sa pagseselos ni Adrian doon sa nagbebenta ng balot sa labas daw ng school na pinagtuturuan niya.
I now understand why Hymier is triggered with Casimir. Pinagselosan nga ni Adrian ang tindiro ng balot,sundalo pa kaya?
Nagpaalam na kami ng ilang oras pa ang nakalipas dahil may aasikasuhin pa nga si Hymier sa resort nila. Kailangan ko rin ayusin ang closet ko dahil balak kong mag donate ng mga pinaglumaan ko sa mga nabiktima ng baha sa Santa Barbara.
"I'll call you right away when I finish the paper works in dad's office." Tumango ako at inilapit ang kanyang mukha sa akin at pinatakan ako ng halik sa noo.
"Okay, take your time. 'Wag mo rin kalimutan ang dinner mo....I love you Hymier." He smiled widely. Like I told him the magic words.
"Mas mahal kita,Syneca..."he said.
Tumango ako at lumabas na ng sasakyan niya. Nang mabuksan ko ang gate namin ay siyang kunot noo ko dahil sa hindi pamilyar na sasakyan. It was not for my brother nor ate Bethany.
Nagmamadali akong pumasok at binuksan kaagad ang pintuan ng bahay. Bumungad sa akin ang tawanan sa sala,my brother loud voice and ate Bethany's sweet laugh. May hindi rin pamilyar na mga boses,at ang nagpagulat sa akin ay ang presensya ng taong hindi ko inaasahan.
I saw my father comfortably sitting in a single sofa while laughing his ass out. Nasa kabilang sofa naman ang hindi pamilyar na babae sa akin,at sa tingin ko ay kaedad lang din siya ni Papa. On her side is a little girl holding a stuff toy.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa naabutan kong eksana. Kailan pa siya nakauwi dito at sino naman ang mga kasama niya? Is that her new family? Sila ba ang pinagpalit niya sa amin? Mukha silang masayang pamilya na nagtatawanan sa sala. At ako itong intruder na tila sisira sa kwentuhan nila.
Nag angat ng tingin ang batang babae sa akin at kumaway.
"Ate,Syn..." She said happily. I was shocked when she knew my name. Mas lalo akong nagulat ng akma siyang tatayo at lalapitan sana ako. I immediately turn around and walked out.
I don't understand myself,hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. I feel like I am lost again after years of finding myself. Pakiramdam ko bumalik na naman sa akin ang lahat ng nangyari sa nakaraan. On how my brother and father fought before he left us. On how I suffered from bullies without having beside me. On how I endured all the hurtful words from other people without having a parents with me.
Naninikip ang dibdib ko, parang may pumipiga rito at hindi ako makahinga sa sobrang sikip.
Akmang bubuksan ko na ang gate ng may pumigil sa braso ko. I memorized my brother's touch and I know it was not him. I feel strange the how it holds me. I am not familliar with it.
Hindi ako nag abalang lingunin siya dahil ayaw kong makita niya ang reaksyon ko. Ayaw kong makita niya ang sakit na dulot niyang muli sa pagkatao ko. I want to show him that I can continue living without him. That I can live my life without him again, I just can't accept him again.
Hindi madali at hindi ko pa kaya.
"I'm sorry,anak..." His voice cracked. Hindi parin ako lumingon,unti unti kong inalis ang hawak niya sa braso ko.
Nang makawala ay agad akong dumeretso palabas at pumara ng tricycle. Mabuti nalang at wala itong sakay kaya hinayaan ko nang kumawala ang kanina pang pinipigilan kong luha. Kung gaano kaingay ang tricycle na sinasakyan ko ay ganoon din kalakas ang pag iyak ko. Mabuti na lang at hindi 'yon pansin ng driver.
Hindi ko pala kaya na makita siya,kahit sabihing napatawad ko na siya ay bumabalik pa rin ang sakit na binaon nila sa akin dalawa ni Mama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top