07

Ilang araw na akong pumapasok sa school ng hindi ko naman nakakasalubong kahit saan ang grupo ni Josephine. Hindi ko alam kung may sinabi ba si Hymier sa kanila or iniwasan lang talaga ako.

Panay na rin ang pagsama ni Hymier sa amin ni Ysa sa tuwing lunch break na magkasabay ang schedule ng break namin. Ganoon din si Adrian na kung dati ay sweet na sa kaibigan ko,mas lalong sweet na ngayon dahil official na silang magnobyo'ng dalawa.

I am happy for them, they look so good together at kitang-kita naman sa kanila kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Sinusundo rin ako ni Hymier minsan at sabay kami sa pagpasok. Kung mahaba ang oras ng pareho naming break ay doon kami tumatambay sa bench malapit sa soccerfield. Kung saan kami unang nagkita dalawa. Ang bilis ng panahon,noon ay galit na galit pa ako sa kanya dahil sa pagsusuplado niya sa akin. Ngayon ay nagkakasundo na kami lalo na pag basketball ang usapan namin dalawa.

We have the same opinions when it comes to the game,players and the system. Kaya palagi kaming sinasabihan ni Ysa na may sarili kaming mundo sa tuwing siya lang mag-isa ang kasama namin.

Nakapagpalista na rin ako para sa Mutya ng San Vicente noong hapon na bumalik ako sa eskwela. Tama nga si Ysa na sasali si Josephine. It didn't bother me at all, dahil una sa lahat, may tiwala naman ako sa sarili ko at hindi naman ito ang unang pagkakataon na sasali akong pageant.

Nakataas pa lagi ang kilay niya sa tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin. Hindi na ako nag abala pang patulan siya dahil ayaw ko nang magsayang ng oras at laway sa kanya.

Ilang linggo nalang at anniversarry na ng munisipyo. Nagsimula na rin kaming mag ensayo sa pagrampa at sa susunod na araw na rin ang photoshoot namin. Nakapasok ako at si Josephine. Labing lima ang contestant at bawat baranggay ay mayroong representatives. Kaya nang malaman ng kapitan namin na kasali ako ay todo suporta naman sila sa akin. It will be my first time joining in municipality level.

Noon kasi ay dumadayo lang ako sa kabilang baranggay kapag open ang pageants. May municipal din naman pero hindi iyon sa anniversarry.

It is a big event.

"Sasamahan ka raw ng ate Bethany mo doon sa sinabi ni Hymier na tiyahin niya sa kabilang bayan."tumango ako kay kuya.

Linggo ngayon at pupuntahan namin iyong in-offer ni Hymier na boutique. Nakausap ko na rin iyong tiyahin niya sa telepono,kaya naghihintay nalang siya kung kailan ako available. Gown, Swimsuit, casual at Jeans ang isusuot sa photoshoot sa susunod na araw. We need to provide the Gown and casual, kaya iyon ang hihiramin namin sa shop ng tita ni Hymier. Provided kasi ng departmet of tourisn ang swimsuit at jeans dahil may sponsor mula sa ibang lugar.

Sa mismong pageant night naman ay wala na kaming problema sa mga damit at make up artist dahil provided din lahat ng munisipyo. Ang kailangan lang talaga namin ay sarili namin mismo.

I already practicing my talent, I want to sing while doing the contemporary dance. I know that dancing and singing is a common talent pero wala pa akong nakikita sa mga sinalihan ko na pinagsabay ito. Kaya naisip ko itong gawin para kakaiba naman naman. Dati kasi ay pagsasayaw ang palaging talent ko.

"Mag-ingat kayo. . .Palagi mong paalalahanan ang ate mo na dahan-dahan sa pagmamaneho. Medyo marami ang sasakyan sa kabilang bayan kumpara rito. Kaya 'wag mo masyadong daldalin dahil madaling ma-distract 'yon."paalala ni kuya.

"Opo, akong bahala sa girlfriend mo." Tumango lang siya at binigyan ako ng halik sa pisngi bago pumasok sa sasakyan niya. Abala ang resort ngayon dahil nga sa gaganapin na talent's night doon. Kaya kahit linggo ay kailangan ni kuya pumasok sa trabaho.

Hindi rin nagtagal ng makaalis siya ay siya naman pagdating ni ate Bethany. Agad naman akong pumasok sa frontseat at binati siya.

"Excited na akong makita ang gown at casual mo. Pero sure naman na kahit anong ipapasuot sa'yo ay bagay." Nakangiti niyang kumento.

"Kinakabahan pa rin ako,ate."I honestly said.

"Sus! Ano ka ba, para namang first time,e. Huwag kang mag-alala dahil andito naman kaming susuporta sa'yo kahit anong mangyari." Napangiti ako sa kanya.

I really treat her as my real ate, she's always been with me kahit ano mang sasalihan ko. Siya na ang tumayong nanay sa akin simula ng maging sila ni kuya.

Mahigit isa't kalahating oras ang biyahe patungong kabilang bayan. Hindi rin naman kami nahirapan na hanapin ang shop. Hindi ko inaasahan na malaki pala ito,and it's quiet familiar dahil sa pagtatanong namin kanina ay madali lang naituro sa amin.

Agad kaming sinalubong ng isang staff at pinahintay muna kami sa waiting area nila dahil may kausap pa raw ang may-ari.

Ilang minuto kami nag-antay bago bumukas ang pintuan sa sinasabing opisina ng may ari. Nagulat ako sa nakitang lumabas doon. It was Josephine with her friend, nag uusap sila ng nasa 40's na babae habang papalabas. At mas lalo akong nagulat ng sumunod sa kanilang lumabas sa pintuan ay si Hymier.

Nagtaas ng kilay si Josephine sa akin bago hinarap ang may-ari ng shop. Klaro sa mukha niyang nagyayabang,bakit? Dahil kasama niya si Hymier? Ano naman ngayon kung ganoon?

Nakita ko rin ang gulat sa kanyang mukha pero agad naman itong nag iwas ng tingin sa akin. Napayuko na rin ako at inabala ang sarili sa telepono. May sinasabi si ate Bethany sa'kin habang tumitingin siya sa catalogue ng shop. Hindi niya siguro napansin ang presensya ng bagong labas kaya abala lang ito sa kakabuklat.

Hanggang sa magpaalam sina Josephine na aalis ay nakayuko lang ako. Hindi ko alam kung bakit biglang may kirot akong naramdaman sa puso ko. Hindi ko inaasahan na dtio pa kami magtatagpo ni Josephine at higit sa lahat ay kasama niya nga si Hymier.

Did he refer Josephine to his aunt too? Akala ko ba ay ako lang ang kilala niyang may posibilidad na magiging model ng shop? Mas lalong kumirot ang puso ko sa ibang iniisip,he did lie to me.

Hangang sa makalabas sila at kami na ang kinausap ng may ari ay nag iisi parin ako. May pinasukat sa akin na iilang gowns at casual pero wala ako sa focus. Mabuti nalang at hindi iyon napansin ni ate Beth.

Mabuti nalang din at magaganda ang gowns at casual na pagpipilian ko. Kaya nabaling ang atensyon ko roon. Napili kong hiramin ang kulay purple na gown. It was a mixture of purple and black color na floral. May belt din siya sa gitna at may mahabang slit sa right side ng legs.

Bagay daw sa akin 'yon sabi ng may-ari at ng nag assist sa amin. Ganoon rin ang opinyon ni ate Bethany kaya masaya naman ako. Ganoon din sa casual, purple din ang kulay nito. It is tube plain casual dress, it is a body hugging casual dress na medyo mahaba sa likuran.

Pina-sample pa akong magrampa at audience ko nga ang iilang staff ng shop at ang may ari mismo. I was so happy that she let ms borrow those dress. Sinabihan niya rin ako na pag uusapan namin ang pagkuha niya sa akin bilang modelo niya sa shop pagkatapos ng pageant. Sobrang bait niya sa akin at nakwento niya rin na biyuda siya at may nag iisang anak ngunit may asawa na ito.

Naisingit niya rin si Hymier, kapatid pala siya ng tatay nito. Hindi ko na 'yon pinagtuonan ng pansin dahil ayaw kong isipin ang lalaki.

Masaya kaming nagpaalam ni ate Bethany kay misis Velasco. Binigay ko rin ang contact details ko sa kanya at nangako rin akong magpopost sa social media account ko pagkatapos ng photoshoot.

Nang makarating sa bahay ay sabay pa kaming nagkatinginan ni ate Bethany ng maabutan namin si Hymier sa labas ng gate at nakasandal ito sa hood ng sasakyan niya. Wala pa rin ang sasakyan ni kuya dahil alas tres palang naman ng hapon at siguro masyado rin silang abala.

Nagpaalam ako kay ate Bethany at lumabas na ng sasakyan niya. Kumaway muna ako sa kanya at nagbusina rin siya bago umalis na.

Hindi ko pinansin si Hymier at nilagpasan ko lang ito at binuksan na ang gate namin. Akmang papasok na ako ay siya namang hawak niya sa braso ko. Binawi ko ang braso ko sa kanya, napanganga siya sa kilos ko. Siguradong hindi niya inaasahan ng magiging ganoon ako sa kanya.

"Can we talk?" Mahinahon niyang tanong.

"About what?"

"Sa nakita mo kanina..."

I cross my arms, nasa mga braso ko na ang dalawang paper bag na may lamang damit.

"Tapos?" I coldly said.

"Napilitan lang akong samahan siya dahil gusto niya raw ma prioritize ni tita sa pagsusukat."

Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"I know you're going to avoid me after what happened." Buti at alam mo. Gusto ko sanang sabihin 'yon pero mas pinili kong manahimik nalang.

Tinaliman ko siya ng tingin.

"Mabuti kapa at alam mo." Sarkastiko kong sabi sa kanya. Tatalikod na sana akong muli ngunit hinawakan niya ulit ang braso ko.

"Ano naman ang pakealam ko kung magkasama nga kayo ng girlfriend mo. At isa pa pwede ba bakit ka ba nagpapaliwanag sa akin,hindi ko naman hiningi 'yon at hindi ko kailangan." I saw how the pain passed through his eyes. But I ignored it.

Agresibo kong tinanggal ang hawak niya sa kamay ko ngunit naabot niyang muli ito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano pa ba ang kailangan mo?"inis kong sigaw sa kanya. Iritado na ako dahil paulit-ulit nalang ang ginagawa naming dalawa. Kung may nakakakita sa amin ngayon ay iisipin nilang may LQ kami.

Tss,LQ my ass.

Hindi siya sumagot ay nanatiling madilim ang titig niya sa akin. Siya pa ang may ganang magalit? Nakakatakot ang ekspresyon niya pero nanatili akong nagtatapangan. Ito ang unang pagkakataon na nakitaan ko siyang galit, nasanay kasi ako sa mapaglarong itsura niya noon kaya mag lalong nakakatakot.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko na kayang makipagsukatan ng tingin sa kanya dahil parang hinihigop ng mga mata niya ang kaluluwa ko.

"Gusto kong magpaliwanag sa'yo dahil ayaw kong magalit ka."

"At bakit naman ako magagalit?" Mataas parin ang boses ko.

"Dahil kasama ko si Josephine kanina."

Inirapan ko siya at hindi na sinagot. Tanga naman nito. Ano ba ang pakealam ko kung magkasama sila. Tumalikod na ako sa kanya at pumasok na ng gate dahil napapansin ko na ang mga kapitbahay na dumadaan sa kalsada. Ayaw kong makaagaw ng atensyon ng iba. Baka akalaen nila ng boyfriend ko 'to at nag aaway nga kami.

Sumunod siya sa akin at walang hiyang pumasok pa ng bahay. Hindi ko na siya pinansin at nilagaw sa sofa ang bitbit at dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.

Ganoon rin ang ginawa niya, kumuha siya ng baso sa cabinet at naglagay ng tubig at uminom din. Nakakauhaw pala ang pakipagsagutan sa tirik na sikat ng araw.

Bumalik ako sa sala na nakasunod parin siya sa akin.kinuha ko ulit ang paperbags ko at umambang aakyat na pero nahigit niya parin ang seko ko kaya halos mabangga ako sa dibdib niya.

Heto na naman po kaming dalawa.

"Ano ba,Hymier? Bitawan mo nga ako,kanina ka pa!"sabi ko habang nakatitig na sa kanya. Nakangisi na siya ngayon at tila tuwang tuwa pa sa sinabi ko.

Tanga naman nito.

"Not until you talk to me."

"Jusko naman! Bakit ba kasi?" Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa sobrang iritasyon sa kanya.

"Akala ko ba ayos na tayo?"

"Ayos naman talaga,ah." halos magtunog sarkastiko ito dahil sa inis ko.

"Hindi,e. Alam kong nagalit ka dahil kanina."

Gusto kong magalit nga sa kanya,lalo pa't sa tuno ng pananalita niya ngayon na para bang nang aasar.

"Gusto kita,Syneca. Pero ang hirap mong amuhin dahil sobrang suplada mo."

Halos mabulunan ako ng sariling laway sa narinig ko sa kanya. Sarkastiko siyang ngumiti sa akin.

I sarcastically laughed.

"And you want me to believe you? Huwag mo akong itulad sa ibang babae mo na nadadala sa pa-sweet mong mga salita, Montero!"Singhal ko.

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa seko ko, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko ngayon. Umirap ako upang maiwasan ang pagtulo nito.

"Wala akong ibang babae,Syneca. Ikaw lang ang gusto k—
"

"I don't want to believe you, pwede ba Hymier, huwag ako ang paglaruan mo. Kung sanay ka sa Manila na nakukuha ang mga babae mo—"

"Sino ba nagsabing nagbibiro ako? Seryuso ako sa'yo, Syneca." He said seriously.

I glared at him at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Nagsusukatan na kami ngayon ng tingin,parehas kaming ayaw magpatalo sa bawat isa. I avoided his gaze. Hinahanap ko ang galit ko kanina sa kanya pero hindi ko na mahanap ngayon dahil para itong bula na bigla nalang naglaho dahil sa mga mata niya.

"Hindi ako naging interesado kailanman kay Josephine o kahit kaninong babae sa campus."

"Wala akong pakealam."

Hindi siya umimik. Naramdaman ko ang pagkalas niya ng hawak sa braso ko. Ang kaninang balak kong umalis ay hindi ko na nagawa ngayon na binitawan na niya ako.

I heard him sighed heavily.

"Ang hirap mo namang intindihin."bulong niya.

Mabigat ang bawat paghinga ko, kasabay ng paninikip ng dibdib. Nangingilid na ulit ang luha ko dahil ramdam ko ang hirap niya sa bawat salitang binibigkas.

I have alot of baggage in me. Hindi man ako sigurado pa sa nararamdaman ko sa kanya at ayaw kong paasahin siya. His confession made me feel more difficult.

"Hindi kita gusto,Hymier. At wala akong balak na gustuhin ka."seryuso kong saad sa kanya.

Katulad ng mga ginagawa ko sa ibang nagtangkang manligaw noon. I don't want to give him false hope, dahil takot pa rin ako sa lahat ng posibleng mangyari sa ganitong bagay.

"Kung seryuso ka sa mga sinasabi mo,ngayon palang ay iwasan mo na ako. Wala kang maasahan sa akin, masasayang lang ang oras mo dahil hindi kita gusto..."

Just like that,tumalikod na kaagad ako at nagsimulang umakyat ng hagdanan. At dali-daling pumasok sa kwarto ko, padabog kong isinara ang pintuan at napasandal ako sa likuran nito.

Walang pasabi namang naglandasan ang mag luha kong kanina ko pa pinipigilan.

I don't understand myself anymore. I am scared of being attach to someone like him but I am also afraid to lose him.

Baliw nga siguro ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top