06


I felt tired the next morning,nilalagnat din ako dahil sa kakaiyak ko. Kuya never bother to asked me again when I woke up at night. Sigurado akong tumawag siya kay Montero at nasabi na rin sigurado sa kanya ang nangyari.

My brother didn't  let me go to school. Wala rin naman akong planong pumasok dahil sobrang sakit nga ng ulo ko. Kaya naiwan akong mag-isa sa bahay dahil hindi ko hinayaang um-absent si kuya sa trabaho.

Nakaupo lang ako sa sala ngayon habang kausap ang kaibigan.

"So, ayon nga. . .Bago pa kita maabutan sa banyo para sana ipagtanggol sa mga impaktang 'yon ay umalis ka na. Alam mo ba kung gaano kagalit ang bebe mo?Jusko mare! Halos ibalibag niya ang pintuan ng banyo ng walang may sumasagot sa tanong niya. Mabuti nalang at nandoon ang isa nating kaklase na nakasaksi sa nangyari. . .kaya ayon galit na galit si Montero mo."

Nakikinig lang ako sa kwento niya, hindi ko lubos maisip na may ganoong nangyari pagkaalis ko kahapon. Wala naman akong balak magsumbong kahit kanino sa mga nangyari pero wala na rin akong magagawa kung marami na nga ang nakakaalam sa pag aaway namin ni Josephine.

"Kung nakita mo lang ang itsura ni Josephine,matatawa ka mars!"

Walang tigil ang pagku-kwento niya.

"Makakapasok ka na ba bukas?"

"Oo,hindi naman malala ang lagnat ko. Dala lang ng iyak 'to kaya siguradong makakapasok na ako bukas."

"Dapat lang 'no at magpapalista pa tayo para sa mutya. At bawal kang umatras mars dahil balita ko sasali rin ang impaktang Josephine. We will not get your revenge in physical way, Syn. But we will bring her down through beauty and brain. Huh! Lintek lang ang walang ganti, Syneca!?"

Natawa ako sa narinig mula sa kanya, it somehow relieves me hearing her half joke comments. Siguro kung nandoon siya kasama ako kahapon ay mas malala pa ang nangyari. Kilala ko si Ysabel,she will never let anyone hurt me. Papatulan niya ang lahat na babangga sa akin, at ganoon din naman ako para sa kanya.

Nang magpaalam siyang magsisimula na ang klase ay hinayaan ko nang ibaba ang tawag. Kumain na lamang ako ng hinandang agahan ni kuya at uminom ng gamot. Nagpasya rin akong matulog saglit upang mabawasan ang kaunting hilo.

Nagising na lamang ako sa tunog ng doorbell. I am sure that it was not my brother dahil tumawag siya kanina,at isa pa,may susi iyon kaya imposible na mag-ddoorbell pa. Nagtataka tuloy ako kung sino man ang nagtangkang bumisita. Inaantok man ay pinilit kong bumangon at sinilip mula sa bintana kung sino man ang bisita.

Halos mauntog ako sa grills ng bintana namin ng makita kung sino ang nakatayo sa gate. It was Hymier Montero holding a brown paper bag. Pipindot pa sana siyang muli sa doorbell nang makita niyang nakasilip na ako sa bintana ay kumaway at ngumiti siya sa akin. Napalunok ako ng laway ko sa sobrang tamis ng ngiti niya.

I immediately tie my hair into a messy bun. Hindi na ako nag-abala pang maghilamos dahil nakakahiya naman na paghintayin siya sa labas. Hindi naman siguro ako amoy laway kaya ayos lang 'to.

Ano ba kasing ginagawa ng isang 'to rito? Wala ba 'tong klase ay gala ang inatupag?

Nang buksan ko ang gate ay mas lalong lumapad ang ngiti niya sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?"nawala bigla ang ngiti sa labi niya at humawak sa kanyang dibdib. Umarteng nasaktan sa sinabi ko. Ang arte!

"Ouch!? Hindi ba pwedeng pumasok muna? Grabe ka talaga sa akin,Syneca. Hindi pa nga ako nakakapasok sa bahay niyo parang pinapalayas mo na ako." I rolled my eyes and he chuckled.

"Sino'ng nagsabi sa'yo na papasukin kita?" anas ko.

Natahimik siya at nakatitig lang sa akin.

"Wala ka bang pasok at nandito ka?"

"Grabe naman 'yon! May two hours break ako kaya binisita kita. Nagpunta akong building niyo kanina at sabi ni Ysabel absent ka kaya dumalaw na ako. May sakit ka raw?" Kumunot ang noo niya.

Inilapat pa niya ang kanyang palad sa noo ko.Gusto kong ngumiti dahil nag-alala pero pinigilan ko. Ayaw kong isipin niya na masaya ako sa pagdalaw niya 'no.

Hindi ba,Syn?

Itinaas niya ang paperbag na dala. "Nagdala rin ako ng lunch,tara sasabayan na kitang kumain. Para ganahan ka."ngumisi pa ng nakakaloko.

Ayos na sana,e. Kaso hindi pa rin nawawala ang kayabangan talaga. Nilakihan ko nalang ang bukas ng gate at walang hiya rin siyang pumasok. Diri-diretso ang lakad niya hanggang sa sala. Hindi pa nga nakuntento at pumasok pa sa kusina na akala mo'y kabisado na niya ang buong bahay namin. Minsanan niya pang pinasadahan ng tingin ang kabuohan ng unang palapag.

"Purple,huh!" He smirked.

Inilapag niya muna ang dala niya sa counter at dumiretso sa sink. Naghugas siya ng kamay at hinarap ako. Bago pa siya makapag salita ay inunahan ko na.

"Nasa left side mo na cabinet ang mga plato, nasa kanan naman ang baso at nasa drawer ang mga kutsara't tinidor." Ngumisi pa rin siya. I heard him murmur something pero hindi ko naman klaro kaya hinayaan ko na.

"Ano?" Nagtataka kong tanong,umiling lang siya na nakangisi parin.

Ang saya ata ng taong 'to.

Inayos niya ang pagkain,hinayaan ko lang siya at umupo sa stool. Hinihintay siyang matapos sa ginagawa. Napalunok naman ako ng maamoy ang pagkain,sigurado akong ang paborito ko 'yon.

Ng lingunin siya ay nakangisi parin at nakataas na ang kilay. Mayabang niyang inilapag ang pagkain sa harapan ko, iniripan ko siya na siyang nagpatawa sa kanya.

His laugh echoed to our kitchen,ang sarap sa taenga marinig ang malakas niyang tawa. Kaya naman ay nadala na rin ako at tumawa na rin ng mahina.

We ate peacefully, hindi na rin naman siya nag ingay  at hinayaan na lang akong kumain. Tila ibang Hymier Montero ang kasama ko ngayon. Hindi na iyong mapang-asar at supladong  lalaki na una kong nakilala. He is now the silent and carefree Hymier who took care of me.

Wala sa isip akong napangiti sa mga kilos niya, ang unang pangit na impresyon ko sa kanya noon ay napalitan na ngayon. Ibang Montero na ang kasama ko, he is gentleman and caring.

I cleared my throat before started to speak.

"Salamat sa pagkain," ngumiti ako sa kanya. "Though you're not oblige to do this naman,but still thank you for coming over and for bringing food for me."

I am really thankful to him. Ngayon lang ako nadalaw ng isang kakilala ng may sakit ako. And it was different because it is Hymier Montero. Naisip ko tuloy kung sakaling si Josephine ba ang nagkasakit ay dadalawin niya?

The way how she told me about their feelings for each other seems real.

Nawala tuloy ang ngiti sa labi ko ng maisip 'yon. Ano nalang ang iisipin ni Josephine kapag nalaman niya na dinalaw ako ni Hymier? Sigurado akong may masasabi na naman iyon tungkol sa kalandian at kung ano-ano pang iniisip niya.

"Anong iniisip mo?" Nagtatakang tanong niya. Umiling lang ako.

"W-wala naman."

"Tss! Andiyan na naman tayo sa wala. Kahit na meron naman talaga."

"Ahm...wala bang magagalit na pumunta ka rito?" Mahina kong tanong.

"Sino naman?"

"Ewan ko, girlfriend perhaps?"

Natawa siya sa tanong ko.

"Meron ba ako noon?" Nagkasalubong ang makakapal niyang kilay.

"Hindi ko alam." Nahihiya kong saad.

"Wala akong girlfriend,Syneca. At kung mayroon man ay hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit niya kagaya ng pagpunta ko rito sa'yo." Seryuso siya habang nagsasalita. "At kung iniisip mo na may gusto ako kay Josephine, please. . .Itigil mo na dahil iba ang gusto ko at hindi siya."

So,meron siyang gustong iba? Kung hindi si Josephine, sino naman?

"Sino?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Ikaw,"

"Huh?"

He cleared his throat.

"Ikaw,may gusto ka ba? I mean nagkagusto ka na ba?" Kumunot ang noo ko.

"Wala pa naman. . ." Hilaw lang siyang ngumiti at tinignan muna ako bago tumayo at nagligpit na ng pinagkainan namin.

"Ilagay mo lang diyan at ako na ang maghuhugas mamaya. Baka malate ka na sa klase mo."

Nakakahiya kasi na siya na nga ang nagdala ng pagkain ay siya pa ang maghuhugas ng plato.

"May oras pa ako,uminom ka na ng gamot at magpahinga. Kaunti lang naman itong plato, kaya ko na 'to." Seryuso niyang saad habang nakaharap na sa sink at magsisimula ng maghugas.

Pinagmasdan ko lang siya habang naghuhugas. Mukha siyang hindi sanay sa pag huhugas pero pilit niya paring inayos ito. I smiled.

Kinuha ko narin ang gamot ko at ininom ito.

Hindi naman siya nagtagal dahil may klase pa nga. Hinatid ko siya sa labas ng gate at nagpasalamat muli.

"Dadaan ako rito mamayang uwian..."

"Hindi naman na kailangan, baka abala ka rin sa inyo."umiling siya sa akin.

"Bibisitahin kita mamayang hapon bago ako uuwi sa amin." Napanguso ako. "Isarado mo ang gate at ilock ang pintuan niyo. Baka mapasok kayo ng kung sino,wala kapa namang kasama diyan. I'll text you later pagkadating ko sa school." Tumango lang ako sa kanya.

"Salamat ulit,Hymier,I really appreciated it." I smiled genuinely to him.

Tumango siya at binuksan ang kanyang sasakyan. Pumasok na rin ako at isinarado ang gate. Ngumit akong muli sa kanya bago pumasok sa bahay. Napasandal ako sa hamba ng pintuan habang nakatingala sa kawalan.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. It is my first time feeling like this, na parang may mga nagliliparan na kung anong insekto sa aking tiyan habang naiisip ko kung paano niya ako inasikaso kanina sa pagkain namin.

Hindi ako sigurado kung kilig ba ang tawag dito,ang alam ko lang ay tumigil saglit ang tibok ng puso ko bago naging tambol ang tunog nito.

Ng maghapon ay hindi nga ako binigo ni Hymier, dumaan nga siya sa bahay at kinumusta ako. He also bring Ysabel notes in our major subject. Nagdala rin siya ng meryenda mula sa kilalang café dito sa San Vicente. Hindi ko nga alam kung coincidence lang ba o nagtanong siya kay Ysa. Dahil ang meryendang dala niya ay isa sa mga paborito ko.

Masaya kong sinalubong ang kapatid ng makauwi ito kinagabihan. Nagtataka niya akong pinagmamasdan habang inaasikaso ko ang dala niyang take-out na pagkain. Hindi man siya kumikibo ngunit ramdam ko ang mga kakaibang titig niya sa akin.

Kahit pa tahimik kaming kumakain ay alam kong gusto ni kuya magtanong pero pinipigilan lang niya ang kanyang sarili. Hindi ko rin sinabi sa kanya ang tungkol sa pagdalaw ni Montero kanina. Sigurado naman akong alam niya 'yon pero tahimik lang siya.

Nakangiti ako hanggang sa matapos ang paghuhugas ng plato. Napapailing lang si kuya sa mga kilos pero alam kung nagtataka na siya sa kakaiba kong kilos.

Tinabihan ko siya sa sala habang abala sa laptop niya. Inakla ko ang braso sa kanya at naglalambing na sinandal ang aking ulo habang siya ay abala sa ginagawa.

"May sasabihin ka." Hindi iyon tanong. Nangingiti lang akong umiling. "Dali na,busy ako."hinampas ko ang braso niya.

"Naglalambing lang,e." Kunwari akong sumimangot.

"Kilala kita, Syneca. Alam ko kung kailan ka masaya at malungkot. Alam ko rin ang pagkakaiba ng bawat paglalambing mo."

"Kasi. . .ano. . ."

"Tsk!"

Ayan na naman ang pagiging suplado nito.

"Bumisita kasi si Hy—"

"Alam ko,nagpaalam 'yon kanina." Suplado niyang saad. Natawa ako.

"Bakit parang galit ka?"

"Nanliligaw ba 'yon sayo?"nakasalubong ang kilay niya.

"Hindi,ah. May gusto yung iba."sagot ko naman.

"Pero gusto mo?"natigilan ako sa tanong niya.

Hindi ko naman kasi alam kung gusto ko ba siya. Basta alam kong masaya ako sa ginawa niya kanina.

"Hindi ko alam,kuya."

"Sa ngiti mo mula kanina, hindi kapa sigurado? Talaga ba,Syneca?"

"Eh,"

"Tsk!"

Tumawa ako.

"Oras na ata kuya para magpropose ka kay ate Bethany." Asar ko sa kanya.

"Bakit? Tingin mo magkaka-boyfriend ka na?"nakataas kilay niyang tanong. Humalukipkip siya at mataman akong tinititigan.

"Malay mo naman,diba?" Humalakhak ako kahit pa alam ko naman na sa sarili ko na hindi ko talaga gusto si Montero.

"Dadaan muna sa butas ng karayom ang manliligaw sa'yo. Kahit pa anak siya ni boss ko, 'no." Mas lalong lumakas ang tawa ko.

"Bakit, sigurado ka bang siya ang manliligaw ko?"

"Kapatid kita, kilala na kita mula ulo hanggang pa. Iyang mga ngiti mong 'yan, ngayon ko lang 'yan nakita ulit simula nang u-" siya na mismo ang pumutol ng sasabihin niya. "Nevermind... Sige na matulog kana at papasok ka pa bukas."

Tumango ako at tumayo na.

"Goodnight,kuya. Matulog ka narin. I love you po!" Paalam ko,tumango siya.

"I love you too,kaya huwag na huwag mo akong ipagpalit kahit kaninong lalaki pa ang dumating sa buhay mo." Lumapad ang ngiti ko.

"Oo naman,'no. Goodnight."

I immediately go up to my room, hindi ko na siya hinayaang magsalita pa dahil sigurado akong magiging emosyonal lang ako.

I took my halfbath before I lay myself to my bed.

I was starring at my ceiling when my phone vibrated.

Hymier Montero 🦍

Goodnight,Syneca. See you tommorrow 😘

Ay, mali yung emoji.

Ito kasi dapat 'yon oh 😊

Natawa ako sa text niya. Hindi ako nag abalang magreply dahil baka hahaba pa ang usapan naming dalawa.

Para akong baliw kakaisip ng kung ano-ano nang gabing 'yon hanggang sa nakatulugan ko nalang ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top