05

Nang sumunod na mga araw sa tuwing nakakasalubong ko ang grupo ni Josephine ay iniirapan nila ako. Ang sarap sanang tusukin ng mga mata nila at sarap lukumusin ang mapupula nilang labi. Pero pinigilan ko nalang ang aking sarili.

Binabalewala ko nalang iyon dahil hindi rin naman nakakadagdag sa ganda nila. Mas lalo lang silang nagmumukhang desperada.

Kumalat kaagad sa SVC ang mga pinagsisigaw ni Jesse sa gym noong nakaraan. Kaya ang lagay tuloy, tingin ng iba may gusto ako kay Montero. Our school is not that big, at dahil nasa probinsya nga kami ay halos magkakakilala ang mga tao.

Ayaw ko man ng ganoon ay wala na akong magagawa pa. Minsan ko na rin naririnig ang ibang estudyante na nagbubulungan tungkol sa akin.

But their opinions really doesn't matter to me.

May naririnig pa akong baka sakaling siya ang sasagutin ko dahil mayaman. May nagsasabi pa na kung sakaling maging kami nga raw ni Montero ay tataas pa ang posisyon ng kuya ko sa resort.

Well, if ever my brother will be promoted,deserve niya naman 'yon. Ayaw ko lang kasi na pati siya ay nadadamay sa kung ano man ang iniisip ng ibang tao sa akin.

I don't want to explain myself . I really hate it .

Hindi rin ako iyong tipo na kailangan magpaliwanag sa iba kung ano man ang nararamdaman ko. Lumaki akong hindi sanay na sinasabi ang ano mang nararamdaman sa ibang tao. I am not shy, I know how to mingle with other people, but my trust and attention is hard to achieve. Ang hirap din kasing paniwalaan ng mga bagay na sa una lang totoo,mabibigo ka lang sa huli dahil hindi naman pala.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa room. Buong klase ay occupied ang pag-iisip ko sa mga narinig sa paligid. Dahil kahit ibang kaklase ko ay iba ang pinupukol na tingin sa akin. Noon pa man wala talaga akong pakialam pero ngayon kasi dinadamay nila ang inosente kong kapatid.

People and their useless judgement.

"Anong nangyari?"nag-aalalang tanong ni Ysa habang nakaupo kami sa kiosk. Umiling ako dahil wala akong balak na pag-usapan pa.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat sa manila paper para sa report ko bukas. Natahimik na rin naman siya at nagbasa na rin. Kailangan kong ibaling sa iba ang pag-iisip ko.

"Hindi ko maintindihan itong isang topic sa Oral recitation,Syn. Paano 'to?" Tinignan ko naman ang tinutukoy niya at pinaliwanag sa kanya kung paano iyon.

"May visual aid kana para sa presentation natin?" Tanong ko sa kanya dahil mas mukhang abala pa siya kakasuporta sa boyfriend niya.

"Hindi ko pa tapos pero may naumpisahan naman na." Nakangiti niyang sabi.

"Wow! Sana all marunong mag balance ng time sa school at lovelife, 'no?" Pang aasar ko pero akala ko maasar pero mas lalo lang lumapad ang ngiti niya kaya naman napa irap ako.

Natapos ang buong araw ko na produktibo naman kahit papaano. Sabay kaming lumabas ni Ysa sa gate ng school, pero dahil hindi parehas ang daanan namin ay naghiwalay din kami. Nauna siyang nakasakay ng tricycle,samantalang ako ay hirap pa dahil mas dumami ang estudyante.

Kaya napagpasyahan ko nalang na maghintay nalang muna sa isang waiting shed katabi ng guardhouse. Ayaw ko naman makipagsiksikan kaya mamaya nalang ako uuwi.

I decided to scroll on my social media accounts, minsan lang ako active dito lalo pa't medyo abala nga sa klase. Agad ko namang binisita ang account ng natatangi kong idolo. A small smile crept on my lips when I saw his latest post on instagram. Ganito lang palagi ang ginagawa ko, tinitingnan ko ang mga posts niya sabay screenshot at save sa gallery ko.

He always made my toxic day become positive, he is my happy pill for years now. At hinding hindi ako magsasawa na suportahan siya kahit pa malabo ko naman talaga siyang makita.

I cropted all his photo,nag-edit rin ako para palitan ang wallpaper ko ng picture niyang nakashorts lang at kita pa ang cycling dahil medyo bumaba ito. I giggled while zooming it, ang gwapo talaga ni Ricci Rivero. Kahit mas nangibabaw na ngayon ang pagka moreno niya dahil nag dagat sila ay mas lalong gumwapo.

Natigil lang ang pagpapantasya ko ng may humablot bigla ng cellphone ko. Sisigaw sana ako ng tulong sa pag aakalang magnanakaw ito. Ngunit nang mag angat ako ng tingin ay ang lintik na Montero pala.

I look at him furiously, he interrupted my day dream. Buwesit siya!

He look at my phone and smirked to me, I rolled my eyes. Gusto ko abutin ang telepono sa kanya pero dahil matangkad ito ay hindi ko parin abot. I am 5'5 in height and maybe he is six footer kaya malabo talaga. Sa haba ba naman ng galamay niya.

"Akin na 'yan,Montero!" Naiirita na talaga ako sa pagiging pakialamero ng isang 'to.

"Your fantasizing Ricci,ah." Nakataas ang kilay niya ngayon sa akin. Inirapan ko siyang muli bago aabutin sana ang phone ko pero itinaas niya naman ulit.

"Ano ba! Akin na nga 'yan. At pakealam mo ba?"

Naiinis na talaga ako, ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat 'yong nangingialam sa buhay ko lalo na sa mga gamit ko.

"Buti hindi natutuluyang tumirik 'yang mga mata mo kakairap." Binaba niya ang kanyang kamay na may hawak ng telepono kaya padabog ko itong hinablot sa kanya.

Dahil sa inis ay nilagpasan ko nalang siya at nagpara ng masasakyang tricycle. Pero dahil sa malas ata ako ngayong araw,ilang tricycle na ang dumaan na puno. Bumuntong hininga ako at naghintay nalang ulit.

May tumabi sa pwesto ko pero binalewala ko ito. Alam ko naman kung sino kaya di na kailangang lingunin.

"Hatid na kita sa inyo." Hindi ako kumibo at itinuon lang ang tingin sa mga dumadaang sasakyan.

Sinundot niya ang balikat ko pero hindi ko parin siya nilingon. Ilang ulit niya pang ginawa 'yon hanggang sa nairita na ako kaya hinarap ko siya.

"Ano ba?!"

"Ihahatid na kita, maraming pasahero ngayon dahil sabay ang uwian ng lahat." Hindi ako umimik.

Hinawakan niya ang braso ko na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. It sent hundreds of volts in my system kaya agad ko itong binawi.

"Ayaw ko!"

"Hindi ka makakasakay kaagad dito, kita mong punuan ang mga tricycle,oh." Umiling pa rin ako.

Hindi pa naman mag gagabi kaya ayos lang sa akin 'yon.

"Tigas talaga ng bungo mo."

"Pakialam mo ba? Kung gusto mong umuwi, umuwi ka na."

"Ihahatid nga muna kita."

"E,ayaw ko nga."

"Bakit naman ayaw mo?"

"Ayaw kong kasama ka,e. Bakit ba!?"

"Ito naman si Syneca parang ano. . ."hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng galit ko siyang hinarap. I crossed my arms while raising my brow.

"Ano?" Tinaas niya ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko. He chuckled.

"Kalma ka lang, nagmamagandang loob lang,e."

"Well,hindi ko kailangan iyon 'no." Suplada kong sabi.

"Isipin mo nalang na si Ricci Rivero 'yong maghahatid sa'yo." Natatawang niyang sabi.

Nang uuto pa nga si gago,umirap ako na siyang nagpatawa pa lalo sa kanya ng malakas.

"Sige na misis ni Rivero,ihahatid na kita."natatawa pa rin siya. Kaya hindi ko na mapigilan ang matawa na rin sa ginagawa niya.

He is trying to get my attention by using my weakness. Yawa! Ang rupok ko talaga pag si Rivero na ang usapan.

Napailing nalang ako at nakita kong nakangiti na rin siya. Iba yung ngiti niya kanina,now his smile is genuine. Wala na iyong nang-aasar na ngiti.

"Sus! Si Ricci lang pala ang magpapangiti sa'yo ng ganyan. Ano ba mayroon doon? E, kulang lang naman ako ng isang paligo mas gwapo na ako roon." Umirap akong muli. Sobrang hangin talaga ng isang 'to.

He grab my hand and pulled me towards his car. Agad naman akong natigilan dahil sa hawak niya. May kung anong kuryente na naman ang dumaloy sa akin. Medyo nasa dulong part 'yon ng school kaya may mga estudyante pang nakakakita sa amin. Panay ang lingon nila sa tuwing dadaan kami. Some students murmuring something and the way they look at our hands look disgusted. Kaya pilit kong inaagaw ang kamay ko kay Hymier pero ayaw niyang bitawan ito.

Mabuti nalang at medyo mabilis siyang maglakad kaya madali kaming nakaabot sa sasakyan niya. Hindi ganoon ka agaw pansin ang sasakyan niya, nakita ko na rin ang ibang mamahaling sasakyan nila pero mas pinili niyang gamitin ang lumang model ng toyota cruiser nila. Pero dahil si Hymier Montero siya. Lahat ng madadaanan naming estudyante ay nililingon talaga ang sasakyan niya.

I told him the way to our house,tahimik lang din kami sa loob ng sasakyan. Tanging ang mahinang tugtog lang sa speaker niya ang naririnig. Naghu-humm din siya,sumasabay sa musika. Wala rin naman akong plano na kausapin siya, ano naman ang sasabihin ko,diba?

"Diyan sa may purple gate lang."sabi ko sa kanya ng malapit na kami sa bahay. Tumango lamang siya at pinark na ang sasakyan sa tabi. Wala pa ang sasakyan ni kuya, siguro ay nagdate pa sila ng nobya niya.

Alas singko na ng hapon,dapat nakauwi na ang kapatid ko. Mabuti nga at wala pa dahil ayaw kong masalubong ng maraming tanong.

"Salamat."saad ko.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya,tumango siya ulit. Nang makarating sa gate ay bumaling ako ng tingin sa kanya, nakasandal ang kanyang kaliwang braso sa nakabukas na bintana ng kanyang sasakyan. Seryoso ang mukha niya habang pinapasadahan ng tingin ang bahay namin.

Siguro kung kompleto kaming pamilya na naninirahan dito ay siguradong kahit hindi man kami perpekto ay maayos sana ang lahat. Kung titignan ang bahay namin sa labas ay mukhang masaya ang mga nasa loob nito. I was the one who chose the color of the paint outside our house.

It's purple in color, kuya made me chose kaya siyempre kailangan bias tayo. Sabi niya din kasi, ako raw ang titira rito balang araw. Lalaki raw kasi siya kaya dapat siya ang bubukod sa aming dalawa kapag nagka pamilya na siya.

"Andiyan ba parents mo?" I stiffened for awhile to his question,hindi ko alam kung nahalata niya iyon. Hindi ako nakasagot sa kanya, it still pinched my heart a little, pero hindi ko pinahalata 'yon sa kanya.

I can't answer his question kasi alam ko kung sasagutin ko 'yon ay madudugtongan pa ng tanong at ayaw ko nang pag-usapan pa. I can't tell him that part of me.

Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi niya naman alam na kami lang ni kuya ang nandiyan. Kumunot ang noo niya sa pananahimik ko. Itinuro ko lang ang bahay namin.

"Pasok na ako." Hindi parin natanggal ang kunot sa noo niya pero binalewala ko lang 'yon.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at binuksan ko na ang gate namin. Hindi ako lumingon sa kanya,narinig ko nalang ang pag bosena ng kanyang sasakyan hanggang sa makaalis na ito.

Kinabukasan ay medyo mabigat ang pakiramdam ko, hindi ako nakatulog kaagad kagabi dahil sa iniisip ko na naman ang mga taong dapat na sanang kinakalimutan.

It was just a simple question but it brought different emotions to me. Iyong nakalimot kana sana, kaso nababalik na naman dahil lang sa mga tanong na hindi naman sana sinasadya. Akala ko handa na akong sumagot sa mga ganoong klaseng tanong. Akala ko kasi sa tagal ng panahon ay kaya ko nang sagutin 'yon. Pero hindi ko pa pala kaya.

Masakit parin pala.

I was heading to the bathroom to check my face when Josephine and her allies stopped me. Hindi ko na sana papatulan pero hinawakan ang braso ko ng isa niyang kasama.

"Huwag kang bastos!" Nakataas kilay na saad nito nang umamba akong aalis.

I clenched my jaw.

Wala ako sa mood ngayon at ayaw kong pumatol sa mga kagaya nila pero alam kong hindi sila titigil kapag tatahimik lang ako.

Josephine crosses her arms and scanned me from head to toe.

"You really like catching attention, 'no?" She said.

Hindi ko siya pinansin at lalagpasan na sana ulit ngunit hinarangan niya ako.

"Kunwari ka pang ayaw mo kay Hymier, but deep inside you're dreaming of him." Tumawa pa siya ng nakakainsulto. Sinabayan din siya ng mga alipores niya. "Ganyan yata talaga kapag walang nagpalaking magulang. Kulang sa aruga at atensyon kaya hinahanap sa mga lalaki."dugtong pa niya.

Nagpintig ang taenga ko sa narinig. Lumapit ako sa kanya.

"What did you just say?"

Nanlilisik ang mata ko sa kanya, umahon ang galit sa sistema ko. I was never been this angry my entire life at hindi ko naman kayang hayaan lang ang sinabi niya. Tanggap ko noon ang mga masasamang sinasabi ng ibang tao sa pamilya namin lalo na sa mga magulang ko. Dahil totoo naman ang lahat ng iyon.

But I will never tolerate these kind of insults they're throwing me. Oo, aaminin kong lumaki akong kulang sa aruga at pagmamahal ng mga magulang pero hindi ko kailanman hinanap 'yon sa ibang tao.

Of course, I want the attention but never with men. The hell I care about them!?

I am contented of my brother's love. Hindi siya nagkulang na iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. He never made me felt alone during those years. Kaya hindi ko lubos maintindihan ang mga paratang ng ingratang ito. Baka siya ang kulang sa atensyon dahil kahit gaano pa niya idikit ang sarili niya sa mga lalake ay hindi naman pinapatulan ang kalandian niya.

Gusto ko nalang silang tawanan dahil sa katangahan at kabobohan ng mga pinag-iisip nila.

"Ginaya mo pa ako sa'yo? Alam mo wala akong oras patulan 'yang ka-cheap—"

"Ikaw ang cheap sa ating dalawa rito,Synec—" She stepped closer to me.

Hindi ako nagpatinag sa kanya, tinitigan ko rin siya gamit ang galit kong tingin.

"Alam mo namang gusto ako ni Hymier at gusto ko rin siya pero nakuha mo pang magpahatid sa bahay niyo kahapon."

I knew it.

Galit siya dahil siguro umabot sa kanya ang balitang hinatid nga ako ni Montero kahapon. Habang siya ay hindi pa nakasakay sa kotse nito.

I tried to calm myself and control my emotions. Sigurado akong hindi ko siya kayang patahimikin dahil sa selos niya pero ayaw ko nalang patulan. Nakakababa ng pagkatao.

Tahimik ko lang siyang tinitigan habang kinakalma ang sarili.

"Hindi ka makasagot kasi totoo. Malandi ka talaga, mana ka talaga sa nanay m—"

It hitted my core. Ang tinitimpi kong pasensya ay sinagad na nga niya. Kaya hindi ko na napigilan pang paliparin ang palad ko sa namumula niyang mukha gawa ng kung ano mang pampakulay ang nilagay niya roon.

Sobrang lakas ng sampal ko na nagpasinghap sa mga kasamahan niyang mga mukhang alimango rin sa pula.

People can throw me any insults but I will never let them compare me to my mother. I will never be like her.

Ever!

"I am not flirting with anyone here at school, lalong lalo na diyan kay Montero. Hindi ko alam na ang paghatid pala sa bahay ko ay paglalandi na 'yon para sa iyo. Alam mo kong nilalandi ko 'yang lalaking pinapantasya mo, harap harapan ko 'yang gagawin. I will show you how to flirt,Josephine. I will teach an effective way of flirting. But sorry to disappoint you, siya mismo nag-alok at nagpumilit na ihatid ako dahil wala akong masakyan na tricycle." Tinignan ko siya, hindi na pantay ang pagkapula ng kanyang mukha dahil sa sampal.

"And if you really like each other, then tell him to stop bothering me. Nananahimik ako,siya itong panay ang lapit sa akin." Matapang kong sabi.

Tumalikod na ako sa kanila at nag ambang aalis na ngunit natigilan dahil sa aninong nakaharang sa aking harapan.

"H-hymier. . ." Josephine's voice cracked.

Nag-angat ako ng tingin sa aking harapan at nakita ko kung paano nagbaga ang mata ni Hymier sa galit habang nakatingin sa likuran ko. Nang tumingin siya sa akin ay napalitan ito ng pag-aalala.

Ayaw ko sa lahat na kinakaawaan ako, kaya ginawa ko ang lahat para hindi magmukhang api. I composed myself and exited to that place successfully.

I didn't have the courage to attend my class. Kaya nagpasya na lamang akong umuwi at nagliban na lamang sa klase ng araw na iyon.

Nang makapasok sa kwarto ay nakaramdam ako ng pag-iisa. Pabagsak akong humiga sa kama ko. And as if on cue, my tears started falling.

Hindi ko alam kung para saan ang mga luha na iyon at kung bakit ako naiiyak. Sobrang naninikip lang dibdib ko.

Ilang minuto akong umiiyak hanggang sa pabalang na bumukas ang pintuan ng aking silid at mabilisang pumasok ang aking kapatid.

Agad akong bumangon at sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. He hugged me back and its comforting for me.

"Hymier called me and told me to check on you, hindi ka raw umattend ng klase. Anong nangyari, Syn?"

Mas lalo ko siyang hinagkan at mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.

Hindi ko na inalala pa ang mga tanong ni kuya. Basta nalang ako pumalahaw sa iyak, sobrang bigat sa dibdib ng lahat. The eight year old and thirteen year old me is back. The memory flashed on how I cried,when they left me. And it hurts me even more.

My brother let me cried in his arms until I fall asleep. Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang paulit-ulit na bigkas niya kung gaano niya ako kamahal.

Iyong ang nagpatahan sa akin,sapat na si kuya.

He is the reason why I don't agree with people who are telling that I was lacked of love. Because my brother's love is more than enough.

And I am contented with that.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top