01
Flawed.
We used to have imperfectly flawed but a happy family. My Fathaer is a hardworking and a responsible and my mother is a good wife,caring and a loving mother. Kahit abala sila parehas sa kani-kanilang trabaho ay naglalaan pa rin ng oras para sa aming magkakapatid.
Pero noon iyon. Noong mga panahon na kontento pa sila sa simple at masaya. Noong panahon na mahal pa nila ang isa't isa.
I always thought when I was a child that I will grow up with my parents. That I will look up to them and make their relationship as my standard. I thought that our family is the best example,that we symbolizes a simple,contented and happy one.
But everything happened unexpectedly.
The family I used to admire got broken,that the couple I used to look up made mistake that cause my first heartbreak.
It's all started when my mother decided to leave for work, everything has changed. Ang paalam niya lang noon ay magta-trabaho sa ibang bansa bilang caregiver. But years had passed and she didn't come back.
Kahit pasko at ano mang espesyal na okasyon sa buhay namin ay hindi na siya umuuwi kahit isang beses. I was just seven when she left us,wala akong ideya kung ano ang nangyayari sa amin. Hindi ko pa naiintindihan iyon noon.
Dahil sa murang isipan, palagi akong nagtatanong kung nasaan si Mama. I always longed for her presence and care. Palagi akong naghahanap at nangungulila sa kalinga ng isang ina. But kuya keep on telling me na dapat hindi ko hinahanap ang mga taong umaalis na sa buhay namin.
Hindi ko 'yon naintindihan noong una dahil ang paniniwala ko dapat kapiling ng mga anak ang mga magulang lalo na ang mga ina. Pero dahil ayaw kong nagagalit o naiinis si kuya,simula noong napag-sabihan niya ako ay hindi na ako nagtatanong.
Hanggang sa nasanay nalang ako na wala siya. Hanggang sa hindi ko na hinahanap ang presensya niya. Naging kuntento na ako na si Papa at kuya nalang ang kasama.
I was in my last year in elementary,when I got home and welcomed by my brother and father fighting. I never heard them fight, it was the first time at alam kong seryoso nga ang pinag-aawayan.
Pumasok ako ng bahay at nagmano kay Papa kahit pa nalilito ako sa nangyayari. Nanlilisik na ang mata ni kuya sa kanya.
"Papa!?" Nagtatanong kong saad. Nakita kong kinuha niya ang itim na maleta na hindi ko man lang napansin kanina.
"Saan ka pupunta,Pa?"nanginginig kong tanong.
"Syn,magta-trabaho lang si Papa." He said carefully.
Kumunot ang noo ko dahil may trabaho naman siya dito sa munsipyo. And it was a dejavu for me,same words and same excuses my mother told us.
It was like a bomb to hear that word.Nagsimula na akong kabahan dahil doon.
"Ayaw mo na po ba sa trabaho mo? Pagod kana magtrabaho doon,papa?" Umiling siya at ngumiti ng tipid.
May lungkot sa kanyang mga mata, dahil na rin siguro aalis nga siya.
"I'm sorry,anak." Niyakap niya ako at bumulong.
"Saan ka po magta-trabaho? Pwede naman kami dumalaw ni kuya doon,hindi ba po?
Parang umulit lang iyong nangyari na ito noon.
Hindi ko alam kung bakit pero may tumulong luha sa mga mata ko. It feels like he is saying goodbye to me. Babalik naman siya,'di ba? Babalikan niya kami. Hindi siya gagaya kay mama,hindi niya kami iiwan.
"Sa malayo,anak." Ngumiti lang siya ng mapait sa akin. Ako naman ay mas nangibabaw ang kaba dahil pakiiramdam ko may mali sa pag-alis ni Papa.
Binalingan niya ng tingin ang kapatid ko na ngayon ay nanlilisik parin ang mga mata sa galit.
"Ikaw na ang bahala sa kapatid mo,Nyle." Bilin niya kay kuya. Kuya scoffed.
"Once you leave, we will never accept you again!?" Galit na sabi ni kuya na siyang nagpadagdag ng kaba ko.
"I'm sorry," yumuko lang ito saglit.
"Hindi ka man lang naawa sa amin? O kahit kay Syneca man lang? Akala ko ba hindi ka tutulad sa kanya? Akala ko ba hindi mo kayang makitang nasasaktan si Syneca? Ngayon nagdesisyon kang umalis? Saan na ang mga pangako mo? Ayos lang sana kung ako lang, e. Kakayanin ko naman na wala ka, pero pati ba naman si Syneca,iiwan mo?!"
Pumiyok ang boses niya, ramdam ko 'yong sakit at awa sa boses niya.
Niyakap ko nalang ang backpack na bitbit ko kanina pa. Lumipat ang tingin ni kuya sa akin, nang makita niyang umiiyak ako ay lumapit siya agad.
"Ikaw muna ang bahala dito sa bahay,Nyle! Alam kong kaya mong alagaan ang kapatid mo."umigting ang panga ni kuya bago pumikit na para bang nagpipigil sa galit.
"Umalis ang asawa mo dahil sa ibang lalaki,tapos ngayon iiwan mo rin kami dahil sa babae mo? Gagayahin mo rin ang ginawa niya, pare-parehas lang kayong dalawa!?" Nanggagalaiti si kuya sa galit niya,mas humigpit lalo ang hawak niya sa kamay ko.
" Nyle!?" Parang kulog ang boses na iyon ng aking ama.
Hindi ko na rin maintindihan ang nangyayari. Aalis si papa para sa ibang babae? Sino naman? Akala ko ba ay magtatrabaho lang siya sa malayo?
Hindi man nila sinasabi sa akin ang tungkol kay mama pero alam ko iyon. Kahit noon pa, alam kong rason lang ni mama 'yong trabaho na in-offer sa kanya sa ibang bansa. Alam ko rin at nakita ko na siya dati sa hospital na may kasama siyang ibang lalaki. I saw her cheating, pero hindi ko pa maintindihan iyon noon. Wala pa akong ideya sa mga nangyayari.
"Umalis kana... At kung maari ay huwag ka ng magtangka na bumalik pa." His word is full of bitterness and anger.
"I promise to sustain your n—"hindi na natapos ni Papa ang sasabihin niya ng hinila na ako ni kuya paakyat ng hagdan.
"We don't need your money, we can live without your help. Sa oras na lalabas ka sa pintuang 'yan ay wala ka ng karapatan sa amin bilang ama." He then pulled me inside my room and closed the door.
Naiyak ako lalo, I don't really understand what is happening. Why all of them are leaving?
"B-bakit tayo iiwan ni papa,kuya?" Naiiyak kong tanong.
Hindi siya sumagot, bumuntong hininga lamang siya at hinilot ang kanyang sentido. He looks frustrated.
"He promised to never leave us,kuya. Bakit naman ganoon?" Humagulhol na ako.
"I will never leave you, Syn. Andito lang ako palagi para sa'yo, kaya wag ka nang umiyak diyan. Dahil ang mga taong nang-iiwan ay hindi dapat iniiyakan." He said while wiping my tears.
"Go change your clothes, amoy asim ka." Nang aasar niyang saad. I know he is just trying to make the atmosphere lighter. Pero hindi parin ako natigil sa kakaiyak.
Umalis siya ng kwarto ko, kaya agad akong sumilip sa bintana. I saw a black Lexus waiting, hindi iyan ang ginagamit ni Papa sa trabaho niya. I can't see the driver but I have a gut feeling that it was the woman I saw before.
The woman who was my father kissing.
Lahat ng mga nangyari noon ay hindi ko lang pinansin. Kahit pa may mga nakikita akong kakaiba, kahit pa may nakikita akong mali sa mga ginagawa nila ay hinayaan ko. Dahil naniniwala akong hindi sila maghihiwalay ni mama,dahil ang sabi ng teacher ko noong elementary, kapag kasal na ay hindi na maghihiwalay pa. Pero mali pala, lahat ng paniniwala ko ay mali.
Pinatunayan 'yon ng mga magulang ko,na hindi lahat ng kasal ay nagsasama habambuhay hanggang sa mamatay.
I saw how my father pulled his luggage. I saw how he look back in our house but never came back. I saw how he left us like we are nothing to him. I hear how our vases got broken because of my brother's raging anger.
Nawala na sa paniningin ko ang sasakyan kaya mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko lubos maisip na may gano'ng mga magulang. Hindi ko naisip na magagawa nila kaming iwan para lang sa sarili nilang kaligayahan. Hindi ko lubos maisip na gano'n sila ka makasarili,na kaya nila kaming pabayaan,na kaya nilang lumigaya na hindi kami kasama.
Narinig ko naman ang sigaw at galit ni kuya sa baba. Kung paano siya nagwala at kung paano niya isa isang binabasag ang mga gamit sa sala. Our house is quite big, hanggang dalawang palapag ito. Typical na bahay ng mga pamilyang medyo nakakaahon sa buhay.
May kaya naman kami dahil malaki ang sahod ni papa sa munisipyo. Hindi pa man ako pinanganak ay nakatayo na itong bahay. It was my grandparents gift to my parents noong kasal nila.
Lumaki kami ng kapatid ko na hindi namin naranasan ang magutom. Iyon nga lang ay hindi na namin naranasan ang magkaroon ng buong pamilya. Dahil kahit may Papa pa kami ay palagi naman itong wala. At ngayon,tuluyan na nga siyang mawawala sa amin.
Ang bahay na ito ang naging saksi kung paano kami bilang masayang pamilya noon. Bahay kung saan ako namulat sa katutuhanan. Bahay kung saan ako nabuhay ng walang nasasandalang mga magulang. Bahay kung saan ako unang nasaktan at nawasak.
Nang gabi iyon ay parang wala ng buhay ang bahay namin. Kung tahimik noon ay mas lalong tumahimik ngayon.
I remember my father's words before as I stare at the dark night sky.
He promised to never leave us. He always told me that he will always be there for me, for us. Na kahit wala na si Mama ay nandiyan siya palagi, that we don't need a mother to be whole. Dahil kahit siya lang ay sisikapin niyang maging sapat na siya sa amin.
And those promises were made to be broken.
Napabuntong hininga ako ng maalala na naman ang tagpong 'yon sa buhay ko. Sa tuwing tumatambay ako dito sa bintana kung saan kita ang gate namin ay palagi kong naalala ang mga panahong umalis sila.
It's been years since they both decided to leave. Ganoon siguro kami kapabigat sa kanila kaya parehas silang umalis. Ganoon siguro kahirap kay papa na buhayin kami ni kuya kaya mas pinili niya ang iwan kami.
Hindi ko pa maintindihan noon kung bakit kami iniwan. But through the years, I fully understood why they have to leave. Sino ba naman ang magtitiis na buhayin ang mga anak ng walang kasamang asawa? Hindi nakaya ni Papa na kami lang ang kasama niya. Hindi siguro siya naging masaya na kami lang ni kuya, kaya ganoon lang kadali na umalis siya.
He helped for our financial needs for the first two years. Sa akin 'yon pinapadaan ni Papa dahil ayaw tumanggap ni kuya. But when kuya found out about my savings getting bigger, gumawa siya ng paraan upang hindi na ito malagyan ni Papa ng pera. Kaya pala kahit nag wi-withraw ako sa atm ko noon ay walang nababawas at nadadagdagan pa lalo.
Malaki ang perang pinapadala niya palagi kaya kung iisipin ay sapat na 'yon para buhayin kaming magkakapatid. But I understood kuya, kahit ako ay ayaw ko rin naman ang tumanggap ng tulong mula sa kanya.
He decided to leave,ibig sabihin lang no'n ay tinalikuran niya na rin ang responsibilidad niya sa amin.
We don't have any idea where he is. Ang sabi ng mga ka-trabaho niya ay baka nga nasa manila kasama ang girlfriend nito. Walang sinasabi si kuya tungkol sa babae ni Papa,basta ang alam ko lang may pamilya rin ito. Tumatawag siya noon sa amin at ako palagi ang nakakasagot. Ngunit ng nalaman ni kuya ay mas pinili niyang putulin ang kumunikasyon namin sa kanya.
I am in my third year college now, taking Bachelor of Science in Education,major in English. Si kuya naman ay ilang taon ng tapos sa kolehiyo at nagtatrabaho na bilang manager sa isang kilalang resort dito sa San Vicente.
Nakita ko kung paano nagsumikap si kuya noong huling taon niya sa college. He did part time jobs to sustain our needs. Hindi niya kasi ginagalaw ang funds namin noon na mula pa sa mga magulang namin. Mabuti na lang ay scholar kaming parehas kaya hindi kami nahirapan.
The reason why at the very young age, I joined pageants. I was in my grade seven when I got my first crown. Kaya tuwing piyesta ay palagi akong hinihikayat ng mga kapitbahay namin na sumali. Kahit sa school kung mayroon ay sinasalihan ko, para kahit papaano ay makatulong kay kuya sa gastusin namin.
They always told me that I have the potential in pageants. Hindi nga naman sila nagkakamali dahil sa tuwing sumasali ako ay palagi kong nauuwi ang korona. I never disappointed my neighbors kaya palaging marami ang sumusuporta sa akin.
Nagpapart time din ako bilang house keeper sa resort at tuwing biyernes ng hapon hanggang sabado. It was hard for us at first, but when the years passed by, it became lighter. Siguro dahil nasanay na kaming gano'n kaya hindi na namin hinahanap ang mga wala sa amin. Lalo na ako, I don't remember anything about my mother, mukha niya lang ang naalala ko at ang mga kasalanang nagawa niya noon.
Minsan, kahit papaano ay naiisip ko parin naman ang mga magulang ko. Iyon nga lang ay puro pait at sakit ang nararamdaman ko. Kaya palaging iyak ang ending ko. It always reminds me that I don't need them, sapat na si kuya para sa akin.
Wala kaming malalapit na kamag anak, siguro meron man pero mga malalayo na sila at hindi naman namin kasundo. Kaya kami lang talaga ni kuya ang magkakasama ngayon.
"Birthday na ni Bethany sa susunod na buwan, pero wala parin akong maisip na i-regalo." Saad ni kuya habang nag uumagahan kami.
"Nasa kanya naman na lahat, kuya. May kaya sa buhay, stable na trabaho. Asawa nalang talaga ang kulang." I smirked.
Alam ko kasi ang rason kung bakit ayaw pa niyang yayain magpakasal ang long time girlfriend niya. Ang sabi niya noon, tsaka pa siya mag aasawa kapag nakapag tapos na ako ng kolehiyo. They been together for more than ten years now pero wala pa rin plano mag settle down. Ayos lang naman na mag asawa siya,kaso ewan ko ba diyan sa kanya. Akala mo naman bata pa ako, kung tutuosin nga kaya ko ng igapang ang pag aaral at pang araw-araw na gastos ko dahil sapat naman ang sahod ko sa part time.
"Tss." Suplado niyang tugon.
Natawa ako sa kanya, dahil lagi nalang niyang iniiba ang topic kapag ganito na ang usapan.
"Kuya, kung gusto mo naman na mag-asawa ay ayos lang. Tsaka kahit naman may asawa ka na, tutulungan mo parin ako,diba?" I said.
"Wala parin 'yan sa isip ni Beth, marami pang gustong abutin 'yon. Kaya maghihintay pa ako kahit ilang taon. Tsaka kung makapagtapos kana ay mapapanatag na ako." Hays. He's always like that. Mas uunahin pa niya ako kaysa sa kaligayahan niya.
"Pero-" pinutol niya 'yon.
"Let's eat. Tsaka lang ako mag propose kay Bethany kapag may boyfriend kana." Nakangisi niyang saad. Dahil alam niya na wala akong interes sa mga ganyang bagay. At hindi pa ako handa kung sakali,I would rather study than spend time in relationships.
I rolled my eyes on him. Pagkatapos kumain ay nag ayos na ako ng sarili dahil papasok na sa klase.
Inilugay ko ang lagpas balikat at maitim na buhok. I put a little make up to cover my pale skin. I have a pointed nose and a natural cherry lips na kahit si ate Bethany ay kinaiinggitan ito. Naglagay rin ako ng mascara at kaunting eyeshadow. My honey brown eyes reminds me of my mother, kahit sa tuwing tinitignan ko lang ang mga litrato niya noon ay palagi kong nakukumpara ang mga mata at hugis ng mukha ko sa kanya. I really resembles her.
Minsan na rin akong may nasungitan dahil palagi nilang sinasabi na kamukha ko nga siya. Hindi ko naman itinatanggi 'yon, kaso ayaw ko na maikumpara kami dahil una sa lahat...we are way different from each other. Itsura niya lang ang nakuha ko,pero ang ugali ko sigurado akong hindi ko ito namana kahit sino sa kanilang dalawa.
I promised myself that I will become a great mother,that I will never leave my children in exchange of my happiness. I will bring them whenever I'd go. I don't want them to go through what I've experienced.
"Aalis na ako, kuya." Paalam ko sa kanya dahil maaga pa siya para sa trabaho niya.
Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa. Tila ini-examine ang suot ko.
"Paano ka ba magkaka-boyfriend, kung gan'yan palagi ang mga sinusuot mo? Too plain for someone to like." Agad ko namang tiningnan ang suot ko, angkop naman ito sa dress code ng school dahil wala naman kaming specific na uniform maliban sa P.E shirts namin every friday.
I am wearing a black croptop blouse paired with my skinny high waist jeans and white sneakers. Ganito naman palagi ang suot ko at dito rin ako kumportable. Ewan ko ba kay kuya kung bakit naninibago pa siya.
"Atat ka na ba mag asawa? E 'di mag propose ka na." I said while laughing bago siya iniwan doon na nakanganga pa.
Agad naman akong pumara ng tricycle upang mahatid sa sakayan ng jeep. Medyo malayo kasi ang bahay sa school pero dalawang sakay lang naman, tricycle at jeep kaya hindi masyadong mahirap.
Nang makarating sa skwela ay naabutan ko ang magulo naming classroom. Parang mga elementary. Nagbabatuhan ng papel, may nagtsitsismisan at may mga magnobya rin na sweet habang magkatabi.
"May transferee raw sa BSBA, ah. Balita ko gwapo rin." Narinig kong saad ng isa kong kaklase. Palagi naman silang gan'yan sa tuwing gwapo ang usapan.
"Anak ng may-ari ng Casa Montero, gwapo nga 'yon. Hindi ko alam bakit pa siya bumalik dito, e, maganda naman mag-aral sa manila." Saad pa ng isa na siyang nagpatigil sa akin.
"Baka ipapa-manage na ang resort nila."
Casa Montero is where I worked as a part time, doon rin nagtatrabaho si kuya. Malaki ang pasahod nila, dahil kilalang resort ito at palaging dinadayo ng taga malayong turista. Minsan pa nga may mga costumer silang artista.
"'Yon nga ang sabi ng kuya ko na janitor sa resort."
"'Di ba doon ka nagpapart time Syn?" Tumango ako. "Edi nabalitaan mo?" Umiling ako.
"Hindi, wala naman napag-usapan doon noong sabado." Sagot ko sa kanila.
Nagpatuloy pa ang kwentuhan nila, hindi ko rin lubos makuha bakit sobrang interesado sila sa anak ng mga Montero. Oo nakita ko na ang dalawa pang anak ng mga boss ko noong may party sila sa resort. Mga gwapo at maganda nga, ang balita ko ang bunso daw nila ay nasa Manila nga nag-aaral.
Their conversation continue until our first class started. Nakinig lang ako ng mabuti sa klase ko hanggang sa matapos ito.
I decided to eat my lunch at my favorite spot in our school field. May isang puno kasi ng acacia dito at may sementadong bench kaya dito ko palagi gustong kumain dahil sa preskong hangin. Gusto ko rin dito dahil tahimik at walang ibang tao ang tumatambay.
Nagambala lang ang pagpapahinga ko matapos kumain ng may tumilapon na basketball sa aking harapan. Sobrang lakas noon at kulang nalang matamaan ang mukha ko. Mabuti nalang ay nakaiwas kaagad ako.
Nanlilisik ang mata ko nang bumaling sa kung sino man ang may gawa noon. Nakita ko ang isang grupo ng mga estudyanteng naka jersey. Maingay sila at napatigil lang 'yon ng makita nilang nakatingin ako ng masama sa kanila.
"Hala, ka pre. Natamaan mo yata si Syneca" Kumunot ang noo ko sa nagsalita,hindi parin inaalis ang masamang tingin.
"Magaling nga, nakailag e." Sabat naman ng isa habang tumatawa pa.
"Talaga ba? So, kung natamaan ako,ano gagawin niyo?" Nakataas kilay kong tanong.
"Kalma miss Congeniality, 'di naman sinasadya." Sagot ni Adrian, siya lang at si Jesse ang kilala ko sa grupo nila. Naging kaklase ko sila noong highschool kami at kapatid ni Adrian si ate Bethany. Kaya medyo kasundo ko na rin sila.
"Soccer field kasi 'to,hindi basketball court." I rolled my eyes after saying that. Inikot ko rin ang paningin ko sa kanila, marami ang hindi pamilyar sa akin.
Nahagip ko ng paningin ang lalaking hindi naka jersey. Mataman lang siyang nakatingin sa akin habang nakikinig sa mga kasama. Siguro hindi siya varsity kaya hindi nakasuot ng jersey, ayaw ko pa naman sa mga gano'n kasi nakakadugyot tingnan. Sorry naman sa mga athletes, huh. Paniniwala ko lang naman 'yon kasi marami akong naexperienced na dugyot. Hindi ko naman nilalahat.
Una ko talagang napansin ang makakapal niyang kilay at tila agilang mga mata. Suplado siya tignan, pero gwapo. Minsan lang ako mag appreciate ng lalaki, at aaminin kong mataas ang standard ko talaga.
Kaka-wattpad 'to ni Ysa.
Nagtaas siya ng kilay ng makita akong nakatingin sa kaniya.
"Hindi rin naman 'to cafeteria pero dito ka kumakain, nagreklamo ba kami?" Nakangisi niyang saad. Nagtawanan ang iba,kaya mas lalo akong nainis.
"Hindi ko naman hiningi ang opinyon mo tapos sumasabat ka? I have all the choices where do I wanna eat."
"Tss! Maganda nga sana kaso suplada." Nakangisi parin siya bago tumalikod at nauna nang umalis.
Lumakas ang tawan ng mga kasama niya, nakataas din ang kilay ni Jesse habang nakahalukipkip naman si Adrian. Inismiran ko nalang sila.
Sabay naman silang umalis lahat,sinundan iyong epal kanina.
Sayang. Gwapo pa naman sana kaso maangas at suplado nga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top