Moment Two

JANUARY 20, 2019

Alinea's Household - Brngy. Dolores, Cabangan

"Rose, mag-almusal na rito sa baba at nang makabyahe na tayo." Rinig kong tawag ni Lola sa'kin sa baba.

"Pababa na po!"

Sandali ko pang inayos ang mga gamit ko at siniguradong nakaligpit na ang lahat bago bumaba. Kadalasan kasi, umuuwi na talaga kami pagkatapos pumunta ng Botolan. Bababa lang sandali rito sa Cabangan para kuhanin ang mga gamit, tapos diretso byahe na rin pa-Olongapo.

"Good morning sa apo kong napakaganda!" Masiglang bati sa'kin ni Lola na may kasamang yakap at halik sa may ulo. Ganun din ang ginawa ni Lolo.

"Good morning din po sa napakaganda kong Lola at napakagwapo kong Lolo." Natatawang bati ko sa kanila.

Napunta naman ako sa gawi nila Mommy.

"Musta ang prinsesa namin? Nailigpit mo na ba ang mga gamit mo sa taas?" Tanong ni Mommy, hinalikan ako sa pisngi.

Tumango ako. "Opo, Mhie. Ready for pick-up na po mamaya." Biro ko.

Nagtawanan sila. "Kaka-online shopping mo 'yan. Baka maging seller ka na?" Balik na biro sa'kin ni Daddy.

Lalo kaming natawa.

Umupo na rin ako pagkatapos silang mabati at yumakap kay Daddy.

Nagdasal muna kami nang makaupo na ang lahat.

"Ikaw, Jim." Panimula ni Lolo nang matapos magdasal at nagsimula na kaming kumain. "Kailan mo balak umuwi ng Gapo?"

"Oo nga. Madalang mo kaming bisitahin." Pagsang-ayon ni Dad.

"Sa susunod na lang, Kuya." Sabi niya. "Susulitin ko na muna ang pagpapahinga dito sa probinsya. Alam niyo naman kung gaano nakakapagod sa'tin."

Uminom muna ng kape si Lolo bago uli magsalita. "Eh kaya nga minabuti naming dito na lang muna tumira ng Mama niyo. Alam niyo na, hindi na kami bumabata."

"Pero napapagod din po kayo rito dahil marami po kayong inaasikaso." Sabi ko. "Sigurado ka po bang tatakbo ka pa po sa susunod na eleksyon, 'Lo?"

"Alam mo namang kaligayahan na namin ng Lola mo na tumulong at pagsilbihan ang mga tao rito sa'tin." Sagot ni Lolo. "Hindi ko pa sigurado kung tatakbo ako sa susunod na eleksyon pero malalaman ko kapag natapos na itong termino ko, apo.

Napatango na lang ako sa sagot ni Lolo. Gan'yan talaga siya, eh. Sinisikap niyang ituro sa bawat tao rito sa barangay na isa kaming malaking pamilya---at dahil dun, dapat pamilya ang turing namin sa isa't isa. Nagbibigayan, nagtutulungan. Kaya hindi na rin nakapagtataka na maraming sumusuporta at nagtitiwala kay Lolo.

Napuno pa ng ibang kwentuhan at usapan ang almusal namin. Siguro masasabi ko na sinusulit talaga namin dahil minsan lang kami magkasama-sama at sabay na kumain. Minsan lang kasi kami nakakauwi rito sa Cabangan para dalawin at tulungan sina Lola. O minsan, kagaya ngayon, para magpahinga.

Nagpahinga pa muna kami saglit, bago lumabas at dalahin sa loob ng sasakyan ang mga baon naming pagkain. Nagbabaon na kasi kami ng lunch kapag pupunta sa Botolan dahil mayron kaming pinagpapark-an ng sasakyan doon kung saan pwedeng kumain. Mayro'n ding mga tsitsirya, at ang pinakaimportante, tubig, at iba pang klase ng inumin. Mainit kasi kadalasan sa pupuntahan namin, kaya kailangan na marami kaming baon na tubig, lalo na kapag aakyat na sa grotto.

"Rose, itabi mo na 'to diyan sa'yo para may uupuan pa sa likod." Sabi ni Tito Jim, inaabot sa'kin ang paper bag na may lamang mga chips.

Kinuha ko ito nang nakakunot ang noo. "Kasya naman tayo rito sa unahan Tito, eh. Bakit kailangan pa ng uupuan sa likod?" Tanong ko, tinitingnan siya. "Tumaba ka ba? O sasama sina Ate Tres at Kuya Sec?"

"Ngi. Walang magbabantay ng bahay niyo 'pag sumama kami."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at agad-agad na bumaba para yakapin ang dalawang taong nasa harap ko. "Ate Tres! Kuya Sec! Namiss ko kayo! Inaalagaan niyo po ba sina Lolo habang wala kami?"

Natawa sila sa reaksyon ko. "Namiss ka rin namin." Sabi ni Ate Tres. "Oo ah, lagi kaya kaming bumibisita sa bahay ni Kap para kamustahin sila."

Tumango si Kuya Sec sa sinabi niya. "Alam mo namang pamilya na tayo rito. Matic na kami na ang bahala kina Kap kapag wala kayo." Sabi niya, nakangiti. "Para saan pa ang pagiging Secretary ko diba?" Mayabang naman na sabi ni Kuya Sec kaya natawa ako.

Napalingon ako bigla kay Tito Jim. "Eh kung hindi po pala sila sasama, sino pong uupo sa likod?"

"Pst."

Napakunot ang noo ko nang may sumitsit sa may likuran ko. Nanlaki pa lalo ang mga mata ko nang makita si Huli, kasama sina Lolo, Lola, Mommy, Daddy, at---teka, Mayora?!

Awkward na lang akong napatawa dahil malawak ang ngiti nilang lahat sa'kin.

"Hi, Rosas." Simpleng bati sa'kin ni Huli. Hindi pa rin nawawala ang malawak na ngiti nito.

"Uy, Huli." Bati ko pabalik, napapangiti sa presensya niya. "Anong ginagawa mo rito?"

Nagkibit-balikat lang siya. May malokong ngiti sa mga labi. "Napilit si Mama, eh."

"Ha?" Wala sa sariling sagot ko.

"Sasama kami sa inyo."

"Talaga?" Hindi ko alam bakit parang nagtunog excited ang pagkakasabi ko. Lumabas na rin ang ngiti na kanina ko pa pinipigilan. "Hindi mo sinabing plano mong pilitin si Mayora, ha?"

"Eh, surprise!" Natatawang sabi niya.

Napatawa rin ako. "Ang gandang surprise."

Hindi ko alam pero parang. . .ang saya ko. Hahaha. Kainis talaga 'tong si Huli! Sarap batukan!

"Mamaya na yang kilig niyong dalawa. Sumakay na kayo at baka marami nang tao mamaya sa pupuntahan natin." Pabirong saway sa'min ni Daddy, na sinamahan pa ng mapang-asar na ngiti nina Lola.

At teka, inaasar ba kami ni Daddy?

Luh.

Nasapo ko na lang ang mukha ko nang mapansing nasa loob na silang lahat at kami na lang ni Huli ang nasa labas. Inalalayan niya na ako papasok ng van, at sabay kaming nagpaalam kina Kuya Sec at Ate Tres.

"Good morning po, Mayora." Bati ko nang magkasalubong ang tingin namin ng Mama ni Huli.

"Ano ka ba iha, Mama na lang." Biro niya sa'kin. Narinig kong nagtawanan ang mga tao sa loob ng sasakyan at pakiramdam ko ay gusto ko na lang biglang lumubog sa lupa.

"Ma!" Nahihiyang saway ni Huli, na halatang namumula ang tainga. Napatawa rin tuloy ako. Mukhang mas nahiya siya kaysa sa'kin, eh.

"Wag niyo kasing asarin, at baka magkatuluyan 'yang dalawang bata." Sabi ni Mommy, tumatawa.

Tama. Tama---

"Kumusta ang bakasyon, Balae?"

Muntik na akong mabilaukan sa sariling laway dahil sa narinig. Parang gusto ko na lang maging patatas at ibaon ang sarili ko sa lupa dahil sa kahihiyan.

Natatawang sumagot si Mayora. "Okay naman, Balae. Iniisip ko nga kung saan ba magpapakasal ang mga anak natin."

Nasapo ko na lang ang noo ko, at napaisip kung paano ko maisasagawa ang planong maging patatas na lang. Bakit ba ganito ang pamilya namin? Nakaka-stress ng bangs!

Kahit wala talaga akong bangs.

Komportable akong umupo at sumandal kay Mommy nang matapos ang tawanan. Nasa likuran namin sina Late, Tito Jim, at Mayora. Nasa harap naman si Lola, kasama si Lolo na nagda-drive.

O diba, ganun pa kalakas si Lolo. Kayang-kaya pa mag-drive. Minsan salitan sila ni Tito Jim para hindi gaano mapagod si Lolo.

"Buti Lizette nakasama kayo sa'min ngayon?" Tanong ni Lola kay Mayora. Lizette pala ang pangalan niya?

Ang ganda. Parang siya lang.

Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Mayora bago siya magsalita. "Minsan lang mag-request ang baby boy ko, eh."

"Ma naman." Hiyang-hiya na sagot ni Huli kaya natawa kami.

"Sus, nahihiya porket may magandang dalagang kasama." Sagot ni Mayora.

Magandang dalaga? Teka, ako ba yun? Ene be! Maliit na bagay po hihi!

"Syempre kanino pa ba magmamana? Magandang lahi ata ang Alinea." Proud na sabi ni Lolo.

"Sinabi mo pa, Enrique." Natatawang sabi ni Mayora. "Nung nakita ko nga 'yang si Rose, alam ko na kung bakit nagrequest itong si Late."

At namula na kaming pareho.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top