-J A N U A R Y-
JANUARY 19, 2019
Arrow Convenience Store - Cabangan, Zambales
"Twenty-seven pesos po." Sabi ni Ate Marie, isa sa mga cashier dito sa Arrow.
"Teka, Ate. Pa'no ba 'to-" pilit kong tinatago ang pagpapanic sa boses ko habang naghahanap ng syete pesos sa bulsa.
Kaso, syet lang. Wala talaga.
"Ate, sure ka bang 'yan na price niyan? Bente lang yan nung huling punta ko, eh." Paninigurado ko.
Walang emosyon siyang tumingin sakin. Grabe naman, isumbong kaya kita kay Lolo. "Eh, kailan ba ang huling punta mo? Last year?"
Boom!
Rip, Ate Marie's sense of humor. You will not be fudge-ing missed.
Pahiya ako dun, ah.
"Sorry po talaga. Balikan ko na lang-"
"Sir Pogi!" Napakunot ang noo ko nang biglang naging masigla ang tono ng cashier sa harap ko, at ang walang emosyon nitong mukha ay napalitan ng pagkintab ng mga mata at ng isang matamis na ngiti.
Napasimangot ako. Maganda naman ako, pero bakit sakin hindi naman ganyan kabait si Ate. Ayaw ba nito sa maganda?
"Hi." Bati pabalik ng tinawag nitong 'Sir Pogi' na ngayo'y nasa tabi ko na.
Waw ha, feel na feel ang salitang pogi, kuya?
"Beh, yung seven pesos. Bibili na si sir."
Napanguso ako. "Yun nga, Ate. Babalikan ko na nga lang-"
"Ito, oh." Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang inabot ng lalaking katabi ko ang isang singkwenta, at apat na piso sa cashier.
Natulala na naman si Ateng cashier. "Uhm, sir seven pesos lang po."
"Ay, hindi." Sabi ng lalaki. "Bibili rin ako nung binili niya. Balik mo na bente niya, libre ko na."
Huh?
"Magkakilala kayo sir?" Pang-uusyoso ni Ate Marie habang nagpapalit-palit ang tingin niya samin ng katabi ko.
Hindi.
"Hindi nga, eh. Pero---" napataas ang kilay ko nang tumingin siya sa akin. "Magkakakilala pa lang?" Saka ito ngumiti.
Asa ka, uy!
Kinuha na ni Ate yung pera nung 'Pogi' kuno at saka binalik yung bente na binayad ko kanina.
Pagkaabot niya sakin nung binili ko, agad akong lumingon dun sa lalaki. "Salamat, bayaran ko na lang. Diyan lang naman bahay namin, hintayin mo na lang ako dit-"
"Late nga pala."
"Hilig mong hindi ako patapusin sa sasabihin ko?"
Natawa ito saka napailing. "Sorry, 'di ko sadya."
"Diyan ka lang. Uuwi lang ako para kumuha ng pambayad." Sabi ko. Hindi pa man nakaka-oo, agad na akong tumalikod at lumabas ng convenience store para umuwi.
"Uy, wag na." Pigil niya sakin. "Libre ko na."
Nakakunot ang noo ko nang lingunin ko siya. "Okay. Uuwi na ako. Salamat sa libre."
"Ang sungit naman." pabulong na sabi niya. Talaga namang---!
"Pwede ba, I don't talk to strangers, Kuya. Kung ayaw mo ipabayad, edi sige. Salamat sa libre. Uuwi na ako." Dire-diretsong sabi ko.
"Wait lang, Ate." Agad na sabi nito at hinarangan ang daan ko pauwi. Inangat pa nito ang dalawang kamay sabay sabi ng, "Wait lang kasi. Kaya nga nagpapakilala para hindi na stranger."
Awtomatikong napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag.
Nang halos sampung segundo na ang nakalipas at hindi pa rin ito bumibitaw sa titigan namin, napairap na lang ako. "Fine. Para matahimik ka na."
"Awts." Nakangusong sabi nito habang nakahawak sa dibdib. "Ang sakit naman sa puso non, Ate."
Napairap na lang ulit ako.
"Kyut." Kumento niya, natatawa. "I'm Late. Ikaw?"
"Late?" Kumunot ang noo ko, bahagyang napapangiti dahil sa naisip. Not that I'm judging his name pero kasi. . . "As in huli, ganon?"
"Well," napakamot siya sa ulo habang tumatawa. Nahihiya.
Weird name.
Pabiro ko siyang tinaasan ng kilay pero nginitian din pagkatapos. "Rose."
"Rose?" Takang tanong niya.
"Rose." Pag-uulit ko. "That's the name."
Bagamat nakatuon ang mga mata ko sa pagtatanggal ng wrapper ng cornetto'ng hawak ko, hindi pinalampas ng peripheral vision ko ang pagngisi niya. "As in rosas?"
"Well," natatawang paggaya ko sa pagkakasabi nito kanina.
Sandali itong natigilan. Napayuko tapos tumawa. Nang matigil sa pagtawa, tumingin ito sakin, pababa sa hawak-hawak ko. "Favorite mo rin?"
"Hm?"
Tinaas din nito ang hawak-hawak niya. Ngumiti. "Cookies and cream."
"Ah, oo." Sagot ko at saka kumain ng ice cream.
Nangiti ito. Tumingala, tapos bumalik din ang tingin sa kalsadang nasa tapat namin. Nakatulala.
Medyo weird pa sakin nung bigla itong umupo sa lapag. "Hoy Huli, marumi dyan."
Bigla siyang napatingin sakin, nakakunot ang noo. Pero hindi rin nagtagal ay napalitan ito ng ngisi. "Huli. . ." Pag-uulit nito sa itinawag ko sa kaniya habang pinapagpag yung space na nasa tabi niya, sinesenyasan akong umupo. "Cute naman ng nickname mo sakin."
Napangiwi ako. "Nickname ka dyan," pinitik ko ang noo niya at umupo sa tabi niya. "Guni-guni mo lang 'yon."
Nagkibit-balikat lang ito. Nakangiti, tapos kumain ng ice cream. "Ngayon lang kita nakita." pag-iiba nito ng usapan.
"Same." Sabi ko. Kumain muna ng ice cream bago nagsalita ulit. "Sa tagal kong nagpupunta rito, ngayon lang kita nakita."
True enough, sa tagal kong pabalik-balik dito sa Cabangan, wala akong Late na nakilala o nakita kahit minsan. He didn't seem familiar to me. As in never ko pang nakita yung mukha niya. Ngayon pa lang. Life really has its ways to give me weird encounters, 'no?
His face showed me a lopsided smile. "Exactly. Sa tagal kong nandito, ngayon ka lang nagpakita. Sayang." Halos pabulong niyang sabi pero dinig ko pa rin.
"Ha?" Pagtataka ko. "Bakit sayang?"
"Sayang kasi," dumako ang tingin niya sa mga mata ko pero hindi rin ito nagtagal. Agad niya itong ibinalik sa ice cream na hawak. Iniiwas ang tingin sakin. "Walaaa--- " panay ang lingon nito sa kung saan-saan. "---Actually alam mo, nevermind."
Kusang tumaas ang kilay ko sa sagot niya. Pft. "Kasing weird mo yung pangalan mo."
"Ikaw kabaliktaran mo pangalan mo."
"What?"
Maloko ang ngiti niya. "Ang sweet ng rosas. Pang romantic na concept. Ikaw ang taray mo."
"Paki mo?" Sabi ko sa kaniya, pabirong nagtataray. "Sino ba nagsabing kausapin mo ko?"
Nakakuha ako ng isang ngisi mula sa kaniya. "Puso ko."
"Ay putek." Sabi ko na lang. "Kadiri."
"Bitter ka lang."
"Korni mo naman."
He was about to say something---kokontrahin ako panigurado, pero natigilan siya nang may makitang tao na patawid papunta sa convenience store, samin.
"Kap!" Mabilis siyang tumayo at pinuntahan ito. Agad din akong napalingon dahil sa itinawag niya sa lalaki.
Kap, wala naman akong ibang alam na kapitan ng barangay Dolores kundi si Lolo.
"Oh, Late." Hala, si Lolo nga. Magkakilala pala sila? "Kasama mo pala ang unica ko."
Pigil ang tawa ko nang mapansin ang mukha ni Huli. Tulala, at nakakunot ang noo. Tila hindi makuha kung anong sinasabi ni Lolo.
Tumayo ako at pumunta sa kanilang dalawa. "Magkakilala pala kayo ni Lolo, eh." sabat ko.
"Eh?"
Hindi ko na napigilan ang tawa ko. "Beh, isara mo. Baka pasukan ng langaw." Sabi ko habang hawak-hawak ang baba niya.
Napakamot siya ng ulo habang nahihiyang tumawa kaya pati kami ni Lolo ay natawa.
Si Lolo na rin ang sumagot sa sinabi ko. "Aba'y syempre, apo. Sino bang hindi makakakilala sa anak ni mayora?"
Teka---ano raw?
"Now it's my turn to laugh, Rosas." Sabi niya na nagpatawa rin kay Lolo.
Siya yun?! What a small world.
I wouldn't lie. Hindi ko talaga inexpect na anak pala 'to ni mayora. Putek.
The talk of the town, and oh. . .kaya pala 'Sir Pogi'.
Sir.
Lakas pa ng loob ko na tawanan siya dahil hindi niya alam na apo ako ni Kap Alinea, pero ngayon kagaya niya, nagulat din ako.
Mas cute lang akong magulat.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya natigil siya sa pagtawa.
Lumingon ako kay Lolo para sagutin ang tanong niya. "Uhm, ako po?"
And that earned another laugh from him. Nagmake-face naman si Late. "Magkakilala na nga kayo." sabi ni Lolo.
"Luh, 'di ko kilala yan, Lo." Pabirong sabi ko na naging dahilan ng paglingon sakin ni Huli.
Nakanguso ito, nagpapaawa.
Tinawanan ko lang siya. "Mukha kang aso dyan."
"De, wala. Dineny mo ko. Grabe, ang sakit sa puso." Eksaheradang sabi nito habang umaaktong nasasaktan talaga. Parang ewan.
Nang matapos sa pagiging ewan, lumingon ito kay Lolo. "Nagkasabay lang po kami kanina. Di ko natiis na di kausapin eh-" Napatigil ito ng ilang sandali. Pagkatapos ay lumingon sa akin. "-pero di nga, apo ka ni Kap?"
Natawa na lang ulit ako. "Di ba obvious?"
"Aba," sabi ni Lolo. Umakbay sakin. "Sakin ata namana nito ang itsura at talino niya."
Nakangiting tumango naman si Late. "Totoo nga po, Kap."
At talaga namang sumang-ayon?
"Aray! Bat mo ko sinisiko, ha? Chansing ka!"
"Asa ka, uy!" Singhal ko sa kaniya. "Dami mo kasing alam."
"Suuus," may pang-aasar sa tono niya. "Kilig ka lang eh." Sabi niya pa. Hindi na niya ako hinayaang makakontra. "Pero sige na hindi na kita pipiliting umamin." Natatawang sabi niya.
Inirapan ko siya. "Edi wow."
Tatawa-tawa siyang tumingin kay Lolo. "Siya nga pala, Kap, ano pong ginagawa niyo rito?"
Napatingin din ako, naghihintay ng sagot. "Eh, inutusan ako ni Lola Kap niyo na bumili ng inumin para sa hapunan mamaya." Sabi ni Lolo. Nakahawak pa sa cellphone, mukhang ka-text si Lola. Sweet. "Saka susunduin ko na rin sana 'tong si Rose dahil ang paalam samin eh bibili lang ng ice cream tapos inabot na ng siyam-siyam. Akala ko nga binili na niya 'tong buong Arrow, eh."
Boom, yari.
Napataas ang kilay ko nang may tawa akong narinig sa gilid ko. Ah, tinatawanan mo 'ko ha?
"Yan kasi, Lo." Sabi ko, nakaturo kay Late. "Nilibre ako tapos may kapalit pala."
"Woy, walang kapalit yun, ah! Anong kapalit sinasabi mo d'yan?"
"Dinaldal mo ako. Pasabi-sabi ka pa na magpapakilala ka lang, eh andami mong paganap. Porket nilibre mo lang ako, eh. Sus."
"Pano ba naman kasing hindi kita ililibre, halos awayin na ng tingin mo si Ate Marie. Kawawa naman."
"Ang oa mo, 'no? Sabi ko lang uuwi ako para kumuha ng pambayad-"
"Wala kang pambayad, apo?"
Awit. Nandito pa nga pala si Lolo. Nakalimutan ko!
"H-hindi po, kulang lang. Nung nakaraan kasi bente lang cornetto rito, eh." Ramdam ko ang tingin sakin ni Late kaya napairap ako. "Fine. Last year. Bente lang cornetto rito last year."
Tawang-tawa na naman sila ni Lolo. Edi wow talaga. "Sa susunod apo magdala ka ng sobrang pera. Buti na lang pala at nandito si Late."
"Syempre naman po. Ako bahala sa prinsesa niyo, Kap." May malokong ngiti itong tumingin sakin. Kumindat pa nga. Luh. Wala na bang mas kokorni pa sa term na prinsesa? Pft. "Saka kung gusto niyo, tulungan ko na po kayong magbuhat ng mga bibilihin niyo. Wala naman po akong gagawin, eh."
"Nako, hindi na. Hihintayin ko rin si Jim dito, kaya maya-maya pa 'ko makakauwi. Mauna na kayo."
Huh? Kayo?
"Ah talaga po? Uuwi po pala siya ngayon?"
"Oo, biglaan nga dahil may pinapaayos si Sec sa motor niya."
Napakunot na ang noo ko. Pati ba naman si Tito Jim ay kilala niya?
"O s'ya, kung gusto mo, dun ka muna sa bahay." Sabi ni Lolo na naging dahilan ng pagkagulat ko. Sa bahay? Bakit, wala ba 'tong bahay? Bakit pa pupunta sa'min?
"Sige po, Kap. Hindi po ako tatanggi."
"Rose, ikaw na muna mag asikaso sa kaniya." Dagdag pa ni Lolo. Rose? So ako? Bakit ako?
"Teka-"
"Sige na apo at pagabi na. Mag-iingat kayo, ha? Kita na lang tayo sa bahay pag-uwi namin ni Tito Jim niyo."
Sumaludo pa ito kay Lolo. "Yes, Kap. Ingat din po kayo."
Nang kumaway si Lolo at pumasok na sa loob ng Arrow, lumingon sa'kin si Huli. Isa na lang ang nasabi ko.
"Opaque ka?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top