/8/ Unang Sayaw

Glittery lights, upbeat music, and happiness everywhere.


Ito ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa university gym para sa Valentine's Night.


It felt like JS Prom all over again, except that I don't have a date tonight. Wala akong balak puntahan ang pagdiriwang na ito, ngunit pinagbigyan ko na ang aking mga kaibigan. Lihim akong umaasa na sana ay makaalis ako nang maaga. Hanggang 10pm lang ang pagdiriwang dahil sa curfew na ayon sa batas.


"Ranie! Andito ka na pala!"


Lumingon ako at sumalubong sa akin ang nagagalak na mukha ni Alma. Pinatong ko saglit ang aking kamay sa kanyang balikat at bumeso kami sa isa't isa.


"Andito na ako sa tipar!" Natawa ako habang naalala na may natutunan akong bagong slang word.


"Aba, alam mo na ang ibig sabihin noon ah!" Natawa si Alma.


"Bagay pala sa iyo ang walang salamin." Ngumiti ako sa kanya. Talagang nag-ayos si Alma para sa gabing ito. Naglagay siya ng make-up, nakapuyod paitaas ang kanyang buhok, at bagay rin sa kanya ang baby pink na sleeveless dress na hanggang tuhod ang haba at may ruffles sa laylayan.


"Oo, tinanggal ko muna para maramdaman ko ang aking kagandahan," ngisi ni Alma. "Ikaw rin, Ranie, you look like a goddess!"


"Salamat, mana lang sa iyo." Ngumiti ako. "Siya nga pala, nasaan si Tina?"


"Nasa table, sinunggaban agad ang pagkain! Halika, punta na tayo doon!"


Inakay ako ni Alma at dinala ako sa napili nilang lamesa. Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng malawak na gym.


Sa itaas ay may isang makinang na silver disco ball na napapalibutan ng shiny streamers na kulay red at gold. Mabagal na umiikot ang disco ball at ito ang nagbibigay liwanag sa paligid kasama ng mga hilera ng yellow light bulbs na makikita sa buong gym.


Naghahalo ang mga kulay ng silver, gold, at pula kaya nagmukhang mini disco ang buong lugar.


Nasa gilid ipinuwesto ang mga bilog na lamesa at upuan, at may malaking espasyo sa gitna para sa mga magsasayaw. May makeshift stage naman sa harapan ng dance floor, at andoon ang isang drum set at keyboards. Wala pang banda sa ngayon. Sa halip, may disco music na pinapatugtog sa mga speakers.


Ang mga dumadalo ay nakapila sa catering table para sa maagang hapunan, habang ang iba naman ay nagkukumpulan sa kanilang mga lamesa at abala na nakikipag-usap kasama ang mga kaibigan. May mga prof na gumagala sa paligid, habang may mga estudyante na labas-pasok sa gym.


Lahat ay ayos na ayos. Mga naka-dress or long gown ang mga kababaihan at todo make-up, habang ang mga kalalakihan naman ay naka pormal na button-down polo, black or brown slacks, at pati na rin ang coat and tie.


"Tina, andito na kami ni Ranie!" Bati ni Alma.


Inangat ni Tina ang kanyang paningin mula sa kanyang dinner plate. "Hi! Kain tayo!"


Tumabi si Alma kay Tina sa kanyang kanan habang naupo ako sa kaliwa ni Tina.


"Kanina ka pa diyan lumalamon," tukso ni Alma. "Sige ka, baka pumutok ang bandang tiyan mo, sayang ang little black dress mo ngayong gabi!"


"Konti lang itong kinain ko!" Tinuro ni Tina ang kanyang plato na naglalaman ng kanin, breaded chicken, spaghetti, at salad.


"Anong konti ang kinakain mo? Pang-ilang balik ka na sa buffet table!" Biro ni Alma. "Ay, kain muna tayo, Ranie!" Pag-aaya niya.


"Busog pa ako, salamat. Mauna ka na lang," magalang kong sagot.


"Alas-sais pa lang ng gabi, kumain ka, baka malipasan ka," paalala ni Tina.


"Sige, kakain na rin ako."


Sabay kaming nagpunta ni Alma sa buffet table at kumuha ng makakain. Kalahating serving ng kanin, cordon bleu, at steamed vegetables lang ang aking kinuha, dahil busog pa naman ako. Siguro unti-unti ko na lang ito uubusin para hindi ako mabigla.


Habang naghahapunan ay masaya lang kaming nag-uusap at nagtatawanan. Hanggang sa dumating ang isang lalaki at si Tina ang hinahanap.


"Musta, Nimrod?"


Tumayo ang aking kaibigan at binati ang binatang naka-asul na polo at white pants. Naka-pomada rin ang buhok nito at di ko mapigilang isipin na kamukha niya si Elvis Presley.


"Tapos ka na bang kumain?" Tanong niya.


"Ay oo, pwede na tayong lumibot," ngiti ni Tina sa kanya. "Siya nga pala, mga kaibigan ko, sila Alma at Ranie. Ito si Nimrod, taga-College of Engineering."


"Hello," bumati kami pareho ni Alma.


"Hi ladies, three months na kaming nagde-date ni Tina," kwento niya.


"Actually, kami na talaga," kumapit si Tina sa braso ng binata at ngumiti.


"Nice," wika ni Alma.


Natapat ang paningin ni Nimrod sa akin. "Teka, ikaw si Rania Miranda?"


Para siyang di-makapaniwala na nandito ako ngayon.


"Oo, ako iyon. Pleased to meet you." Inilahad ko ang aking kamay at nakipagkamay siya sa akin.


"Aba, tignan mo, andito ang heiress ng Luxuriant! Alam mo ba, binili ko ang polo shirt na ito sa department store niyo!"


Masayang-masaya ang mukha ni Nimrod sa kanyang sinabi. "Ginamit ko pera ko na naipon noong Pasko, buti can afford ako na pumasok at bumili sa inyo!"


"Salamat, I'm glad you like our men's section. Ay, nag-sales talk ako ah!"


Natawa kaming lahat sa aming reaksyon.


"Big deal sa amin na dito ka nag-aaral," ika ni Nimrod. "Buti mabait kang kausap."


"Siyempre naman, kaya namin kaibigan iyan!" Komento ni Alma sabay tawa.


"Paano, aalis muna kami ni Tina at maglilibot," pamamaalam ni Nimrod.


"Basta babalik ka sa amin kapag uwian na ah?" Paalala ni Alma.


"Of course, see you later!"


Tina smiled widely and waved goodbye at us while clutching Nimrod. Umalis sila at naiwan kami ni Alma sa bilog na lamesa.


"Anong oras magsisimula ang mga sayaw?" Tanong ko.


"Mamaya, may program, yun ang simula," tugon sa akin ni Alma.


"Good evening!"


Napatingin ako sa pinanggalingan ng tinig. Sa gilid ay andito na si Jepoy kasama si Ferdie. Pareho silang maayos ang damit gaya ng kay Nimrod kanina: polo shirts at slacks. At bagong gupit din ang dalawa.


"Jepoy, upo muna kayo," alok ni Alma. Naupo nga ang dalawang binata sa gilid at agad akong napansin ni Ferdie.


"Magandang gabi, Miss Miranda." Parang di siya makagalaw nang ako ay kanyang makita.


"Hello." Matipid akong ngumiti sa kanya.


"Asan si Bestre?" Tanong ni Alma kay Jepoy.


"Mahuhuli siya ng dating, kumain na kasi siya sa kanila," tugon ni Jepoy.


"Kain kayo," alok ko.


"Salamat Miss Miranda," pigil na natawa si Ferdie.


"Ranie na lang," paalala ko.


"Tigilan niyo pagiging pormal niyo diyan, normal lang na tao si Ranie. Kayo talaga, parang nakakita ng multo!" Ngumuso si Alma.


"Kasi ano, yung nangyari sa classroom dati," pag-aalangan ni Jepoy.


"Sorry pala doon," sagot ni Ferdie. "Di na mauulit, pangako. Si Bestre kasi... Basta, di naman kami kagaya niya."


"Okay na, bati na tayong lahat," I smiled.


"Talaga? Uy, high five nga!" Natutuwang tinaas ni Ferdie ang kanyang kamay at nakipag-"apir" ako sa kanya. Jepoy did the same, at mas gumaan na rin ang pakiramdam nila sa aking presensiya.


"Ranie, sayaw ka mamaya. Tutugtog kami," sabi ni Jepoy.


"Wala akong partner, si Alma ayan, ka-partner mo. Siguro makikinig na lang ako."


"Pwede mong kasayaw si---"


Naputol ang sasabihin ni Ferdie nang paluin siya ni Jepoy sa braso. Nalukot ang mukha nito sa lakas ng pagkakpalo.


"Ow! Pre, ang lakas noon!" Nanlisik tuloy ang paningin ni Ferdie sa kaibigan.


"Ayaw nga ni Bestre na tinutukso natin siya kay Miss Universe!" Paalala ni Jepoy.


"Ano kamo?" I pretended to frown and look shocked. Sa kaloob-looban ko, natatawa ako at sa kanya talaga ako pinapares.


"Wala iyon!" Ngumisi si Jepoy sa akin.


"Narinig namin iyon!" Ika ni Alma.


Tumigil ang musiko sa speakers at umakyat ang university president. Iyon na ang senyales na magsisimula na ang programa.


"Ranie, aakyat na kami ng stage para sa aming song number," tumayo si Ferdie kasabay ni Jepoy. "Kita-kita na lang tayo pagkatapos nito."


"Slow dance tayo mamaya ah!" Sabi ni Alma sa nobyo.


"Sige, see you!"


Naglakad na papalayo ang dalawa at naiwan na naman kami ni Alma sa lamesa.


Nag-announce na ang university president na magsisimula na ang programa.


"And now, for the first song, an upbeat music number performed by our well-known school band, Ligalig! It's a cover of the song Manila from Hotdog! Let's get on to our feet and start dancing the night away!"


Lahat ng nasa gym ay nagpalakpakan at naghiyawan. Karamihan sa mga estudyante ay nagsipuntahan sa gitna ng dance floor.


"Ranie, doon tayo oh!" Tumayo agad si Alma at bago pa ako makatanggi ay hinatak na niya ako patayo at sabay kaming kumaripas sa dance floor.


Despite my aching feet from running in my heels, I found myself captivated by the song intro. I looked towards the stage and to my astonishment, Bestre was holding the mic.


Dressed in a beige polo shirt, black slacks, and leather shoes, he looked surprisingly good. I felt my heart skip a beat seeing him like that, as if I'm only seeing him now. Lalo na at ang linis ng gupit ng kanyang buhok. Kahit sa malayo ay kita ko ang kanyang well-defined jawline, singkitin na mga mata, thin lips singing the song lyrics to the mic, and his moreno complexion glowing under the shiny lights. Ang tangkad din niya, konting inches ang pagkakaiba kumpara kina Jepoy at Ferdie.


Ang gwapo niya pala.


Nagulat ako sa aking sarili dahil sa naisip. Pilit kong tinaboy ito at sa halip ay nakinig na lang sa kanyang inaawit. Ngunit maganda rin pala ang kanyang boses, at lalong nadagdagan ang kasabikan at kaba na aking nararamdaman.


Inaya ako ni Alma na sumayaw-sayaw kasama niya. Napansin kong ganoon din ang ginagawa ng ibang mga estudyante. Natawa ako sa tinuro sa akin ni Alma na dance steps at kalaunan ay sumasabay na rin ako sa pagsayaw at pagkanta.


Natapos ang song number at napuno ang buong gym ng masigasig na palakpakan. May babaeng umakyat ng stage at pinunasan ang leeg at noo ni Bestre, na siyang dahilan ng tawanan at hiyawan. Tinawanan na lang ni Bestre ang nasabing dalaga, at nagpatuloy pa ang kanilang performance. Naka-dalawang awitin pa sila at kami naman ni Alma ay sinasabayan ang pagsayaw at pagkanta ng aming kapwa estudyante.


Natapos na ang set ng bandang Ligalig, at inanunsyo na sa stage na pwede nang mag-request ng kahit anong awitin. Mula sa Manila Sound songs ay napalitan ito ng mababagal na romance hits.


Hindi ko napansin na nasa tabi na namin sila Jepoy at Ferdie. Sa likuran nila ay tahimik na nakatingin si Bestre.


"Ranie, kami muna ni Jepoy ang magkakasama," paalam ni Alma sa akin.


"Sige lang," ngiti ko. "Kasama niyo si Ferdie?"


"Oo, magkikita kami ni Mia, double-date kumbaga," sagot ni Ferdie sabay sulyap kay Bestre.


"Paano, iiwan na namin kayo ah!" Malawak ang ngisi ni Jepoy habang nakaakay si Alma sa braso nito.


"Hindi pwedeng sumama sa amin ang walang ka-date!" Ferdie laughed at the idea.


"Oy, bakit niyo ako iiwan dito?!" Protesta ni Bestre.


Ngunit di na siya sinagot ng dalawa. Sa halip ay tumalikod na sila at naglakad papalayo.


"Badtrip naman," bulong ni Bestre. Tinignan niya ako at kumunot ang noo sa akin.


"Paano ba iyan, tayo ang iniwan dito?" Tinaasan ko siya ng isang kilay sabay halukipkip.


Ang susunod na awitin sa speakers ay mas mabagal. Nagulat na lang ako at lumimlim ang ilaw. May mga pares na nagsimula nang sumayaw sa gitna, habang kami ni Bestre ay nasa gilid at nagmamasid.


"We look awkward here, might as well dance with me for just one number," pahiwatig ko sa kanya.


Napapikit si Bestre at nagbuntong-hininga. Unti-unti niyang inalay ang kanyang kamay sa akin at tinanong:


"Sige, ito. Maari ba kitang isayaw?"


Tahimik kong tinanggap ang kanyang nakalahad na kamay. Hinawakan ko ito, at naglakad kami ni Bestre sa gitna.


Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang balikat, habang bumaba naman ang kamay niya sa aking baywang. Sa kabilang mga braso ay magkahawak na kami ng kamay. Our fingers interlaced with each other and there was a small distance between us.


"Lumapit ka nga, para tayong magkaaway. Tapos slow dance pa," komento ni Bestre.


"Magkaaway naman talaga tayo," ismid ko.


Naramdaman ko na lang na hinigit niya ako papalapit sa kanya. Inangat ko ang aking paningin at sinalubong niya ako ng mapupungay na mga mata.


"Ngayon lang, di tayo magtatalo," ika ni Bestre.


Tumango na lang ako at aming pinagpatuloy ang slow dance.


"Theme song ng Carrie na pelikula," mahina kong komento.


"Ano?" Bulong ni Bestre.


"Yung horror movie. May eksena na nagsasayaw sila tapos ito ang awitin," kwento ko. "Prom night kasi, tapos inayusan ang bidang babae, si Carrie. Tapos ang katapusan, naging Prom Queen siya at sinabuyan ng dugo ng baboy sa stage."


"Halos hindi na ako nanonood ng mga pelikula," wika ni Bestre. "Pero ang lungkot ng kwentong iyan."


"Outcast kasi si Carrie sa school nila tapos may telekinetic powers siya."


"Ah, iyon pala iyon."


Walang imik kaming nagpatuloy sa pagsasayaw. Natapos ang awitin, at nagbigay-daan ito sa isa pang slow ballad song. Ngunit nakatitig lang kami ni Bestre sa isa't isa. Hindi sumasayaw at magkahawak lamang.


Diretso nang nakatingin si Bestre sa akin. Hinigpitan pa niya ang kanyang paghawak at halos magkalapit na ang aming mga mukha.


"Mas nakakasilaw ka pala sa malapit. Hindi ko alam kung anong mayroon ka, pero kahit anong iwas ko sa iyo, para akong gamu-gamo na nahuhumaling sa iyong liwanag."


Napalugok ako at nakaramdam ng kaba sa kanyang mga pananalita.


"Anong ibig mong sabihin?" Pinilit ko siyang tignan nang diretso at hinahanap ang kanyang intensyon sa kanyang mabulaklak na pananalita.


"Hindi kita pag-aaksayahan ng atensyon kung wala akong pagtingin para sa iyo. Ngunit alam kong kahit kailan, di tayo pwede sa mundo ng isa't isa. At labag ito sa aking mga prinsipyo."


"Bestre..."


Hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman ngayong gabi. Unti-unti ko na lang namalayan na halos magkalapit na kami ng mukha.


Ipinikit ko ang aking mga mata sa susunod na mangyayari. Ngunit sa isang iglap, naramdaman kong bumitaw na sa akin si Bestre at tumakbo papalayo.


"Bestre!" Sigaw ko sa kanya.


Ngunit hindi niya ako nilingon, at iniwan akong mag-isa sa gitna ng mga mananayaw.


Ngayong gabi, alam ko na may nagbago na sa akin. At hindi ko alam ang aking gagawin tungkol dito.


Songs used in this chapter:

1. Manila by Hotdog

https://youtu.be/VhA6rv8N6Dc


2. I Never Dreamed Someone Like You Could Love Someone Like Me by Katie Irving

https://youtu.be/1IfFWBASb7I

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top