/7/ Valentine Night

Dumaan ang mga araw, at nagsimula ko nang ituring na seryosong kaibigan si Alma. Madalas na kaming nagkikita sa canteen para mag-merienda kung kaya ng aming oras. At sumasama na rin sa amin si Tina. Sa katunayan nga, siya ang nakaisip ng pangalan ng aming trio: Charlie's Angels, na base sa sikat na TV series na once a week kung ipalabas.


"Bakit di ka na pala sumasama sa tatlong iyon?"


Bigla itong naitanong ni Tina kay Alma habang kami ay gumagawa ng research work sa library. Magkaiba man ang aming kurso, nagkataon na may vacant hours kami mula ala una hanggang alas dos ng hapon tuwing Martes.


Inangat ni Alma ang kanyang tingin mula sa kanyang sinusulat sa yellow pad. "Sila Jepoy ba ang tinutukoy mo?"


"Ang tagal na nating magkasama mula Enero, ngayon mo lang naisip," tawa ko.


Kumunot ang noo ni Alma na para bang nag-iisip ng isasagot.


"Ano kasi, may sarili silang lakad at ayoko bumuntot palagi sa nobyo ko," pagdadahilan nito.


"Eh nasa uni lang tayo, bakit kaya sila ganoon? Akala ko tuloy wala na kayo," ika ni Tina.


"Knock on wood," marahan na kumatok nang tatlong beses si Alma sa ibabaw ng lamesa. "Huling sinabi sa akin ni Jepoy, may band practice sila para sa darating na school fair ngayong Pebrero. Kakanta raw sila para sa Valentine's Night."


"Pero Lunes ang Valentines Day," sabi ko habang nakatingin sa pocket calendar na nakadikit sa loob ng aking notebook.


"Sa February 11 gaganapin, Biyernes iyon," tugon ni Alma. "Second week ng February ang school fair."


"Last year first week ng February nangyari," sagot ni Tina. "Ay, Ranie, may date ka na ba?"


Natigilan ako sa tanong ni Tina. "Date? Wala. Di naman ako naghahanap sa ngayon," ika ko.


"Ihahanap ka namin!" Sabay na winika nila Alma at Tina sa malakas na boses.


"Ladies, tumahimik kayo!" Dumaan tuloy ang librarian na masungit sa gilid ng aming lamesa.


"Sorry po Ma'am," tumango si Alma. Umirap lang ang librarian na naka-makapal na salamin at long-sleeved dress sabay lakad palayo.


"Mas walang ka-date si Ma'am Sungit," hagikhik ni Alma. "Pero Ranie, pupunta kami ni Tina kasama ang mga date namin, tapos ikaw di sasama?"


"Di naman junior-senior prom iyan na required pumunta." I rolled my eyes at the idea.


"Pero nangako ka na dadalo ka na sa mga school events," pagpupumilit ni Tina. "Usapan lang natin nito lang. Let us find you a date!"


"No!" My eyes widened at this absurd idea.


"Mamili ka sa dalawa, si Ferdie o si Bestre?" Ngisi ni Alma.


"I saw Ferdie with another girl," ika ni Tina. "Ka-holding hands lang habang naglalakad sa canteen tapos pareho silang may Sarsi."


"Ah, sila ulit noong si Mia?" Tanong ko. "Narinig kong pinag-uusapan nila Jepoy noong nadaanan ko sila sa isang classroom."


"On and off sila ni Mia Farrow, este, Mia Fortes na BS Biology," kwento ni Alma. "Going back, mukhang si Bestre ang magiging date mo."


Nakakainis ang malawak na ngiti ni Alma. Sumabay pa itong si Tina sa panunukso.


"Hay naku kung alam niyo lang na sobrang nakakasira ng araw iyang si Silvestre! Kung siya lang magiging date ko, huwag na lang!"


"Ayaw mo iyon, alam namin na grabe ang pagkamuhi niya sa iyo, paglalapitin namin kayo para mas magkakilala pa kayo nang mabuti! Three sets lang ng awitin ang kakantahin nila, tapos slow dance kayo!"


Kulang na lang ay maging mga puso ang mata nitong si Tina sa naiisip.


"I'm not interested," sagot ko. "Alam niyo naman kakagaling ko lang sa break-up."


"Ang tagal na noon!" Naiiritang humalukipkip si Tina.


"Ranie, subukan mo lang. Ganito, sasama ka sa amin sa February 11, kahit wala ka nang date. Just go out of your shell," payo ni Alma.


"Pumayag ka na, sige na!" Hinawakan ni Tina ang aking braso na parang batang nagmamakaawa.


"Ayoko lang maka-date si Bestre. Huwag na huwag niyo akong ilalapit doon kung hindi, lagot talaga kayo sa akin!"


"Sige na po, Miss Miranda, pumapayag na kami!" Inilahad ni Alma ang kanyang kamay at kinuha ko ito na para bang isa itong pormal na kasunduan.


"It's a deal."


"Sagot namin merienda mo for one week." Kumindat sa akin si Tina.


"Oo na, kumpleto na ang Charlie's Angels!" Sagot ko.


Ang kukulit talaga ng mga kaibigan ko.


Dumaan ang isang linggo na ako ay nag-aalala sa magiging kahihinatnan ng Valentines Night. Pakiramdam ko may binabalak ang dalawang iyon sa akin. Sana hindi na nila ipagpilitan pa na magkalapit kami ni Bestre. Naiisip ko pa lang ang taong iyon, kumukulo na ang dugo ko.


Dumating ang araw ng Biyernes, February 11. Nagising ako nang umaga at doon ko lang naalala na wala pa pala akong maisusuot para sa Valentine's Night. Buti wala akong klase ngayon.


Buti na lang naalala ko ang closet ni Mama at ang kanyang mga naggagandahang damit.


"Ma, pwede ba akong humiram ng isa sa mga dresses mo?"


Ito ang bungad ko sa kanya pagkapasok ko sa kanyang kwarto. Niyakap ko si Mama mula sa likuran habang nagsusuklay siya ng buhok at nakaupo sa harapan ng kanyang vanity dresser.


"Ranie, ang sweet mo yata ngayon," tukso nito sabay tawa.


"I got invited to our university Valentine's Night today. Nakalimutan kong bumili ng isusuot," tugon ko.


Mama stood up and led me to her huge two-door cabinet. "Ito, mamili ka na lang. May mga damit ako na isang beses ko lang naisuot."


She smilingly opened the cabinet door and I browsed through the colorful dresses and blouses my mother owned. Dream closet ko ito, at sa katunayan nga, mas marami pa yata siyang damit kaysa sa akin.


"I like this."


Maingat kong hinila ang isang kulay teal na dress. Spaghetti-strapped ito at mababa ang neckline, at may ruched details sa dibdib. Itinapat ko ito sa aking katawan, at buti ay lagpas-tuhod ito, ngunit di naman din sobrang haba ng laylayan.


"Bagay sa iyo, hija. It brings out your fair skin," ngumiti sa akin si Mama.


"Thank you po. I'll wear this tonight." I lovingly carried the special dress in my arms.


"Gusto mo rin bang humiram ng hikaw?" Alok ni Mama.


"Hindi na po," pagtanggi ko. "I'll just curl the edges of my hair and do my make-up."


"Baka wala ka pang date. Tawagan ko na ba isa sa aking mga kaibigan na may binata?"


Natawa ako sa ngiti ng aking ina, na para bang natunugan niya na mag-isa akong pupunta doon.


"No Ma, I have my friends with me. I can go without a date."


"Sigurado ka?"


"Siguradong-sigurado po!"


"Huwag ka lang tatandang dalaga!"


"Naku po, Diyos lang nakakaalam ng aking kinabukasan. I'm fine even if I grow old alone." Yumakap ulit ako kay Mama.


"Sigurado ka na diyan," Mama laughed at me. "Huwag kang magsasalita nang tapos!"


"Yes. Sige po, I'll take a bath."


Niyakap ko si Mama, at naramdaman ko sa kanya ang kanyang pagmamahal. I'm thankful to have a mother like her. She never questioned my views and decisions.


Umalis ako ng kwarto at naligo pagkatapos. After dressing up, I spent the morning walking around my room, feeling uneasy of the thought that I have to be out tonight.


Sanay man akong lumalabas ng gabi kapag may dinner or function sila Mama or Papa, pero ito ang pangalawang pagkakataon na ako lang ang dadalo. Nauna na doon ang Prom Night dati kasama si David.


Just this once, pagbibigyan ko ang aking mga kaibigan. Bahala na kung ano ang mangyayari mamayang gabi. Sana lang di ko makasalubong si Bestre. Kungsabagay, nasa band siya at tutugtog.


Sana lang agad namin matapos ang Valentine's Night.


I ate lunch with Mama and Adie (Wala si Papa, nasa meeting with the heads of the department store). Nagsiesta ako ng bandang hapon at nang sumapit na ang alas-singko ng hapon, kumain muna ako sa kusina ng early dinner, na bowl ng pasta at toasted bread.


"Ang aga mo yata kumain, Ma'am."


"Shirley, kain tayo," pag-aaya ko sa isa sa aming mga kasambahay nang mapadaan ito sa kusina.


"Salamat po," ngiti ni Shirley, na isa rin dalaga at bente dos anyos. "May lakad po ba kayo?"


"Inanyayahan kasi ako sa Valentine's Night sa school," wika ko.


"Ay Ma'am Ranie, mabuti po iyan!" Kinilig si Shirley. "Labas-labas din po kayo at dumalo sa mga tipar, para di niyo na masyadong naiisip si Sir David!"


"Matagal ko na siyang di iniisip," natawa ako. "Ay, ano pala ibig sabihin ng tipar?"


"Baliktad po na salita ng party. Ti-par," magalang na sagot ni Shirley.


"Alam mo naman na alaws akong hilig na dumalo sa mga ganyan, napilitan lang ako ng aking mga kaibigan," ngiti ko.


"Aba, si Ma'am Ranie marunong na mag-slang!" Natutuwang sinabi ni Shirley.


"Marunong naman ako eh, di ko lang pinapahalata," I smiled.


"Iyan ang gusto ko sa iyo eh. Buong pamilya po ninyo mabubuti ang trato sa aming mga kasambahay," ika ni Shirley.


"Sabi kasi ni Mama, I owe people good treatment."


Tumayo ako mula sa kitchen stool at niyakap si Shirley.


"Ma'am Ranie, thank you po!" She hugged me back.


"Sige, tapusin ko na ang aking kinakain."


"Mag-enjoy po kayo sa tipar!" Shirley smiled and left.


After my early dinner, I brushed my teeth and showered again. I dried myself afterwards, applied lotion, and put on the teal dress I borrowed from my mom.


Nagpatuyo ako ng buhok at kinulot ang mga dulo nito pagkatapos gamit ang curling iron. Buti ay maganda ang bagsak nito, na lagpas sa aking mga balikat. Para sa aking mukha, naglagay lamang ako ng face powder, brown eyeshadow, at light red lipstick. Nag-eyebrow pencil din ako para sa aking mga kilay.


I smiled at myself in the mirror.


Sa salamin ay nakikita ko ang magkahalong mukha ng aking mga magulang: Mama's deep set and double-eyelid brown eyes, her high-bridged nose, and my Papa's smile on my own bow-shaped lips. Pareho silang may lahing mestizo at mestiza, kaya namana ko rin ito. Kahit si Adie, na diretso ang buhok, malalim din ang mga mata, at maputi ang kulay.


Ramdam ko ang aking kaba, ngunit natutuwa ako at maganda ang aking ayos ngayong gabi.


Umalis ako sa aming tirahan at sumakay ng aking kotse papunta sa unibersidad.


Tonight is going to be full of possibilities, and I hope I will enjoy it, despite my apprehensions.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top