/5/Muni-muni
"Ate, are you asleep?"
Tumagilid ako sa aking kama nang marinig ko ang boses ni Adie. Mula sa kanan ay nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan kung saan ito ang nagsisilbing lagusan papasok sa kanyang kwarto na konektado naman sa akin.
I slowly got up from my bed and pulled the chain on my lamp shade by the bedside table. "Di ka pa ba natutulog?"
"I can't sleep, Ate. Can I stay beside you?"
Bakas ko sa kanyang mga mata ang pagkabahala. "Halika, tumabi ka sa akin," nakangiti kong alok sa kanya. "My bed is big enough for us."
"Thank you!"
Her smile was bright as she ran to my bed and instantly took the place on my left side. Buti na lang at queen-sized bed ito.
"Ate, bakit di ka pa natutulog? It's ten pm already." Humimlay si Adie sa aking balikat habang nakasandal ito sa kama.
Tinignan ko ang alarm clock sa ilalim ng aking lampshade (na 10:00 ang nakasaad na oras) at ibinaling ang tingin kay Adie. "I don't know, probably because I don't feel sleepy yet."
Inabot ko ang lampshade at hinila ang chain nito para patayin ang ilaw. Nahiga ako at tumagilid habang nakatingin sa aking kapatid. "Mahiga ka na, Adie. Let's try to sleep."
Ginawa niya ang aking sinabi at humiga na rin siya habang nakatingin sa akin. Madilim ang kwarto pero may kaunting liwanag na nanggagaling sa bintana mula sa poste sa labas.
"Ate Ranie, are you thinking of someone tonight?"
Nagulantang ako sa tanong ni Adie. "Bakit mo naitanong iyan?"
"Sabi kasi, kapag in love ka di ka makakatulog," ngisi nito.
Kinurot ko ang pisngi ng aking kapatid at natawa. "Wala ah! I don't like someone right now."
Bigla kong naisip si Bestre at ang aming naging tagpo kanina. No, I'll never like him dahil mayabang ito.
"What about Kuya David?" Adie smiled teasingly at me.
"Matagal na kaming wala ng Kuya David mo!"
"Eh bakit di mo balikan? Di mo siya nami-miss?"
"Adie, matulog ka na! What do you know about love and dating?"
"But you like each other! You even went together during your senior prom!" Pagpupumilit ni Adie.
"That was a long time ago. I was the one who broke up with your Kuya David."
"But why?!" Adie looked really disappointed.
"Long story. Go to sleep, Adie," utos ko.
"Kantahan mo muna ako ng favorite song ko bago ako matulog."
"Big girl ka na, go to sleep on your own." Hinimas ko ang diretsong buhok ni Adie, na lagpas-balikat na.
"I want to hear that song from you," she insisted.
I rolled my eyes and huffed. Minsan makulit talaga itong kapatid ko. "Alright," pagpayag ko.
Ngumiti si Adie sa akin at ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Sa malamyos na tinig ay nagsimula ko nang awitin ang liriko ng kantang Downtown ni Petula Clark.
Kaya ito naging paborito ni Adie ay dahil pinapatutog ito dati sa aming tahanan at isinasayaw siya ni Papa sa saliw ng awiting ito. Five or six years old si Adie noon habang ako naman ay mga nasa edad na 15 years old. Sasali rin ako sa kanilang dalawa at sabay kaming tatlo na umaawit habang nakapabilog at umiikot.
Nakakatuwang balikan ang mga alaala ng kanyang pagkabata. Adie is growing up so fast. Even if she's still very young, she already has an understanding of grown-up concepts, such as relationships.
Totoo ang aking sinabi kay Adie. Ang una kong naging nobyo ay si David, na unico hijo ni Madam Heron sa kanyang second husband.
Dahil sa aming mga ina ay nagkakilala kami habang nasa fashion luncheon, kung saan si Mama ang isa sa mga models at si Madam Heron ang designer. Ideal boy ito: matangkad, mestiso, at mas lalo siyang gumagwapo dahil sa kanyang magkabilang biloy sa pisngi kapag ngumingiti.
That was five years ago. April 1972. I was fourteen then while David was fifteen. We became fast friends who would spend time with each other during lunch or dinner meetings at Madam Heron's grandiose home in New Manila. From friendship, it became young love.
Alam ito ng mga magulang namin, at may basbas ang aming samahan. David and his chauffeur would pick me up two or three times during school week to spend time at his home. We would have merienda, then we will be doing our assignments at their garden or the living room. Pagkatapos ay aayain ako ni Madam Heron at ng kanyang asawa para maghapunan kasama nilang lahat, at matatapos ang gabi na ihahatid ako ng kanilang chaffeur pauwi ng aming tahanan. Ganoon kami kadalas magkita.
Kapag summer vacation naman ay dumadayo si David sa aming tahanan tuwing Sabado. Sabay kaming kakain ng pananghalian at pagkatapos ay aayain niya ako sa Quad Theater para manood ng pelikula. Minsan ay ako ang dumadalaw sa kanilang bahay at doon mamamalagi hanggang hapunan.
Sa gitna ng mga tagpong iyon, iba-ibang damdamin ang namuo sa pagitan naming dalawa. Minsan ay nagtutuksuhan kami, at minsan ay maayos kaming nag-uusap. David treated me right and never took advantage of me, except for holding hands and the occasional hug.
When I went with him during my senior prom night, we won the Prom King and Prom Queen awards. Natutuwa ang mga tao sa amin at kami pa ang nag-slow dance sa gitna habang sumunod naman ang iba naming mga kamag-aral. Nang natapos na ang gabi, doon ko natanggap ang aking unang halik mula sa kanya, bago ako bumaba sa kanyang kotse.
Kissing him felt so right. I was so sure that we will marry each other after we finish school. I was so sure that he is the one for me.
Ngunit nagbago ang ihip ng hangin nang ako ay makapasa sa entrance exam ng isang state university. Desidido na akong mag-kolehiyo dito, para iba naman sa aking kinalakihan na exclusive all-girls Catholic school na pinapasukan ko mula elementarya.
Gusto ni David na doon na lang ako sa kanyang pinapasukang university, na pribado at Katoliko rin ang nagpapalakad.
"Nakapasa ka naman din sa aming entrance exam, bakit ka ba nagpupumilit sa state uni na iyan?" Tanong niya habang nag-uusap kami sa aming hardin nang dumalaw siya isang hapon. It was the sunny month of May 1975, one month before school starts.
"Ano bang masama kung gusto kong pumasok sa isang state university?" Tanong ko sabay inom ng aking ice cold lemonade sa isang tall glass. "Para maiba naman ng environment. Pwede pa naman tayong magkita tuwing weekends," saad ko.
"Ranie, ang pamantasang iyon ay kilala sa pagkakaroon ng mga aktibistang estudyante! Kapag napasama ka sa kanila, matutukso ka rin na sumapi at maniwala sa kanilang mga ideolohiya. Pinoprotektahan ka lang namin!"
Mapilit akong tinignan ni David. Ngunit may pinal na akong desisyon.
"Bakit naman ako sasama sa kanila? Kilala mo naman ako, David. May sarili akong pag-iisip at di ako madaling makumbinse. At bakit niyo ako kailangang protektahan? Wala ka bang tiwala sa akin na kaya ko na ang sarili ko?"
Nagtiim-bagang ang aking nobyo. "Ranie, kahit ang iba naming kakilala ni Mama ay sumasali na sa mga aktibista at may namumundok pa nga! Yung beauty queen na dating Miss Manila, nasaan na ngayon? Nasa kabundukan at naging rebelde!"
Nagulat ako sa inasta ni David. Pasigaw na niya akong sinabihan at napatayo na siya sa kanyang inuupuan.
"Why are you so controlling?" tanong ko.
"I'm just protecting you, Rania! Diin nito. His jaw clenched in anger, his eyes as if in flames as he looked at me.
"You're controlling me, David. I don't like this. Let's break up instead. It's obvious you don't trust me with my choices and decisions."
Seryoso ang aking pagkakasabi. Sa wakas ay nailabas ko na ang aking gustong sabihin. Ngunit hindi ako naging handa sa kanyang magiging reaksyon.
Napakagat-labi si David, na parang pinipigilan ang sarili na magsalita o magpakita ng damdamin sa kanyang narinig.
Pagkatapos ng nakabibinging katahimikan ay nagsalita muli ito.
"Fine, Rania. It's over. We're over."
Huminga siya nang malalim at naglakad papaalis sa aming hardin nang hindi ako nililingon. Nagkataong naabutan siya nila Mama at Adie. Agad silang tumakbo papalapit kay David.
"Anak, nag-aaway kayo? Anong nangyari?" Nag-aalalang wika ni Mama.
I turned towards their direction and saw my mother blocking David's path. By her side, Adie took his hand and asked, "What happened with you and Ate Ranie?"
Tinignan ako ni David at bumalik ulit sa aking Mama.
"Tita Eloisa, hindi na po ako ang first dance ni Ranie sa kanyang 18th birthday sa Nobyembre. Wala na po kami."
Iyon ang huli niyang mga salita bago tuluyang umalis.
Naiwan akong nakatulala at naghahabol ng hininga. Nang lumapit sa akin si Mama, napayakap na lang ako sa kanya at humagulgol ng iyak.
Aking ikinuwento pagkatapos ang aming naging usapan. Bukod pa diyan ay naisiwalat ko na rin na palagi akong pinangungunahan ni David sa aking mga desisyon, mula sa pananamit hanggang sa unibersidad na papasukan.
Awa ng Diyos ay naunawaan din ni Mama ang aking ibig sabihin.
"Bata pa kasi kayo, at kailangan mo rin gumawa ng ibang mga bagay na ayon sa iyong kagustuhan. Hindi iyong susundin mo na lang palagi ang kanyang sasabihin," ika niya. "Huwag kang mag-alala, may makikilala ka na para talaga sa iyo."
It's comforting to hear such words from my mother. I hugged her again and expressed another concern.
"Paano kayo ni Madam Heron? Baka magalit si Madam sa akin." She and my mother were long-time friends and I don't want to ruin their friendship because I broke up with Madam's son.
"Mabuting kaibigan si Madam, at wala kaming kinalaman sa inyong break-up." Ngumiti si Mama sa akin. "Things will be alright. Smile now, because you made the right decision of pursuing what you really want, instead of being dictated by others. Ito ang gusto ko sa iyo, anak."
"Thank you po sa pagtitiwala ninyo sa akin."
Sa gitna ng aking mga luha at sama ng loob ay napangiti rin ako sa sinabi ng aking ina.
Magmula noon ay hindi na kami halos nagkikita ni David. Madam Heron never took it against me. Sa katunayan pa nga, inaalok niya pa rin ako ng modelling gigs.
Minsan ay nangungulila pa rin ako sa kanyang presensiya. Hinahanap-hanap ko pa rin ang kanyang pang-aasar at ang kanyang mga ngiti.
Ngunit mas pinili kong panindigan ang aking desisyon. At wala akong pinagsisisihan dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top