/24/ Tears of Joy
(February 1986)
"Salamat po sa pakikinig sa ating weekly commentary show. Sana po ay marami tayong natutunan tungkol sa buhay at lipunan. Muli, ito si Ranie Miranda, ang inyong bagong host ng programa!"
Natapos na rin ang radio program. Napuno ng palakpakan at hiyawan ang buong booth. Nagyakapan kaming lahat dahil sa labis na kagalakan tungkol sa una kong radio show.
"Ito ang beer! Cheers for Ranie!"
Inilabas na ni Sir Peter ang mga bote ng malalamig na beer mula sa isang ice chiller. Dumating na rin ang dalawang kahon ng pizza na aming order para lang i-celebrate ang aking radio show.
"Sa wakas, ito na ang moment mo!" Bati sa akin ni Oscar.
Nakipag-high five ako sa kanya. "Proud din ako sa iyo at ikaw ang nag-cover ng selebrasyon sa EDSA last week!"
"Nagpunta ako doon! Ang daming tao! Naging human barricade pa yung ibang dumalo!" Kwento ni Sir Peter.
"Ang bilis ng mga kaganapan!" Ngiti ni Oscar. "Siguro naman, magiging maayos din ang lahat."
"Sana nga," ika ko. Nag-toast kami ng aming mga bote ng beer at nagpatuloy sa munting salu-salo.
"Masaya man ang mga nangyari, di ko alam kung magagampanan ba ng bagong pinuno na maging pangulo ng bansa," komento ni Oscar.
"Panahon lang ang makakapagsabi," tugon ni Sir Peter sabay inom ng beer.
I smiled at the thought of things starting to fall into place. My career is going great, with a regular news reporting gig at our radio station. Minsan ay guest columnist ako sa isang major broadsheet.
Bestre still crosses my mind sometimes, but as promised, I learned to stop crying over him. I tried going out on a date once but it failed miserably. My date was so boring and I don't really have time to meet other men because of my work. Well, who knows? Baka may makilala akong bago.
At this point, I'm still hoping he might be alive.
But now I'm ready to let go of him completely.
Tama ang ina ni Bestre. Siguro makakahanap din ako ng pag-ibig na para talaga sa akin. Handa na akong ipahinga ang aming mga alaala. Handa na akong magparaya.
A month later, I visited my university. I did it on a Sunday, when all was quiet, without many people around, except for some joggers running around the place.
I'm back to where it started.
As I walked around the lush campus grounds and inhaled the scent of grass, the cold breeze blew around me. My shoulder-length hair flew across my face and I brushed some strands away.
I smiled to myself, thinking of all the cherished moments I held here. This was the place of my college years, my youthful days filled with joy and turmoil at the same time.
Dumalaw ako sa Lucky's Canteen. Bukas pa ito at nakausap ko ang Manang na taga dito. Masaya siyang makita ako at binalita pa niya na palagi siyang nakikinig sa aking radio show.
Pinuntahan ko ang Clock Tower at naglibot sa garden. Natuwa ako nang makita ang mga bulaklak na makulay at nagpapatingkad sa buong paligid.
Huli kong pinuntahan ang Mass Communications Building at dumiretso ako sa rooftop. Naalala ko nang ginawa ko itong tambayan habang ako ay nag-aaral pa. Nagpapahangin at nag-aaral ako dito kapag gusto ko mapag-isa.
Hindi na gaano kainit ang panahon dahil papalubog na ang araw. I looked at the entire campus and reminisced on my memories.
Salamat sa inyong lahat. Salamat, Bestre. Mahal kita. Pinapalaya na kita.
I let the tears flow from my eyes. Masakit man, kailangan ko itong gawin.
Hopia, softdrinks na malamig
Para sa aking iniibig
Merienda sa karinderya,
Magmula ngayon, ikaw lamang...
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang isang pamilyar na awitin.
Akala ko noong una ay guni-guni ko lang ito.
"Naghihintay ka pa rin ba?"
Dahan-dahan akong lumingon nang marinig ko ang boses sa aking likuran.
Hindi na ako makaimik nang makita kung sino ito.
Nananaginip ba ako?
Pinigilan ko ang sarili na sumigaw. Tumakbo ako papalapit sa taong ito at sinalubong siya ng isang mainit na yakap.
This time, I cry tears of joy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top