/23/ Standing on my own
Isang taon na ang lumipas mula nang mawala si Bestre.
July 1978 na ngayon at nag-shift na ako sa kursong Mass Communications. First year ulit ako at balik sa simula, ngunit hindi ko ito pinagsisisihan. Nagpapasalamat ako na pumayag ang aking mga magulang na kunin ang isang kurso na gusto ko talagang pag-aralan at sana ay maging career ko na rin sa hinaharap.
Ginawa ko ang aking makakaya para pagbutihin ang aking pag-aaral. Minsan ay may mga usap-usapan akong naririnig tungkol sa akin, kung bakit ako lumipat ng kurso. Kibit-balikat na lang ako dito.
Sumapi ako sa isang student publication dito sa aming unibersidad. Mas pinaigting ko pa na magsumikap maging manunulat at pati na rin part-time broadcaster ng university radio.
Sa tulong ng aking adviser at kapwa estudyante, ay nakakayanan ko ang bagong hamon bilang isang estudyante na second-courser. Nagkaroon din ako ng bagong mga kaibigan, na "ate" ang turing sa akin. Sa katunayan nga, tinuturing akong big sister ng aking blockmates.
Nang sumunod na taon, 1979, ay nagsipagtapos na ang aking mga kasabayan, sila Jepoy, Alma, at Tina. Dumalo ako sa kanilang graduation ceremony at masaya ako sa kanilang narating.
"Sayang Ranie, di ka namin kasabay na grumadweyt," ika ni Tina pagkatapos namin kumuha ng larawan.
"Ayos lang iyon, ga-graduate din ako," tawa ko. "See you in March 1982! May utang kayo sa akin na dinner."
"Walang makakalimot niyan, mga kasama!" Paalala ni Tina.
"Kain tayo this Saturday!" Pag-aaya ko. "Libre ko, sa Spaghetti House tayo magkita!"
"Oy, mahiya naman kayo kay Ranie! Di porket mayaman iyan pagsasamantalahan niyo na ang kabaitan!" Biro ni Jepoy.
"Magdadala kami ng pera, para kanya-kanyang bayad!" Biro ni Alma.
I smiled at the sight of my friends in their graduation caps and toga. We took more photos and as promised, by Saturday, we enjoyed a nice lunch at the Spaghetti House.
Days turned into months, then into years. I did my best to live my life, revolving around family, schoolwork, and my friends. Pero may mga panahon na naluluha pa rin ako kapag naiisip ko si Bestre.
Bestre, Marso 1982 na. Nagtapos na ako sa kursong Mass Communications. Naging editor-in-chief ako ng isang university publication. May sinulat ako na nakatulong sa pagbabago ng sistema ng unibersidad. Para ito sa mga student activists na gaya mo na nawala na lang basta. Pinayagan ito na mailathala kasabay ng pagnanais na magkaroon din kayo ng hustisya balang araw.
Mas malaya nang nakakapagsalita ang mga estudyante ngayon, at nagbigay-daan ito tungo sa pagbabago. Inaayos na ang mga sirang facilities dito at may pondo na rin na nakalaan sa bawat college. Mas maayos na ang student council, pinapakinggan na rin ng university president at pwede na rin ang makipag-debate.
Mas mabuti na ang unti-unting namumulat at may ginagawa, kaysa palaging nakikita ngunit nananatiling bulag at bingi. Ito ang naalala ko sa isa sa mga sinulat mo noon. Hindi ko ito kalilimutan. Gagamitin ko ang aking napiling larangan para ipahayag ang katotohanan at paglingkuran ang bayan.
Malaki ang aking pasasalamat at nagsakripisyo ang mga kagaya niyo para sa lahat. Ngunit hindi ka pa rin nagpaparamdam. Ang dami ko nang mga tinanggihan na manliligaw, dahil umaasa pa rin ako na buhay ka at babalik ka.
Sana balang araw, maging maayos din ang takbo ng ating lipunan at pamahalaan. Buti ay nagsisimula na sa ating unibersidad. Bilang isang mamamahayag, handa akong tumulong sa aking makakaya.
---
(September 1983)
Nagkaroon ako ng trabaho bilang radio newswriter sa isang kilalang radio station pagka-graduate ko. Isang taon nang mahigit akong nagtatrabaho dito. Kahit na may background ako sa news writing ay nagpakita rin ako ng interes sa pagtatrabaho sa radio, salamat sa aking experience bilang staff sa aming university radio station.
"Maraming salamat, Ranie and Oscar, for covering the news tonight for one of us who is absent," bati sa amin ni Sir Peter, ang aming boss.
"Wala po iyon, first time kong magsalita sa ere gamit ang aking sariling script," I smiled sheepishly.
"Galing nga ni Ranie, parang bihasa na!" Puri sa akin ni Oscar.
"Good job, both of you. Agahan niyo na ang uwi, at naka-prepare naman ang script natin for tomorrow's broadcast."
"Thank you Sir Peter," sabay namin winika ni Oscar.
Nagpresenta na si Oscar na ihatid ako pauwi sa aming tahanan. Tumanggi ako noong una dahil sa Makati ito, ngunit pinilit pa rin niya, dahil gabi na at mahirap magbyahe nang mag-isa kapag sa jeepney o taxi lang ako sasakay. Pumayag na rin ako sa bandang huli.
Tahimik ang aming byahe. Habang nasa daan ay tumigil muna kami sa isang fast food chain para maghapunan.
"Salamat sa libre, Oscar," ngiti ko sabay kagat ng aking hamburger.
"Nasarapan ka lang kasi libre," biro nito habang kumakain ng fried chicken.
"Kaya nga." Di ko mapigilan na tumawa.
"Ranie," bungad ni Oscar.
"Ano iyon?"
Nanahimik si Oscar at halatang di-mapakali sa nais niyang sabihin. Ngunit naglakas-loob din siya at nailabas na niya ang gumugulo sa kanyang isipan.
"Sana pumayag ka na maging tayo."
Natigilan ako. Mula nang makilala ko si Oscar ay hindi lingid sa aking kaalaman na may pagtingin na siya sa akin. Ngunit kaibigan at katrabaho lang ang turing ko sa kanya at di ko makita ang sarili na masusuklian ko ang kanyang alok.
"Oscar, pasensiya na, hindi ko masasang-ayunan ang iyong kahilingan."
Ramdam ko ang sama ng loob ni Oscar na nakaguhit sa pagkunot ng kanyang noo.
"Dahil ba mas matanda ako sa iyo ng pitong taon? Bente-singko ikaw, ako naman, thirty-two, walang diperensya doon," ika niya. "Twenty-six ka na pagdating ng Nobyembre."
"Hindi dahil doon."
"Hinihintay mo pa rin ba siya?"
Minsan ko nang naikwento si Bestre kay Oscar.
"Ranie, anim na taon ka nang naghihintay sa wala. Namatay na iyon," giit ni Oscar.
Napakagat ako ng labi. Nauunawaan man niya ang aking panata na siyam na taon akong maghihintay kay Bestre, di ko rin siya masisisi sa paglalahad ng katotohanan na kanyang binigkas. Ang katotohanang posible ang kanyang sinasabi ngunit pilit ko pa rin tinatanggi.
"Oras na para maging masaya ka. Naiintindihan ko na napakasakit ng nangyari sa inyong dalawa, ngunit magparaya ka na."
"Oscar, may tatlong taon pa akong natitira. Maghihintay pa rin ako," pagpupumilit ko.
"Nahihibang ka ba? Wala kahit katawan niya na nahanap, ibig sabihin, patay na iyon!" Pagkadismaya ni Oscar.
Yumuko ako at hindi ko ipinakita ang pagpatak ng aking mga luha. Nahalata ito ni Oscar at idinaop niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking kamay na nakapatong sa lamesa.
"Patawad, Ranie," pagsisisi nito.
"Tama naman ang sinabi mo," nagpalis ako ng aking mga luha gamit ang tissue paper. "Pero kahit wala akong hinihintay, hindi ko makita ang aking sarili na kapiling ka bilang higit pa sa isang kaibigan. Hindi ko masusuklian ang inaalok mo sa aking pag-ibig. Sana maunawaan mo rin ako."
Isang mabigat na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Tinapos na namin ang aming hapunan at hinatid na ako ni Oscar pauwi sa amin.
Bago ako bumaba ng kanyang kotse, ito ang kanyang sinabi:
"Ranie, hindi na kita pipilitin na mahalin mo rin ako. Maluwag kong tinatanggap ang iyong desisyon. Ngunit kung kailangan mo ng kaibigan na dadamay sa iyo, andito lang ako. Wala itong bahid ng malisya, ng kagustuhan na baka matuto mo akong mahalin. I'm here as your colleague and friend."
Tumitig ako kay Oscar. Napayakap ako dito at binulong ko sa kanya ang aking pasasalamat.
Bumaba ako sa kanyang sasakyan at pumasok sa aming bahay. Dumiretso ako sa aking kwarto, nag-ayos para matulog, at nahiga sa aking kama.
Sa kabilang kwarto ay naririnig ko si Adie na may kinakabisado na tula. Sixteen years old na siya ngayon at fourth year high school na. Ang bilis ng panahon. Ngayon nadagdag na siya sa aking alalahanin dahil nagiging pasaway siya sa school. May mga mababa siyang grado. Ngunit nangako siya na makakagraduate siya ng high school at susubukan maging matino.
Alam ni Adie ang tungkol sa amin ni Bestre at ang paghihintay ko sa kanya. Ngunit nauunawaan niya ako, at nakikinig pa nga siya sa akin kapag may panahon na nalulungkot ako. I'm thankful for her presence.
Tungkol sa aking mga kaibigan, nakakausap ko pa rin si Mia sa Davao. Mukhang napamahal na siya sa pamilya ng kanyang tiyahin kung saan siya tumutuloy. Malapit na rin siyang mag-board exam sa medisina at abala sa pagre-review.
Si Ferdie naman ay naninirahan sa Benguet. Minsan kaming umakyat doon kasama ng aking mga kaibigan, at labis kaming natutuwa na namamahala na siya ng isang strawberry farm kasama ang kanyang tiyahin.
Sila Alma at Jepoy ay kinasal nito lang. Susunod nang ikakasal sila Tina at Nimrod. Ako nga ang magiging maid-of-honor.
Lahat ay nakausad na at naghihilom mula sa nakaraan. Pwera na lang sa akin.
Hihintayin ko pa ba si Bestre? Pero tutuparin ko ang pangako sa sarili na paaabutin ko ito ng siyam na taon.
Kaya ko pang maghintay ng tatlong taon hanggang 1986.
Kapag wala ay handa na akong magparaya.
Ngunit sa loob-loob ko alam kong di ko pa rin kaya na pakawalan siya sa aking puso at isipan.
Muli akong lumuha habang naiisip si Bestre. Pero ipinangako ko sa sarili na ito na ang huling beses na iiyakan ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top