/21/ Kagimbal-gimbal na pangyayari
(Trigger warning: Mentions of torture and bad words)
"Buti na lang, buhay ka," hikbi ni Mia.
"Siyempre naman, para sa iyo," matamlay na ngumisi si Ferdie sa nobya, na nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Hinawakan niya ang kamay nito at ngumiti.
Lahat kami ay nagkumpulan na sa paligid ni Ferdie, nag-aabang ng kanyang sasabihin. Lumabas ang ale na kanyang kasama para bumili ng pagkain, at nito ko nalaman na tiyahin niya pala iyon.
Nanahimik na muna ako at hinayaan na si Jepoy muna ang magtanong.
"Pre, ano bang nangyari? Dinala ka ba sa Crame kasama si Bestre?" Panimula ni Jepoy. "Di ba dapat nakaalis na kayo?"
"Iyon nga ang nangyari," ika ni Ferdie. "Nilaglag kami ng isa naming kasama sa Underground at papaalis na sana kami sa pier patungong Mindoro nang dumating ang traydor na iyon kasama ang mga awtoridad. Ayun, diretso sa Crame pagkatapos. Handa na ba kayo sa maririnig ninyo?"
Lahat kami ay nagkatinginan. Mukhang alam ko na ang kanyang gustong ipahiwatig.
"Ikwento mo lahat," wika ko.
Sa kabila ng kanyang kahinaan, ikinwento na ni Ferdie ang nangyari sa kanila ni Bestre.
"Dito nagsimula ang bangungot namin," kwento ni Ferdie. "Dinala kami ni Bestre sa isang bodega doon sa kampo at itinali na kami sa mga upuan. Pinilit kaming magsalita ng mga bata ng arresting officer namin kung nasaan ang aming ibang mga kasama sa underground. Syempre hindi kami aamin. Kada tanggi namin, pinapalo kami ng paddle sa katawan."
Napatakip ng bibig si Mia sabay pakawala ng impit na sigaw. Napalapit tuloy si Tina sa kanya at yumakap dito, habang kami ni Alma ay nagkatinginan at di malaman ang gagawin.
Matamlay na bumangon si Ferdie at nilaylay ang kanyang hospital gown. Lumapit kami at nakita ko ang malalaking pasa sa kanyang likod. Mayroon din mga paso ng sigarilyo dito hanggang sa kanyang dibdib.
"Patikim pa lang iyon," pagpapatuloy ni Ferdie habang sinuot ang kanyang hospital gown. Natigilan siya at huminga nang malalim tsaka pinagpatuloy ang kwento.
Labis na pagpapahirap ang kanilang pinagdaanan. Matapang na ikinuwento ni Ferdie ang lahat ng ginawa sa kanila. Hindi ko lubos akalain na may mga taong kaya itong gawin sa kapwa nila. Mas masakit sa puso na marinig kung paano pinaghubad, kinuryente habang binubuhusan ng tubig, at pinapaso ng sigarilyo ang pinakamamahal kong si Bestre kapag tinatanong ito at ayaw umamin sa kanyang nalalaman. Kahit pabalang itong sumasagot sa mga kinauukulan ay tinitiis pa rin niya ang mga kahindik-hindik na pagpapasakit sa kanya.
"Diyos ko!" Hindi ko na matanggal sa isipan ang aking mga narinig.
"Iyon na ang huli kong nakita na ginawa kay Bestre, iyong pagkuryente sa kanya. Inalis na nila ako sa kwarto pagkatapos, at dinala ako sa isa pang bodega na may malaking bloke ng yelo. Doon nila ako pinahiga. Halos mamatay ako sa lamig at iyon ang aking huling naalala.
Pagkagising ko...nandito ako sa ospital."
"Sinong sumagip sa iyo?" Tanong ni Jepoy.
"Isang jeepney drayber na dumaan sa isang bakanteng lote. Ayon sa kanya, naaninag niya ako na nakahandusay sa likod ng isang sakong basura. Nang lumapit siya sa akin, nakita niyang buhay pa ako, kaya dahan-dahan niya akong dinala, sinakay sa likod ng kanyang jeep, tinakluban ng isang banig, at dineretso ako dito. Kaya ako buhay ngayon. Buti naalala ko yung propesor na kaibigan namin ni Jepoy at tumawag sa bahay nila, kasi kabisado ko ang numero. Sinabi kong pakibalitaan si Jepoy, nang mapuntahan ako."
Mas lalong nanahimik ang buong kwarto. Bumukas ang pintuan at papasok na sana si Tita ngunit nang makita kaming seryoso, ay hindi na niya muna itinuloy ito.
"Mga hayop sila!"
Napasigaw si Jepoy at sumalampak sa sahig. Tuluyan na niyang pinakawalan ang kanyang mga luha. Lumapit dito si Alma at tinulungan na tumayo para dalhin siya sa kalapit na sofa. Doon na sila sabay na tumangis. Pilit man nilang hindi ipakita, halata ang nanginginig nilang mga balikat at ang mga hikbi na pumupuno sa napakatahimik na kwarto.
Ramdam ko ang panghihina ng aking buong katawan, ngunit naglakas-loob na akong tanungin ang kanina ko pa gustong malaman:
"Nasaan si Bestre?"
Napatingin sa akin si Ferdie. Nanginginig ang ibaba ng kanyang labi at di alam ang susunod na isasagot.
Nilapitan ko siya at napakapit sa kanyang mga balikat. Halos yugyugin ko na siya nang isigaw ko muli ang aking tanong.
"Nasaan si Bestre? Sumagot ka!"
Naramdaman ko ang paghatak sa akin ni Mia sa aking mga balikat. Isang luha ang pumatak sa aking mga mata nang makita ko ang mukha ni Ferdie. Umaagos na rin ang kanyang mga luha at umiling lang siya sa akin.
"Ranie, wala na akong balita kay Bestre."
"Hindi! Hindi pwede! Diyos ko!"
Napaluhod ako sa gilid ng kama ni Ferdie at tumangis. Pinaapaw ko na ang aking mga luha at pinakawalan ang malakas na hagulgol. Lahat ng takot na nabuo sa aking dibdib ay nakawala na dahil nagkatotoo na ang aking pinangangambahan. Tinulungan ako ni Mia na tumayo at napasandal ako sa kanyang balikat.
"May binilin siya sa akin bago nila kami pinaghiwalay," wika ni Ferdie. "Kung hindi siya makabalik, sabi niya, huwag mo na raw siya hintayin. Kaya mong mabuhay nang wala siya."
"Hindi pwede iyon! Dapat makabalik si Silvestre! Dapat buhay siya gaya mo!" Bulyaw ko kahit namamaos na ang aking boses sa pag-iyak.
Napuno ng katahimikan at mga luha ang buong Room 309. Habang nag-iiyakan kami ni Mia sa isang sulok, nasa may sofa pa rin sila Alma at Jepoy at parehong nagdadalamhati. Lumapit na sa amin si Tina at binalot kami sa isang mahigpit na yakap.
"Paano 'pag patay na siya talaga?" Naluluha kong tanong.
"Baka makabalik pa siya," hinimas ni Tina ang aking buhok. "Isipin na lang natin nawala lang siya sandali."
"Mukhang malayo nang mangyari iyon." Naalala ko ang sinasabi nilang desaparecidos, ang mga naglaho na parang bula at hindi na alam kung saan napunta pagkatapos madakip ng mga awtoridad.
"Sabi ni Bestre, magpakatatag ako," pagpapatuloy ko habang umiiyak. "Ngunit paano ko gagawin iyon nang wala siya, kung kailan sobrang minamahal ko na siya?"
Hindi na sila umimik pa. Mas lalo lang humigpit ang aming mga yakap at kapit sa isa't isa. Kami na pinagsasaluhan ang hinagpis at ang posibilidad na baka wala na talaga ang isa naming kaibigan.
Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng kalooban na makauwi nang gabing iyon. Naalala ko na pinagmaneho ako ni Jepoy at nasa backseat ako katabi sila Alma at Tina. Namalagi pa si Mia sa ospital para samahan si Ferdie.
Nang makarating ako sa aming bahay, sinalubong ako ng aking ina.
"Ranie, bakit ngayon ka lang?"
Hindi ko siya inimik. Nagtungo ako sa may bintana namin at naramdaman kong lumapit si Mama.
"May nangyari ba sa school?"
Hinarap niya ako at labis na nag-alala nang makita ang mga luha sa aking mga mata.
"Mama, si Bestre, ang aking nobyo... tinortyur at nawala."
Nanlaki ang mga mata ni Mama sa akin. Doon niya ako sinalubong ng isang yakap at wala nang sinabi pa nang ako ay maluha sa kanyang mga balikat.
Sa loob ng isang linggo, hindi ko kinaya na pumasok sa aking mga klase. Namalagi lang ako sa aking kwarto; matamlay, nakatulala, at minsan ay umiiyak.
Kay mama ko lang naikwento ang lahat ng mga pangyayari, mula sa relasyon namin ni Bestre at ang pag-aresto kina Ferdie at Bestre. Hindi na kailangan ng mga salita para maunawaan niya ang aking hinagpis.
Nagpapasalamat ako at handa siyang makinig at samahan ako na magdalamhati.
"Baka hindi na siya bumalik. Maaring namatay na siya talaga. Hindi ko na alam ang aking gagawin," tugon ko. "Matatanggap ko pa kung natagpuan ang katawan niya, ibig sabihin, wala na siya. Ngunit ito, na naglaho siya at di alam kung buhay o patay...ayokong umasa."
Niyakap ako ni Mama at sabay kaming bumangon mula sa kanyang kama. Nagbukas ang pintuan at pumasok si Papa, na mukhang kakagaling lang sa trabaho, dahil nakabihis pa ito ng polo at slacks.
"Jaime, andito ka na pala." Sinalubong ni Mama si Papa at humalik dito.
Naaninag ako ni Papa mula sa aking pagkakatayo. "Good evening, dad," ika ko.
Matagal na nakatitig si Papa sa akin at hindi ko mabasa ang kanyang mukha. Gusto ba niyang magalit, pagsabihan ako, o madismaya sa akin?
Ngunit imbis na gawin niya ang mga iniisip ko, lumapit ito at mahigpit niya akong niyakap.
"Rania, anak... I'm sorry."
Iyon lang ang kanyang sinabi na nagpaiyak sa akin. Dad looked at me and said:
"What happened before, I apologize for slapping you. I'm sorry I did not listen to you, my child."
"Dad..." imik ko.
"Your mom told me about what happened to your boyfriend."
"He... he's missing, so you don't have to worry anymore," I replied bitterly. I stared at my dad, he looked hurt from what I just said. Instead of answering back, he hugged me tighter. I cried over his shoulder and he just allowed me to cry for a long time.
"Dad, I'm sorry if I dated behind your back," pinalis ko ang aking mga luha.
"I also dated behind your Lolo's back and it was with your mother," natawa si Papa nang maalala ito. "We went through hell and high water just to defend our relationship. Mukhang nakarma ako when I heard you're going through the same thing as we did," tawa ni Papa.
"Dad, you probably know what happened to him," ika ko.
Papa was silent. He hugged me tightly and then said, "May mga kakilala ako na generals din at mga tauhan nila. Kung gusto mo, ipahanap natin siya at panagutin ang mga gumawa niyan sa boyfriend mo at sa kaibigan niya," alok nito. "Hindi naman tama na manakit ka ng mga tao, dahil lang sa pagiging aktibista nila, o kung ano man di-totoo or totoong akusasyon laban sa kanila."
That idea thrilled me, but deep inside, I don't want more trouble in my life. "Papa, no thanks. Ayoko kayong madawit sa gulo ko. Natatakot din akong gumanti kahit na may kaya tayo. Baka bumalik sa atin."
"My daughter, you always think about others, and never about yourself. That's what I like about you," ngiti ni Papa. May naalala siya at nagpatuloy. "Siya nga pala, I talked to my department store employees. Bibigyan ko na sila ng salary raise at ibang benefits. Magpapa-train na rin ako ng aming human resources staff para maging mas maayos ang pagtugon nila sa problema ng mga tauhan. Salamat sa iyong suhestiyon, Rania Elvira."
"Dad, kumpletong pangalan na naman!" I laughed.
Lumapit si Mama sa amin at nagyakapan kaming lahat.
For a while, I felt okay. That night, I drank again with Papa at the mini-bar.
"Paano kapag wala na siya?" tanong ko kay Dad sabay inom ng red wine. "Binilin daw na huwag ko na siyang hintayin."
"Let me help you look for him. Aalamin lang natin kung buhay pa siya o wala na talaga," alok muli ni Papa.
"Pa, hanap lang, wala tayong gagantihan," paalala ko.
"I have my resources, I can help," he insisted.
In the end, pumayag ako na ipahanap si Bestre. Binigay ko kay Papa ang kanyang buong pangalan at pinangako niya na siya na raw ang bahala.
"Dad, kung buhay pa siya, malaki ang aking pasasalamat. Kung naglaho na siya at di alam kung nasaan, I will wait for him. I'll give myself nine years, starting today," pangako ko.
"Baka hindi na ako magka-apo sa iyo," biro ni Papa.
"Dad, I'm turning twenty in November. Kaya ko pa magkaanak at twenty nine or even beyond that," biro ko.
"Isn't nine years too long?" Ika ni Papa.
"Nine years is not long when you're waiting and hoping against hope. Nine years of waiting will be worth it if my wish comes true. Kung nawawala man siya, maaring buhay pa siya. Maniniwala lang ako na patay na siya kung may katawan na makikita."
"Okay then, it's your call," kibit-balikat ni Papa.
"Papa? May isa pa akong binabalak."
"Ano iyon?"
"I will shift to Mass Communications. Balak kong magtrabaho sa isang major publication pagkatapos nito. Itutuloy ko ang laban namin ni Bestre."
Nanahimik si Papa at napaisip.
"Tatapusin ko lang ang third year ko with my current degree at next year ko na gagawin ang plano."
"In the same university?"
"Yes. Ipapakita ko sa kanila na di ako manghihina at susuko."
Dad placed his hand on top of mine and answered:
"Kahit anong mangyari, susuportahan ka namin ni Mama. Magpakatatag ka, para sa iyong minamahal at para na rin sa sarili mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top