/19/ Anger and Tears

"Rania, answer me honestly. Are you part of an illegal organization in your school?"

I stared down at my feet, unable to meet my father's questioning. I know his eyes are flashing at me right now.


"Do you know this book you have right now? It's a banned book! Ang manunulat nito ay bigla na lang nawala! Are you aware of the mess you're getting into?!" Hinagis niya ang hawak niyang libro sa may center table.


Lumayo si Papa na nakakuyom ang kamao. He walked towards my mother and asked, "Wala ba siyang kinukwento sa iyo, Eloisa?"


"Jaime, kumalma ka." Mama placed a hand on his shoulder.


"How do I calm down, our daughter is reading this book banned by the government! Kapag nahuli ito, ang lahat ng aking pinundar para sa ating pamilya ay masisira! Dios mio, Rania Elvira, nilalagay mo  sa kapahamakan ang iyong sariling pamilya!"



He turned to me, his eyes ablazed with rage.



"Magsalita ka na, sabihin mo sa amin ang totoo. Hija, are you a member of any organization?"


It hurt me seeing my father in rage while my mother remained speechless, not knowing how to defend me. But I know my truth, and it weighs more than pleasing him.



I took a deep breath and stood up to face my dad.



"Papa, if not for this novel I wouldn't know people who are fighting for justice and those who are giving their lives for it. I also found out the luxury watches you supplied to the president and he gave it as gifts to his most loyal generals. It's in your black book. I read it once. Wow, ang taas ng kinita mo doon! Do you give us our school allowance from that dirty money?"


"Oh my God, Rania Elvira!" This time, hell broke loose with my father throwing a fit.


"Jaime! Umupo ka muna!" Pakiusap ng aking ina.


Papa rubbed his forehead and grabbed a small pillow. He threw it, hitting a vase near the sofa. The ceramic blue vase toppled down the table, smashed into broken pieces on the floor.


"Jimmy! Huwag mong sigawan ang anak natin!" Maluha-luhang sinabi ni Mama.


"Mayaman ba tayo dahil sa pagsusumikap ninyo, o mayaman tayo dahil kaibigan tayo ng presidente at ng kanyang mga cronies?" I smirked at my father. "I can imagine your dinners and under-the-table deals."


His temper reached a boiling point. His hand flew across my face, slapping me and making me lose my balance. Mama came to my aid and helped me get up, my arm balanced on her shoulder. I rubbed the part of my face where his hand landed.


It ached so much. Ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito sa akin. Papa's hands used to be my guide and strength. Now his hands are like a whip punishing me. All because I dared to think for myself and see what is beyond my charmed life.


Nothing hurts more than knowing that my father and I are now worlds apart from each other. Suddenly, he was a total stranger to me. Tears flowed from my eyes at the thought. I leaned against my mama's shoulder so he wouldn't see me in tears.


"Bakit mo pinagbuhatan ng kamay ang anak mo?!" Naiiyak na tanong ni Mama.


I turned my head and looked over my shoulder. I saw Papa pointing his finger at me.


"Hija, hindi kita pinalaking rebelde! Whatever you're planning, stop it right now, don't meet that org, don't read any banned books, and you will be fine. Just study and obey. Those people you're talking about, they are enemies of the state and they deserve their fate. They want to ruin peace and order."


I dared myself to look at my father. Brushing the tears away from my eyes, I squared up. He bit his lower lip as if he wanted to speak more, but stopped himself instead.


"Do you really want to know what I'm doing?"



I raised an eyebrow at him.



"Masyado kang busy, wala ka nang time para sa amin ni Adie. If you want to know everything, here it goes. Yes, I have a boyfriend, he's an underground writer. Tinuruan niya ako na buksan ang aking isipan sa totoong nangyayari sa ating paligid, na hindi pantay-pantay ang buhay ng mga tao. Pinahiram niya ang librong iyan sa akin. You do not know it until now. See? Sa negosyo lang umiikot ang buhay mo."


Nanlaki ang mga mata ni Papa sa akin.


"Who is he? I demand to know his name!"


"I won't tell." I raised my chin in defiance.


"Makipagkalas ka na, at hindi ako papayag na isang aktibista ang iyong magiging asawa sa hinaharap!" Utos ng aking ama.


"Ikaw ba, maayos mo bang tinatrato ang mga department store employees mo? How come when I dropped by at Luxuriant one time, may usap-usapan na contractual lang ang ibang employees? Na sila ay underpaid kahit nagtrabaho sila sa tamang oras? Sa tingin mo, makatao ka sa lagay na iyan, Papa?" diin ko.


"Ranie, tama na!"


I looked at my mother. Tears streamed down her eyes.


"Mama, you must know about this," I insisted.


Huminga ako at nagpatuloy.


"And if you want to know him, I won't speak to you about it. Di ba mapera ka? Alamin mo kung sino siya."


In spite of my tears, the corner of my lip curled up at the sight of my father, his face livid and flushed red. Secretly, I was glad I put him on the spot.


"Eloisa, kausapin mo ang batang iyan. Marami siyang hindi naiintindihan."


Papa stormed out of the living room, leaving my mother and I standing. From afar, I can hear his footsteps slamming against the tiles.


Mama could only give me a hug this time.


A heavy silence followed after this encounter. I asked my mother if she can accompany me to bed so I can talk to her. She agreed.


Magkatabi kaming nahiga sa aking kama, parehong hindi dinadalaw ng antok at naguguluhan ang mga isipan.


"Mama, bakit ganoon si Papa? Totoo ang lahat ng aking mga sinabi tungkol sa kanyang mga empleyado. Totoo ang kanilang mga usap-usapan sa Luxuriant. At bakit siya pumayag na maging crony ng presidente? Hindi ba niya kayang magnegosyo na di niya kailangang dumikit sa mga mas makapangyarihang tao?"


Hinawakan ni Mama ang aking kamay at humarap ako sa kanya.


"Mama, hindi na siya si Papa na kagaya ng dati. Noong nasa Escolta pa ang Luxuriant at isang maliit na gift shop, mas may oras siya para sa atin. Kapag Sabado, namamasyal kami at kumakain sa paborito kong spaghetti house sa Ermita. Noong dumating si Adie, dinadala niya kami pareho sa Manila Bay at pinapanood ang sunset. Mula nang naging department store ang Luxuriant, halos di ko na siya nakakasama."


"Nauunawaan kita, anak," Mama assured me.


"Ganid sa kapangyarihan si Papa. Walang pinagkaiba sa mga kaibigan niya na kapwa negosyante at mayayaman din."


I was shocked at myself for saying this, but felt relief as well.


"Anak, alam kong may sarili ka nang isipan at desisyon sa buhay. Ang hiling ko lang sa iyo, umiwas ka lang sa gulo. Hindi malayong mapahamak ka dahil sa iyong nobyo."


Ramdam ko ang takot at pag-aalala sa tinig ng boses ni Mama. Ngunit sa puntong ito, ako ay may desisyon na.


"Mama, huwag kang mag-alala, kaya kong ingatan ang aking sarili. Miranda apleyido ko, hindi ba? We have money and power," natawa ako.  "Ipagdasal mo na lang ako, ang ating pamilya, at ang bansa natin. Sana maging maayos din ang lahat."


Hindi nakasagot ang aking ina. Narinig ko ang kanyang hikbi. Labis ang kirot nito sa aking puso.


"I'm still here," yumakap ako sa kanya at hinayaang tumulo ang kanyang mga luha sa aking balikat.


"Rania, desisyon mo iyan, hindi na kita kayang pigilan. Magtitiwala na lang ako sa iyo," naluluhang sagot ni Mama. "At tama ka, kahit ako, di ko na kilala ang iyong Papa. Hindi siya ang Jaime na kagaya ng dati. Kung alam mo lang, pinaglaban ko siya sa Tiya Celia mo para lang makasama ko siya." Bahagyang natawa ang aking ina.


"Naalala ko, palagi kayong may date every month. Ngayon, umuuwi lang siya dito para matulog at kumain. Ipapa-kidnap ko siya para lang i-set up kayo sa isang date." I grinned at this silly thought.


"Sige nga, Ranie, pakiset-up kami. Nalilimutan na niyang may pamilya siya."


Mama and I laughed together. Then she added:


"Guwapo ba ang iyong kasintahan?"


"Opo. Matalino rin." I smiled, knowing that my mother is more open-minded.


"Sana makilala ko siya para maunawaan ko kayong dalawa."


"I love the thought of it. Sige, one of these days, you will meet him."


I hugged her tighter, and we talked some more until we both fell asleep.

Dumaan ang mga araw at ramdam ko ang bigat sa aming pamamahay. Hindi na sumasabay si Papa sa amin tuwing agahan at hapunan. Alam kong gumagawa siya ng paraan para ako ay iwasan. It felt nothing to me. Ganoon na siya dati pa. But deep inside, I hope he will try to reach out and meet me halfway. I also want to understand him as much as I want to be understood.


Mas nakakausap ko nang madalas si Mama. Isang araw, inusisa ako ni Adie.


"Ate, is Papa angry at you?"


Pinagmasdan ko siya habang nakaupo kami sa garden at nagmemeriyenda ng crackers at juice. "No, he is just busy."


"Pero sinigawan ka niya last week," she frowned.


"Wala iyon."


"Are you reading that book? Ate, please don't read it. Para di na magalit si Papa. Sorry I listened to your conversation, daddy is so scary when angry!"


I was speechless. Adie and her questioning gaze means that she has an understanding of the conversation that happened last week.


"Don't worry. I'm not reading it. Di ba, bawal itong basahin?" I faked a smile at her and smoothed her hair. "Sinunog ko na para di siya magalit."


"You're hiding something. I can smell you." Adie wrinkled her nose at me and sniffed me all over. Natawa ako sa kanyang ginawa.


"Cute mo." I pinched her nose.


"Ate, if you want to tell me something, I won't shout at you like Papa. Come on, I'm giving you a chance."


"Adie, bata ka pa," paalala ko. "Don't worry about me, okay?"


"But you're my sister! You can tell me anything even if I'm ten years younger. I don't have to understand it. I'm here to listen. Sabi sa school, the foundation of understanding is the willingness to listen."


Huminga ako nang malalim. "Okay, ihanda mo sarili mo. Masama ang loob ko kay Papa."


"Why?" Adie leaned against the chair.


"Dahil puro siya trabaho at walang time para sa atin, unlike before. And..."


Inisip ko kung isasama ko yung bahagi na crony family kami, but I decided to omit that detail.


"And I miss him. Yung lumalabas tayo dati at namamasyal."


"Oo nga," tumango si Adie. "He is way too busy. He doesn't hug me anymore. Di na rin sila sweet ni Mama."


"You noticed it too," I smiled knowingly. "I hope he will have more time for us, it's not too much to ask."


"Busy doesn't mean you're hardworking. I don't study all the time, but I have high grades. You don't have to work all the time. People should rest too. All work and no play makes Jack a dull boy," she quoted.


"Change the name to our dad's name, Jimmy," ika ko.


"Tama ka, Ate!" She laughed heartily.


"Apir tayo, Adie." We high-five our palms and giggled. Itinuloy ko ang usapan.


I felt better talking to my not-so-little sister. She and Mama are giving me courage.


But I hope Papa will also stop and listen, see the other side of things.


Maybe then, we can cross the bridge, meet halfway, and learn to understand each other.

---

Kinagabihan, nang ako ay patulog na, naisipan kong uminom muna sa aming mini bar. Tahimik akong bumaba ng hagdan at naglakad patungo doon. Naupo ako sa isang armchair habang unti-unti akong umiinom ng isang kopita ng whiskey.


It felt different drinking here by myself. Suddenly, I missed my father, us drinking and talking.


Nagdesisyon ako na tama na ang isang baso at hahayaan ko na lang ang sarili na kusang makatulog.


Pabalik na ako sa aking kuwarto nang madaanan ko ang study room ni Papa. Nakaawang ang pintuan nito at narinig ko ang usapan sa loob.  Naglakad ako lagpas ng pintuan ngunit tumigil muna at nakinig nang hindi ako nakikita.


Sumilip ako at naaninag ang aking mga magulang. Nakasandal si Papa sa may pader at sa tabi niya ay nakaupo si Mama sa isang Longjohn couch.


"Labis na nagtatampo sa iyo ang ating panganay. Sana ay humingi ka ng paumanhin sa pagsampal mo sa kanya noong nakaraan."


Bakas ang pag-aalala sa tinig ng aking ina. Kumunot ang noo ni Papa at humalukipkip.


"Pinagsisisihan ko ang aking ginawa."


"Ngunit di ka pa lumalapit sa kanya at humihingi ng tawad."


"Pinahuhupa ko lang ang mga naganap."


Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod. Halos hindi ako makahinga habang hinihintay ang susunod na magsasalita sa kanilang dalawa.


"Eloisa, hindi ko na halos makilala si Rania pagkatapos ng usapang iyon. Ako ay nangangamba na baka napapariwara na siya dahil doon siya nag-aaral sa eskwelang iyon."


"Ngunit may punto rin siya, Jaime. Wala ka nang panahon para sa iyong pamilya. Inaamin ko, ganoon din ang aking nararamdaman. Sana lang ay huwag kang magbabad masyado sa trabaho. Andiyan naman ang iba nating mga kamag-anak at kaibigan para tulungan ka sa pagpapalakad ng negosyo."


"Nagagawa ko naman ito. Hindi ko pwede basta ipagkatiwala ang Luxuriant sa kung kani-kanino."


"Ngunit dumidikit ka nga sa presidente para lang umangat. At sana ayusin mo ang iyong pagtrato sa mga empleyado. Nakalimutan mo na ba kung sino ako nang ako ay magtrabaho sa iyo? Isa lang din simpleng empleyado gaya nila."


"Pati ba naman ikaw, sinusumbatan ako?"


Napapikit ako nang marinig ang pananalita ng aking ama sa aking ina. Malakas ang dagundong ng aking dibdib, naghihintay kung mauuwi ito sa away o matatapos ang pag-uusap.


"It's a fact, Sir Jaime Miranda. I think your business will thrive with your own hard work."


Narinig ko ang wagas na tawa ni Papa.


"I miss you calling me Sir, Secretary Aldaba. Stand up and come here."


I sneaked a peek and saw my mom hugging my dad. Then she looked up to him and said:


"Kailangan mong kumalma minsan."


"Anong magagawa ko, nagnenegosyo ako nang maayos at customer sa atin ang First Family. Wala akong problema sa kanila."


"Minsan, kailangan mo rin makinig sa amin, lalo na sa iyong mga anak."


"What does Rania know? She better choose her crowd carefully or she will end up as a rebel in the mountains."


"Nauunawaan ko ang kanyang pinaglalaban, iparamdam lang natin sa kanya ang ating tiwala at paalalahanan siya na mag-ingat. Jaime, our daughters are intelligent. Alam ni Ranie ang kanyang ginagawa," paalala ng aking ina.


"Na sumama sa isang aktibista? One of these days, I'll give them a lesson."


"How about I give you a lesson instead, Sir Jaime?"


"Eloisa, stop fiddling with my shirt buttons. Not here."


"Ito naman, tayo lang ang nandito. Tulog na ang mga bata."


Pinigilan kong tumawa. Ayoko nang silipin ang kanilang susunod na gagawin kaya umakyat na lang ako patungo sa aking kwarto.


Tatanggapin ko ba ang paghingi ng tawad ni Papa kung sakaling dumating ang araw na iyon?


Hindi ko alam.


Mas mabuti kung unti-unti siyang magbabago kaysa isang simpleng patawad na wala namang mangyayari pagkatapos.


Sa ngayon, mas tanggap ko na lalayo muna kami sa isa't isa at hindi magkikibuan.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top