/18/ Planetarium

Kinausap ko si Bestre sa telepono at nagtakda ng isang pagkikita. Sa pagkakataong ito ay isinama ko na si Adie. Mabuti namin itong pinagplanuhan.


Nagpaalam ako kay Mama at pumayag ito, sa kondisyon na kailangan naming makauwi bago sa oras ng aming hapunan. At binalak namin ang tagpong ito sa umaga ng Sabado, isang linggo pagkatapos akong sumakay ng bus kasama si Bestre. Dadalhin ko na ang aking kotse para mas maalwan ang aming byahe.


Mas excited pa si Adie kaysa sa akin kaya hindi ito nakatulog. Pinatabi ko na lang siya sa aking higaan at kahit hatinggabi na ito dinalaw ng antok, mas nauna pa siyang bumangon. Naabutan ko siya ng alas-otso ng umaga na bagong ligo at nakabihis na ng striped t-shirt, denim shorts, at sneakers.


"Ate let's go!" She jumped up to her feet and hugged me while I was still in my pajamas. "I want to meet your boyfriend!"


I smiled and stroked her hair. "Ang aga mo yata. Kakain muna ako ah. Maghintay ka muna."


I did all my routine. An hour later, we were on the way to Luneta. Hindi mapakali si Adie sa kanyang upuan at panay ang tingin niya sa labas.


"Ate, akala ko sa Manila Bay tayo."


"Dito muna sa Luneta, Adie. Magtutungo muna tayo sa Planetarium. Di ba, gusto mo ulit magpunta doon?"


"With your boyfriend?"


"Oo naman."


I smiled at the sight of Adie looking so excited beside me on the passenger seat. Kahit nakapag-field trip na ito sa nasabing lugar, parang ito ang una niyang pagkakataon na makakadalaw dito.


"Mabait ba si Kuya Bestre?"


"Oo. You will like him." Lihim akong nasasabik sa magiging reaksyon nila sa isa't isa kapag sila ay nagkita na.


"Sana kasing-guwapo siya ni Donny Osmond!" Kinikilig na pinahayag ni Adie.


"Mas guwapo siya kaysa sa paborito mong singer na si Donny!"


"Ay gusto ko na siyang makita!"


"Mas kinikilig ka pa sa akin ah!" Tawa ko.


Nakarating na kami sa Luneta, na kilala rin bilang Rizal Park. Ipinarada ko muna ang aking sasakyan at nang makababa kami ni Adie, agad na kaming naglakad patungo sa Planetarium, na matatagpuan sa gitna ng Chinese Garden at Japanese Garden.


Pero bago kami makarating sa Planetarium, inaya ako ni Adie sa Chinese Garden para tignan ang mga tanim na bulaklak. Humingi si Adie ng isang picture. Buti ay dinala ko ang aking portable camera na Kodak Instamatic X-15F sa aking shoulder bag. Pagkatapos ng ilang kuha, inaya ko na ang aking kapatid para sa aming pakay.


"Ate, what time is the show?" Tanong niya nang makapasok na kami sa Planetarium. Tumigil muna kami sa lobby.


"Eleven-thirty ang susunod na palabas, kaya bibili na ako ng tickets natin."


"Di mo na kailangang bumili."


Iginala ko ang aking paningin at nakita ko agad si Bestre na nakangiting naglalakad papalapit sa amin.


"Andito ka na pala." Saglit akong yumakap sa kanya.


"Kanina pa ako naghihintay," tugon nito.


"Ay, ito nga pala ang kapatid ko, si---"


Akma ko nang ipakikilala si Adie pero agad na lumapit ito kay Bestre. Nakangiti siyang naglahad ng kanyang kamay.


"Hello! I'm Anna Diana Miranda. Call me Adie instead. Are you Bestre?"


Abot-mata ang ngiti ni Bestre. Marahan siyang nakipagkamay kay Adie at sumagot.


"Oo, ako iyon. Silvestre ang totoo kong pangalan."


Natigilan si Adie at pabalik-balik ang kanyang paningin sa aming dalawa. Ngumuso ito at nag-komento.


"You look good together. He looks like a smart man. I like him already for you. He looks better than Donny Osmond."


"Siyempre naman, magaling pumili ang iyong Ate," ngumisi si Bestre.


"Can you speak English?" Pag-usisa ni Adie.


"Of course!" Natawa na si Bestre. "Pero hindi tayo buong araw mag-i-Inglishan!"


"Sige, basta ako nasa gitna niyo sa show mamaya! We will enjoy this day together!"


"Apir tayo!" Nakipag-high five si Bestre kay Adie.


I breathed in relief. Nararamdaman ko na magkakasundo ang dalawa.


Nakabili na si Bestre ng tatlong tickets para sa Planetarium show. Pumila na kami at pumasok sa isang malaking kwarto na may dome sa itaas. Pabilog ang pagkakapuwesto ng mga upuan. Karamihan sa mga manonood ay mga magulang kasama ang kanilang mga anak. May pumasok na isang grupo ng mga estudyante na naka-uniporme na pinamumunuan ng kanilang guro at isang teacher aide.


"Grade Two students, dito tayo maupo," tawag sa kanila ng guro. Sumunod sila at inokupa ang kabilang bahagi ng kwarto.


Nakahanap kami ng maayos na mauupuan at gaya ng pinangako ni Adie, siya ang pumagitna sa amin ni Bestre.


"The room will be dark later. Kaya ako nasa gitna, para di kayo mag-kiss!" She giggled.


"Hindi lang isang beses nangyari iyon! Ate mo pa ang nauuna!" Bestre stared at me and gave me a knowing look.


"Ate, don't kiss him too much!" Adie's eyes widened at me.


"Itong si Bestre, nilalaglag ako!" Pabiro ko siyang binatukan.


Nagsalita ang announcer sa speakers.


"The show will begin in five minutes. Please sit still. The room will be dark."


Pinaalalahanan ko si Adie na umayos sa kanyang upuan. Behind her, I reached out for Bestre and held his arm. When he felt my hand, he gave me a glance and nodded.


Nagsimula nang magdilim ang buong paligid. Tumingala ako sa dome at nakita ang paglitaw ng mga munting ilaw na nakakalat sa iba't ibang posisyon. They were made to look like constellations scattered across a clear night sky.


Ito ang simula ng palabas dito sa Planetarium. May speaker na tinatalakay ang tungkol sa mga bituin at ang Solar System. Kahit kabisado ko naman ang basic facts tungkol dito, parang inaaral ko ulit ito sa unang pagkakataon. Nakadagdag pa ang nakamamanghang visuals ng Planetarium Show para ako ay muling ma-engganyo.


Kalahating oras nagtagal ang palabas, at nang matapos na ito, nagpalakpakan ang mga nanonood.


"That was fun!" Masayang winika ni Adie nang makalabas na kami ng Planetarium. "By the way, saan tayo kakain ng lunch?"


Nagkatinginan kami ni Bestre.


"Saan mo balak?" Tanong ko sa kanya.


"Kahit saan," ika niya.


"Saang kahit saan mo gusto?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Ikaw ang bahala," kibit-balikat ni Bestre.


Pumamewang si Adie. "Walang kahit saan na restaurant! Make up your minds!"


"Adie, okay lang ba kung hindi tayo sa restaurant kakain?" Tanong ko.


"Okay lang kahit sa restaurant pa iyan," sumabat ni Bestre. "May dala akong salapi."


"I will decide where to eat. Sa Spaghetti House sa Ermita, doon tayo magtungo," pahayag ni Adie.


Doon kami nauwi sa bandang huli. Buti ay di ito ganoon kalayo mula sa Luneta, kahit na nagbyahe pa kami patungo doon. Si Bestre ang nag-alok na magmaneho para sa amin pati na rin sa pagbabayad ng aming kakainin.


"Di mo na kailangang gawin iyon," ika ko habang kami ay nanananghalian. Isang malaking platter ng meatball spaghetti, isang basket ng garlic bread, at pitsel ng iced tea ang aming pinagsasaluhan.


"Tignan mo si Adie, sarap na sarap sa spaghetti dahil ako ang magbabayad." Ngumiti si Bestre sa aking kapatid, na nakatabi sa kanya.


"Masarap nga kasi si Kuya Bestre ang magbabayad!" Adie smiled and gave a thumbs-up.


"May sauce ka sa pisngi," iniabot ko sa kanya ang white table napkin para punasan niya ang kanyang mukha.


"Sabi ko sa inyo, masarap kasi ako ang taga-bayad!" Ngumisi si Bestre.


I smiled at him and continued with our meal.


Bandang tanghali, dinayo namin ang skating rink sa na may globe fountain sa gitna. Sumilong muna kami sa Finance Building at nagpalipas ng init ng araw. Masaya kaming nagkukwentuhan at panay ang kuha sa amin ni Adie ng mga larawan gamit ang aking camera.


"Baka maubos ang film," paalala ko nang inabot na sa akin ni Adie ang camera.


"Ayaw mo iyon, marami kayong photos at memories?" Ngiti niya. "Baka hindi na ito maulit eh."


"Malay mo, kapag naging mag-asawa kami, mas maraming pictures," I assured her, staring at Bestre.


"Sana di ito ang huli nating mga larawan," pahiwatig nito.


"Don't talk like that, may happily ever after kayo ni Ate Ranie." Adie said it as if it was true.


Matamlay na ngumiti sa akin si Bestre na para bang alam na niya ang kanyang magiging hinaharap. Hindi ko lang masabi sa aking kapatid na delikado ang landas na tinatahak ng kanyang bagong kuya. Siya ay isang aktibistang manunulat at walang kasiguraduhan ang mga darating pang bukas para sa kanya, para sa aming dalawa.


Mga bandang alas tres y media na kami tumuloy sa aming skating session. Tinuruan namin ni Bestre si Adie na bumalanse habang suot ang roller skates. Maya't maya pa ay kaya na niyang mag-skate nang mag-isa. Kinunan ko ng larawan si Adie habang nagro-roller skates.


"Thank you pala sa pagdala niyo sa akin dito."


Nasa Manila Bay na kami para panoorin ang sunset at nakaupo sa isang bench. Nakapagitan si Adie sa aming dalawa habang kami ay kumakain ng hopia, mani, at softdrinks.


"No problem, I'm happy to meet you." Ngumiti si Bestre kay Adie.


"Cute mo mag-English," Adie clutched his arm and leaned on him. "Next time, kasal niyo nang dalawa ang pupuntahan ko ah? Ako flower girl or junior bridesmaid."


"Sana nga, pero di muna ngayon." Bestre did a high-five with her again.


As we watched the sunset setting, Bestre placed an arm around my shoulder while I leaned on him. How I wish that time will just stop for both of us and give us moments like these forever.


Masayang yumakap si Adie kay Bestre bago kami naghiwalay ng landas. Yumakap ako sa kanya na para bang ayaw ko na siyang pakawalan pa.


"Sa isang buwan na ang alis ko. Susulat ako sa iyo kung may pagkakataon," bulong niya.


"Hihintayin ko iyon," tugon ko. "Ay, oo nga pala, paano yung nobelang pinahiram mo sa akin? Banned book iyon, naiwan ko pa sa bahay, at ibabalik ko sana ngayon sa iyo."


"Pakisunog na lang," utos niya.


"Sige."


Tuluyan nang nagpaalam si Bestre sa aming dalawa ni Adie. Sumakay na kami sa kotse pagkatapos at nagbyahe na pauwi sa amin.


Nang makarating na kami sa aming bahay, bumungad sa salas sila Papa at Mama na magkatabing nakaupo.


"Buti nakauwi na kayo, at di kayo ginabi," bati ni Mama sabay yakap sa amin ni Adie. I looked at my mom. She seemed worried and I don't know why.


"Saan kayo galing?" Seryosong tanong ni Papa.


"Pa, namasyal lang kami," ngiti ko sa kanya. But Papa did not smile back at me. Instead, he approached the sofa and grabbed something.


"Can you explain what this book is doing inside our house?"


He held it in front of me. It was the banned novel I borrowed from Bestre, the one I planned to burn.


"Adie, go to your room," pakiusap ni Mama sa kanya.


Adie walked off. Naiwan akong kasama sila Mama na nag-aalala, at si Papa na nagpipigil ng galit.


I was caught already, and I cannot lie to them.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top