/16/ The Dinner Date

"Good evening, Carlos."


"Jaime! It's good to see you again! By the way, is that your eldest daughter?"


I stepped forward the moment my dad's business colleague noticed me. "Good evening Mr. Guanzon. I'm Rania Elvira Miranda, the eldest daughter of the Miranda family."


Matipid akong ngumiti kay Mr. Carlos Guanzon. He had dark hair with some graying strands, wore thick-rimmed glasses, and a gray suit and pants set. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at nakipagkamay ako sa kanya.


"She is a fine young lady. I'm sure my son will like her." Napangiti si Mr. Guanzon sa naiisip.


"Nasaan ba si Claudio?" Tanong ni Papa.


"Nasa men's room pa. Mukhang kinakabahan sa magiging meeting ngayong gabi. Sabi ko, relax lang siya, hindi pa naman ito mauuwi sa marriage engagement," biro ni Mr. Guanzon.


"I'll be excited if this meeting leads to the altar," Dad can't help but smile.


"Pa," mariin kong sinabi sabay sulyap sa aking ama. Dad raised his eyebrows at me and laughed.


"Look at my daughter, she's protesting over the idea! Halika na nga, pumasok na tayo sa loob ng restaurant."


"Mukhang nagugutom na nga ang aking compadre, kung ano-ano ang naiisip!" Natawa si Mr. Guanzon.


Sabay kaming naglakad sa gitna ng hotel lobby. Nasa kanang bahagi ako ni Papa habang patuloy silang nag-uusap ni Mr. Guanzon sa kaliwa niya. They seem to be enjoying this conversation and the many possibilities this night will bring. Well, only for them, except for me.


Kinakabahan ako sa magiging mga ganap mamaya. Sana lang di ito mauwi sa marriage engagement at business deal. Ganito talaga sa mga may kaya. Karamihan ng business deals ay nagiging engagement na rin ng kani-kanilang mga anak kung may pagkakataon.


Inaliw ko na lang ang sarili habang nililibot ang aking paningin sa interiors ng hotel. Grandioso ang nasabing lugar; sa ceiling ay may isang hilera ng mga maliliit na chandeliers na nagbibigay ng ilaw sa lobby. Ang sahig naman nito ay gawa sa marble tiles at may grand wooden staircase sa gitna na may red carpet. Pabalik-balik ang mga tao sa hallway, mula sa mga bisitang paparating at papaalis, mga bell boy na may hinihilang trolley ng mga maleta, at isang waiter na humahangos sa paglalakad at mukhang balisa.


Naalala ko si Bestre at kung paano kami nagkita sa hotel noong may fashion show si Mama. Ano kayang ginagawa niya ngayong gabi? Paano ko sasabihin na may ipapakilalang binata sa akin at ang layunin ito ay para kami ay maging mag-nobyo?


I got a hold of myself and took a deep breath. I hope that this potential engagement won't be forced on us or that it will end sooner. My hands smoothened the skirts of my beige long-sleeved dress as I keep my footsteps lighter. But my black high heeled sandals kept making loud sounds against the white marble floors.


Hindi kami umakyat patungo sa second floor. Sa halip ay kumanan kami at nagpunta sa restaurant, kung saan maagang nagpa-reserve si Papa ng table for 4.


Nang makapasok kami sa resto, inaya kami ni Papa sa pinakasulok nito. Dito ko nalaman na tanaw ang Manila Bay mula sa kinauupuan namin. The night sky outside helped me calm down, together with the serene waters of the bay.


"Sit beside me, Ranie." Hinila ni Papa ang isang upuan at dito ako naupo. Dad sat by the wide glass window, while Mr. Guanzon sat in front of him. The seat beside the elderly businessman remained empty.


"Ang tagal yatang dumating ng unico hijo mo," ika ni Papa kay Mr. Guanzon.


"Dad, sorry, I'm late."


Isang binata na naka brown coat and tie ang naglakad patungo kay Mr. Guanzon. Nagmano ito dito at papaupo na sana nang pigilan ito ng ginoo.


"Greet Mr. Miranda and his daughter a good evening," mariin na pakiusap ni Mr. Guanzon.


Natigilan ang nasabing binata at ibinaling ang tingin sa amin ni Papa. A shy smile showed up and he extended his hand to my dad.


"Good evening, Mr. Miranda," magalang niyang tugon.


"You must be Claudio," my dad shook hands with him and let go of it.


"Yes sir."


"This is my daughter, Rania Elvira," pakilala sa akin ni Papa.


Tumayo ako at nakipagkamay kay Claudio Guanzon. "Just call me Ranie."


"Okay, Ranie." Nahihiya siyang ngumiti sa akin at naupo na rin siya sa harapan ko.


Nagsimula na ang hapunan nang dumating ang waiter na hila-hila ang aming food tray. Inihain na ito sa amin. Umorder pala si Papa ng isang set ng meal na good for 4 people. Sa totoo lang, gusto ko ang mga pagkain na salad, roasted chicken, fried rice, at gelatin na panghimagas. Pampalubag-loob na ito sa akin ngayong gabi.


Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang usapan nila tungkol sa negosyo, politika, mga makapangyarihang koneksyon, at buhay pamilya. Sinulyapan ko si Claudio sa aking harapan, at napansin ko na halos pareho kami ng reaksyon. Sa katunayan nga, gumagawa na siya ng origami mula sa paper napkin ng hotel.


"Kayong dalawa, mapapanisan na kayo ng laway, mag-usap naman kayo!" Tawa ni Mr. Guanzon.


"I think we should leave them alone for a while," Papa suggested. "Malalaki na kayo, iiwan na namin kayo dito habang nasa wine bar lang kami ni Carlos," ngisi nito. "See you here at the same table this 10:00pm."


"You can walk around outside, there's a view point overlooking Manila Bay. See you later!" Tumayo na si Mr. Guanzon at sumabay na rin si Papa sa pagsama sa kanya patungo sa wine bar, na nasa dulo pa ng restaurant.


Nang maiwan na lang kami ni Claudio sa table, ay narinig ko ulit ang kanyang mahinang tinig.


"Do you want to go outside?"


"Sure."


Sabay kaming tumayo at naglakad palabas ng resto. Magandang ideya magtungo sa view deck kung saan tanaw ang Manila Bay.


We stood beside each other as we leaned over the railings. I waited for Claudio to start a conversation. But he just remained fixated on the bay in front of us.


"Saan ka nag-aaral?" Ako na ang nagpasya na magsalita.


"I'm done with college now. Nasa company ako ngayon nila Papa, as an assistant," sagot nito. "I will be taking over their business someday."


"College student ako, magiging third year this June," ika ko. "Siguro mas matanda ka kaysa sa akin."


"I'm twenty-three," agad niyang sinambit.


"Nineteen naman ako."


"Masyado pa tayong bata para isipin nila na ipakasal tayo," komento ni Claudio. "Ang mga matatanda talaga!"


For the first time, I saw him laughing. I noticed his well-defined jaw, his smile brighter than the half-moon tonight, and his long and curly hair bouncing together with the motion of his head. May itsura siya kung tutuusin.


"Kaya nga eh," pagsang-ayon ko.


Bahagyang lumapit sa akin si Claudio at bumulong sa aking tainga:


"Don't tell my father and yours, but I already like someone else."


Napanganga ako sa aking narinig. "Seryoso ka?"


Tumango si Claudio. "We are seeing each other in secret. She's an upcoming actress, but in a bomba film. We are in love with each other. Isang araw, magiging malaya na kami. Di ko na hahabulin ang yaman ng aking pamilya, basta makapiling lang namin ang isa't-isa."


I was floored at what I just found out. "Then why did you agree to meet me?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Just to please them. You know how rich families are," he smirked. "Ikaw, baka may gusto kang sabihin."


"I have someone else too," I smiled.


Napapalakpak tuloy si Claudio. "Aba, naayon ang pagkakataon sa ating dalawa!" His smile was brighter this time, as if he won the Sweepstakes.


"So, anong balak mo ngayon? Mukhang pinagpilitan tayong maging magsing-irog."


"Let's just play along with it and lead them on," kumindat si Claudio sa akin. "Make it one or two months, then let's stage a grand break-up."


"How do we show we are dating?" Tanong ko.


"Saan ka pumapasok na school? Susunduin kita tapos date tayo kung saan."


I mentioned the name of my university and Claudio's jaw dropped. "Hanep, sa state university pa man din! Di ba puro mga aktibista doon?"


"Oo, in fact, my secret boyfriend is an activist," I grinned.


"Alam ba ng pamilya mo?"


"Of course not. I'm just biding my time in letting them know. Or I might not let them know at all."


"Baka sugurin tayo ng boyfriend mo na tibak," pag-aalangan ni Claudio. "For sure he'll go crazy at the thought of you dating me."


"Hindi iyan. Simulan natin ito next week, sa darating na pasukan. Just meet me at the back gate every Wednesday. 4pm, Gate number 7. It's a deal. We go along with the dating plan, and then break-up afterwards," petisyon ko.


Claudio thought about it for a while. A sly grin lined his lips. Then he shook hands with me.


"Deal."


We remained talking for some more about our plan. Bumalik kami sa loob ng restaurant na magkaakbay ng braso. Syempre, natuwa ang aming mga ama na makita kaming magkasundo kaagad.


"Goodnight Claudio, see you on Wednesday," ngiti ko.


"Excited na nga akong makita ka ulit at maka-date," Claudio smiled back at me.


Para mas mukhang convincing, lumapit ako kay Claudio at humalik sa kanyang pisngi. He stared back at me, his grin never leaving his face. We both know that the show just started.


"Ang bilis naman yata, halik agad oh!" Natawa tuloy si Mr. Guanzon.


"Hanggang pisngi lang muna, Ranie," pabirong paalala ni Papa.


"Yes, Papa, I'm obedient," natawa ako. "Sige, mauna na kami. Salamat po, Mr. Guanzon, for allowing me to meet your son."


"My pleasure, Ms. Miranda," ngiti ni Mr. Guanzon sa akin. "We hope to see more of your presence."


I waved them goodbye together with my dad. We boarded the car with our chauffeur driving us home.


I leaned in my seat and looked out the window. Ngumiti ako sa naging kinahinatnan ng gabing ito.


Pero nag-aalangan din ako. Paano kung malaman ng aking pamilya ang aking lihim na nobyo?


Ngunit sabi ni Claudio, siya ang bahala sa aming dalawa. May tiwala naman ako na tutupad siya sa aming napag-usapan.


Sana lang ay magawa nang maayos ang aming plano. Dalawang buwan lang kami magtitiis. Dalawang buwan. Kaya iyan.

---

Pagbalik ko sa unibersidad nang dumating na Hunyo, ikinuwento ko kina Tina at Alma ang naging tagpo sa hotel. Nagkataong dumating din si Mia habang kami ay nasa canteen.


"Ano, Ranie, namamangka ka sa dalawang ilog?" Nagulantang si Tina sa nalaman.


"Paano kayo ni Bestre?" Tanong ni Alma.


"Dinaig pa ako nito!" Napahalakhak tuloy si Mia. "May tinatago ka palang kulo ah!"


"Sabi ni Claudio sa usapan namin, kunwari lang kaming magde-date. Susunduin niya ako kada Miyerkules ng hapon sa  Gate 7. Kaya kailangan ko ng look-out," pakiusap ko.
"Huwag niyo munang ikukwento kina Bestre at sa mga kaibigan niya."


"Naiintindihan kita, talagang pinagkakasundo ang mga may-kaya sa kapwa nila mayaman," tumango si Mia. "Pero may klase ako ng Miyerkules hanggang 5pm."


"Ako na lang maghahatid sa iyo, total, magkaklase naman tayo that day," alok ni Tina.


"Sige, salamat," napabuntong-hininga ako. "Huwag niyong sasabihin kina Jepoy at Ferdie," wika ko kina Alma at Mia.


"Makaaasa ka, Ranie," pangako ni Alma.


"Two months lang pala ang usapan, naku, agahan niyo na break-up niyo! Kunwari ako ang third party," natawa si Mia sa naiisip.


"May nobya raw si Claudio," kwento ko.


"Ah, mabuti, eh di doble ang gulo kapag nalaman ng mga magulang ninyo!" Biro ni Mia.


"Nagsalita ang may lihim na relasyon dito," siniko siya ni Alma.


"Dalawa na nga sila ni Ranie!" Ngisi sa akin ni Tina. "Hay, pag-ibig, masdan mo ang iyong ginagawa sa aking mga kaibigan!"


Nagtawanan kaming lahat. Sa gitna ng aking mga pangamba at iniisip, natutuwa ako na nandito ang aking mga kaibigan, ang Charlie's Angels, para gumaan ang aking kalooban.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top