/14/Uncertain Future

Mabilis lang na dumaan ang buwan ng Marso. Natapos ito sa tenth birthday party ni Adie noong 31, na ginanap sa isang pizza parlor. Kami ng aking mga magulang ay dumalo, at inimbita rin ang mga kaibigan ni Adie sa eskwenlahan.


Masaya kong pinanood si Adie na hinipan ang kanyang birthday candles pagkatapos ng Happy Birthday song. Nagpalakpakan ang kanyang mga kaibigan pati na rin sila Mama at Papa. Nagkaroon ng kainan pagkatapos, kung saan malalaking mga pizza, fried chicken, at spaghetti ang hinanda ng restaurant.


Hindi maikakaila ang kasiyahan ni Adie sa gitna ng selebrasyon. Natutuwa ako para sa kanya, ngunit naiisip ko rin kung anong klaseng lipunan ang kanyang madadatnan habang siya ay lumalaki at nagkakaisip.


Will she become like me at first, who was apathetic and lives in her own world without a care? Or will she slowly open her eyes and see that not everything is all about having a wealthy life? Will she do something about it and help out her fellowmen live better lives? She doesn't need to be a hero to do this. But I hope she will learn to be concerned about other people too. I hope she learns what I just learned, that we are all connected despite our differences.


Pero sa ngayon, sana mag-enjoy muna siya sa pagiging bata, at huwag madaliin ang paglaki.


"Ate, masaya ako today. Pinayagan ako ni Mama na magsuot ng red t-shirt at bell bottom denims ngayong birthday ko. Tapos ang dami ko rin gifts! Pero pinaka-favorite ko yung binigay mo, yung mini handbag na kulay pink."


Ngumiti ako kay Adie habang kami ay magkatabi sa aking kama ngayong gabi. "I'm glad you like my gift. Last-minute present ko na iyon, kahapon ko lang binili."


"You have great taste in bags! Bagay iyon sa white dress ko. Dadalhin ko sa church this Sunday," Adie promised.


"You will look good in it." I smoothed her hair and kissed the side of her head. "Let's sleep now."


"I'll sleep beside you tonight," nahiga si Adie sa aking tabi at tumagilid sa akin. "Last night ko na dito tapos I will sleep in my own room."


"Welcome ka naman matulog dito anytime. Mami-miss ka ni Ate Ranie." I pinched her nose playfully.


"Ate, I know you're busy. I don't want to bother you so much. Ipapakita ko sa iyo na big girl na talaga ako."


I can't help but laugh softly at her. "You will always be my little sister, Adie."


"Kahit little pa rin ako sa iyo, we can tell each other secrets. Ate, if you have a boyfriend, please introduce me to him. I want him to be my kuya."


Napalugok ako. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag sila ni Bestre ay magkita? Lalo na ang layo ng itsura at pagkatao ni Bestre sa dati kong nobyo na si David. Hanggang kailan ko kaya ito maitatago sa kanila?


Siguro huwag muna ako mag-alala tungkol dito.


"Happy birthday ulit. Good night."


As I lay down beside my sister, I stared at her innocent face. Her eyes were closed and a small smile formed on her lips.


Don't grow up so fast, my dear Adie.

–--

Ngayong Sabado, pagkakain ng pananghalian ay paakyat na sana ako sa aking kwarto nang lumapit sa akin ang aming kasamabahay na si Shirley.


"Ma'am Ranie, may tawag kayo," bulong nito.


"Sino raw?"


"Barbara ang pangalan. Kaklase niyo raw."


Pinigilan ko ang mapangiti. Alam ko kung sino ang taong iyon.


"Sige, puntahan ko na sa salas. Salamat."


Halos mapatakbo na ako papalabas ng dining room at nang makaupo na ako sa sofa, agad kong pinulot ang phone receiver at huminga nang malalim.


"Hi Barbara." Nailabas ko na ang tawa na kanina ko pa pinipigilan.


"Hi Ranie!"


Mas lalo akong natawa sa maliit at ipit na boses ni Bestre sa kabilang linya.


"Mukhang nagtagumpay ako sa ginawa ko, kaya panay ang tawa mo diyan," ika niya. May naging usapan kami na magboses-babae siya kung tatawag sa aming tahanan, para di makahalata ang kung sino mang makakasagot ng telepono.


Naiisip ko ang nakakunot na noo ni Bestre ay mas lalo akong natawa. "Oo na, hindi na po tatawa!"


Sumandal ako sa sofa at nagsimula nang maging seryoso.


"Kumusta ka na?" Tanong ni Bestre.


Ngumiti ako sa lambing ng kanyang boses. Bigla tuloy ako nangulila sa kanya. "Ito, kakagaling ko lang sa Laguna kanina. Isang linggo ako nagbakasyon doon. Ikaw, kumusta na?"


"Kakagaling ko lang din sa San Jose del Monte sa Bulacan. Andoon ang U.G. house, kung saan nilalathala ang susunod na isyu ng aming pahayagan," kwento nito. "Isang linggo rin ako nawala kagaya mo."


"Hindi ba kayo mahuhuli diyan?" Labis akong nag-alala.


"Tago itong bahay na pinuntahan ko at malayo sa mga kabahayan," bulong ni Bestre. "Buti na lang di pa kami nahuhuli ng mga awtoridad."


"Nasaan ka ngayon?"


"Andito sa aming bahay. Hindi pa nakakahalata ang aking ina. Huwag kang mag-alala, marunong akong mag-ingat."


I felt uneasy at the thought of Bestre getting arrested. Not now, not tomorrow, but there is a big possibility. Sana matagal-tagal ko pa siyang makasama.


"Andoon ka pa sa hotel na iyong pinagtatrabahuhan?" Buti at naalala ko ang aming naging tagpo ni Bestre sa hotel.


"Wala na, kaka-resign ko lang pagkatapos ng anim na buwan. Buti nakaipon ako kahit part-timer lang ako doon. Nagamit ko rin na pondo para sa publication."


"Pwede ba tayo magkita ngayon?" Hiling ko.


"Saan?"


"May alam ka bang lugar?"


"Gusto mo sa Luneta? May skating rink sa Agrifina Circle. Hindi tayo mapaghihinalaan doon," alok ni Bestre.


Ngumiti ako at sumagot.


"Sige, mga bandang alas tres y media. Dadalhin ko ang aking kotse."


"Tamang-tama, makakasakay rin ako sa tsikot mo," biro ni Bestre.


Nang sumapit ang alas dos y media, nagsimula na akong maghanda para sa impromptu date namin. Sinigurado kong huwag magsuot ng palda o dress. Sa halip, nagsuot ako ng dilaw na t-shirt, white shorts, at black sneakers. Naka-ponytail ang aking buhok at dinala ko ang aking black canvas shoulder bag.


"Mama, aalis lang ako. Makikipagkita lang sa mga kaibigan."


Napatingin si Mama mula sa magazine na kanyang binabasa sa salas. "Mag-iingat ka, Ranie. Agahan mo ang pag-uwi."


Humalik ako sa aking ina. "Bye po."


Lumabas ako ng bahay at sumakay sa aking kotse. Habang ako ay nasa biyahe, doon ko lang natanto na ito ang unang beses na gumawa ako ng palusot sa aking ina. May kung anong kirot ang aking naramdaman. Sana lang hindi ko na ito maulit pa.


Nang makarating ako sa Luneta o Rizal Park, ipinarada ko ang aking sasakyan sa may parking at naglakad patungo sa Agrifina Circle. Buti ay nagtanong ako at agad ko itong narating. Malapit ito sa building ng Ministry of Finance at namangha ako nang makita ko ang globe fountain at ang mga skaters na nagpapaikot-ikot sa paligid nito.



Naaninag ko ang mga stone benches at doon ko nakita na nakaupo ang taong aking hinahanap. Likod pa lang ay kilala ko na kung sino ito.


Nakangiti akong lumapit kay Bestre at ipinatong ko ang aking mga kamay sa kanyang mga balikat.


"Hi Barbara!" Natawa ako.


Agad tumayo si Bestre, na bakas ang isang malawak na ngiti sa kanyang mukha. Nakasuot siya ng white t-shirt na may tatlong blue stripes sa gitna, blue jeans, at red rubber shoes.


"Barbara pala ah!" He smirked and gave me a quick peck on the lips.


"Bestre, huwag naman dito sa public place!" Nagulat ako sa kanyang halik sabay sa pag-init ng aking mukha.


"Na-miss lang kita." Yumakap siya sa akin.


"Kahit naman ako." I broke free from his hug and gave him a good look. "Mas naging gwapo ka mula nang huli tayong magkita."


"Palagi akong gwapo," tawa nito. "Ay, gusto mo bang mag-roller skate?"


"Di ako marunong."


"Tuturuan kita. Ayan oh, dalawang roller skates ang hiniram ko." Tinuro niya ang dalawang pares ng four-wheeled skates sa kanyang paanan malapit sa may stone bench.


Lumipas ang isang oras at kalahati na tinuturuan ako ni Bestre na bumalanse sa roller skates. Noong una ay nadapa ako at may kaunting galos sa aking kanang tuhod. Ngunit pinagtiyagaan kong aralin ito, at kalaunan ay magkahawak-kamay na kaming umiikot ni Bestre sa paligid ng globe fountain.


Hindi ko na alintana ang hapdi ng aking galos sa may tuhod. Ang init ng kanyang kamay at ang kanyang ngiti ay sapat na para makalimot kahit saglit at umikot-ikot kasabay ng aming mga hakbang sa roller skating. Dumaan ang oras na wala kaming inaalala.


"Salamat ah, nag-enjoy ako doon."


Inaya ko si Bestre sa may Manila Bay kung saan kami ay nakaupo at kumakain ng merienda na hopia at softdrinks sa plastik.


"Ako rin. Ang bilis mong matutong mag-roller skates."


"Gawin ulit natin," ika ko.


"Siyempre, dito na tayo mag-date palagi." Hinaplos ni Bestre ang aking pisngi at sinalo ko ang kanyang kamay.


"Masakit pa tuhod mo?" tanong niya.


"Hindi na, buti may band-aid kang dala."


"Dati akong Boy Scout, kaya laging handa!" Natawa ito.


Tahimik lang namin pinanood ang paglubog ng araw sa may Manila Bay. Kay gandang pagmasdan ng kalangitan na magkahalong kulay ng orange at pink.


"Alam na ba ng mga magulang mo ang tungkol sa atin?" Biglang tinanong ni Bestre.


"Hindi pa. Pero ang nakababata kong kapatid, nagtatanong kung may nobyo ako. Mukhang gusto kang makilala. Ihanda mo na ang sarili mo, straight English siya magsalita." Natawa ako.


"Mukhang mapapasubo ako doon ah," tawa rin ni Bestre.


"Ten years old na iyon. Sana nga makasundo mo iyon. You'll meet her soon."


As we look out towards the sunset, I know our future is uncertain. I don't know how long this happiness will last. Maybe the lifetime I want to spend with Bestre is only for today, only for a certain time. I am afraid it might not last.


But I will do what I promised to make sure a future happens for us. I want a life beyond this with him by my side.


I want him to be my lifetime.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top