/13/ Another Perspective
Naalala ko noong ako ay first year high school student. Taong 1972 at kakatapos lang ng school year 71-72 nang mabalitaan ko ang pagbomba sa Arca Building sa may Taft Avenue noong Marso 15 ng parehong taon.
Nangyari ito ng Miyerkules. Kakauwi ko lang galing sa eskwela at masaya lang akong isipin na huling periodical exam na ang aming kinuha. I was a fourteen year old high school girl with no worries except for school work. Masaya pa akong napatakbo sa aming malawak na salas nang marinig kong may kausap si Mama sa telepono habang nakaupo sa sofa.
"Jaime, umuwi ka na. Buti tapos na ang inyong meeting," pagmamakaawa nito. Alam kong si Papa ang nasa kabilang linya.
Pinuntahan ko si Mama at naupo sa kanyang tabi. Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha na nakakunot ang noo at puno ng pangamba. Tinignan niya ako at tumango sa akin.
"Oo, andito na si Ranie. Si Adie bagong-gising at nagmemeriyenda sa kusina. Awa ng Diyos, buti nakaalis kayo kaagad sa lugar. Kung hindi, baka ikaw ang mapuruhan... Sige Jaime, see you tonight. Bye."
Tinapos na ni Mama ang tawag at ibinaba na ang phone receiver.
"Kakarating mo lang?" She tried to smile at me even though she was so worried.
"Opo. Teka lang, ano pong nangyari?"
"Yung Papa mo Ranie, nasa meeting sa Arca Building tapos nagkaroon ng bombahan," kwento ni Mama. "Buti na lang at kakalabas lang niya papunta sa car parking area nang mangyari ang pagsabog. May mga nasugatan daw, buti hindi ang Papa mo."
"Thank goodness." Buntong-hininga ko. "Bakit po pala may pagsabog?"
"Hindi ko alam, anak. Pero ayon sa balita, mga urban gerilya ang mga may pakana at konektado sa mga komunista. Gusto nilang pabagsakin ang gobyerno."
"Sana po hindi na magkagulo pa. Kawawa naman po ang mga tao," ika ko.
Yumakap sa akin si Mama at sinabing, "Hindi kayo mapapahamak, dahil palagi ko kayong pinagdarasal."
That was the first of many bombing incidents of that year. Naging usapan sa aming tahanan ang mga pangyayari sa pagdaan ng mga buwan.
"The Plaza Miranda Bombing during September 21 last year, 1971, started it," panimula ni Papa habang kami ay naghahapunan kasama ang aking ina at kapatid. "It's the fault of those communist rebels, I am sure."
"Tapos ngayong buwan, sa Joe's Department Store sa Carriedo," tugon ni Mama. "Buti na lang at hindi ako nagpunta doon noong September 5."
"Marami po bang bad people kaya bawal ako lumabas kasama ninyo sa supermarket?" Tanong ni Adie, na 5 years old.
"Yes, Adie. Stay here at home," ngumiti sa kanya si Mama. "Even your Ate Ranie is not going out with us."
"Ate, play tayo ng tea party sa room ko tomorrow," pag-aaya ni Adie.
"Of course, after I do my homework," pangako ko sa kanya.
"Dapat mag-suspend na sila ng mga klase," komento ni Mama. "Baka pati mga eskwelahan, bombahin nila."
"There are rumors that the president is going to declare Martial Law this month," Papa revealed. "I think it will be best for all of us, para matigil na mga gulo. Ang daming napapahamak na mga sibilyan."
Dumaan ang isang linggo at nang sumapit ang Septyembre 23, na pumatak ng Sabado, tinawag kami ni Papa sa salas. Nakapalibot kami sa aming telebisyon nang umere ang declaration ng Presidente.
Nagkatotoo ang sinabi ni Papa. Martial Law was declared and suddenly, everything was quiet, in an eerie kind of way. But I liked it. I don't feel so scared anymore. Maybe I can go out real soon.
Suspended ang klase at matagal din ito bago kami pinabalik. Nagpasa lang kami ng projects at nag-exam sa school. Lahat kaming mga high school sophomores ay mass promotion. Dahil bata pa ang aking isipan noon, I was just glad that I do not have to exert so much effort in studying and passing exams.
Isa pa, parang denumero ang kinikilos ng mga tao. Hindi ako nakakasama sa pamimili nila Mama sa supermarket o nakakagala sa mga malls, ngunit ayon sa kwento ng mga kasambahay, may curfew na tinatakda mula 12 midnight hanggang 5 am. May mga sinaradong istasyon ng TV, radyo at newspapers dahil tutol sila sa gobyerno. Minsan ko nang napatunayan ito nang sinubukan kong manood ng TV at puro tungkol sa gobyerno lang ang mga palabas. Kaya di ko na lang tinuloy ang plano kong panonood.
Nang pinayagan na akong makalabas, naalala ko na nagtungo kami ni Mama sa Divisoria para dalawin ang textile shop ni Tiya Cely, ang umapon kay Mama noong siya ay dalaga pa.
Everything felt orderly and the people seemed well-disciplined in the streets. Kahit ang aking Tiyahin ay sang-ayon sa pagkakaroon ng Martial Law. Ayon sa kanya, kailangang matutong sumunod ang mga tao para maging maayos ang lahat.
"Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan!" Itinaas ni Tiya Cely ang kanyang kamao habang natawa kami pareho ni Mama. "Totoo naman, basta mapasunod lang ang mga tao. Tignan niyo, natigil ang mga bombahan sa kung saan-saan. Mas nakakahinga na ako nang maluwag at nakakauwi nang maaga dahil sa curfew."
"Buti nga po at di kayo ginagabi ng uwi," tugon ni Mama.
"Oo nga. Ay, nakita ko ang family dinner niyo kasama ang presidente at first lady sa isang magazine. Sana makilala ko rin ang first lady!" Paghanga ni Tiya Cely.
"Oo, dapat po sana si Jaime lang ang pupunta pero isinama na rin niya ang buong pamilya," kwento ni Mama. "Dadalo po ang pangulo sa grand opening ng Luxuriant Department Store. Sila rin po ang supplier ng designer bags and shoes ng first lady at ang kanyang unica hija."
"Nakakatuwa naman at umaangat ang iyong pamilya, Eloisa! Makahingi nga ng handbag mula sa asawa mo!"
Nagtawanan na lang sila ni Mama.
—
Dumalo kami sa Bagong Anyo Fashion Show nang sumunod na linggo. Habang ako ay nanonood ng Final Walk ni Mama bilang isang modelo ng Sandico Models, malalim ang aking iniisip. Kinukumpara ko ang aking paniniwala at ang aking mga nalaman kay Bestre.
In the midst of the applause, the gorgeous designer clothes, the glitter and gold, and my mother shaking hands with the first lady, my mind wandered somewhere else.
Mas naging observant na ako nitong mga nakaraang araw. May matandang namamalimos sa labas ng unibersidad at agad ko siyang binigyan ng pagkain at inumin na binili ko sa kalapit na carinderia.
Nito lang ay narinig kong nag-uusap sila Manang Delia at ang driver ni Papa tungkol daw sa isang binata na sinalvage. Ang bangkay daw nito ay tadtad ng mga marka ng tortyur at nakabalot din ang buong ulo ng packing tape.
I am seeing another perspective, and it's now time for me to do what I can to help, even in a small way.
I want Bestre and people like him to win this fight.
—
"Ang lalim ng iniisip natin ah," puna sa akin ni Ferdie nang lapitan niya ako.
I snapped out of my daze. "Ah, wala lang iyon," ngisi ko. Kasalukuyan akong dumalo sa band practice ng Ligalig, na ginanap sa isang empty auditorium dito sa unibersidad.
"Di ka man lang nakinig sa awitin namin," simangot ni Jepoy mula sa likuran ni Ferdie.
"Ganda kaya ng rendition niyo ng World Without Love," ngiti ko sa dalawa.
"Nambobola ka lang, porke't di si Bestre ang nag-cover," tawa ni Jepoy.
"Marunong ka naman kumanta!" Natawa ako sa kunwaring simangot ni Jepoy.
"Ang tagal naman ng dalawang iyon," kamot-ulo ni Ferdie.
"Sino?" tanong ko.
"Si Bestre, kakatapos lang kasi ng exam niya ngayong araw kaya matatagalan sa pagpunta dito. Yung syota ko, dadaan dito, may dalang merienda," napangiti si Ferdie.
"Himala, pupunta dito si Mia," tawa ni Jepoy.
"Hello!"
Lumingon ako sa tinig ng boses sa likuran. Isang babaeng naka-puting blouse at palda ang lumapit sa amin. May nakasukbit na shoulder bag sa kaliwa niyang balikat at may bitbit itong mga plastik ng softdrinks sa kaliwang kamay at isang plastik bag sa kanang kamay.
Agad akong tumayo at inabot ang bagay na nasa kanang kamay nito. "Salamat ah," ngiti niya. Maputi ito, nakapuyod ang buhok, singkitin ang mga mata, at may kaliitan kaysa sa akin. Inabot ni Ferdie ang mga hawak niyang softdrinks at binigyan ako ng isa. Naupo kaming lahat sa sahig na nakapabilog at pinagsaluhan na namin ang meriendang hopia.
"Ikaw siguro si Mia," ika ko sa bagong dating.
"Hi. Yes, that's me. I'm Mia Fortes." Ngumiti sa akin si Mia at nagkamayan kaming dalawa.
"I'm Ranie Miranda."
"My dad knows your dad. Mr. Miranda visited the inauguration of the Heart Center before," tugon ni Mia. "Papa is the hospital director there."
"I know, it seems like they are good friends," wika ko.
"Hay, nag-Inglishan ang dalawang alta!" I saw Ferdie roll his eyes at us habang malakas na natawa si Jepoy.
Nakinig na lang ako sa kanilang usapan. Dito ko nalaman na pre-med student si Mia, at di alam ng kanyang mga magulang ang relasyon nila ni Ferdie. Hindi ako makaimik, at sa kilos ni Mia, parang balewala lang sa kanya ito.
Nagpasama si Mia sa akin sa labas para manigarilyo pagkatapos ng aming merienda. Nakatayo kami malapit sa entrance ng auditorium, kung saan tanaw ang football field. Nagiging makulimlim ang kalangitan, mukhang uulan. Iniisip ko kung makakarating pa dito si Bestre.
May kinuha si Mia sa loob ng kanyang shoulder bag. Isa itong kahon ng sigarilyo.
"Do you smoke?" Inilapit niya ang nakabukas na kahon sa akin.
"Hindi, salamat."
"Sana okay lang sa iyo, magyoyosi muna ako."
"Go ahead."
Mia stepped an inch away from me and lit a stick of her cigarette with a pink lighter. She took a puff of it and blew a single strand of white smoke into the air.
"Akala ng iba mahinhin ako at di-makabasag pinggan," panimula niya. "Hindi ako mayuming dalaga."
"You do look like one," ika ko. Tahimik ko siyang pinagmasdan in her all-white blouse and pencil skirt uniform, her hair in a bun, brown eyeshadow and pink lips, with a cigarette in her right hand.
"Looks can fool you," she laughed. "Di alam ng mga magulang ko na palihim akong dumadalo sa mga gigs ng Ligalig, kaya ko nakilala si Ferdie. Di rin nila alam na kami ni Ferdie. Sobrang busy kasi nila, halos di na umuuwi kasi pareho silang mga doktor."
"Ganyan din ang aking ama. Pero nakakausap ko pa si Mama," ika ko.
"Buti ka pa." Suminghot muli si Mia ng kanyang sigarilyo at bumuga ng usok. "Minsan buong gabi kaming magkasama ni Ferdie sa kanilang apartment at may ginawa na rin kami na hindi dapat."
The smirk on her face was priceless. Hindi ako makaimik sa aking nalaman.
"Ginusto namin iyon," tawa niya. "Don't worry, we used protection. Di lolobo ang tiyan ko."
"I don't really mind what you do. Nalula lang ako sa aking nalaman," tugon ko.
"Kapag ganito na ako kadaldal, ibig sabihin, palagay ang loob ko sa iyo." Mia placed her hand on mine and smiled. Tinapos na niya ang kanyang sigarilyo. Inilaglag niya ang natirang upos nito at inapakan gamit ang kanyang sapatos.
Magsasalita na sana ako nang nakita kong tumatakbo patungo sa amin si Bestre.
"Oh, ngayon ka lang, tapos na ang merienda," bungad ko.
Humahangos si Bestre at huminga ito nang malalim. "Pasensiya na, nahuli ako dahil tinapos ko ang aking eksamen," kwento niya.
"May pagkain pa sa loob, gusto mo ba?" Alok ni Mia.
"Hindi na, siguro ihahatid ko na lang si Ranie pauwi," sagot ni Bestre.
Hindi maikakaila ang malawak na ngisi ni Mia. "Ranie, pahatid ka na oh."
"Ikaw magmamaneho sa akin," biro ko kay Bestre.
"Tapos ililibre mo ako sa fast food," utos ni Bestre.
"Payag ako!" I stared proudly at him.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Aba, inabutan pa kayo!" Napatingin si Mia sa labas.
"Itutuloy namin ang aming date," kinuha ni Bestre ang aking kamay.
"May payong ka?"
Bunuksan ni Bestre ang kanyang satchel bag at buti na lang may dala siyang folding umbrella.
Binukadkad na niya ito at inalay niya ang kanyang braso sa akin.
"Let's go." Malawak ang kanyang ngiti.
Umakbay na ako kay Bestre at masaya naming sinuong ang malakas na ulan habang nakasukob sa isang maliit na payong. Hindi namin mapigilan ang tumawa kahit na nababasa na ang aming mga paa, mga braso, at ang mga balikat namin. Tinakbo namin ang malayong parking lot, at nang makasakay na si Bestre sa driver's seat, tumabi ako sa kanya.
Napasandal ako habang natatawa pa rin sa aming ginawa. Kinuha ni Bestre ang kanyang panyo at pinunasan ang aking mga basang braso at kamay.
I took this opportunity to steal a kiss from him. He kissed me deeply, as if we're the only lovers left in the world.
The day ended with us eating burgers and drinking soda at a nearby fast food. I do not mind the rain anymore pouring like cats and dogs from outside the window. Di na rin ako nag-aalala kung gagabihin ako ng uwi at baka mapagalitan ako ng aking ama.
For now, it's just me, Bestre, and the rain. For now, the world stopped.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top