/1/ A charmed life
(Wednesday night, January 5, 1977)
"Mama, Papa, please tell us again about your love story!"
"Anak, ilang beses na naming naikwento sa iyo ng Papa mo!"
"Pagbigyan mo na si Adie, 'Loisa!"
I smiled at the scenario here at the restaurant table. Sa tabi ko ay ang aking 9-year old sister na si Anna Diana, na ang palayaw ay Adie. Kumikislap ang kanyang mga mata habang di niya maitago ang kanyang pagkasabik.
Nakaupo sa harapan ng lamesa ang aking mga magulang, sila Jaime at Eloisa. Nagkatinginan sila sa isa't isa sabay ngiti. Si Papa ang nagsimula ng kwento.
"Our love story is straight out of a romance novel. I was your mother's boss, while she worked as my secretary."
Papa took Mama's hand across the table and held it tenderly. He looked at her, still very much in love with her after all these years.
"Totoo iyon," ika ng aking Mama na si Eloisa. "Ngunit ang di ko alam ay magkakilala na kami dati pa. You see, your dad Jaime turned out to be my childhood sweetheart! But something happened during the war at nagkahiwalay kami. Naaksidente ako at nakalimot ng alaala, hanggang sa dumaan ang mga taon at kami ay nagkitang muli. Una pa lang, gustong-gusto ko na ang inyong ama, si Sir Jaime. Kaya pala ganoon, dahil we met before!"
Mama's smile reached her lovely eyes. Jaime, my dad, continued the story.
"At sa hinaba-haba ng prosisyon, sa altar din ang bagsak namin!"
"Ang ganda po ng nangyari sa inyo!" Napatakip ng bibig si Adie sabay ngiti.
Dumating na sa wakas ang aming waiter na may tinutulak na cart, kung saan nakapatong ang aming mga order para sa dinner ngayong gabi. Extra special ang mga pagkain, dahil ngayon ang twentieth wedding anniversary ng aming mga magulang.
January 5, 1957 sila ikinasal. Sa unang tingin ay napakabilis, dahil unang pasok pa lamang ito ng bagong taon at Sabado pa ito nangyari. Ngunit maraming naganap bago sila naging malaya sa kanilang pag-iibigan, kaya ganoon sila kasabik na mag-isang dibdib kaagad.
Tahimik naming pinagsaluhan ang aming dinner dito sa revolving restaurant sa Manila Royal Hotel sa Echague. Maagang nagpa-reserve si Papa para lang sa okasyong ito. Taon-taon namin ito ipinagdiriwang, minsan sa bahay, minsan naman ay sa isang restaurant sa Escolta o Makati. Unang beses ko pa lang narating ang Manila Royal Hotel, na pamoso dahil sa revolving restaurant sa pinakatuktok ng building.
Habang kumakain ay napatanaw ako sa labas. Hindi mo mararamdaman na umiikot ang bilog na disc sa ibabaw ng nasabing hotel, dahil napakabagal ng kilos nito. Ngunit makikita mo na naiiba ang iyong natatanaw. Iginala ko ang aking mga mata sa kawalan, sa kadiliman ng gabi na binibigyang liwanag ng mga ilaw sa city skyline ng pangkalahatang Maynila.
Sa malayo ay ang siyudad ng Makati. Kilala na itong commercial center at dito matatagpuan ang mga shops, boutiques, mga kainan gaya ng Sulo Restaurant, at ang mga theaters gaya ng Rizal Theater at Quad.
At siyempre, andoon din ang Luxuriant, na dating gift shop sa Escolta. Isa na itong malaking department store ngayon at pagmamay-ari ito ng aking ama na si Jaime Miranda.
Kami ni Adie ay "born with a silver spoon." Sa madaling salita, anak-mayaman.
"What are you thinking, Rania Elvira?"
Muntik ko nang nabitawan ang aking mga kubyertos nang marinig ko ang aking buong pangalan na sinambit ng aking ama. Agad akong tumingin sa kanya at tumawa. It's like my dad can read my thoughts about being a rich girl.
"Dad, Ranie na lang!"
"Ang ganda kayang pakinggan ng full name mo. Tunog reyna. Rania Elvira Miranda! My heiress to Luxuriant."
"Papa, maganda rin name ko na Anna Diana Miranda!" protesta ng aking kapatid na si Adie.
"Magaganda mga pangalan niyo, kasi ako ang nakaisip!" Mama smiled.
"Tunay po, Mama!" Adie agreed. "Pero ako po ang magma-manage ng mall paglaki ko!"
"You're only nine, so study hard first. Ate Ranie is nineteen, a business administration student. She's turning twenty in November, kaya she will be training anytime with me," wika ng aking Papa. "Valentine baby namin iyan ng mama mo!"
Dad threw a naughty wink at my mom.
"Jimmy, may bata tayo dito!" Natatawang paalala ni Mama.
"She will understand that, anytime soon," ngisi ni Papa. "Ten years nga bago nasundan iyang unica hija natin!"
"March 31, 1967, ako pinanganak, kaya ako ang unang may birthday party tapos si Ate!" Pahayag ni Adie. "This year, let's have it at the pizza parlor with my school friends before summer vacation!"
"Scheduled na iyan, Adie!" Papa promised her. My little sister instantly brightened up with a smile. Then she turned to me and said:
"Ate, don't forget my gift!"
"Of course, ikaw pa?"
"Basta di na matching dress with you. I'm turning ten, and I don't want to wear dresses! Gusto ko pang-grown up!"
Natawa na lang ako at pinagmasdan ang aming suot ni Adie.
Totoo nga, matching dresses ito in the same shade of mint green, pero iba lang ang tabas. Sa kanya ay may white collar, short puffed sleeves, at balloon type skirt, habang sa akin naman ay sleeveless na may white collar at A-line ang cut ng skirt. Ito na ang nakagawian namin kapag may celebration gaya ng Pasko, Bagong Taon, wedding anniversary ng aking mga magulang, o kaya ay social functions na dinadaluhan namin bilang pamilya. Laging magkapareho ang kulay ng mga damit namin ni Adie.
"Ano ba ang pang-grown up na damit for you?" Tanong ko kay Adie. Di ko mapigilan ang ngumiti. At her age, she speaks her mind and knows what she wants, from clothes to something as grand as managing the family business.
"Yung kagaya ng sa iyo na brown pants na slim at collared blouse! Or sleeveless tapos naka-mini skirt!"
"Lady na kasi si Ate Ranie kaya pwede na siyang magsuot ng ganoon!" Paalala ni Mama. "Enjoy being a little girl muna, okay?"
"But I want to be a grown up already!" Ngumuso si Adie at yumuko.
"Don't worry, we will go shopping together ah," pangako ko sa aking nakababatang kapatid.
"Really?"
"Yes! Sa summer vacation, kapag di na tayo busy sa school!"
"Yehey!"
"Hay, ang bilis ng panahon at may dalawang dalaga na tayo!" Napabuntong-hininga si Papa ngunit bakas sa mukha niya ang ngiti para sa aming magkapatid.
"Iyang si Ranie, hinihiram na rin ang aking mga handbag at sapatos!" Ika ni Mama.
"You bring designer items to school?" Kumunot-noo sa akin si Papa.
"No dad, kapag may function kaming pinupuntahan ni Mama," magalang kong sagot.
"Ma, I'll borrow your bags someday!" Adie declared.
"Ang munting dalaginding!" Biro ni Mama sabay tayo at kurot sa pisngi ni Adie. Natawa na lang kami ni Papa nang nagkunwaring sumimangot si Adie pero natawa na rin siya.
Maya-maya pa ay natapos na ang aming hapunan. Sumakay kami sa kotse ni Papa at nagmaneho na siyang pauwi sa aming tirahan, na matatagpuan sa isang exclusive subdivision sa Makati.
Pagkadating sa bahay, ginising ko si Adie, na nakaidlip na sa aking tabi.
"We're home now," bulong ko sa kanya.
Nag-inat ang aking kapatid at pinilit dumiretso. Binuksan ko ang car door at naunang lumabas para alalayan si Adie, na inaantok pa. Binuhat ko siya saglit at inilabas sa sasakyan, pagkatapos ay binaba ko siya.
"Get on your feet, Papa will carry you inside."
"I can walk even if I'm sleepy," hikab ni Adie. "Ma, I'll go with you inside."
Lumapit si Mama at inakay si Adie papunta sa front door. Si Papa ang naglabas ng susi at nagbukas nito para mauna na sila Mama at Adie.
"Ipa-park ko lang ang kotse sa garahe, maghihintay ka pa ba dito, anak?" Tanong sa akin ni Papa.
"Hindi na po, pinauna ko na lang sila Mama."
"Go ahead, may klase ka pa bukas."
"I can stay up late, Dad. Sa hapon pa naman ang klase ko."
"Do you want a drink with me? May whiskey pa akong natira sa mini bar natin," nakatawang alok ng aking ama.
"Ikaw ang nag-alok, kaya di na ako makakatanggi," tawa ko.
Moments later, my dad and I were seated at our soft green sofa, our legs propped up on the center table in front of us. We were talking and laughing while music played from the record player on the side.
"I'm glad I can drink with my eldest daughter," komento ni Papa sabay inom ng whiskey mula sa kanyang crystal glass. "Akala ko noong una, magiging lalaki ka paglabas mo, at magkakaroon ako ng Jaime Miranda Jr. But you're just as good as a son, even better."
"Thank you Papa." Uminom ako ng whiskey at sumandal sa sofa.
"Beauty and brains ka gaya ng iyong ina. Natutuwa ako at matataas ang mga marka mo sa klase. At nakikita ko pa ang mga litrato mo ng modeling gigs with your mother."
"Hinahatak lang ako ni Mama at sumasama lang ako sa kanya. Siyempre, kilala siya sa industriya bilang pioneer model ng Sandico Models Association, and I don't want to let her down. Isa rin siya sa nagpapalakad nito, at head instructor pa."
Inilapag ko ang aking empty glass sa center table at sumandal muli sa sofa. Seryoso kong tinignan si Papa at sinabing:
"At this point, I don't know what I want or what to do with my life after I graduate."
"You mean, you don't want to run Luxuriant?"
Ramdam ko ang mabigat na tingin ng aking Papa. Hindi ako makaimik.
"Don't worry about that, andiyan si Adie oh," bigla siyang natawa.
"Mag-iiba rin takbo ng isipan niya habang lumalaki siya," sagot ko.
"Naku, your little sister is business-minded. Nalaman ko na lang na nagtitinda siya ng Hello Kitty stationeries sa classroom kaya pinatawag Mama mo," hagikhik ni Papa. "Hindi kasi pwedeng magbenta sa klase."
"I did not know that!" Natawa tuloy ako.
"Your mom is not telling you anything. Also, Adie's planning a lemonade stand for this summer, kaya tulungan mo na lang siya kung kaya mo ah?" Paubaya sa akin ni Papa.
"Siyempre, I will. Ay, Adie!"
Natawa kami pareho ni Papa. The night ended with his words:
"It's okay if you still don't know what to do with your life. Whatever you want, me and your Mama will guide and help you. Susuportahan ka namin."
I smiled and hugged my dad.
"Thank you po, Papa. Sige po, goodnight."
I left him in our spacious living room and went up to my own room. I fell asleep, thinking of the good life I have.
It's a really good life, and I thank my lucky stars.
References:
Manila Royal Hotel
Rustans Makati during the 1970s, the inspiration behind the fictional Luxuriant Department Store owned by Jaime Miranda
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top