Part One
"Jill." It's the day of her labor and I'm sitting beside her while holding her hand. Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Ate Karen nang mas inilapit ko ang ulo ko upang marinig ang sasabihin niya.
"I think... I can still see the future." Ilang segundo kaming nagtitigan.
Bahagya akong ngumiti na may halong pait at halos bumulong sa hangin. "So do I."
Hindi ko mawari kung bakit biglang tumulo ang luha sa kanyang mata at dali-dali ko iyong pinahid. "Hey, wag kang umiyak, kailangan mong ireserba 'yan mamaya." Biro ko sa kanya at tumango lang si Ate at pilit ngumiti. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader at malapit na ang nakatakda niyang oras, maya-maya'y pumasok na ang nurse. "Pupunta na ko sa labas." Paalam ko sa kanya. "Good luck."
"Jill," muli niyang tawag bago ako tumalikod paalis. Nilingon ko siya."I'm scared." Lumapit muli ako sa kanya, I leaned and gently kissed her on forehead.
"Don't be. Magbabantay kami nila Eliza sa labas," sabi ko. "Just do your best, okay?" tumango lang siya ulit at umalis na ko roon.
Sa waiting area ay naghihintay sila, kaagad akong sinalubong ni Cloud ng yakap.
"You're shaking, ikaw ba yung manganganak?" Biro nito at kaagad ko siyang tinulak, tinawanan nila ko ni Vince.
"Come on, Cloudy, syempre kapatid niya si Karen, she's just concern, 'diba Jill?" Sabi sa'kin ni Vince at napatingin kami lahat kay Dean na pabalik-balik na naglalakad. "Woi, Dean, ano ka? Feeling tatay?"
"Oo eh."
"Tumigil ka nga." Saway ko rito at tumawa lang sila.
"Hey babe," ikinawit ni Cloud ang braso niya sa bewang ko. "Okay ka lang?" seryoso nitong tanong nito. "Namumutla ka? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?"
"Wag kang, OA, I'm fine," pilit akong ngumiti. "Siguro kailangan ko lang pumunta ng CR."
"Okay," he quickly kissed me on my cheeks before letting me go, narinig ko pa ang pagkantyaw nila Dean habang umalis ako papuntang comfort room. Huli na para mapagtanto ko na nanginginig ang buo kong katawan. Mabuti na lang at walang ibang tao rito kung kaya't napakapit ako sa lababo.
Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa salamin at nakita ko ang aking repleksyon.
Why do people want to see the future?
Iyon ang tanong na palagi kong tinatanong ko noon.
Bakit? Bakit nakikita ko pa rin ang hinaharap?
Hindi kaya dahil... "I think... I can still see the future." ...Kay ate?
Ngunit sa pagkakataong ito... Hindi basta ninuman ang nakikita ko. Walang iba... Kundi ang sarili kong...hinaharap. Nakatitig pa rin ako sa sarili kong repleksyon, tila may sarili itong buhay at bigla itong nagsalita.
"Remember, Morie, you are going to die."
Oo, iyon ang nakikiat ko sa hinaharap.
I am going to die.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top