/7/ The Great Race





"ALL players please proceed to the exit, we arrived at Gubeiko Village. All players please proceed to the exit...." Paulit-ulit na announcement na galing sa speaker. Hinawakan ni Cloud yung kamay ko at magkahawak kaming pumunta papunta sa pintuan ng exit. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapagmasdan yung iba pang players, ayon sa narinig ko kanina, nasa dalawampu't pito kami. Sa ngayon wala pa kong nakukutuban na magiging matinding threat sa'min, maliban sa kanila―kila Eliza.

 Gubeiko Village  

Nang bumukas ang pinto ng exit ay hindi namin maiwasang masilaw. Bumaba kami at sumalubong mapayapang village, sumalubong ang ginaw, nasa Fifteen degrees Celsius yung lamig nakita ko kanina sa orasan. We stepped inside the village and we saw no other villagers... Maybe nireserve ng organizer ang buong lugar? I don't know.

"This is weird." Narinig kong bulong ni Cloud.

"What?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman sigurong mag-iiwan na bukas ang pinto 'diba?" tinuro niya yung isang bahay na bukas na bukas yung pinto. I gave him a shrug, wala talaga kong idea.

"Welcome to the first level of Akasha's Game!" bumalik yung atensyon namin sa kasalukuyang laro nang marinig namin ang boses ni Rama Melchiori, who wears again his favorite all white attire, but this time nakasuot siya ng White coat na may fur, hindi ko pa rin maintindihan yung fashion sense niya. Nasa kabila ko si Cairo at nasa likuran niya yung mga alipores niya. "I want you all to listen well; there are no strict rules but just to listen carefully to every instruction. The first level of this game is called the Muladhara level." Maya-maya'y dumating ang isang staff, "I want to show you something." Ipinakita sa'min ng staff ang dalang poster na naglalaman ng drawing ng Twelve Chinese Zodiac Signs.

"I know that all of you are familiar with the Eastern Astrology. This is the Sheng Xiao or the famous Chinese Zodiac Signs." I never intend to bother about Astrology but I know my sign.

'My sign is Rooster? What's yours?' narinig ko si Cloud, as usual nakikipagcommunicate gamit ang Telepathy.

I tried to remember. 

'Ox?'

'What?! We're compatible! Sabi ko na nga ba soulmates tayo.'

'Really.'

'Kaya pala ang lakas ng sparks natin.'

'Tumigil ka nga,' hindi ko matagong matawa sa pinagsasabi nito. 'Hindi ko alam na avid fan ka ng astrology.'

'Ngayon lang.' natawa ko lalo pero tinakpan ko yung bibig ko. Napatingin sa'min si Cairo pero kaagad din niyang binalik sa harapan ang tingin.

'Year of the Tiger ako,' parehas kaming napatingin sa kanya ni Cloud nang sumabat siya sa usapan namin sa isip. 'Year of the Rabbit si Karen.'

'Kaya pala. Incompatible.' Nakangisi ako habang iniisip ko 'yon, pang-asar lang.

'Pano mo nalaman? Akala ko ba di ka fan ng Zodiac?' nakakainis tong si Cloud hindi marunong sumakay.

Muntik na kaming hindi makasabay sa mga sinasabi ni Rama Melchiore, namalayan na lang namin na nagkukwento na siya tungkol sa legend ng Chinese Zodiac.

"Long ago, the Jade Emperor, ruler of the heavens, wanted to devise how to measure time, and so he arranged a great race. The first twelve animals to make it would earn a spot on the Zodiac calendar in order they arrived. So that's the origin of the Sheng Xiao or Chinese Zodiac," may mga dumating na naman na staff at dala-dalang malalaking kahon. "The first level's game will be a race based on the Sheng Xiao's origin. Starting here, from Gubeiko Village, you will hike the Gubeiko's Great Wall section and should make it to the Jinshalling's Great Wall section. The hike won't be easy because these sections are not renovated. It might take nine to twelve hours, that's why we'll give you these." He ordered the staff to distribute what's inside the box. It's hiking bags! 

"Inside those bags are your necessary supplies for your own survival, use it wisely," Pagkaabot sa'kin ng bag ay medyo nabigatan ako."Now, the main mission of this level is to hike Gubeiko's wall to Jinshalling within twelve hours. However, there will be rewards for those first twelve who will arrive at the finish line." Siguro naman may mapa na kasama sa gamit dito sa bag.

Huminto saglit si Rama Melchiore bago magsalita muli. 

"Any questions?"

May nagtaas ng kamay, malapit sa harapan, yung lalaking monk na nakasuot ng yellow robe at may malaking beads na nakasabit sa leeg.

"Can we use our powers for the benefits?"

"Of course, you can. Thanks for that question. Anything else?" Wala nang nagtaas ng kamay pa. "I'll give you Ten minutes before we start."

Tinipon kami kaagad ni Cairo at napansin kong may kanya-kanya ngang alyansa sa iba pang grupo, wala namang sinabi na hindi pwedeng bumuo ng grupo. To be honest, parang masyadong madali sa paningin ko yung unang laro pero at the same time ay nakakabother dahil sa dali ng mechanics.

"Hindi tayo pwedeng maging kampante," narinig kong sabi ni Cairo. "Muka mang madali ang unang level pero huwag tayong pakisigurado." Sumang-ayon kami sa kanya... Well dahil tama naman siya, hindi pa namin alam kung ano ba ang magiging takbo ng competition na 'to, kaya lahat ng worst scenarios ay iniisip ko na. If only I still have the Culomus―what? Jill erase that thought.

"I-check na muna natin kung anong laman ng bag." Sabi ni Finnix at lahat naman kami ay sumunod sa kanya. Liters of water, map, flashlight, first aid supplies, snacks, at iba pang mga essential na gamit ng pang-hike.

"Wala ba tayong magiging strategy?" si Pascal naman ang nagsalita, napatingin siya sa ibang grupo at napatingin din kami. "Mukang may mga binabalak sila."

"Some of them are Telepaths," sabi ni Cloud, sumang-ayon si Cairo. Twenty seven kaming players, anim kami sa grupo namin, sa grupo naman nila Eliza ay apat, may dalawang loners o walang grupo, at may tatlong tiglilima na grupo. "Those group." Inginuso ni Cloud yung dalawang grupo na may tiglimang member.

"May telepath sa kanila, basically they can protect or shield their thoughts and at the same time may kakayahan silang basahin yung thoughts ng ibang grupo."

Napatingin naman kami sa grupo nila Eliza. 

"No telepaths at their group but they have that genius girl," si Cairo ang nagsalita."It still hurts my ego kapag naalala ko na nagawa niyo kong lokohin noon sa MIP." Oh, Eliza's famous Believe me, I'm lying tactic. "Wala mang Telepath sa kanila, Eliza can hear everything. Cloud and I better not trust her thoughts dahil kung nagawa niya kong i-decieve noon, kayang-kaya niyang gawin ulit 'yon kahit kailan." Deceive the heavens in order to cross the ocean. "Hindi lang si Eliza, kundi silang lahat, siguradong aware sila na may Telepaths, that's why it's better not to trust anyone."

"Hindi naman tayo pwedeng matakot lang sa kanila." Napatingin ako kay Finnix, gusto ko siyang palakpakan dahil nagkakalakas loob na siyang magsalita ngayon, sila ni Pascal. Maliban kay Otis na palagi namang tahimik at hindi nakikita ang ekspresyon ng mukha dahil sa suot niyang clown mask.

"Jill, one thing," si Cairo. "You can't just treat us traitors now."

"I still don't trust you," sabi ko sa kanila. Napahilamos sa mukha si Cairo. "I don't trust you, so I need to trust you."

"Ha?" sabay-sabay silang napakunot sa sinabi ko, including Cloud. Hindi ko na lang sila pinansin dahil malapit nang magsimula ang laban.

Maya-maya'y muli kaming hinarap ni Rama Melchiore may dala siyang starting pistol. 

"Get ready players."

"Okay, listen," may pahabol pang sinasabi si Cairo. "Just focus on the goal." Nakita ko na nagsihandaan na yung mga ibang kalaban namin, "That's all matter, the goal―"

"Ready."

"If only Dean...is here," bigla akong nadistract sa binulong ni Cloud. "For sure siya kaagad ang panalo." Biglang bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya.

"Go!"

"Jill!" hindi ko namalayan na nakatayo lang ako habang nagtakbuhan lahat ng players at ako na lang ang hinihintay ng mga kagrupo ko. Nahuli na agad kami.

"H-ha?" para kong lutang nang hilahin na ko mismo ni Cloud at namalayan ko na tumatakbo kaming anim. "Why are we running?"

"Jill! This is a race!" si Pascal ang sumagot sa'kin. Si Cairo ang pinakanangunguna sa pagtakbo at nakita ko na may hawak siyang mapa. Mabilis na nawala sa paningin namin ang iba pang mga players, kasalanan ko...Kung hindi lang ako nawala sa sarili―

"Hey, don't blame yourself!" si Cloud, napatingin ako sa kamay naming magkahawak. "Hindi mahalaga kung mahuli man tayo, ang mahalaga ay marating natin yung finish line...together." And then he smiled at me... Cloud...

Mas hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya at itinuon ko yung pansin sa daan.

"I think ito yung way papunta sa itaas ng wall." Sabi ni Cairo nang marating namin yung road na may Blue line arrow, itinuro ng direksyon nito kung saan ang daan papuntang Great Wall. Hindi na alintana ang lamig sa tinatahak naming pataas, naririnig ko ang bawat paghinga nila at kita ang tagaktak na pawis.

Narating na namin mismo ang ibabaw ng wall, medyo nanibago ako dahil hindi ito yung Great Wall na nakikita ko sa mga pictures, hindi renovated at halatang pinagdaanan na ng maraming taon dahil sa natitira nitong ruins.

"Doon sila papunta lahat." Turo ni Finnix at nakita nga namin na nasa malayo na agad ang ibang players.

"Let's go," sabi ni Cairo at akma kaming tatakbo pero. "Wait, Cloud is right, ang mahalaga rito ay marating natin yung finish line, kung tatakbo tayo mauubos kaagad lahat ng energy natin."

"You're right," pag sang-ayon ko sa kanya. "I'm sure mapapagod din yung mga nauna sa'tin," napatingin ako sa direksyon kung nasaan tumatakbo ang ibang mga player. "And I got this feeling... We should be careful."

"They're aiming for the first twelve positions, and I think it's a trap," sabi ni Cloud. "The competition ahead is tough." Tumango na lang kaming lahat at nagsimula na kaming maglakad. Ang grupo namin ngayon ang nasa pinakahuli pero hindi namin iyon ginawang big deal, tama si Cloud, mahigpit ang competition dahil sa special prize na biningwit ni Rama Melchiore, ang tanging goal lang naman ng goal na 'to ay marating ang finish line.

Lumipas ang mahigit isang oras, so far okay naman kaming lahat, mabuti dahil tama lang idea ni Cairo na huwag naming aksayahin yung lakas namin sa pagtakbo. Nakita ko na naubos na ni Pascal yung isang litro niyang tubig. Si Pascal naman ay nakikipagsundo sa mga ahas na nadadaanan namin, masukal kasi yung daan, which is good.

"Jill, pagod ka na ba? Gusto mo bang ipasan kita?" tanong ni Cloud sa'kin.

"No, thank you, I'm fine."

"Aww, I'm trying to look chivalrous here," tapos tumawa siya. Loko talaga to. Huminto ako sa paglalakad. "Bakit?"

"Sige ipasan mo ko." nakapoker face kong sabi.

"H-ha?" nagulat siya. Palibhasa alam niya kasi na tatanggi ako eh tingnan natin ngayon. Wala siyang nagawa, nilagay niya sa harapan yung bag niya at pumasan ako sa likuran niya.

"Ano kaya mo ba?"

"O-oo naman, hehe," trying to look chivalrous pala ha. Naglakad na siya. "Babe, tingin ko kailangan mo ng mag half-rice."

"Babe mo muka mo," wala pang Fifteen minutes nang bumigay na siya. Mamatay matay siya sa hingal. "Ano?"

"Grabe ka sa'kin."

"Hoy!" napatingin kami sa sumigaw at nakita namin na naiiwan na pala kami ni Cairo."Iiwanan na namin kayo!" Para kaming batang pinagalitan dahil sa paghaharutan, medyo tumakbo na kami para makahabol sa kanila.

"Bitter lang 'yan sa'tin," bulong ni Cloud. "Miss na niyan si Karen." Sinamaan ko siya ng tingin. "What?"

Napahinga ako ng malalim. I miss my sister too. Pati ang mga pamangkin ko. I miss... our old life, if there was.

Quingyun Farmyard

After thirty minutes ay narating namin ang Quingyun Farmyard. Para kaming nakakita ng langit nang makita namin na pwedeng magpahinga sa loob ng restaurant. Pagpasok namin sa loob ay nakapagtatakang walang ibang staff o tao, pero bukas ang mga ilaw at iba pang mga gamit. Kaagad na pumunta si Finnix sa ref at kumuha ng softdrinks. Nangangamoy yung pagkain, pumunta ako sa may kitchen at nakitang umuusok pa ron yung ibang pagkain. Bumalik ako sa mga kasama ko.

"Guys, this is creepy," sabi ko. "Bukas sila pero walang tao."

"Chineck ko outside, wala ring ibang tao." Sabi ni Pascal na kakagaling lang sa labas.

"Hmm," napa-isip si Cairo. "Well, hindi na natin 'yon problema. Magpahinga tayo saglit dito." Ibinaba ni Cairo yung bag sa table at umupo siya, ganon din ang tatlo niyang alipores. Si Cloud naman ay nagpaalam atsaka lumabas.

"Cairo, may hindi ako magandang nararamdaman. Umalis na tayo rito."

"We need a rest, Jill Morie." Sabi niya habang minamasahe ang sentido, mukhang pagod nga siya.

"T-tama si Jill," nagulat ako sa pagsang-ayon sa'kin ni Finnix, tumayo siya sa kinauupuan. "Hindi tayo pwedeng magstay dito ng matagal."

"Okay, okay," sabi ni Cairo pero hindi pa rin tumatayo,."Just give me a minute." Napapikit siya bigla.

"Are you okay?" bigla akong nag-alala sa kanya dahil parang may sumasakit sa kanya.

"I don't know, bigla akong―arghh! Yung ulo ko," napatayo na rin si Pascal at Otis. Namimilipit sa sakit si Cairo. "J-jill, tawagin mo si Cloud, it's dangerous...outside..." I quickly rushed to the door.

Nakita ko si Cloud na nakatayo lang, at napahinto ako nang mapansin ang kakaibang bumabalot sa paligid... Ano 'to? Hindi man malinaw pero kitang-kita ng mata ko ang maliliit na waves na dumadaloy rito. Maybe... A force field?

"Cloud?" tawag ko, pero nakita ko siya na hahawakan na yung Force Field. "Cloud!" pero huli na nang marinig niya ko at tumalsik siya nang hawakan ito. "No!" kaagad akong tumakbo at dinaluhan siya. "Cloud! Oh my god!"

"Jill! I'm fine!"

"No, you're not!" sabi ko sa kanya at tinignan ko kung may sugat ba siya, sa kabutihang palad ay wala naman. "Kaya mo bang tumayo?"

"Yeah." Inalalayan ko siya. Lumabas na sila Pascal, akay nila si Cairo na sapo pa rin ang ulo. Sabi ko na nga ba at may hindi tama sa lugar na 'to. Kaagad kaming lumapit sa kanila.

"Kailangan na nating umalis dito," sabi ko at tumango sila. "Damn, that force field!" Turo ko. "Paano tayo makakalabas nito?" kinuha ni Otis yung malaking bato sa lupa at inihagis iyon pero tumalsik lang yung bato.

"Too bad," sabay-sabay kaming napalingon sa kung sinong nilalang. "You cannot escape my cage." Isang lalake ang nakatayo di kalayuan at nakangisi sa amin, isa siya sa players! 


Itinaas niya ang dalawang kamay at biglang may lumabas na liwanag sa kanyang mga mata at mga kamay. Sa pagkakataong ito ay naging mas visible sa paningin namin yung force field na bumabalot sa buong paligid, sinadya niya na ikulong kami rito at tiyak kong hindi siya nag-iisa!

"Sila yung team na may kasama ring Telepath," sabi ni Cloud. "He's probably the one who attacked Cairo."

"Marami sila," sabi ni Cairo. "And they won't let us go easily."

May mga dumating muli at napapaligiran nila kami. Sinasabi ko na nga ba, ito yung kutob ko kanina pa, na hindi magiging ganon kadali ang unang level.

"They're going to kill us." Naglabas kaagad ng apoy si Finnix sa kamay nang marinig ang sinabi ko. But... why?! Wala sa rules―

"Jill, in this world, you have to do whatever it takes to survive." 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top