/5/ Initiation
"You wanted me to join you because of my dad's money. Tama ba 'ko, Cairo?" hindi man lang siya nagulat nang sabihin ko 'yon sa kanya. Hila-hila namin yung mga maleta namin habang naglalakad papunta sa elevator. After our arrival in Beijing's airport, kaagad kaming pumunta sa isang exclusive hotel para magstay overnight.
"Yup." Casual niyang sabi at pinindot ang elevator button, "Ladies first." Nauna akong pumasok at sumunod silang lima. Nang sumara ang pinto ay nakita ko ang repleksyon naming anim. "Sulitin natin ang pahinga ngayon dahil bukas na bukas pupunta tayo sa Peking University para magregister."
"Pero―"
"No more buts and questions, lady." Aangal pa sana ko pero bumukas na agad yung pinto nung elevator at naunang lumabas si Cairo kasunod nila Finnix. What a jerk.
Huli kaming lumabas ni Cloud, mabilis na naglaho sa paningin namin ang mga traydor naming kasama nang pumasok ang mga 'to sa sarili nilang mga silid, my dad is too generous to provide them each a single room.
"Woah, calling them like that is too much." Here we go again, he's reading my mind.
"Traydor pa rin sila sa paningin ko, Cloud." Sabi ko sa kanya.
"Everything changed now, Jill." Seryoso niyang pahayag, "And your dad is indeed generous para magkaroon tayo ng sari-sariling kwarto."
"What are you saying?" sabi ko at tumuloy ako sa paglalakad, pero sumabay siya.
"I mean, bakit kailangan pa nating maghiwalay ng kwarto?" I rolled my eyes, "Come on, Jill. Ang killjoy ng dad mo." Then tumawa siya ng nakakaasar.
"In the first place hindi naman alam ni dad ang tungkol sa'ting dalawa."
"What?! Bakit nakalimutan nating sabihin sa kanya?!"
"Hay nako, Cloud."
"Well, he's not here, so maybe we can..." akma niya kong aakbayan pero nakaiwas ako.
"Tigilan mo ko." he's teasing me again, hindi ko alam kung matatawa ba ko o maiinis sa kanya.
"I'm just kidding." Tumino na ulit siya. Nasa harapan na kami ngayon ng kwarto ko, "So, see you tomorrow." Binuksan ko na yung pinto ng kwarto ko at tumalikod na siya para umalis.
"Cloud." Pero huminto siya nang tawagin ko siya.
"Why―" I quickly kissed him and then shut the door in his face. 'Madaya ka!' he shouted in his mind and I can't help it but to laugh.
*****
PEKING UNIVERSITY
"Woah." Narinig ko ang pagkamangha nila Finnix, parang dun ko lang sila narinig nagsalita sa buong pagkakataon na kasama ko sila.
Nakatayo kami ngayon sa engrandeng entrance ng nasabing University, kung saan gaganapin ang registration sa Chintamani Competition. Si Cairo ang mas nakakaalam tungkol sa unang step kaya nakasunod lang kami sa kanya habang siya ang nangunguna sa paglalakad. May mga iba't ibang mga tao rin ang naglalakad sa campus, students din siguro.
Tiningnan ko yung phone ko at nakitang 17 degrees Celsius ang temperature, lahat kami nakasuot ng light jacket. The weather in Beijing in April is quite nice, the flowers are all blooming and the sky is clear. Napabuntong hininga ko nang maalala ko na hindi naman kami nagpunta rito para maging turista.
Nang huminto si Cairo sa paglalakad ay huminto rin kaming lahat at nakita ang isang malaking gusali, traditional Chinese ang disenyo at sa entrance nito ay may nakatayong lalaki na sa palagay ko ay hindi naman Chinese.
"Guten morgen." Tama nga ako nang batiin kami nito then Cairo showed him something from his phone and he let us in.
"It means good morning in German." Bulong ni Cloud sa'kin nang pumasok na kami sa loob. The German guy ushered us. Hindi na naman naming maiwasang mamangha, this place feels different, I can't explain it but hindi naman masama yung nararamdaman ko. Parang may soothing feeling habang naglalakad kami, patingin-tingin kami sa paligid at talagang makikitang first time naming makakita ng ganito.
"Parang templo yung lugar na 'to." Narinig ko na rin sawakas magsalita si Pascal. Sabay-sabay kasi kaming napatingin sa malaking statue ni... I think it's Buddha, sa may gitna.
"Bakit naman sa templo nila naisipan gawin yung registration?" tanong naman ni Finnix. Kinakausap ata nila yung mga sarili nila.
"I'll leave you here." Sabi nung German guy nang huminto naman kami ngayon sa harapan ng malaking pintuan.
Tatangkain pa lang ni Cairo na kumatok sa malaking pinto nang sumulpot ang bagong lalaki, katulad ng usher ay nakasuot ito ng pormal. May pin na nakadikit sa damit nito, kulay gintong triangle na may kulay pula sa gitna na sa palagay ko'y simbolo ng isang Rosas.
"Welcome." Masigla nitong bati, "My name is John Zedong, one of the coordinators." Pakilala niya sa amin at isa-isa kaming kinamayan. Base sa itsura, accent at pangalan nito, walang dudang pure Chinese ito. "I believe that you're here because of Chintamani."
"Yes." Sagot ni Cloud.
"Very well." Nakangiti nitong sabi, "May I ask where did you get your invitation? I do not mean to offend but the people who came here are from high or secret society of different countries and as I can see you do not have any grand sponsors."
Kaagad na nagsalita si Cairo, "We are former associates of Memoire."
"We?" angal ko pero sinabihan ako ni Cloud sa isip na hayaan lang si Cairo. Pero kung tutuusin tama naman yung sinabi niya, nasa akin pa nga rin ngayon yung tattoo na nilagay nila sa'kin.
Cairo even showed his tattoo on his right arm to prove that he's telling the truth.
"Oh, I see, Memoire." Tumango si Mr. Zedong, "Before I let you to enter this room, you already knew that this is the registration, you will be called one by one for an interview."
"Interview?"
"Yes, Miss." Sabi niya sa'kin, "The one and only requirement in order to pass the initiation or interview is that you must have an extraordinary ability." Sumeryoso siya, "But if you aren't an Aeon..." Aeon? "...You cannot join the competition. Are we clear?"
Tumango lang kaming lahat, walang problema sa sinabi niya dahil lahat naman kami ay mga Peculiar, nahiwagaan lang ako sa salitang 'Aeon' hindi kaya't Peculiar din ang pinakakahulugan non? Kunsabagay, hindi lang naman kami ang mga ganito sa mundo at Memoire lang naman nagpauso ng salitang yan.
"And last." May pahabol pa siya, "Please enter your names here." Inabot niya ang isang tablet at isa-isa kaming nagtype ng pangalan. Nang matapos ay binuksan niya na ang pinto, "Please wait here for a while, this is a meditation room, you can relax for a bit. We'll call your names later."
Pagpasok namin sa loob ay sabay-sabay silang nagsitinginan sa amin. Tantiya ko na nasa Fifty mahigit sila, malaki ang nasabing meditation room, nakaupo sila sa sahig, may mga mesa at nagseserve ng tsaa. Mukhang nanggaling pa sa iba't ibang parte ng mundo ang sasali sa competition, may mga monks, mga Indians, yung iba parang nakacostume pa dahil ang enggrande ng dating, tapos may iba naman na simple lang at di mo aakalaing kakaiba, katulad namin.
"The champions are here." Confident na sabi ni Cloud, siniko ko naman siya at tinawanan lang ako.
Kaagad din naman silang bumalik sa sari-sarili nilang business, at hindi nakatakas sa paningin ko ang grupo nila Eliza, kasama niya si Vince, Palm... at Jing...
"Jill." Hinawakan ako ni Cairo sa balikat, "Better not to talk with them to avoid mess." Pinalis ko ang kamay niya sa balikat ko. Nakakita kami ng bakanteng pwesto di kalayuan at naglakad kami papunta roon.
"May talent show ba?" bulong ni Cloud at nagtawanan sila Finnix at Pascal.
"Shhh." Saway ko dahil baka may makarinig. Pano ba naman, nakita namin yung isang monk na kalbo na sinusubukang i-bend ang kutsara gamit ang isip, tapos may mga nagjajuggle ng bola, yung iba nagmamagic. "This is so weird." Though may feel ako na parang yung iba rito ay wala naman talagang kapangyarihan, ito rin talaga siguro ang purpose ng initiation na sinabi ni Mr.Zedong.
I mean, the Chintamani thing is not that simple, well if it's really true, its magnificent power... Siguradong hindi ganon kadali ang magiging laro ng nasabing competition. Parang ngayon ko lang nadigest... anong klaseng laro nga ba talaga ang pinasok namin. Is it even worth life-risking?
"Shhh." Saway sakin ni Cloud, panggagaya sa'kin kanina.
Nang makaupo kami ay nakita ko na nakatingin sila sa akin... sila Eliza.
"Don't mind them." Sabi ni Cloud. "Well... for now. Ang importante... ginagawa natin to para sa ate mo." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Pero hindi ko pa rin maitago... maitagong maghinagpis.
Jing... She's staring at me.
*****
AKO na lang ang natitirang naghihintay sa loob ng meditation room. Marahil ako ang huling nagregister ng pangalan sa tablet kanina ni Mr. Zedong. Hindi ko alam kung saan na napunta yung mga natapos na.
"Jillianne Morie?" nakita ko si Mr.Zedong sa pintuan na nakatayo.
"Yes." Nang tumayo ako ay naramdaman ko ang pagkangalay, mga dalawang oras at kalahati na rin kasi akong nakaupo rito.
Nang makalabas kami ay wala kahit isang tao ang tumambad. Sumunod lang ako kay Mr. Zedong hanggang sa marating na naman namin ang isang silid at pinapasok niya ako sa loob.
Medyo madilim sa loob, wala akong masyadong ibang makitang detalye dahil parang interrogation room ang datingan. May mga torches na nakasindi, malamig ang silid, nakita ko ang isang mesa kung saan naroon ang tila isang panel. Tatlo sila, dalawang babae at isang lalake sa gitna.
"Have a seat please." Sabi ng babae, hindi ito Chinese, at katulad ni Mr. Zedong ay meron silang mga pin ng golden pyramid sa damit. May ilaw na tumatanglaw sa upuan katapat nila. Para nga kong i-interrogate dito. "So your name is Jillianne Morie?"
"Yes."
May mga tinanong sila at para bang mag-aapply ako ng trabaho sa ganitong set up.
"So," nagsalita na rin sawakas yung lalaki sa gitna, dahil kanina puro yung dalawang babae yung nagtatanong sa'kin, "I think you've been informed that the only way to pass this initiation is you must have a special ability or super powers." Medyo nawirdohan ako sa naramdaman ko sa kanya. He's wearing an all-white suit and a white Fedora hat, hanggang balikat ang kanyang buhok, hula ko nasa around thirties siya. He touched his chin and I saw that he's also wearing white gloves, hindi naman halata na he's obsess with that color.
Tumango lang ako. Ineexpect ko na sasabihin niya na ipakita sa kanila kung anong kaya kong gawin...
"Well, show us what you got." At tama nga ako.
Inisip ko saglit kung anong pwede kong gawin, "I can only copy other's powers when they're near with me."
"I see." Sabi ng Man-in-White, "Then read my mind." Is he a telepath? "Yes, dear."
Huminga muna ko ng malalim at nagconcentrate, 'I think... you can hear my voice?' I communicated with him through mind.
'Yes.'
"Is this enough to prove you that I'm... different?"
The Man-in-White didn't answer. Tumitig lang siya sa'kin habang nakapangalumbaba sa mesa. Ilang segundo ang lumipas, iba na ang nararamdaman ko. I tried to read his mind but I can't get anything.
"You are indeed a Peculiar." Hindi ko ipinahalata na nagulat ako sa sinabi niya. Is he... part of Memoire? Pero hindi... sa pagkakataong 'to hindi Memoire ang mastermind ng competition. Or...may kinalaman siya sa Memoire.
"Nice meeting you, Jillianne Morie. See you tomorrow for the opening ceremony." So it means pasok na ako sa competition. Iyon na lang ba 'yon?
"Thanks." Tumayo ako at naglakad paalis, alam kong nakasunod pa rin ng tingin sa'kin ang Man-in-White.
Who is he?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top