/35/ Last Hope




[Jing Rosca's POV]


SHIT.

Wala akong idea kung saan ako pupunta ngayon. Nilabas ko 'yung phone na binigay ni Cloud pero nabunggo ako ng isang tao at bumagsak 'yon sa sahig, hindi ko na nagawang makuha dahil natangay ako ng mga tao palayo.

Ngayong nagkawatak-watak na kami, ano na ang mangyayari? Without Eliza how can we solve this mess? Tumingala ako at nakita ang portal sa langit, hinahanap ang pag-asa sa gitna ng desperasyon.

"We do have a choice, John Zedong, we always have. The prophecy is already written... even Jill Morie knew that if she dies all of this madness will stop."

Nakatadhana naman na pala na titigil din ang lahat ng 'to, kung ganon bakit ka nawawalan ng pag-sa, Jing?

BLAG!

Bumagsak ako sa sahig nang may bumangga sa'kin na hindi ko nakita dahil nakatingala ako sa langit. Kaagad akong bumangon at muling tatakbo pero...

"Jing!" nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Cloud. Magsasalita pa lang ako nang yakapin niya 'ko ng ubod ng higpit. Nang bumitaw siya ay akala ko mauubusan ako ng hangin, lintik na batang 'to, mangiyak-ngiyak na naman siya ngayong nakita ako. Huh? Si Cloud nga! Bakit parang ang bagal bago mag-sink sa isip ko?! Masyado na 'ata akong lutang dahil sa mga nangyayari.

"Let's go! I know where she is!" hinila niya 'ko at sabay kami ngayong tumatakbo, nakasunod lang ako sa kanya, hindi ako nagtatanong dahil para bang alam na alam niya kung ano ang ginagawa niya. Hindi ko na namang maiwasang maging emosyonal—teka, bakit ba 'ko nagkakaganito? Akalain mo't sa dinarami-rami ng mga tao ay magagawa ko pa rin siyang makita? Ito ba? Ito ba ang halimbawa ng tadhana?

"You will find someone who will help you with this task," Bigla siyang nagsalita habang tumatakbo pero hindi lumilingon, "That's what he said."

"What task?" and who's 'he'?

Muntik ko na siyang mabangga nang huminto siya sa pagtakbo at dahan-dahang lumingon sa akin.

"...To kill her."

"C-cloud." Biglang nanikip 'yung dibdib ko.

Ang sakit. Ang sakit makita na nagawa niya pang ngumiti nang sabihin 'yon. Muli siyang tumakbo at para kong natuod habang sinusundan siya ng tingin.

Get a grip, Jing.

Tumakbo na ulit ako para sundan si Cloud, ang walang katapusang pagtakbo ay natigil din nang marating namin ang People's Square kung saan ay binarikadahan ng mga militar. Dire-diretso si Cloud kung kaya't hinarangan siya ng mga ito. Gamit ang kapangyarihan ko ay hinawi ko ang mga nagtangkang pigilan kami, nang makita nila ang kakayahan ko ay kaagad silang lumayo dahil sa pangamba at takot.

"Jill's there." Turo ni Cloud sa malayo, hindi ko makita dahil napapaligiran 'yung tinuro niya ng mga armadong tao, "Those are Kahval's men." Turo niya pati sa mga sasakyan nakapaligid dito, "They're trying to capture, Jill."

Sunud-sunod kaming nakarinig ng mga tunog ng pagsabog, mabuti ay malayo kami ni Cloud at hindi kami naapektuhan, nang humupa ang usok ay nakita namin ang pamilyar na force field, si Jill nga!

"What are we going to do? Sabihin mo sa'kin ang plano mo, Cloud." Sabi ko sa kanya.

"I can't."

"Ha? Bakit hindi?"

Hinawakan niya 'ko sa balikat at medyo lumapit na para bang ayaw niyang iparinig sa iba ang sasabihin kahit na wala namang tao na malapit sa aming dalawa, "Kailangan kong protektahan ang sikreto," sikreto? Tumingala siya sa langit at napatingala rin tuloy ako pero wala naman akong nakita roon bukod sa langit at araw, "Trust me, Jing."

Napatingin ako sa paligid, ang mga Kahval, after all this time habol pa rin nila ang Chintamani kay Jill dahil bigla kong naalala ang sinabi noon ni Cloud. Na mas nagiging agresibo ang possessor ng Chintamani kapag may nagtatangkang kumuha nito mula sa nagmamay-ari. At kung ano man ang nalalaman ni Cloud, at kung bakit ayaw niya itong sabihin ay marahil sa mga Kahval na naririto na maaaring makaalam nito.

"Paano kita matutulungan kung hindi ko alam kung anong pinaplano mo?" He showed me a golden dagger, saan naman niya nakuha 'yan? Teka ha, ilang oras lang kaming nagkahiwalay pero ang laki ng pinagbago niya, parang kanina lang ay iiyak-iyak siya at walang magawa, pero ngayon ay siguradong sigurado na siya.

Finally he accepted it.

"Jing, kailangan mo silang alisin dito," intinuro niya 'yung mga armadong tauhan ng Kahval, "Para mabigyan ako ng daan papunta kay Jill at walang ibang makalapit sa kanya sa oras na..."

Tumango agad ako dahil ayokong sabihin niya mismo ang mga salitang 'yon. Tumingala na naman siya at para bang may hinihintay sa langit.

"Go, once na clear na ang daan, call me." Sabi niya at sumunod ako.

Medyo lumapit ako sa kinaroroonan ng mga tauhan ng mga Kahval, nakita ko ang isang malaking tipak ng konkreto sa sahig. Kailangan ko munang makuha ang atensyon nila. Naiangat ko na ang tipak ng konkreto nang makita nila ako at kaagad na naalarma, kaagad kong ibinato sa isang sasakyan nila 'yon at nayupi na parang lata. Nawala ang atensyon nila kay Jill at sa akin iyon napunta nang itutok nila ang mga high-tech nilang sandata na katulad na ibigay noon ni John Zedong.

Mula pailalim, gamit ang dalawang braso ko ay humugot ako ng malakas na pwersa para hawiin sila, matagumpay kong nagawa 'yon nang tumalsik sila maging ang mga sasakyan.

"Cloud!" tawag ko sa kanya nang lumingon ako pero nakita ko ang isang paparating na missile na tatama sa akin.

Wala akong ibang nagawa kundi pumikit ngunit nakaramdam ako ng mabilis na paghila at gumulong ako pagilid.

BOOGSH!

Hindi tumama sa akin! Puta pang-pitong buhay ko na 'to!

"Sorry, I'm late!" nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang impakto.

"Hoy, Dean! Tangina ka! Anong silbi ng powers mo kung napakupad mong dumating dito?!" sigaw ko sa kanya at tatawa-tawa siyang tinulungan akong tumayo, "Si Cloud!" nakita namin si Cloud na naglalakad na palapit kay Jill! "Gago, huwag ka lang tumayo at huwag mong hayaang may makalapit sa kanya!" tinulak ko si Dean at kaagad naman siyang nawala para sundin ang utos ko.

May mga umaatake kay Cloud mula sa malayo pero hindi ko 'yon hinahayaang mangyari. Maya-maya'y biglang kumulimlim... at pagtingin ko sa langit... ang araw... natatakpan—s-solar eclipse?! Napatingin ako kay Cloud na dire-diretso pa ring naglalakad hanggang sa makalapit siya ng tuluyan kay Jill. Natatakot ako para sa kanya dahil baka sa kung anong gawin sa kanya ni Jill pero hindi naman din ito gumagalaw.

Tumingala ulit ako at nakita kung gaano kabilis na natakpan ng buwan ang araw at nagdilim ang paligid. Tumingin ako ulit sa kinaroroonan nila at kitang-kita ko kung paano niya itinarak ang hawak sa dibdib ni Jill. Bigla akong nanghina at wala akong ibang nagawa kundi mapaluhod habang unti-unting lumiliwanag ulit ang buong paligid.

Kaagad akong kumilos, muling tumayo at humangos papunta sa kinaroroonan nila.




[Jill Morie's POV]

I am aware of all the things that happen. Alam ko kung anong nangyayari sa bawat segundo, minuto, at oras sa buong mundo. The worst part is... I can't even control myself. I want this to stop. I want to shout for help, but it's too late.

Jill, you know what's going to happen, you know that you'll die. And here he is, walking towards me while hiding something behind his back.

Gusto kong sumigaw sa kanya pero hindi ko magawa, natatakot ako na baka kusang mag-react ang Chintamani para saktan siya. Pero hindi... Palapit na siya nang palapit pero nanatili lang ang katawan ko na tuod. The Chintamani didn't sense any fear or terror from him, even an intention of getting the stone.

Cloud... How do you do it?

H-how—

"Jill." Huminto siya sa harapan ko.

Cloud. Why are you smiling?

"Mahal kita."

Now I know why the Chintamani is not reacting to hurt him.

It's because of his love... his love for me is greater than any fear or any kind of power. Love is indeed the most powerful thing that exists. He's going to kill me because he loves me. Though there's something inside me that I want to ask him how did he get this strength? Strength enough to love me in the most painful way, I closed my eyes to meet my fate.

And he didn't fail me.

I felt the pain, but it relieves me when the power of Chintamani released my soul.

"C-cloud," finally ay nakapagsalita na rin ako. "Thank you."



*****


[Eliza Macaraig's POV]

"LET's stop this, John," nang tumigil ang mga dalawang kampo sa pakikipaglaban sa isa't isa na halos ikasira ng buong gusali na kinalalagyan namin ngayon ay biglang nagsalita ang isang miyembro ng Kahval. Nabigla silang lahat sa sinabi nito. Hinila ako ni Morris at hindi niya niya hinayaang may mangyari sa amin nang protektahan kami ng mga kasama niya mula sa naganap na kaguluhan.

"What stupidity are you trying to say?!" galit na turan ni John Zedong.

"We have to help each other." Isa pang Kahval ang nagsalita, "We need to help them to close the portal."

"I agree. This fight is nonsense." At may mga sumunod pa.

Nagkatinginan kami ni Morris dahil parehas kaming nabigla sa pag-iba ng ihip ng hangin.

"I am your leader! You will follow me!" galit na galit na sigaw ni John Zedong sa kanilang lahat, "Ahh!" at mas nagulat kami nang barilin siya ng isa niyang kasama.

"Not anymore, John." Sabi ng bumaril ng isang Kahval at humarap sa grupo namin, "Sorry for the trouble earlier. We made a decision already; we're going to help without any conditions. Anyone who will disagree will follow his fate."

Hindi ko maintindihan ang motivations nila ngayon, dahil ba masyado nang matindi ang pinsala at mas importante sa kanila ang kaligtasan ng mundo kaysa sa Chintamani? I don't know.

Paladio, the long-haired old guy, stepped forward, "Then, shall we begin?" It was absurd to see how they quickly had an agreement just like that.

"Eliza," tawag sa'kin ni Morris, "Siguro kailangan niyo ng umalis dito para hanapin ang iba niyo pang kasama."

"Paano ka?" hindi ko alam kung bakit ko 'yon tinanong.

"I'll be fine here. Kailangan kong mag-stay kasama sila." Hindi ko rin maintindihan kung anong motivations niya at kung bakit niya gustong mag-stay dito, dahil sa pagkakaalam ko noon ay naging bahagi siya ng buhay ni Jill bilang isang importanteng tao. Pero alam niya na 'ata na may iba ng tao ang may hawak ng puso ni Jill. Whatever his reasons are tumango na lang ako at sinenyasan ko ang mga kasama ko upang umalis.


*****


[Jing Rosca's POV]

Salu-salo ni Cloud si Jill na ngayon ay wala na ang kumakalat na itim sa kanyang katawan, nakita ko ang singsing na Chintamani sa sahig at kaagad ko 'yong kinuha at itinago sa nakakuyom kong palad.

"P-patay na ba siya?" napasalampak din ako sa sahig, at nanginginig kong hinawakan ang kanyang braso. Hindi sumagot si Cloud. Tumingala ako at nakitang unti-unti nang lumiliit ang portal, parang hinihigop ang sarili nito.

"Jing!" nakita ko si Eliza na humahangos, kasunod silang lahat. Nang makalapit siya ay kaagad niyang dinaluhan si Jill.

"Eliza," kinuha ko 'yung kamay niya at inilagay doon ang singsing.

"She's..."

"Dead?"

She can't just die like this. Ni hindi pa siya nagpapasalamat sa'kin ng maayos. Tinignan ko si Eliza at ito 'ata ang unang-unang pagkakataon na makita ko siyang umiiyak. Nilapitan siya ni Vince at pilit na pinatayo atsaka niyakap.

Sila Otis, Pascal, Finnix, Palm, at Dean, nakatitig lang sila... Pero bakit hindi sila lumuluha? Tumayo ako at lumapit sa kanila, biglang nagsalita si Dean.

"Jing," mahina niyang wika, "Ang...totoo niyan..."

"A-ano?"

"Sinadya 'kong magpahuli rito dahil sa utos nila."

"Nino?" si Eliza na tumahan na at lumapit din.

"Ni... Karen at Cairo."

"Bakit?"

"Dahil kasama ko ang mga huling alas," at itinuro niya sa malayo ang naglalakad na palapit na dalawang nilalang. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sila dahil hinding hindi ko sila makalilimutan, "Pero kailangang siguraduhin ni Karen na mangyari ang dapat na mangyari kaya kinailangan naming magpahuli at hintaying mamatay si Jill upang matanggal sa kanya ang Chintamani."

"Joha and Dette." Bigla akong nanlamig nang banggitin ni Eliza ang mga pangalan nila. Kaya naman pala hindi nagluluksa ang mga kumag dahil alam nilang may solusyon, mahusay. Bakit nga ba ko umiiyak kung mareresolba naman din 'to.

"Maaaring ibalik ni Joha ang buhay ni Jill," pagpapatuloy ni Dean, "Ngunit... Kailangan ng isang buhay na kapalit na kukuhanin ni Dette."

I know. Ganoon ang ginawa nila noon sa akin.

A life...for a life.

Walang nagsalita sa kanila pagkatapos. Huminga ako ng malalim.

"Kung ganon, ako ang magbibigay ng buhay." Sabi ko sa kanila na ikinabigla nila sa mabilis kong desisyon.

"Pero—" kokontra si Pascal.

"Ang kambal na 'yan ang dahilan kung bakit ako nakabalik sa mundo," turo ko sa nakalapit na sina Joha at Dette. "Hindi naman talaga sa akin ang buhay na mayroon ako ngayon, at ginawa 'yon ni Cairo sa'kin ng walang paalam." At walang consent o walang waiver, hindi ko hiniling na bumalik ulit dito.

"Jing!" sigaw ni Palm na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko, "P-paano mo nasasabi 'yan?"

"Ikaw Eliza," humarap ako sa kanya na hindi niya napaghandaan, "Itakbo mo na palayo 'yang Chintamani dahil kapag bumalik si Jill ay baka mapahamak na naman siya sa pesteng batong 'yan."

"Teka, teka, teka!" si Finnix, "Huwag kang magpadalus-dalos!"

"Anong gusto mo, Finnix, one week nating pag-isipan 'to?!" natameme siya sa sinabi ko at humarap ulit ako sa kanila. "Dali, Dette, kunin mo na ang buhay ko at ikaw Joha, buhayin mo si Jill." Inabot ko 'yong kamay ko sa kanila na kaagad nilang kukuhanin nang bigla siyang humarang.

"Ano ka ba, Otis?!" tinabig ko siya pero alam kong malakas siya, "Alis!" hindi niya 'ko hinahayaang makadaan gamit ang pwersa niya. "Alis! Ano ba!"

"Jing! Nasisiraan ka na ba?!" napahinto ako nang sunud-sunod silang magsalita na inumpisahan ni Finnix.

"Y-you can't just die again!" si Vince.

"Jing!"

"Shut up!" tumigil ako sa pag-aalpas at sinigawan ko sila, "Stop pretending my life means as much as yours! A—"

Bigla akong sinampal ni Eliza at mangiyak-ngiyak ko siyang hinarap habang sapo ang pisngi ko.

"Your life... is just as important as ours." Sabi niya sa'kin sa malumanay na paraan pero hindi ako mapakali.

"Kung ganon—"

"I'll die instead."

"Sis!" sigaw ni Vince sa huling tinuran ng kapatid niya.

"Hah, 'wag ka ngang magpatawa, Eliza, mas may silbi ka sa mundo!"

"Stop it," huminto kami nang makita namin siya, nakatayo habang buhat ang katawan niya na walang buhay, "Jill will be really pissed if she knew that you're fighting over her, you guys are too touching and cheesy."

"C-cloud."

"Walang magsasakripisyo sa inyo." Blangko ang itsura niya at hindi mo malaman kung ano ang iniisip niya ngayon. "Dahil ako lang ang may karapatan na gawin 'yon."

Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya. Nahihibang na ba siya?!

"Hoy, Cloud! Nasisiraan ka ba ng bait?!" ako lang ang naglakas ng loob para pigilan siya. Hindi. Hindi pwede.

"Jing," Nagtitigan kaming dalawa at bigla siyang umiling, "I know you want to live, so please don't push yourself too hard on this."

Ewan ko kung bakit may tumusok na kung ano sa puso ko sa sinabi niya. Dahil...Dahil alam kong tama siya.

"Kaya mo lang nasasabi ang mga bagay na 'yon, dahil pakiramdam mo hindi mo deserve ang ikalawang buhay na binigay sa'yo." Dagdag pa niya.

"Oo! Bakit?! Ikaw ba?! Mas deserve mong mabuhay kaysa sa'kin!"

Umiling na naman siya ng sunud-sunod habang pumapatak ang luha sa mga mata, "No, I don't deserve to live. I already killed two people, both important to me, and that's too much, a lifetime burden that I'll carry if I go on. And this is the only way to pay for it."

"Cloud." Umiling ako sa mga sinabi niya.

"Please, guys." Paki-usap niya sa aming lahat, "Let me do it. I'm the one who's supposed to do it."

Tumingin ako sa mga kasama ko at naiinis ako na makita sila na nakatanga lang at walang masabi sa nangyayari ngayon, gusto ko silang sampalin lahat para tulungan ako na pigilan si Cloud pero ni isa ay walang kumilos.

Tumingin ulit ako kay Cloud, "Madaya ka rin ano," sabi ko nang hindi napipigilan ang luha, "Kami ang pahihirapan mong magpaliwanag sa kanya sa oras na nagising siya at wala ka."

"Eliza's smart you know, maybe she can make a solution?" parang wala lang na sagot ni Cloud sa'kin.

"I'll never betray her again, ever." Wika naman ni Eliza.

"Kung ganon..." tumingin muna siya sa aming lahat, "Huwag na lang kayong magpakita sa kanya."

"Hoy, Cloud!" nagulat kami nang sumigaw si Finnix, "Akala mo ba ganon lang kasimple 'yon?!" napakunot ako dahil bigla siyang umeksena, anong problema nito? "Kung merong dapat mamatay dito, ako 'yon! Kasi traydor ako! Habambuhay akong traydor!"

"Finnix..." mahinang sambit ni Palm. Napanganga kaming lahat nang makita namin si Finnix na humahagulgol habang sinasabi ang mga bagay na 'yon.

"Hindi ba?" si Finnix na nakalapit na ngayon at lumuhod sa harapan ni Cloud, "Pakiusap... Ako na lang."

"Sinabi ko na sa inyo na ako lang ang may karapatan." Pero matigas si Cloud. "Joha, Dette. You will follow me."

"Eliza, do something to stop him." Si Vince. Maging kami ay naghintay sa kung anong isasagot niya dahil alam naming lahat na walang makakapigil kay Cloud.

"I..." isang salita mula kay Eliza, "I'll go away as far as I can...To hide this." Tumingin siya sa'kin at parang may gripo sa dalawang mata niya, "Dahil tama si Jing, kapag sa oras na bumalik si Jill ay baka mapahamak siya ulit kapag napunta sa kanya 'to."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya dahil implikasyon 'yon na wala na siyang paraan para pigilan si Cloud. Nakita ko sila at para bang hahayaan na lang ang mga mangyayari.

"I'll go with you." Si Vince. "I'll go wherever you go, sis." Tumingin sa'kin si Vince na para bang nag-so-sorry.

"H-hindi ba... h-hind b-ba pwedeng..." si Palm may gustong sabihin, "H-hayaan na lang natin... k-kung anong n-nangyari? H-hindi ba, i-ito n-na 'yung n-napili n-ni J-jill? P-paano kung...P-paano kung... h-hindi niya g-gustuhing m-mabuhay ng wala ka, Cloud?" Nakuha namin ang gusto niyang sabihin at may punto si Palm.

"I thought of that but... But I believe in her." Kaagad na sumagot si Cloud, "I believe that she'll do more great things, even without me." Hindi na siya lumuluha ngayon at sa pagkakataong 'to ay nakangiti siya sa aming lahat, "Noong nasa Akasha's Game tayo, nakita niyo kung paano tayo binigyan ni Jill ng pag-asa sa bawat pagsubok. We all saw that she's capable of bringing hope and greatness. We all know Jill, lalo na kayo Jing, na kahit ilang beses siyang saktan, traydurin, iwanan, hinding hindi pa rin siya titigil." Hindi na 'ko makapagsalita dahil wala na rin akong masabi.

Naglakad ako at hinawakan si Finnix at pilit na pinatayo.

"T-tara na, Finnix."

"Thanks, Jing." Sabi ni Cloud sa'kin at kaagad ko siyang talikuran dahil hindi ko kayang makita...


    



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top