/32/ Breaking News





[Karen Italia's POV]


I suddenly lost my ability to see the future since that night when my sister, Jill, stole the powers of Timoteus. Isa lang ang ibig sabihin, siya ang may dahilan kung bakit nabalik sa akin ang kapangyarihan ko noon, at ngayong wala na sa kanya ang kapangyarihan na 'yon ay nawala na rin ulit sa'kin ang kakayahan ko na makita ang hinaharap.

Though I admit how I wish I use it to see...

"Karen?" nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Tito Richard. "Wala ka bang ganang kumain ng breakfast?"

"Sorry, Tito Richard, marami lang akong iniisip," sagot ko sa kanya.

"Is it about Jill?"

Sasagot pa lang sana 'ko nang makita ko si Albert na humahangos palapit sa kanya.

"Oh, Albert? Anong problema?" pati ako ay napatingin sa kanya dahil sa kakaibang pangamba sa mukha. Imbis na sumagot si Albert ay inabot niya kay Richard ang smartphone, "Anong meron?"

Tiningnan ko ang reaksyon ni Tito Richard nang tignan niya ang kung ano man ang ipinakita ni Albert.

"Headline, a super girl was found flying... Ano 'to, Albert? Fake news?" ibinalik niya kay Albert ang smartphone, dismissing the stuff as if it's a joke, pero base sa itsura ni Albert ay may kakaibang nangyayari sa mundo ngayon.

"N-no, sir, nasa TV na rin ang balita, mga iba't ibang tao na may kapangyarihan sa buong mundo," pagkasabi ni Albert ay kaagad na tumayo si Tito Richard. Parehas silang umalis at dahil sa kuryosidad ay sumunod ako sa kanilang dalawa. Pumasok kami sa office ni Tito Richard at agad na binuksan ang TV.


'BREAKING NEWS: RISE OF THE SUPERHUMANS?'


At iyon ang bumungad na headline sa morning news sa isang kilalang television channel.

"Magandang umaga mga kababayan! Trending ngayon sa buong mundo ang iba't ibang videos na kumakalat sa social media kung saan sa iba't ibang parte ng mundo ay biglang sumulpot ang mga taong may tinataglay na kakaibang kapangyarihan o super powers!"

"This is impossible..." bulong ni Dr. Richard nang ipakita sa screen ang iba't ibang videos kabilang na rin ang mga nakuhanan ng CCTV camera.

"At siyempre hindi magpapahuli ang Sentral City sa trending na ito!"

"Pero partner! Hindi ba't nakakaalarma ang ganitong pangyayari? Super humans around the globe? Ito na nga ba ang babago ng tuluyan sa nakasanayan nating siyensiya?"

"Sang-ayon ako sa'yo partner! Isa ito sa magiging panibagong suliranin na kahaharapin ng sanlibutan, bukod sa korupsyon, matataas na tax, mabilis na paglaki ng populasyon, at pagdadagdag ng unemployment, magkakaroon ng malaking pagbabago sa bawat antas n gating pamumuhay dahil sa pagsilang ng mga super heroes na ito."

"Ito na nga ba ang pagdating ng panahon na tinatawag nilang 'Age of Heroes' sa komiks?"

"Ngunit ang malaking misteryo sa lahat, partner, ay kung saan at paano sila nanggaling? Ito ba ay isang malaking fake news, propaganda, pakulo ng mga negosyante sa mga consumers o isang katotohanan na kailangan nating tanggapin lahat?"

"Hindi pa natin alam sa ngayon, partner, pero tiyak na dumadami ang bilang ng bawat videos na kumakalat sa social media at nagtetrending ngayon sa twitter ang hashtag na #AgeofHeroes! Tunghayan natin ang mas marami pang balita sa pagbabalik ng ating programa, ang—" Biglang nilipat ni Tito Richard sa ibang channel kung saan may kinalaman pa rin sa naunang headline at dito naman ay may mga panayam sa iba't ibang tao.


BREAKING NEWS: #AgeOfHeroes?


"We still don't know yet if these videos are real or fake, we can't just easily accept the fact that we might enter a new age called the age of heroes."

"It's fake, for sure, baka propaganda ng mga dilawan 'to."

"Malay natin ito na pala 'yung oras para ma-salba ang planet Earth at magkaroon na ng world peace!"

"This might be a work of a devil because according to the bible, si Kristo lamang at ang ating poong maykapal ang tanging may karapatan na magkaroon ng kapangyarihan!"

"Totoo 'to! Nandoon ako mismo nung nakita ko 'yung babae na kayang lumipad!"

"The end is near! Kailangan na nating magbalik loob kung hindi ay masusunog ang mga kaluluwa natin sa impyerno!"

"Nikola Tesla already did some superhuman experiment before, hindi na nakapagtatakang nangyayari ang mga bagay na 'to."

In-off na ni Tito Richard ang TV at nagkatinginan kaming tatlo ngayon, walang masabi dahil pare-parehas kaming nabigla sa mga natunghayan namin kanina lang.

Alam naming lahat ngayon na totoo ang mga tinatawag nilang superhuman, pero ang mas nakakagulat na pangyayari ay dahil kailanman ay hindi nangyari ito noon, ang magkaroon ng sandamakmak na exposure ang bawat superhumans sa mundo o ang tinatawag naming Peculiars noon sa Memoire.

Bumalik kaming lahat sa dining area, dala-dala pa rin ang shock mula sa balita na kumakalat sa buong mundo.

"This is ridiculous," ang tanging naging pahayag ni Tito Richard nang makaupo, "Age of heroes? Hindi ko maiwasang maalala ang Memoire dahil sa paniniwala nila, 'to conquer the universe', hindi ba't parang ganon ang nangyayari?"

"Tito Richard," I called him, "Kailangan kong bumalik ng Beijing."

"No, hindi ka na babalik doon," sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating.

"C-cairo," I can't believe he's here...Anong ginagawa niya rito?

"Inutusan ako ni Jill na bumalik dito, probably because she knew that you're going after her." Lumapit siya sa akin at tumingin siya kay Tito Richard, "Alam ni Jill kung anong ginagawa niya, don't worry. Umuwi ako rito para ipaalam sa inyo na wala kayong dapat ikabahala." He assured.

"What do you want?" tanong ko sa kanya at tumingin siya sa'kin. Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"You."


*****


[Jing Rosca's POV]

THE whole city is in total chaos. And when I say chaos, as in literally chaos, nagising na lang ulit kami nang sumunod na araw na nagkakagulo hindi lang ang Beijing City kundi ang buong mundo dahil sa nakakagulat na headline ng mga balita na kumakalat, Super Humans on the Rise.

"Here, a phone for our group," inabot sa'kin ni Cloud ang isang smartphone. Nagtataka naman ako na kinuha 'yon mula sa kanya.

"Saan mo 'to nakuha?" tanong ko sa kanya.

"Ah, hiniram ko lang," patay malisya niyang sagot.

"Hiniram?" humalukipkip ako sa kanya, "O ginamit mo 'yang persuasion powers mo para makuha 'to?"

"Alam mo, Jing, hindi na mahalaga 'yon," naiinis niyang sagot sa'kin. Inirapan ko na lang siya at nang buksan ko ang phone ay tama nga ang hula ko dahil may wallpaper 'yon ng isang Chinese na hindi ko kilala. Nakita ko si Eliza na may hawak ding smartphone na galing kay Cloud.

"Aba, talagang dalawa pa ang kinuha mo ha," pang-aasar ko lalo.

"Para mas madaling makapagcommunicate sa isa't isa, kailangan natin nito," at napanganga na lang ako sa pangkukunsinti ni Eliza, "Katulad ng groupings natin kahapon, Jing, Cloud, Otis, at Pascal, kayo ang magkakasma. Kasama ko naman sila Palm, Vince, at Finnix. Magpapalit tayo ng route."

"Teka, bakit wala pa si Dean dito?" tanong bigla ni Vince. "Dapat kasama na natin siya ngayon ah?"

"Hindi ko alam, baka na-delay ang flight," naisip kong dahilan kahit medyo alanganin, pero hindi na muna mahalaga 'yon, dadating pa rin naman si Dean, pero hindi ko pa rin talaga makalimutan 'yung ginawa niyang pang-iiwan sa amin noon. Humanda siya pag nakita ko siya.

"Move on, move on din," tinapik ako ni Cloud na halata namang binabasa kung anong nasa isip ko.

"Nagsalita ang naka-move on na," sumeryoso siya at halatang hindi nagutuhan ang sinabi ko.

"From here, maghihiwa-hiwalay na tayo, and using these phones, let's contact each other, Jing, sa kung ano mang balita na makukuha natin," namalayan ko na lang si Eliza na kinakausap pala 'ko.

"Okay."

"Pero, guys, paano 'yung nababalita... tungkol sa mga superhumans?" biglang binuksan ni Palm ang topic na sa palagay ko'y pare-parehas naming iniiwasang pag-usapan.

"Siguro, Palm, hindi na muna natin dapat 'yon problemahin," sagot sa kanya ni Finnix.

"Kagabi umulan ng mga bulalakaw, at ngayon nagising ang bawat kapangyarihan ng mga normal na tao, hindi 'to basta-basta lang," bigla namang dumagdag ang kapatid kong si Otis na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko naging kapatid.

"Meron tayong priority, at iyon ay hanapin si Jill," direktang pahayag ni Eliza at wala ng kumibo sa'min pa kaya kaagad na kaming naghiwalay. Ang grupo ni Eliza at ang grupo ko.

Una kaming napadpad sa Beijing Railway Station. Binabalak ni 'ata ni Cloud na mag-tour kami outside Beijing na wala sa usapan namin nila Eliza, lagot kami nito.

"Hoy, Cloud, hindi tayo pwedeng basta umalis ng Beijing na walang paalam kila Eliza, kabilin-bilinan niya na rito lang tayo maghahanap!" saway ko sa kanya bago pa niya sabihin sa'min kung anong nasa isip niya.

"Hindi, hindi iyon ang dahilan," sabi niya na ikinanoot ng noo ko. Ano bang balak nitong batang 'to?

"Kung ganon, bakit tayo nandito?" tanong ni Otis at imbis na sumagot ay wala siyang ibang nagawa kundi tumingin lang sa isang direksyon na sinundan namin ng tingin. Wala naman akong kakaibang nakita maliban sa isang lalaki na hindi mapakali.

"Cloud, 'yung lalaking 'yon ba?" turo ko sa direksyon nito at tumango lang si Cloud. "Anong gagawin niya?"

Bago pa makasagot si Cloud ay nagulantang kaming lahat nang bigla na lang itong napaluhod sa gitna ng maraming tao at para bang pinagsakluban ng langit at lupa. Wala kaming oras para manuod ng drama pero nang lapitan ng security guard ang lalaki ay bigla itong sumigaw at tumalsik ang guard sa malayo nang hindi nahahawakan. Lahat ng tao na nakasaksi ay napasigaw at kaming apat ay napanganga.

Dahil sa pangyayari ay kaagad ng pagpapanic ang mga tao. At wala kaming magawa kundi sumabay sa agos ng mga nagtatakbuhan papunta sa labas.

Is this really what they call age of fucking heroes?



*****


[Eliza Macaraig's POV]


LULUBOG na ang araw at marami akong natanggap na text message mula sa grupo nila Cloud at sinasabing marami silang naging encounters sa mga tinatawag nila ngayong "Superhumans". Sinabi rin ni Jing na nagawa pa nilang tumulong sa mga tao nang magkaroon ng biglaang atake sa isang bahagi ng siyudad. Sa dami ng mga pangyayari ay ni anino ni Jill ay hindi pa rin namin nakita.

'Let's meet up now at CBD.' I texted them and they immediately replied na kanina pa pala sila nandoon.

"Come on, guys." Sabi ko sa kanila at kahit na pagod ay tumango lang sila Palm, Vince, at Finnix.

At dahil Winter season ay mas mabilis mag gabi, kung kaya't nakakailang metro pa lang kami ng lakad ay tuluyan nang nawala ang liwanag. Sa paglalakad ay bawat kanto na madaanan namin ay rinig na rinig ko ang lahat ng mga balitang pangyayari, ang misteryosong paglitaw ng mga bulalakaw, at lalung lalo na ang tungkol sa mga taong nagkaroon bigla ng kapangyarihan.

Hindi maiwasang sumakit ng ulo ko dahil sa sobrang intense ng paligid. What's too bad about my powers, I can also sense everyone's emotions and that's too overwhelming.

"Sis, are you okay?" alalay sa'kin ng kambal kong si Vince.

"Yeah, I can handle it."

"Eliza, let me treat you."

"No, Palm, baka mapagod ka lang, it's better to conserve your energy." Tanggi ko sa alok niya.

"San na kayo? Dito na kami. –Jing" another text message.

At bago pa 'ko makapag-reply sa kanya ay nakarinig na naman ako ng malakas na sigawan.

"Oh my god!"

"What's going on?! Is it the end of the world?!"

"E-eliza," may tinuro si Vince at sa malayo kitang-kita namin sa madilim na langit ang paglitaw ng isa tila nanghihigop na kulay ube na liwanag.




"First, a meteor shower. Second, the awakening of ordinary human powers. Third and the final doom before the moon will occult the sun, an opening of the portal between two worlds."


Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko... Even though its more than a thousand paces away from here, I can clearly see someone at the top of a building, looking at us like ants without any signs of emotions.

"Eliza, bilisan na natin dahil nagpapanic na naman ang mga tao!"

Sa pagkakataong 'to ako naman ang may itinuro, tumingin sila pero alam kong hindi naman nila nakikita kung ano ang nakikita ko sa malayong lugar.

"A-ano 'yon?"

"It's who," I said, "It's Jill."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top