/3/ Surprise
"CLOUD," Napatingin ako kay Cloud at nakita ko ang labis na pagkagulat sa kanyang mukha. Damn, nasira na yung concentration niya at siguradong alam na ni Eliza na may mga kasama kami rito ngayon.
"Well," ibinalik ko ang tingin ko sa kanila at nakita ko si Eliza na nakahalukipkip at katabi si Margaux. Paanong nangyari 'to? P-patay na siya! "You think you can easily fool me, Jill?" hindi ko pinansin si Eliza at muli kong binalingan si Cloud.
"Cloud, this is just an illusion," pangkukumbinsi ko sa kanya. "She's not your mom―"
"It's her." Malamig na sagot niya sa akin, kitang kita ko ang butil ng kanyang pawis sa mukha. Umiling ako ngunit napaatras siya.
"Your move is very predictable, Jill Morie," napatingin ako muli kay Eliza. "Baka nakakalimutan mo na ako ang nagplano noon para makatakas tayo sa MIP, can't you think of better ideas now without me?" hindi ko inaasahan na manggagaling mismo sa bibig niya ang mga salitang 'yon, ito ang unang pagkakataon na makitaan ko siya ng kaarogantehan. Hindi pa rin umuusal ng kahit isang salita si Margaux, parang robot lang na nakatingin sa amin, kaya naisip ko na baka nililinlang lang kami ng aming mga paningin.
"Jill. Kasama ko na si Karen at ang kambal. Nandito na kami sa sasakyan, let's go!" Bigla kong narinig yung boses ni Cairo. Medyo nakahinga ako ng maluwag ngunit hindi ko ipinahalata sa kanila na may nalaman ako. Sa tingin ko hindi pa alam ni Eliza, kailangan na naming umalis dito kaagad!
"Eliza, hindi na ba natin pwedeng pag-usapan 'to?" si Dean, nakikiusap.
"Matigas ang ulo ni Morie, Dean," sabi ni Eliza. "Kung papayag lang siya sa inalok ko ay hindi naman natin kinakailangang humantong sa ganito."
"Eliza―"
"Pero kung kinakailangang pilitin siya, gagawin ko, kahit ano," naunang umalis si Margaux, nakita ko si Cloud na parang gusto niya itong habulin ngunit pinigil ang sarili. "See you in Beijing, guys."
"Wag mo kong pinipikon Eliza!" sigaw ni Dean. "Hindi kita hahayaang makaalis dito!"
"You wish," pagkasabi nito'y lumitaw naman sa harapan namin si Vince. "Brother, ikaw na muna ang bahala sa kanila."
"Vicente!" sigaw muli ni Dean.
"Yoh!" Masaya pang bati nito. "Unfortunately isa na lang yung extra ticket namin papuntang China kaya si Jill lang ang isasama namin, sorry Cloudy and Deany."
"Fuck you!!!" si Dean. "Traydor!"
Nagsimulang magpadami ng clones si Vince, at habang napapalibutan kami nito ay hinawakan ako ni Dean sa braso.
"Jill, tumakbo na kayo ni Cloud, ikaw ang target dito, ako na bahala sa kupal na 'to." Seryosong pahayag niya.
Tumango kami ni Cloud at tumakbo, naiwan si Dean mag-isa, kaharap ang madaming clone ni Vince. Nag-eexpect ako ng mga Sentinel sa hallway ngunit wala kaming nakita kahit na isa.
"Cloud, they got my sister back." Pero wala akong response na nakuha sa kanya, marahil ay nabigla pa rin sa nakita kanina. Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo.
"A-ah, yes!" late reaction na sabi ni Cloud. Habang tumatakbo ay may narinig kaming pagputok mula sa likuran at nakita ang kakaibang creatures na humahabol sa likuran namin, hindi sila mga tao.
"What the hell!" sigaw ko nang muntik na kong matamaan. Medyo natawa ako, "Akala ko ba gusto nila kong isali sa competition, why are they trying to kill me?!"
Lumingon si Cloud para tingnang maigi kung ano ba yung humahabol sa amin, "I think they're robots!"
"Robots? What the―" lumingon ako para tingnang maigi, mga skeleton machines pero tumatakbo na parang tao habang may hawak-hawak na parang baril, "Memoire shits!" So all this time hindi pa rin sila tumitigil sa mga kalokohan nilang 'Conquering Universe thingy' nila.
"And they got a Paralyzer!" sabi ulit ni Cloud matapos lumingon, "They're not trying to kill you, they want to capture you alive!" magkahawak kamay kaming
"Para dalhin ako sa China? Tsk! No way!" tumakbo lang kami at sa kabutihang palad ay parehas kaming hindi natatamaan ng Paralyzer.
Pagliko namin sa hallway ay maroong mga sasalubong na robots katulad ng mga nasa likuran namin. Wala kaming ibang matatakbuhan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko at mas humigpit ang hawak ni Cloud sa kamay ko.
Maya-maya'y isang malakas na pagsabog ang narinig, at nakita namin si Otis na pinaghahagis na para bang wala lang ang mga robot, kasama si Finnix na pinaulanan ng apoy ang mga nasa likuran namin. They came!
"Guys!" hindi ko napigilang matuwa na makita sila, nag-echo na naman sa isip ko yung sinabi ni Cairo kanina. Best allies huh.
Nang matumba nila lahat ng robot na humahabol sa amin ay malaya na kaming nakatakbo hanggang sa marating yung exit na pinanggalingan namin kanina, kitang kita ko kung gaano iyon kasira, sapilitang binuksan sa gitna, si Otis walang duda.
Kanina pa naghihintay sa labas ang sasakyan, nakita ko si Cairo sa loob, sa tabi niya si Ate at sa palagay ko'y maayos na rin ang kalagayan ng kambal. Tsaka ko naalala si Dean.
"Cloud, paano si Dean."
"We have to trust that he can get himself out there alive, Jill." Sabi niya. Malapit na kami sa sasakyan nang may mga pagputok mula sal ikuran namin, paglingon namin ay nakita namin ang marami pang robot ng katulad kanina.
"Bakit hindi pa rin sila ubos?!" sabi ko. Bumusina si Cairo, pinapasakay na niya kaming lahat. Pero hindi namin magawa nang ulanin kami ng mga bala, nagkanya-kanya kaming tago sa likuran ng iba pang mga kotse na nakaparada.
Huminto ang pag-ulan ng mga bala, pagsilip namin ay nakita namin si Vince, kasama ang mga clones nito, at ang isa sa mga 'to ay akay-akay si Dean!
"Are you going to leave him behind?" hindi ko makita ngayon ang kwela at masayahing si Vince, seryoso siya. "Jill!" sigaw niya sa pangalan ko, hindi niya alam kung saan ako nagtatago, nagkatinginan kami ni Cloud, "Please, wag na nating paabutin 'to sa mas malalang sitwasyon. Kailangan ka namin sa Beijing, kung papayag ka lang hindi naman natin kailangang mag-away ng ganito."
"Cairo, umalis na kayo." nakipag-usap ako kay Cairo through Telepathy, buti magkatabi lang kasi kami ni Cloud
"I can't! Your sister won't even let me!"
"Jill... anong―" huli na para pigilan ako ni Cloud nang tumayo ako para harapin sila.
"Vince." Tawag ko, naglakad ako palapit sa kanila. Narinig ko yung pagtawag nila Finnix at Cloud pero hindi nila ako pinansin. Nang huminto ako ay dalawang clone ni Vince ang lumapit sa akin. Pero nang hawakan ako ng isa sa mga 'to ay kaagad ko itong sinuntok ng buong lakas, tumingin ako kay Otis, glad they're here. Nang mabigla ang isa ay nagpakawala ako ng apoy sa kabilang kamay para ibato sa mukha nito.
"Cairo! Umalis na kayo!"
Both clones of Vince vanished, and the remaining attacked at once. I shielded myself with fire, Finnix's powers. I don't know how I exactly doing this, ang nasa isip ko lang ay kailangang labanan ko sila, winning is the only goal. Nang maglaho na parang bula lahat ng clones ni Vince ay may tumulak mula sa gilid ko dahilan para matumba ako sa lupa.
"A-ate!" nakita ko siya na nakasalampak sa sahig, may tila kuryenteng dumadaloy sa buong katawan. Kaagad ko siyang dinaluhan.
"Karen!" nakita ko si Cairo na humahangos.
"I saw the future." Narinig ko ang boses ni Ate. "I have to change it."
May humila na naman sa'kin at nakita ko na nagkalat na naman ang clones ni Vince. May isa rin siyang clone na bumuhat kay Ate. Nakita ko si Cairo na kinuyog ng mga clones ni Vince. Hinihila ko ng clone papunta sa kanila, pero dahil mas malakas ako ay nagawa kong makakawala.
May mga sasakyan na dumating, tumakbo ako para habulin ang clone ni Vince na kumuha sa kapatid ko. Ngunit napahinto ako nang makita kung sino ang umibis mula sa sasakyan. Tila tumigil ang oras at ang mundo.
"J-jill." Si Cloud na nasa tabi ko na pala ay napahinto rin nang makita ang nakita ko.
"H-hindi." Namuo ang luha sa mga mata ko. "P-paano." Sa mga oras na 'to alam kong hindi lang ako ang sobra-sobrang nagulat.
"Hello, bitches." Bati niya na para bang wala lang. Suot niya pa rin yung damit nang huli namin siyang makita.
"Jing Rosca!"
Biglang naglaho lahat ng inipon kong lakas, kung hindi lang ako inalalayan ni Cloud ay tiyak kong napasalampak na ko sa lupa.
"B-buhay ka." Sunud-sunod na umagos ang luha sa aking mga mata. "Jing..."
"J-jinnie." Si Cairo.
"Jing!" tumayo ako para tumakbo papunta sa kanya pero pinigilan ako ni Cloud. "Bitawan mo ko!"
"Jill! Nawawala ka sa sarili!"
Kitang kita ko na ngumisi siya sa'kin. "Masyado pang maaga para magpasalamat, Jill Morie."
"It's been three years, Jill Morie." May bagong dating. Ang chairman, si Don Vittorio IV. "Surprised?"
Napahinto kami ni Cloud, "Alam kong gustung gusto niyong malaman kung paano nangyari ito." Itinuro niya si Jing. "Hindi pa ba sa inyo ikinwento ni Cairo?" napatingin kami kay Cairo, "Ang dahilan kung bakit niya gustong makuha ang Chintamani at ang dahilan ng pag-alis niya sa Memoire." May sinensyasan siya sa loob ng sasakyan, at dumating naman ngayon ang dalawa pang hindi pamilyar na nilalang, magkamukha sila.
"Hindi na kailangan ng Memoire ng iba pang Peculiar hangga't sila lang ang mayroon kami." Sabi ng Chairman at itinuro ang dalawang bagong dating,
"The Umi twins, Joha and Dette. Why don't you show them your incredible power?"
"To whom?" tanong nung lalaki.
"To him." Itinuro ni Don Vittorio si Dean na akay ng isa sa clone ni Vince.
"T-teka, bakit―" umalma si Vince ngunit wala rin siyang nagawa.
"Fuck you, Vince, mamatay na kayo―" nagsalita pa ang nanghihinang si Dean ngunit nang hawakan siya ng babae na tinatawag ni Don Vittorio na Dette ay tila nauubusan ito ng hininga.
"Dean!"
"She can kill using touch and he can bring someone back to life using touch but it requires a sacrifice." Hindi ko na alam mararamdaman ko, "Jill Morie, we got your sister again, at sa pagkakataong ito, uulitin ko... Come with us in Beijing o hindi mo na makikitang buhay ang kapatid mo."
"Fuck you!" sigaw ko. Pero hindi pa rin sapat ang lakas ko para lumaban dahil naglaho lahat nang makita ko si Jing. Wala akong ibang magawa ngayon kundi maluha at manginig sa galit...at sa takot...
Pumasok na silang lahat sa sasakyan, si Vince na walang ibang nagawa kundi iwanan si Dean na wala ng buhay at naiwan kaming lahat.
Tulala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top