/26/ Biggest Mistake
/26/ Biggest Mistake
[Karen Italia's POV]
"Teka." Pagkasabi ko sa kanya ay bahagya akong natawa, tiningnan ako ni Timoteus ng nagtatakang tingin, nahihiwagaan kung paano at bakit nakuha ko pang matawa sa ganitong sitwasyon. I successfully caught his attention that's why he slightly lowered his offense.
"What?" he asked, serious but confused. "Why are you laughing?"
"After all the inconvenience you gave to me, in the end papatayin mo rin ako-kami." He tilted his head, he pointed the gun to me again, "But before I die I want to know why." I gave him my coldest look and voice, hindi ko ipinakita sa kanya ang takot na nararamdaman ko, takot hindi para sa sarili ko, takot para sa mga anak ko, at para kay Jill.
"Using the power of Khronos or the power of time, I returned your ability to see the future." Sabi niya habang nakatutok pa rin ang baril sa akin, "Well, kinailangan kong gawin iyon upang makita mo mismo ang mga mangyayari, at kinailangan kong magpakita sa iyo upang kumbinsihin ka na kumilos."
So, the mystery of how I get back my power is finally answered, sinadya niya iyong ibalik sa akin para gumawa ako ng paraan para ibahin ang mga mangyayari sa hinaharap. Kung ganon, Eliza and I are not the real masterminds here. That man is.
"Your fate is sealed Karen Italia, you, your children, and your sister, all of you are the direct descendants of the Rosencruz clan, their blood is flowing down in your veins." Sasagutin niya na ang katanungan ko, ang justification sa sinabi niya kanina lang, pero pagkatapos ay ano? Sa ko kalagayan ngayon, nakahinto ang oras sapagkat hawak niya ito, ako lang at siya ang nakakagalaw sa mga sandaling ito. Naramdaman ko ang pagpatak ng ilang butil ng pawis, ito na ba ang katapusan namin?
"I'm going to tell you a story," at para kong nakahinga ng maluwag nang tuluyan na niyang ibaba ang baril, pero tila binabantaan niya ako ng tingin na huwag na akong magtangkang lumaban pa. Naglakad si Timoteus at naupo sa settee, dumekwatro at inenggangyong umupo rin ako katapat niya ngunit nanatali lamang akong nakatayo at nakatingin sa kanya, "During the ancient civilization, an alchemist named Batzi Rosenkreux successfully discovered the source of all living matter, due to its activation, he began to give humanity with special abilities, in other words, he is the founding power of all Aeons. Batzi Rosenkreux, knew the ultimate power of the stone that's why he concealed its activation only to his descendants. The stone was passed down generations to generations but our ancient order, Order of Khronos Aeon, saw it as the biggest threat to humanity." Huminto siya saglit at muling nagpatuloy sa pagkukwento habang nakatingin sa kawalan, "Our former grandmaster, Seraphim, ordered us to find every Rosencruz and kill them all. I was young, and foolish, when I travelled to year 1959 I fell in love."
"And don't tell me that girl is a Rosencruz?"
He bitterly smiled, "Unfortunately, yes." Totoo nga ang sinasabi nila, we can't choose who will we love and no matter how hard we avoid it, we usually ended up falling in the wrong ones. Hindi ko maiwasang may maalala, I was exactly the same, I fell in love without knowing exactly why other than because I blindy love him. Nagbalik ako sa sarili ko at nakinig muli sa kanya.
"Hindi ko masasabing iyon ang naging malaking pagkakamali sa buhay ko, ang mahalin siya." Medyo nag-iba ang himig niya, naging malambot, "Until Seraphim found out where Natrice is, he killed her and I was too late when I came to save her." Huminga siya ng malalim, "I still remember that day, when I held her in my arms with her dying words...Please spare my child. Patrizia! Her name is Patrizia! I can't bear to kill my own daughter; I took and hid her away," tumingin siya sa'kin at sinabing, "and that was the biggest mistake I made." Tumayo siya mula sa pagkakaupo, "To let your mother live, that was the biggest mistake I made."
Napamaang ako sa huli niyang sinabi.
Mother? Who? Patrizia Rosencruz?
If...If she's my mother... then... "Y-you're my-"
"Grandfather." Dinugtungan niya 'yung sasabihin ko at sa isang iglap ay nagliwanag ang suot niyang pendant, nilamon din siya nang liwanag hanggang sa napansin ko na nagbago ang kanyang anyo, he became much older, his face and skin wrinkled and his hair are gone. Sa mga sumunod na sandali ay nakatutok muli sa akin ang pistol.
"It was also a mistake for me to convince your father, Isagani Miguel Morales, to marry Patrizia, because he killed himself to change the future."
"W-what are you..." this time hindi ko na makontrol ang emosyon ko, naghahalu-halo ang pagkagulat sa takot at pagkamuwi. Kitang kita ko sa mga mata niya ngayon na hinding hindi siya mag-aalinlangan na patayin ako...
"I'm doing this for the greater good, Beatrice," I became more astounded when he called me in my real name, "As long as the Rosencruz are existing, the chances of gaining the power of Chintamani is a big threat. Now, I told you the reasons..." he's going to pull the trigger.
Dug
Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na pagpintig ng puso ko.
Dug
"All Rosencruz must die."
Dug
"How boring."
Parehas kaming napapitlag ni Timoteus sa panibagong tinig.
"But the last part was quite a shock." At mula sa dilim ay bigla siyang lumitaw.
"Jill!" I exclaimed when I saw her standing near the window; she was here all this time?!
"Narinig ko lahat ng pinag-uusapan niyo." Naglakad siya palapit sa amin.
"P-paano ka nakarating dito?" tanong ko, hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya ng todo at hindi ko ring maikali ang bahagyang takot sa kanya nang dahil sa nangyari sa lodge house.
Instead of answering she showed me her glowing ring, the Chintamani. Huminto siya sa tabi ko at sabay naming hinarap si Timoteus, nakatutok pa rin sa amin ang hawak niyang baril.
"Kung desperado kang mawala kami sa mundo then bakit hindi ka mismo bumalik sa oras kung saan ginawa ng ninuno namin ang bato na 'to?" Jill asked.
"We can only travel through time but we don't have the power to save the world."
"Ahh, I remember my late friend, Seraphina, when she altered the events by manipulating the time it costs her own life." Hindi sumagot si Timoteus at muling nagsalita si Jill.
"So, dapat ka ba naming tawaging lolo, gramps or whatever?" Jill coolly said to him, she's not afraid. Hindi sumagot si Timoteus at nanatili lang seryoso, "Nagtagumpay nga ang kapatid ko sa mga planong ginawa niya na makuha ko ang Chintamani, but sad thing, I can't even remove this ring not unless I'm-"
"Dead." Pagtuloy ni Timoteus sa sasabihin niya pero nanatiling kalmado si Jill.
"I know, gramps." She stepped forward, "I know and I understand that I must die, para matanggal sa'kin ang Chintamani. I am prepared for that."
"Jill!" nagulat ako sa mga sinabi niya.
"Pero alam mo kung ano ang hindi ko hahayaang mangyari?" hindi niya ako pinansin at nagpatuloy stiya sa pagsasalita, "Hindi ko hahayaang patayin mo ang ate ko at mga pamangkin ko."
Jill...
"Tch. Ang buong akala ko pa naman ay naiintindihan mo na ang sitwasyon, Jill Morie."
"Ow, why don't you call me Atria, gramps? Bakit? Makukunsensya ka ba lalo na kaya mong patayin ang mga apo mo?"
Hindi nagpaapekto si Timoteus sa sinabi ni Jill pero ibinaba niya ang kamay. He's going to retreat, hindi ko rin alam kung anong kayang gawi ni Jill ngayon.
Timoteus quickly grasped his pendant but Jill raised her right hand to stop him. Maya-maya'y nakita ko na lang na ang liwanag na nagmumula sa pendant ay hinihigop ng kaliwang kamay ni Jill. Hindi makagalaw si Timoteus, she's getting his power!
"What are you doing, Jill!" nag-aalala ko dahil baka mawala na naman ang kontrol niya sa sarili.
Maya-maya'y lumitaw mula sa puting liwanag ang apat na compatriots ni Timoteus at mabilis nila itong nailikas at sabay-sabay na naglaho.
Naiwan kami ni Jill, muling nagpatuloy ang oras.
"Are you alright?" tanong niya sa'kin.
Napahinga ko ng malalim sa sinabi niya, "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, Jill," niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik, mahigpit.
"I'm sorry." Sabi niya.
"Why? Wala kang dapat ihingi ng sorry."
"Sinaktan kita at hindi ko kaagad naintindihan kung bakit ginawa mo 'yon,"
"Jill."
"I'm sorry."
"Jill... You can't... you can't die."
"Ate," kumawala siya, "Alam mo kung anong mangyayari sa hinaharap, look, look again in my eyes, tell me, I'll die, right?"
Sunud-sunod na pumatak ang luha ko sa sinabi niya.
"There must be a way." She wiped my tears, "Jill, sinet up ko ang lahat ng 'yon para lang dito," kinuha ko 'yung kamay niya, "Pero bakit ganon? Bakit hindi naging patas? Bakit kailangan mo pa ring mamatay?"
"Maybe because hindi naman natin alam ang lahat ng bagay." Sabi niya sa'kin at naupo kaming dalawa sa sofa. Atsaka bigla kong naalala...
"Your dad. Nag-aalala siya sa'yo ng sobra, I'm going to tell him you're here."
"Wait." Pero pinigilan niya ako at umiling siya, "Hindi naman na ako magtatagal, at isa pa, mapapahaba lang ang kwentuhan. Gusto ko lang makita ang kambal."
"Sige." Sabay kaming pumasok sa loob ng silid ng nahihimbing kong mga anak. Hindi na pinabukas ni Jill 'yung ilaw at hinayaan na 'yung lamp shade lang ang nakabukas.
"Look, parang ang bilis nilang lumaki." Komento niya habang hinihimas ang ulo ni Beau, "At wag kang magagalit, ate, lumalaki silang kamukha ni Cairo." Tumingin siya sa'kin na may nang-aasar na tingin.
"Anong gusto mong gawin ko?" sagot ko naman sa kanya. "Mukhang okay na kayo ah."
"Hindi naman. He's still a jerk, but he proved to me how much he really cared."
"Cared?"
"Kaya naman siya pumayag sa inalok ni Eliza hindi dahil sa'kin kundi para sa'yo-para sa mga anak niyo."
"Jill-"
"I know hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan natin ang ganitong bagay, but before I die I want to tell you this, these children need their father." She smiled, "My wish for you is to be happy."
"T-then why are you here?"
"Actually, pumunta ako rito para alamin din mula kay Timoteus ang katotohanan tungkol sa pinagmulan natin, about Rosencruz, and I heard enough. Sinunod ko lang naman ang pinayo sa'kin ni Morris, I needed to know myself and now I finally understand." Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko, "Thank you, thank you for everything, sa lahat ng ginawa mo, ninyo ni Eliza para sa'kin, salamat. Kailangan ko ng umalis."
"Saan ka pupunta?"
"I will save them. I will save my friends."
"Jill." Niyakap ko siyang muli. "I can't believe we made this far."
"Yeah me too." Wika niya at bumitaw, "The solar eclipse is near... The end is near...
I had to say goodbye."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top