/24/ Exasperation
"Hindi ko matanggal 'yung singsing, Timoteus."
"We have to talk to her when she wakes up, Karen, you have to explain it to her then convince her to give us the Chintamani."
It wasn't freezing anymore. I can feel the warmth...Where...again...am I?
Seconds later I was staring at the white ceiling. Bumangon ako at napagtanto na nakasuot na lang ako ng white plain shirt at black pants, nakita ko 'yung room heater sa sahig. I feel better than...Wait...Sila Cloud! Naiwan sila! At...Si Dean!
Bigla kong naalala ang lahat ng nangyari kung kaya't hinawi ko ang comforter at kaagad na tumayo. I'm still wearing it—the Chintamani.
Anong nangyari kila Cloud, Jing, Vince, Cairo, Finnix at Otis, lahat silang mga naiwan. Bakit? Bakit 'yon nagawa ni Dean? At si Dean? Si Dean na buhay? Anong nangyayari—
"Jill?" may kumatok sa pinto at biglang kumabog ang dibdib ko. Dahan-dahan akong nagtungo sa pintuan at nagdalawang isip kung pagbubuksan ang kung sino mang nasa labas. Muli itong kumatok makalipas ang ilang sandali, "Jill?"
Binuksan ko ang pinto...
"Hey."
...
Hey. Iyon lang ang sinabi niya matapos ang halos maraming taon na hindi namin na pagkikita. What the hell is he doing here? For all time and place, bakit ngayon pa?
"M-morris?" hindi ko maitago sa mukha ko ngayon ang labis na pagkagulat na may halong pagkalito at pagtataka.
I need somebody to explain what's happening. As in ngayon na.
"Kamusta?"
"Sorry Morris pero hindi ata ito ang tamang oras para magkamustahan tayong dalawa." Kaagad ko siyang hinawi para makadaan ako. Call me rude pero hindi ko na talaga naiintindihan ang mga nangyayari. I heard voices earlier, it's my sister, Karen, and a man...a man she called 'Timoteus'.
"Jill, sandali!" kaagad siyang humarang sa dadaanan ko. "Alam kong naguguluhan ka pero kailangan mong kumalma."
"Paano ako kakalma?!" natigilan kami parehas nang masinghalan ko siya, "Morris... Please, I just need to see my sister." Whatever the reason why he's here, malakas ang kutob ko na may kinalaman siya. I'm sorry, Morris, I'm sorry if I don't feel happy now even though I saw you again, hindi lang talaga tama ang timing, sorry. Sobrang naguguluhan ako, yesterday it was Dean and now it's Morris.
"Follow me." He coldly said at nauna siyang naglakad. Gusto ko siyang tanungin kung nasaan kami pero katulad ng panahon ay namayani ang malamig na tensyon sa pagitan naming dalawa. We're like in a lodge house, katulad ng rest house namin sa probinsya, natanaw ko sa labas ng bintana ang walang katapusang niyebe at wala akong naaninag na kahit na ano maliban sa mga puno at bundok, magdidilim na ang paligid. Are we still in China?
"Here." Muntik ko na siyang mabunggo nang huminto siya, hinubad niya ang suot na jacket at ipinatong iyon sa akin.
"T-thanks." Tumango lang siya at muling naglakad. Bumaba kami at nagtungo sa living room kung saan may fireplace. May babaeng nakaupo sa sofa at kahit na hindi ito humarap ay alam ko kung sino 'yon. Kaagad akong iniwan ni Morris para mabigyan kami ng espasyo.
"Ate?" Tandang-tanda ko pa rin ang huling kita ko sa kanya, nang dakipin siya nila Vince kasama ang iba pang Memoire. I worked hard to win for this stone to get her back and now she's here...
Tumayo siya at nilingon ako, "Jill." Hindi mo mawari kung ano bang naiisip niya at hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko kung bakit hindi rin ako masaya na makita siya ngayon. Malinaw sa akin base sa mga narinig ko, may usapan siya at sila.
Nanatili akong tuod hanggang siya ang lumapit at yumakap ng ubod ng higpit. Nang bumitaw siya ay nakita ko ang nangingilid niyang luha.
"I'm glad...I'm glad you're here now."
"What is happening?"
"Umupo muna tayo." Kalmado niyang sabi at hinila niya ako para umupo kami sa sofa. I saw her glimpse on Morris at umupo rin ito katapat namin. Maya-maya'y narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, Dean is here too, alive and kicking. "Gusto mo ba ng tsaa? Pagkain—"
"Ate, please go to the point." I impatiently said and she sighed. "I thought you're being held by Memoire. And why he's here? And him." Turo ko kay Dean na nakatayo malapit sa amin. "Tell me, tell me na hindi lang nasayang ang lahat ng ginawa namin—ginawa ko para sa'yo."
"No, Jill, hindi totoo 'yan, you just did what must be done."
"Anong ibig mong sabihin?" naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya, kung tutuusin bakit ba ako nagsasayang ng oras makipag-usap kung sa isang pitik lang ay pwede kong malaman ang lahat dahil sa kapangyarihan ko, pero parang hindi ko kaya gawin 'yon, I wanted to know the truth from her words.
"It was all planned."
"P-planned?"
"I wasn't really kidnapped by Eliza, Memoire's gone, Dean's death is fake—" huminto siya sa for some reasons, "I'm sorry, Jill, we did it for you."
"You did it for me?" alam kong hindi na maipinta ang mukha ko ngayon, "I'm sorry din, ate, pero hindi ko maintidihan. Paanong lahat ng nangyari noon sa isla ingrate ay hindi totoo?! Lahat?"
"No! Hindi lahat, Jill—"
"Calm down." Morris is sitting next to me now and he tightly gripped my hands, "Look into my eyes." I immediately got what he's trying to do, he's going to show me the past through his eyes. It's too late to avoid contact, hinihigop na ako ng kaibuturan ng kanyang mga mata, and the next thing happened is a flashes of memories...from my sister? He transfers the memory of other person to mine? How can he do that? Did he develop his powers?
In the beginning I saw strange people visiting my sister, and one of them was called...Timoteus. The next memories are how she asked for help from Eliza and together they conspired the plan to get me in the competition. Eliza even asked Cairo to pose as my new comrades and they agreed, and my sister Karen also personally asked Jing, Morris and my dad, Richard Morie, to help in the mission. And Cloud... he also participated to distract me.
The visions were fast but I still managed to understand it all. They all played in their roles well.
Ako ang unang pumikit. Sapat na ang mga nakita ko sa mga mata ni Morris para maipaliwanag ang lahat ng nangyari. So...katulad nga ng sinabi ni Ate, planado ang lahat. Kung ganon... hindi talaga traydor sila Eliza.
They're my friends. All this time.
"Jill?" I opened my eyes, bumalik si Morris sa pwesto niya, "I know this is hard for you pero gusto kong malaman mo na ginawa namin 'yon lahat para sa'yo." My sister said in a pleasing tone.
"Para sa'kin?" there's still one thing that I don't get, "Why? Why do you need to go that far? For me?" I looked at her, "You used my friends to betray me, you even used my dad, and for all of people bakit ikaw? Bakit ikaw na kapatid ko ang gagawa nito sa'kin?" I really don't know what to feel, "It's for me? What do you want me to do now? Maging masaya? Magpasalamat sa'yo?" alam kong nasasaktan siya sa mga sinasabi ko, tumayo ako sa kinauupuan ko at tumayo rin siya "Thank you dahil na-survive ko lahat ng heart breaks na dinanas ko? Thank you dahil mas naging malakas ako ngayon? Anong gusto mong gawin ko?! Ano?!"
"Calm down, Jill—"
"Calm down?! You don't know what I've been through, ate, actually, alam mo eh! Alam mo kung ilang beses akong tinraydor noon! Pero ito? Ito 'yung paraan na naisip mo para sa ikabubuti ko?!"
"Naiintindihan kita pero hindi mo naiintindihan ang sitwasyon ko!" sigaw niya rin pabalik sa'kin.
"Sitwasyon mo?"
"Nakikita ko ang mga mangyayari sa hinaharap, Jill. Wala kang alam!"
"'Yon naman lagi kong papel 'diba? Ang wala akong alam?! Ang pagmukain niyo akong tanga!"
"It's better for you not to know the reason why."
"Ate naman! Tama na 'yung gaguhan!" nagulat siya sa mga salita ko, "Sabihin mo sa'kin bakit! Bakit mo ginawa 'yon?! Bakit mo 'ko pinilit makuha 'tong bato na 'to?!" tinuro ko sa kanya 'yung suot kon singsing, ang Chintamani.
Natigilan siya... Nag-iwas ng tingin.
"Sabihin mo sa'kin! Bakit?! Bakit?!"
"Because you're going to kill my children!"
W-what...
"K-kill...your children? I-I'm going to kill your children?" ulit ko sa mas dahan-dahang paraan, "How can you say that?! How you can easily said that?!" now we're both raging.
"That's what I saw in the future." Nanatili lang siyang kalmado ngayon, "You will kill my children because of that stone. And I'm not going to let it happen, in the future, I saw myself... That I will kill you."
W-why...
Parang hindi ko na kayang magsalita, ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon lalo na sa huli niyang sinabi.
Iyon ba ang dahilan kung bakit... kung bakit nakikita ko ang visions ng sarili ko na...mamamatay? Dahil sa hinaharap, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay papatayin ko ang mga anak niya at ang kapalit nito ay siya naman na kapatid ko ang papatay sa akin?
This is so fucked up.
"You're insane." Ang tanging nasabi ko, "How can you possibly believe that I can kill my own nephews?!" malumanay kong sabi pero sunud-sunod nang pumtak ang mga luha ko. "I'm not a child killer." It hurts. It hurts so much.
"What your sister did is the only way to save you and her children." Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Five meters away ay nakatayo ang isang nilalang na nakita ko sa mga mata ni Morris. So it's him—
"Timoteus." My sister called him. He's not alone; he's with four men, the same in the visions.
"Sino ka ba?" tanong ko.
"You heard your sister, my name is Timoteus, and I'm the Grandmaster of Order of Khronos Aeon, we are a secret order that monitors and protects the humanity's past, present and future." He and his companions look normal, kung hindi mo iisipin kung paano sila nakapasok dito, nakasuot lang sila ng formal attire at kapansin-pansin ang golden medallion na suot-suot niya.
"And so?"
"I visited you some time in the future." That's quiet contradicting; he visited me in the future?
"That doesn't justify the reason why I'm going to kill my nephews."
"It does." Mas lumapit sila sa kinaroroonan namin, "Fifteen years from now, I'm the one who convinced you to kill her children." She pointed at my sister, who's now completely astonished on what he said, "Listen, Jill, what your sister did just altered the predictive pattern of Universe's events, dahil nakuha mo na ang Chintamani hindi na makukuha ng kambal sa hinaharap ang Chintamani at hindi mo na sila kinakailangan pang patayin pa."
He means... Fifteen years from now, at the age of eighteen, makukuha ni Atticus at Beaut ang Chintamani...
"Then why? Why do I have to kill them?"
"Hindi ba sinabi sa'yo ng mga Kahval kung ano ang mangyayari habang sa pagtagal ng paggamit ng Chintamani?"
"...everytime you use its magnificent power, it will consume all of your being."
"It will consume all of your being." He exactly said what John Zedong told me.
I... I don't like this feeling.
"Give me the Chintamani."
"Jill, please, para matapos na ang lahat ng 'to, ibigay mo na kay Timoteus ang—"
"Is this what you want?" itinaas ko ang kamay ko at ipinakita sa kanila ang nagliliwanag na ngayon na singsing. I am so tired of this. I can't even explain my feelings.
Sinubukan kong tanggalin ang singsing ngunit hindi ko magawa, para iyong mahigpit na naka-glue sa balat ko na kahit anong gawin kong hila ay hindi ko matanggal, oh this is so fucked up, really.
"Jill?"
"What are you doing?!"
"Obviously I'm trying to remove it!" but I can't, kahit anong lakas ko.
Tinignan ko ang kamay ko at nakita ko mula sa daliring pinagsusuotan ng Chintamani ay dumaloy ang mga itim na ugat. W-what the hell...
"She's letting the Chintamani to control her!"
"Jill Morie! Don't let it to control you!" the five strange men are rushing toward, itinaas ko lang ang kamay ko tumalsik sila kaagad. Anong nangyayari, bakit kusang gumagalaw ang kamay ko?
"Jill! Huwag!" sinubukan akong pigilan ni Ate Karen pero namalayan ko na lang naka-angat siya sahig habang nasasakal, "J-jill..."
"Karen!" somebody knocked me down, and then I saw Dean, he's carrying my sister.
"Dean, ilayo mo muna si Karen dito! Go!" Morris... Kaagad na nawala sa paningin ko sila Dean.
Muli akong tumayo at susubukan akong pigilan ni Morris pero katulad nang ginawa ko kanina ay hinawi ko lang siya at tumalsik papalayo.
"Let's retreat! She's dangerous!" the so called Grandmaster Timoteus exclaimed to his compatriots, they all vanished in a single blink.
Nawala na silang lahat pero hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman ko. I feel so powerful, para akong baterya na napupuno na gustong sumabog. The feeling is so addicting, I want more... and more... and more power.
"Jill!" but he's still here. Morris. "Hindi ikaw 'to. Bumalik ka sa sarili mo!" papalapit siya sa'kin pero katulad kanina ay pinatalsik ko lang siya ulit hanggang sa humampas siya sa dingding.
No, Jill, don't listen to him, isa siya sa mga taong nanakit at nanloko sa'yo noon. Don't believe anything he says, he's fake, the real him is a monster, you knew it, you saw it.
"J-jill." Tumayo siyang muli kahit nagdurugo ang ulo. Kaagad siyang tumakbo papalapit sa akin, bago ko pa maitaas ang kanang kamay ko ay kaagad niya akong nahawakan sa magkabilang balikat, "Look into my eyes!"
No, Jill! Don't!
"Remember! Remember the past!" he forced me to look directly in his eyes, "Hindi ikaw 'to! Look! Look inside my eyes!"
Flashes of the memoires from the past, non-stop... I suddenly remembered everything, way back then when we first met on White Knights Academy. Together with him and Lucille...
I remembered.
The black veins vanished, kumalma ang buong pagkatao ko at kaagad niya akong sinalo.
"M-morris..." he made me remember. "I...I tried to kill her."
"No, hindi mo 'yon kasalanan. Don't worry... I'm here... Hindi kita iiwan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top