/22/ The Real Game
[Jill Morie's POV]
NAHATI sa gitna ang malaking pintuan matapos i-tap ng isa sa mga staff ng facility na 'to ang ID sa isang scanner sa gilid. Kanina ko pa pinagmamasdan ang buong paligid habang naglalakad papunta rito mula sa isang silid na pinanggalingan ko, they made me wear this black dress and I guess there must be a special event. May isang namumukod taning bagay akong napansin, mayroong emblem ng crescent moon sa bawat poste. Sa palagay ko ay hindi naman ito underground facility na kagaya ng Beehive ng Mnemosyne Institute base sa nakita ko kanina sa elevator buttons.
Sa pinakatuktok ng gusali kami pumunta at matapos naming lakarin ang napakahabang hallway ay narito kami ngayon, nang bumukas na ng tuluyan ang higanteng pintuan, na may Chinese features ang design, ay humakbang kami papasok sa loob. Madilim kung ikukumpara sa labas at tanging mga ilaw ng blue torches ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa loob.
"Where are we?" hindi ko na napigilang magtanong sa mga kasama kong staff, and I got nothing... again...katulad noon ay hindi rin nila sinagot ang mga tanong ko. Honestly, I know there's something wrong here but I just remained calm and alert. First, hindi ko ma-sense sila Cloud... I am feeling completely normal... I mean... I feel powerless. Second, there is something in their silence.
Kanina pa rin bumabagabag sa isip ko kung nasaan ang mga katawan nila Eliza, at ng iba pang mga players na naging Lost sa loob ng Akasha's game. Malaki ang posibilidad na nandito lang silang lahat sa facility na 'to dahil hindi naman talaga namatay ang physical bodies nila sa loob ng laro.
"Welcome back, JillI Morie the Keeper, our one and only champion." Huminto kami sa paglalakad at mula sa kadiliman ay nakita ko ang isang matangkad, maputi at singkit na lalaki, pamilyar siya... siya si... "I'm John Zedong if you can still remember me. I know you've been in the game for so many days but believe it or not it was just five days ago since we transferred your bodies here." Five days ago? No way.
"I need to see my friends," I said to him with authority in my voice.
"Unfortunately... you are not allowed...yet." Ito na nga ba ang sinasabi ko, "They're in a good condition, don't worry." He smiled to assure it, "You're here to claim your prize."
"Where is he?"
Napa-hilig ang ulo ni John Zedong sa tanong ko.
"Who?"
"The man-in-white, Rama Melchiore."
Kitang-kita ko kung paano naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi at sumeryoso. Namayani ang katahimikan. We just stared for seconds, and then he smiled again.
"By the way, you are here in the facility called 'The Moon Tower', in case you're wondering, this is the main headquarters of the Kahvals." Naglakad siya papalapit at biglang mas lumiwanag ang paligid matapos niyang mag-snap, "You are here, as I mentioned earlier, because we are going to award you the prize you deserve... The Chintamani." When the place became clearer... I saw... A huge theatre room... and them... Who are they? Bakit sila nakasuot ng mga puting roba at nakatingin silang lahat sa akin.
Pagka-tingin ko sa mga kasama ko ay nakita ko na nagsuot sila ng puting roba na suot suot din ng mga tao sa theatre room, pagkaharap ko ay nakita ko si John Zedong na nakasuot na rin ng ganon. Biglang kumabog ang dibdib ko... Are they...Are they a cult?
"Come, my keeper, the Chintamani is waiting for you." Inilahad niya ang kamay at nag-aalinlangan akong kuhanin iyon hanggang siya na mismo ang humila sa akin.
While walking in the aisle, all their eyes are following me and it scares me... as if their stares are gazing deep down my bones. Napansin ko na may mga suot silang pendant, katulad ng mga emblem na nakaukit sa bawat poste... isang crescent moon. What exactly are they? Ang mga Kahval... isa ba silang kulto ng buwan? Why are they obsessed in the moon?
None of them are Peculiars dahil wala akong ma-absorb na kahit anong power na pwede kong gamitin laban sa kanila.
Nang marating namin ay entablado ay mas lalo akong kinabahan dahil mas kitang-kita ko ngayon ang kabuuan nilang lahat. Kung i-eestimahin ay nasa lagpas isang daan sila.
"Z-zedong..." I called him but...
"My ladies and my lords..." he's in the middle of the stage right now, "Today is a very sacred day of our ancient order, The Lunars, but we came here today as The Kahvals, to witness his return." His return? "After so many years of finding the key of the stone we finally found her." And then he pointed at my direction, "A Rosencruz!"
"A Rosencruz!" the people chorused and it scares me more. No Jill, hindi ka pwedeng matakot ngayon, you already knew the consequences of winning the game, but I need them and they're not here.
"We all gathered here to see the power of the stone." Pilit akong dinala ng dalawang staff papunta sa kinaroroonan ni Zedong at sa gitna ay naghihintay ang isang mesa, may nakapatong na bagay doon ngunit natatakpan ng puting tela. Hinila iyon ni Zedong at tumambad ang isang glass box na naglalaman ng isang... singing?
Kinuha sa loob ni John Zedong ang singsing, lumapit siya sa akin at kinuha ang kaliwang kamay ko... Pero... Teka... Nag-angat ako ng tingin atsaka ko lang napansin kung sino ang nasa malaking painting sa entablado... Si Rama Melchiore, at nakalagay sa pangalan sa ilalim ay...
Melchor Enriquez Morales.
*****
[Cloud Enriquez's POV]
"BALIW ka ba?" mahinang singhal ni Jing sa'kin matapos kong sabihin ang balak ko, hinila niya ako paupo sa tabi niyang bakanteng upuan, "Kakalabas lang natin ng larong 'yon tapos gusto mo na namang magsimula ng gulo?"
"Jing, you felt it too, you guys felt it too!" we all saw earlier that they cannot use their powers.
"Ssshhh!!!" saway nila sa akin at luminga-linga pa sila kung may nakakapansin ba na nagkakagulo kami rito, "Keep quiet you idiot!" at kinutusan pa ko ng kaunti ni Jing.
"Sa tingin niyo ano ba ang unang gagawin kay Jill noong nakalabas kaagad siya sa laro?" Cairo asked, "Of course, katulad nang ginawa sa atin i-checheck ang physical condition niya hanggang sa maging stable siya then what?"
"What?" si Vince.
"Obviously dahil siya ang keeper ng Chintamani, malamang sa malamang ay binigay, binibigay, ibibigay na sa kanya ang batong 'yon sa mga sandaling 'to."
"Then, what should we do?" tanong naman ni Finnix.
"Well, kung gusto nating mabuhay lahat dahil sa pagkakataong 'to ay nasa totoong mundo na tayo, we just need to patiently wait."
"No, we can't." pagkontra ko, heck, we can't do nothing here. "Jill is out there and she's in absolute danger."
"Teka lang, Cloud." Singit ni Vince sa usapan, "Maiba lang ako, if this is the real world... then... my sister, Eliza, is still alive? Or at least she's in coma, she must be somewhere here."
"Pati si Palm, at Pascal." Nagkatinginan sila ni Otis, na hindi na suot suot ang maskarang clown ngayon dahil noong nagising na lang siya ay wala na 'yon.
"Cairo, narinig mo na? Hindi lang tayo pwedeng maghintay dito, hindi lang si Jill ang dapat nating tulungan." Jing leaned forward to Cairo, "Kaya nga pinilit ni Jill na manalo tayo sa sixth level para makalabas tayong lahat dito, ito 'yon, ito 'yung dahilan kung bakit." Hinampas-hampas niya 'yung mesa habang nagsasalita.
"Oh, kalma lang, tanda." Si Vince naman, trying to light the atmosphere but the tension is too strong. Tumitingin-tingin na sa'min 'yung mga bantay dito, we need to act cool.
"Alright, I understand what you said pero dapat maintindihan niyo rin kung ano 'yung circumstances na hinaharap natin ngayon." He's right, "Una, for some unknown reason ay hindi natin nagagamit ang mga kapangyarihan natin, we don't know if it is stolen, lost, or whatever pero 'yung fact na powerless tayo ay napakalaking bagay na non. How can we do it without our powers?"
"It's not about our powers." I finally said, "It's about...It's about saving them, right?"
We looked at each other and then I noticed someone's coming.
"Everything's alright here?" tanong ng isang staff na nakasuot ng executive attire.
"Yeah, we're just having a good time here." Kaagad na sagot ni Cairo na mabilis sinang-ayunan ng mga kasama ko.
"Good." Tumalikod ang babae at naglakad ito palayo sa amin. Narinig ko ang paghinga nila ng maluwag nang makalayo ito.
"Shit, paano na tayo makakaalis dito?"
"How about this, guys?" they all looked at me, "Mag-observe muna tayong lahat dito, then maybe we can find a way to escape without making any trouble."
Sumang-ayon sila at maya-maya't isa-isa kaming pasimpleng tumatayo at naglilibut-libot ng hindi napapansin ng mga nagbabantay at ng ibang staff dito. Si Vince nagkunwaring natapon sa sahig 'yung pagkain na kinuha mula sa buffet kaya na-distract 'yung iba kaya nagawang lumusot nila Jing papunta sa comfort room. Si Cairo naman ay nakikipag-usap kuno sa mga staff para makakuha ng kahit kaunting impormasyon. Kami naman nila Finnix ay naglakad-lakad sa buong cafeteria, napansin namin na may mga cameras sa bawat sulok nito. Matapos ang ilang sandali ay muli kaming bumalik sa kanina naming pwesto and luckily we are too careful to be noticed.
"Galing ako sa comfort room kanina, walang camera roon, I know this sounds cliché and stupid but I think we can possibly go through the air vents at the ceiling." Sabi ni Jing at medyo napamaang kami sa idea niya.
"It's possible. Pero delikado dahil siguradong mapapansin nila tayo na sabay-sabay pupunta ng CR?" sabi ko naman.
"I've got an idea." Finally the so called Mastermind spoke, "There are three passages from here, yung una ay 'yung papuntang comfort room, naka-locate sa west, mayroon din sa north at east but unfortunately hindi natin alam kung saan papunta 'yon at may dalawang nagbabantay sa bawat isa." Tumikhim muna siya bago magpatuloy, "Since we're six, we need to group ourselves into two, and every three passages we will try to sneak out."
"Paano?" tanong ni Jing. Sumenyas si Cairo na mas lumapit kaming lahat.
"We need to sacrifice, sino ang—"
"Ako." Kaagad na nag-volunteer si Otis.
"A-ako rin." At sinundan iyon ni Finnix.
"Okay, Otis at Finnix, kayo ang gagawa ng komosyon malapit sa West passage, try to knock the guards and make sure get all the attention, while another partners will go into that Air vent passage."
"Ako." Si Jing. "Sinong gustong sumama sa'kin?"
"Sasama ko." Kaagad kong sabi.
"Then, it will be me and Vince, we'll try to sneak to the north passage as soon as gumawa ng gulo sila Otis."
"Pagkatapos?"
Walang umimik sa'min dahil alam namin pare-parehas na napakaliit ng tsansa sa kung anong magagawa namin. Pero mayroon kaming mga goal, una, ang mahanap si Jill, at pangalawa ay mahanap ang mga katawan nila Eliza. We all know that this is a kind of suicide mission, that whoever goes to the goal first will survive and whoever will fall behind will be left, but we had no choice, we don't have our powers.
We didn't waste any more time when Otis and Finnix began their move, they tried to struggle with the guards kaya lahat ng atensyon ay nasa kanila. Cairo and Vince successfully passed in the north, at kami naman ni Jing ay kaagad na dumiretso sa CR.
Seconds later namalayan ko na lang na gumagapang kami sa air vent. I can still feel my heart, pounding. Gumapang kami ng gumapang ni Jing nang hindi namin alam kung saan kami napapadpad. Nauuna siya sa'kin hanggang sa bigla siyang huminto.
"What?"
"Sshh..." Pinakinggan niyang maigi kung ano ang nangyayari sa ibaba. "They're talking about a ceremony, I think Cairo's right, mukhang binibigay na kay Jill 'yung Chintamani."
"Where is she?"
"At the tower, sabi nila, hindi kaya... nasa pinaka-tuktok? Wait, may elevator sa baba, this is our chance, Cloud, bababa tayo rito."
"Wait, safe ba?"
"Wala ng tao. Let's go."
"Ha? Ngayon na? Teka—"
"Gusto mo pa bang maghintay ng Pasko bago bumaba rito?"
Nang makababa kami ay kaagad kaming dumiretso sa elevator pero ayaw nitong bumukas dahil nag-error 'yung finger print analysis scanner.
"Damn! Hindi mo ba nakita na kailangan ng ganito?!"
"Sshh! May paparating." Casual lang kaming naglakad pero mukhang naalerto 'yung paparating na staff at kinuha nito ang phone. Nakita ko na lang si Jing na susugurin 'yung lalaki.
"Jing!" huli na, nakita ko na lang na napatumba niya 'yung lalaki at kinuha nito ang ID, at kaagad kaming tumakbo, iniwan naming walang malay 'yung staff. "Bakit mo ginawa 'yon?!"
"Baliw ka ba! Kapag ni-report niya tayo ay mag-aalert ang buong—" ang sumunod na pangyayari ay katulad ng inaasahan ko, nag-red alert na ang buong hallway, at mukhang na-huli na rin 'yung mga ibang kasama namin pero wala kaming ibang choice kundi tumakbo lang.
"Stop!" may mga humahabol na sa likuran namin pero hindi kami tumigil ni Jing sa pagtakbo.
"Cloud! Wag kang lilingon may mga baril sila!" at inuulan na nga kami ng mga bala o kung ano mang tawag sa mga armas na dala nila. "Hahahaha! Putragis!" Napatingin ako sa kanya dahil anong nakakatawa sa ganitong sitwasyon?
"Bakit ka tumatawa?!"
"Nangyari na 'to noon! Sa MIP! Pero ngayon wala tayong mga kapangyarihan, gusto ko lang tumawa para in case na mamatay na naman ako—"
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan!"
When we reached the door we tried to tap the ID pero nag-pe-fail iyon.
"Shit!" dead end. Napalingon kami sa kanila at nakitang naglalakad sila palapit dahil alam nilang wala na kaming matatakasan. Jing stood before me and she tried to use her power pero nabigo na naman siya.
"Please do not attempt to use your powers here, it's useless." Sabi ng isang staff habang nakatutok ang baril sa amin, "This facility is created especially for Chintamani and generated by an Aeon who can refrain any kinds of powers." That's why... so it means we didn't lose our abilities, kung makakalabas kami rito ay magagamit naming lahat ulit 'yon. Pero... We need to get Jill... and how can we get out here? "Surrender yourselves peacefully."
Jing tried to shoot them using the gun she got from the guy she knocked down earlier, hanggang sa maubusan na iyon ng bala, binato niya ang baril sa gilid.
"Cloud..." tumingin si Jing sa'kin at tila nawawalan na ng pag-asa, "Mukhang hanggang dito na lang—"
Nakarinig kami ng pag-ulan ng mga bala, napatingin kami ni Jill at nakita namin na nakasalampak lahat sa sahig ang mga tumutugis sa amin. Nang humupa ang usok...
"Okay lang ba kayo?" It's Otis and Finnix! May dala silang dalawang machine guns!
"Saan niyo nakuha 'yan?!" tanong ni Jing, hindi makapaniwala, "At buhay kayo!" kaagad siyang tumakbo at sinalubong ng yakap si Otis at sumunod si Finnix.
"Mamaya na tayo magsaya, mahabang kwento." Paliwanag ni Otis.
"'Yung pinto!" turo ni Finnix at sabay-sabay kaming napalingon at nakita na bumubukas ang pinto na kanina ay hindi namin nabuksan.
"Guys!!!" at nakita namin si Vince at si Cairo. "Takbo rito! Dali!"
When we're all reunited halos magyakapan silang lahat sa sobrang kaba at tuwa.
"P-paanong nangyari na nagkita-kita pa rin tayo?! Waahh!" ngalngal ni Vince na parang bata habang niyuyugyog ng yakap si Otis.
"It's like Deus ex machina." Cairo commented after hugging Jing. "Fate?"
No... it's not... I finally realized... Jill taught them... They learned from Jill how to fight... finally...
"Save your tears later, lover boy." Si Jing. Kinapa ko 'yung pisngi ko at naramdaman na basa 'yon, "Ililigtas pa natin si Jill."
Tumango ako at sabay-sabay kaming tumakbo.
Jill... Wait for us.
The real game just begins.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top