/21/ The Conspiracy


(Before the Akasha's Game)



[Karen Italia's POV]


HINDI magbabago ang hinaharap hangga't wala kang ginagawang aksyon sa kasalukuyan.

"Tinatawag mo ako, Karen?" napalingon ako at nakita ko siya na nakatayo di kalayuan, sinenyasan ko siya na tumabi sa'kin dito, "Hindi ba dapat nagpapahinga ka sa loob, anong ginagawa mo rito sa dalampasigan?" she said while her face is emotionless but I felt her care.

"Eliza, I'm okay." I assured her, "Ang mga bata?"

"Hinehele sa pagtulog ni Jill at Cloud ang kambal." Umupo siya katabi ko, sabay naming tinanaw ang alon na humahampas sa buhangin.

"I'm glad na pumunta ka rito. Akala ko hindi mo papansinin ang pagtawag ko." Tumingin ako sa kanya, "Thank you."

"What are you thanking for?" sagot niya, "Atsaka, kahit na nasa third floor ako ng mansyon ay narinig ko pa rin 'yang pagbulong mo, lalo pa't intentionally mo akong tinatawag sa hangin."

"Kaya nga hindi kita tinawag ng personal dahil ayokong may makakita na gusto kitang makausap."

"Alam ko, Karen, kaya nga 'ko pumunta rito eh." Sabi niya at tumingin na rin siya sa akin. "Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa. Anong kailangan mo?"

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa pagiging prangka niya, that's what I like about this girl, "Since sinabi mo na huwag na tayong magpaliguy-ligoy, alam ko rin na alam mo."

"Ang alin?" medyo natawa ko dahil siya 'tong nagsabi na huwag na kaming maraming segue.

"Bago ako manganak noon, sinabi ko kay Jill na muling bumalik ang kapangyarihan ko, that I can see again the future. And I guarantee that you heard it, you're just using your powers to constantly check the perimeter, if meron bang umaaligid na kalaban."

Nakita ko siya na tumango, "Yeah, I heard it pero never kong in-open sa kahit na sino."

"Si Jill man ay hindi namin ulit napag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon pagkatapos kong manganak, hanggang ngayon. Pero dahil nasasagap niya ang kapangyarihan ko... nakikita niya ang sarili niyang hinaharap."

"Future? You mean her own future, this time?"

"Jill is going to die."

Mas nangibabaw ang tunog ng paghampas ng alon, malapit nang lumubog ang araw pero wala pa ring nakakapansin ngayon na nawawala kami sa mansyon kaya dapat masabi ko na sa kanya ang dapat kong sabihin.

"Eliza, kaya kita gustong makausap dahil kakailanganin ko ang tulong mo." Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at kitang-kita ko ngayon sa mukha niya ang pag-aalala dahil sa sinabi ko kanina, "Ayokong mangyari 'yon kay Jill, ayokong... ayokong may mangyaring masama sa kanya kaya—"

"I'll help."

Medyo nagulat ako sa mabilis niyang pagsagot, walang pag-aalinlangan at sigurado. So I told her what I saw in my visions, kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap na kailangang magbago, sinabi ko sa kanya ang mismong dahilan kung bakit mamamatay si Jill at ang katotohanan na may kinalaman ito sa dalawa kong anak.

"Eliza, I'm stuck choosing between my sister and my children. All these years pinag-iisipan ko kung anong pwedeng gawin pero wala akong maisip na paraan. Until I decided I have to save them all. Malaki ang pagkukulang ko kay Jill nang mapunta sa kanya ang Culomus at minsan na kong nawalan ng isang anak kaya hindi ko hahayaang may mangyaring masama kina Atticus at Beau."

"You need me to come up with a solution kung paano sila maisasalba lahat?"

"There's already a solution." Sagot ko sa kanya.

"Kung ganon anong maitutulong ko?"

"Jill needs to get the Chintamani, before that she must join and win the competition."

Napakunot si Eliza sa sinabi ko, "It sounds easy."

"I know. Pero ang pinakamahirap sa lahat ay dapat wala siyang malaman tungkol sa kung anong mangyayari sa hinaharap, therefore she must know nothing."

Natahimik kami parehas pagkatapos ko 'yong sabihin, alam kong hindi madali ang lahat ng gusto kong mangyari, kaya ko nga siya tinawag at hingian ng tulong.

"Jill needs a motivation." Pagkaraa'y sabi niya sa akin, "Kailangan niyang mag-thrive o magkaroon ng matinding will para sumali at manalo sa sinasabi mong competition."

Mukhang hindi ako nagkamali ng taong nilapitan, napangiti ako ng bahagya nang sabihin niya 'yon.

"Karen, I have an idea."

"Ano?"

"Katulad ng sinabi ko, kailangan ng matinding will ni Jill para manalo. She must think of an enemy."

"Memoire."

"Exactly."

"Pero, Eliza, araw-araw mong chinecheck ang perimeter pero wala kang na-sesense na kahit anong panganib... Wala na ang Memoire."

"That's why we are going to arrange everything. Jill must think that there is an enemy, para gumalaw siya at mapilitang sumali sa competition na sinasabi mo. We're going to betray her."

"Betray?" medyo nag-alinlangan ako, my sister already suffered a lot of betrayals and now...

"It's for the greater good, Karen, you asked me to help and this is the only way I think. We are going to betray Jill even if she hates us until death." Hinawakan niya ko sa braso at diretsong tinitigan sa mga mata, "We're going to abduct you."

"Wait... You mean by 'we'..."

"I'm going to ask everyone's help, we can't do this by ourselves, and I'm sure they'll understand."

Hindi ako sigurado sa sinasabi niya pero... This is for the greater good... So it is justifiable to trick my sister? May sasabihin para sana ako nang tumayo si Eliza at nilahad niya ang palad para tulungan akong makatayo. Dumidilim na ang paligid, kailangan na naming makabalik sa loob.

"Just rest, I'll take care of everything."

"Thanks." Ngumiti ako sa kanya pero nanatili lang siyang blangko, "Eliza... Bakit ka pumayag ng walang alinlangan?"

Sabay kaming naglakad pabalik ng mansyon, "She became our hope when we're still living in that underground prison cell. And because Jill Morie is my friend."

"I'm glad to hear that."

"May tanong lang din ako."

"Ano 'yon?"

"How can you be so sure that the Chintamani you mentioned is the only solution? I mean... nakakasigurado ka ba na mananalo si Jill sa competition? Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kakayahan ni Jill pero if we're going to think of probability...The chances are uncertain."

I get her point.

Ilang sandal akong nanahimik bago ako magsalita.

"She'll win, I know that."

Because she's a Rosencruz too.


*****


[Eliza Macaraig's POV]


"You easily found me, my former student, I'm impressed." He said to me after he sipped a wine. I can see he's really surprised by my visit in his eyes. Well, kahit napadpad siya sa isang probinsiya di kalayuan sa Sentral City ay nahanap ko pa rin siya. Thanks to my sensing powers.

"I'm flattered to be called your former student, Cairo." 

"So, what brings you here? By the way, sila nga pala ang Umi Twins, si Joha at Dette." Kumaway sa'kin ang dalawa niyang katabi at tumango lang ako. We're here in a resto lodge where they are currently staying, wasting their time living in a lavish life after they ran away from Memoire, "Hindi ka naman siguro naghahanap ng gulo ano, Eliza? Matapos niyong pabagsakin ang Mnemosyne Institute, heto at napilitang sumama sa'kin ang kambal na 'to dahil hindi na interesado ang dati naming boss sa mga tulad nating Peculiars, salamat sa inyo nila Jill Morie." He said sarcastically.

"Your kids are turning three this year." Bigla siyang sumeryoso nang banggitin ko ang magic words. I'm not a Telepath like him but I know his weaknesses, I know how I can move this man and I'm sure I will get what I want. "I have news for you, actually."

"A-ano 'yon?" sinadya ko siyang bitinin para mas lalo siyang ma-tense at kitang kita ko naman sa itsura niya ngayon kung gaano siya nag-aalala sa mga anak niya, "Joha, Dette, doon muna kayo sa sasakyan," utos niya sa mga kasama at sumunod naman ang mga 'to na parang aso lang.

"So, sila pala 'yung kambal na kayang pumatay at bumuhay gamit ang sense of touch. Amazing."

"Get to the point, Eliza." Naiinip niyang sabi.

"Well, the one and only love of your life, Beatrice or Karen, apparently can see the future again."

"How's that possible?" hindi niya makapaniwalang sagot sa'kin. Well, I can't blame him. Wala akong logical basis kung paano 'yon nangyari pero naniniwala ako kay Karen.

I just shrugged and I told her what Karen told me... Kung ano ang mangyayari sa mga anak nila at kay Jill Morie.

"What?!" sigaw niya sabay hampas sa mesa at napatayo pa, naagaw tuloy namin lahat ng atensyon dito sa lodge. Umupo siya muli, "Nasisiraan ka ba ng mabait sa mga sinasabi mo?!"

"I am completely sane, Cairo." When Karen told me that, para rin akong mababaliw sa kakaisip kung paano 'yon mangyayari at kung paano magagawang gawin 'yon ni Jill. And just now, nakita ko ang Umi Twins ng harapan... They're also involved in Karen's vision of the future... "Karen and I are conspiring something. Ang tanging paraan lang para mabago ang hinaharap ay makuha ni Jill ang Chintamani."

"Chinta—what?"

Ipinaliwanag ko sa kanya iyon at kung ano ang plano para mapasali si Jill sa competition. I told to him that I'm going to play the villain and I can't stand to see na walang magiging kakampi si Jill, I can't leave her helplessly, she can't do it alone, she needs new allies.

"Wait, Eliza." He cuts my explanation, "Bakit ako pa ang napili mong pwedeng maging kakampi ni Jill, how can she trust me? Pwede namang ako ang maging kontrabida ulit diba? At kayo ang makasama niya sa competition na 'yon?" No. Jill needs a heavy motivation, to set her heart to fire, we need to betray her.

"Cairo, the best allies are your former enemies." Napanganga lang siya sa sinabi ko, "Pero may isa lang akong pabor." Napatingin ako sa kotse sa labas, "Don't take them with you, sila ang isasama ko sa'min ni Vince."

"What? Sila Joha at Dette lang ang kasama ko ngayon. Ako lang ang tutulong kay Jill?"

"You will have Cloud. And them."

"Who?"

"Finnix, Pascal and Otis."

"I don't even know where the hell they are."

"Alam ko kung nasaan sila, I'll give you the address. Find them and form a team."

A new Team Morie.

*****


[Cloud Enriquez's POV]


"KAREN, for almost three years sinunod ko ang inutos mo noon." Heto na naman kaming dalawa at nagtatalo, "I distracted Jill at ginawa ko ang lahat para hindi niya mabasa ang isip ko at mo. And then now gusto niyo siyang traydurin?" sabi ko sa kanya at muntik ko nang makalimutan na nandito rin pala siya, dahil sa pagkakataong 'to ay involved na si Eliza, ang mastermind ng lahat.

Bago manganak noon si Karen ay hinarap niya ako, kinompronta tungkol sa nalalaman ko. And I admitted that I knew what's happening with her, with her powers and with those mysterious order na gumugulo sa buhay niya. Order of Khronos Aeons.

"Eliza, you knew how much betrayal that Jill already suffered!" we're here outside the mansion, sa may kubo malapit sa dalampasigan, tulog na ang lahat at sigurado kaming walang nakakarinig sa'min ngayon, pero hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa pinresenta nilang plano sa'kin.

"Alam ko, Cloud." Kalmadong sagot sa'kin ni Eliza, I can't believe that she can stay calm like this, paano naging kadali 'to sa kanila na gawin 'yon? "This is the only best way to solve the conflict, alam mo at aware ka sa nakitang visions ni Karen."

"O-oo."

"Then cooperate. Distract her." Hindi ko mapigilang maluha, "Distract her with your love... by being the hero, by being chivalrous, by being romantic, by—"

"Shut up!"

Tumahimik na si Eliza pero nagsalita si Karen.

"Everything's prepared, Cloud, nakausap na ni Eliza si Cairo. Kapag na-kidnap na 'ko ay dadalhin nila ako at ang mga bata kila Dr.Richard."

I looked at them... with full disbelief in my face.

"Even his dad... ininvolve niyo rito?"

"Yes." Wala akong nagawa kundi mapahilamos na lang, "Alam niyo ba kung gaano kalaking torture nito kay Jill sa oras na malaman niya? Alam niyo ba kung gaano kasakit—" then Eliza slapped me.

"We're doing this dahil ayaw naming mamatay si Jill at pati ang mga bata."

"Cloud, please." Hinawakan ako ni Karen sa braso, nakikusap, "I already talked to Jing, and Morris, they're also going to help."

"Teka... Si Morris?"

"Huwag mong sabihing pagseselosan mo pa ang bagay na 'yon?"

"Tumahimik ka nga." Singhal ko kay Eliza at hindi pa rin ako makabawi sa mga nalaman ko mula sa kanila. "Sabi niyo, involve dito ang Memoire, paano 'yon? Paano niyo mapapaniwala na may Memoire talaga?"

"May utak ka ba talaga, Cloud?" pang-aasar pa lalo nitong ni Eliza pero hindi na lang siya pinatulan, "My brother, Vince, his powers are to clone and take up any forms."

"You mean..."

"Using Vince's clones, gagayahin niya ang Chairman ng Memoire, at ang nanay mo, Cloud."

"My mother is dead..."

"I know, pero kailangan ng isa pang substantial villain para suportahan ang larong 'to, besides, parte rin siya ng play na gagawin natin." Wala akong ibang nagawa kundi yumuko, magkuyom ng palad at makinig sa plano ni Eliza.

Pagkatapos ma-kidnap ni Karen at mga bata ay dadalhin siya nila Eliza, Palm at Vince sa Sentral City, habang kasama namin dito sila Cairo ay kukumbinsihin namin si Jill na sumunod sa hideout na kinuha nila Eliza. Sa hideout ay magkakaroon ng kunwaring labanan, kunwaring papatayin si Dean at kunwari ring dadalhin si Karen sa Beijing para tuluyang bumigay si Jill na sumali sa competition. At maiiwan ako, si Cairo, si Finnix, Pascal at Otis na kasama ni Jill. Habang sila Eliza, Vince, Palm at Jing ang magsisilbing kalaban namin sa competition. Maiiwan si Karen at ang mga bata sa puder nina Dr. Richard, kasama si Dean at...Morris.

"Malaki ang papel na gagampanan mo sa laro, Cloud." Si Eliza na hindi pa rin tapos magsalita, gusto kong mamuwi sa kanya pero hindi ko naman magawa, how can she think of this wicked plan? "Your job... again... is to distract her, to make sure na hindi niya gagamitin against us ang kapangyarihan mo."

Mahal ko si Jill... hindi ko siya kayang lokohin pero...

Kailangan kong gawin 'to.

"Cloud." Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Eliza na lumapit, hinawakan ako sa balikat, "I this is really hard for you, even for us, mahirap 'tong gawin. Pero katulad ng paulit-ulit naming sinasabi ni Karen, this is for her, we love her, that's why we are going to protect her...at any cost..."

I know what she wants me to understand...that the end justifies the means.

"At handa ako sa mga mangyayari, Cloud, kahit na kamuwian ako ni Jill habambuhay, what important is... even if she doesn't know how much we care... it's okay for me to be hated than to do nothing." 

Iisipin ko na lang na isa lang 'tong chess. We're all the pawns, and we must protect the King piece, and it's Jill. Butwhen the time comes na malaman niya lahat...I still hate to see her heart breaks. 






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top