/18/ Braveheart
(This is going to be another intense chapter. I encourage you to play this music if you can<3)
Ladies and gentlemen! The seven finalists of Akasha's Game!
/18/ Braveheart
SIXTH LEVEL: AJNA
Magiting siyang nakaupo sa kanyang trono, playing a ridiculous role this time, a Pharaoh. And we, we're all kneeling in front of him as if he's a god and we're his slaves.
"As a matter of fact, all of you are my slaves in this level." Nagsalita si Pharaoh Rama Melchiore, wearing his headdress, a false beard, a grand cloak, and holding his mighty staff. May dalawang nagpapaypay sa magkabilang gilid niya, at nakaantabay sa paligid ang mga sundalo. Nice.
"You just played us for the whole time." Sabi ko direktang nakatitig sa kanyang mga mata.
Wala siyang naging introductions sa sixth level, wala ring briefing kung saang lugar kami pupunta. Nagising na lang kami isang araw, iba ang aming kasuotan, naaayon sa panahon dito, at katulad ng sinabi niya kanina, mga alipin niya kami sa level na 'to.
"Well then, gusto ko ulit kayo batiin dahil nakarating kayo sa sixth level ng Akasha's game, I am really glad you know, dahil ito ang unang pagkakataon na may nakarating sa level na 'to at unang pagkakataon na maglalaro ako bilang Pharaoh." Base sa pananalita niya ay mukhang nag-eenjoy siya ng lubos sa mga nangyayari, who would? He just made himself a king in this world.
"What you want us to do, my lord?" napatingin ako kay Cairo, sa sinabi niya, he's playing along.
Napangiti ang Pharaoh, "My dear slaves, I know that all of you are aware about the truth of this game," napatingin kaming lahat sa kanya, "Alam ko na alam niyo na iisa lang ang maaaring makaalis sa mundong 'to. At alam ko rin na handa kayong magparaya para kay Jill Morie, na pinaniniwalaan niyo na siyang tanging may kakayahan na makaalis dito." Tumayo siya mula sa kinauupuang trono at lumapit sa amin, "And unfortunately, tama ang inyong mga teorya, iisa lang ang maaaring maglaro sa seventh level at iyon ang siguradong mananalo sa Akasha's game. Mayroon akong dalawang choices sa inyo." Naramdaman ko na pare-parehas kaming nagulat sa sinabi niya, "First choice, since you have set your faith in her by believing that she's the chosen one," tinuro niya ako, "you will let Jill Morie win alone now, at hindi na niya kakailanganin pang dumaan sa seventh level, and ofcourse, lahat ng matitira ay maiiwan dito."
Sumenyas siya na tumayo kaming lahat, sumunod naman kami.
"What's the second choice, my lord?" tanong ni Vince.
"The second choice, I'll give you the chance to play in the next level which is the final. In short, hindi lang isa ang maaaring makalabas sa Akasha's game, all of you can. If!" he emphasized the latter, "...you can pass the sixth level."
Nagkatinginan kami ng mga kasama ko, iisa lang sila ng iniisip, they want to stick in our original plan, ang hayaan akong manalo, they firmly believe that I'm a Rosencruz.
"So, anong pipiliin niyo?" obviously, they want the first choice, they just want to end this game and let me win and wait for me to save them after. Unbelievable.
"Second choice." Mabilis kong sagot na ikinagulat nila, "Come on, don't tell me you're losing all your spirits to fight?" sabi ko sa kanila, "We're all getting out here."
"Pero, Jill, ikaw ang—"
"We're uncertain that I am the chosen one, but if it's true, hindi ko hahayaan na basta lang kayong maiwan dito." Sagot ko kaagad sa sasabihin ni Otis.
"We already talked about this, Jill, once you have the stone you can set us free." Sabi naman ni Cloud sa'kin.
Tumingin muna ako kay Rama Melchiore, "Let's not be stupid, maraming nag-aabang sa labas ng Chintamani, there are too many enemies." Including that Pharaoh, "I can't take the risks...Kailangan ko kayo." Sabi ko sa kanila at natahimik sila saglit.
"Agreed." Nagsalita si Jing, "Second choice it is." At wala na rin silang ibang nagawa kundi pumayag sa gusto ko, besides isang malaking game of chance naman talaga ang larong 'to in the first place, and Rama Melchiore is still generous to give us the chance to be free. Pero ang tanong, gaano kahirap ang pagdadaanan namin bago namin malagpasan ang level na 'to?
"Very well," wika ni Rama Melchiore na bumalik sa harapan at muling umupo sa trono, "Your quest in this level will begin now, as slaves, I am going to set you free to travel from here to the Treasury of Petra." That's in Jordan and we're in Egypt right now, "I'll provide you supplies to your trip, and a map of course. All you need to do in the Treasury in Jordan is to get the Holy Grail." Madali sa pandinig, isang paglalakbay lamang ang gagawin namin pero tiyak kong hindi 'yon magiging ganon kadali, Rama Melchiore is mischievous and cunning, it might be a trap for us but we have to take the risks.
"The time limit?" tanong ko.
"Oh, there is no time limit, you can take your time." He smiled devilishly.
And behind that smile, I know that something bigger is waiting for us.
*****
SEVEN camels, loaded with supplies for one week, a compass and one map. Kaagad kaming lumarga nang ibigay sa'min ang mga 'yan, dahil si Cairo ang mas may alam sa direksyon siya ang may hawak ng mapa at gumagabay sa'ming lahat.
Estimated hours namin kung gaano kami katagal maglalakbay papuntang Petra ay Ten hours, hindi rin naman sigurado kung makaka-survive 'tong mga Camel na sinasakyan namin ng matagal.
"What if matapos natin 'tong misyon na 'to, ibig sabihin lahat tayo maglalaro next level, at garantisado na makakalabas tayong lahat dito 'di ba?" tanong ni Vince.
"Oo. Pero asa ka naman na basta-basta lang tayong matatapos dito." Sagot sa kanya ni Finnix.
"What's with the pessimist attitude, Finnix?" as usual, Cloud trying to be positive.
I don't know how many hours passed since we left the desert, and then we finally reached the wilderness. Tirik na tirik ang araw kaya napagpasyahan namin na huminto at gumawa ng maliit na camp para magpahinga at kumain. Wala kaming inaksayang oras at muli kaming nagpatuloy sa paglalakbay.
Maya-maya'y huminto si Cairo kaya napahinto rin kaming lahat.
"Anong problema?" tanong ni Jing, hinihintay namin si Cairo na sumagot, palinga-linga lang siya.
"I don't know, pero hindi ako sigurado sa daan na tinatahak natin."
"What?!" sigaw ni Vince, "Cairo, six hours na tayong naglalakbay tapos sasabihin mo hindi ka sigurado kung nasaan tayo?!"
"Calm down, Vince." Sabi ko sa kanya dahil kitang-kita ko sa kanya ang kaba. "Hey, Cairo! Are you sure?"
"I'm sorry." His voice is trembling, "I don't know." Lumingon siya sa'min at kitang-kita ang pagkatuliro, unang pagkakataon kong makita siyang ganon, I can't see the confident Cairo anymore, he's lost.
"I'm taking over." Sabi ni Jing at lumapit sa kanya, inabot naman ni Cairo kay Jing yung mapa at compass. Nagpatuloy muli kami ngunit lumipas ulit ang mga oras, wala kaming ibang matanaw kundi ang walang hanggang abot-tanaw. Hindi namin namalayan na papalubog na ang araw.
"Uhm guys, I think kailangan na nating mag-camp." Huminto si Jing, siya na ang nangunguna ngayon, huminto siya at bumaba mula sa Camel. Sumunod naman kami dahil pare-parehas kaming mga pagod. Habang nag-aayos kami ng tent ay biglang humarap sa'min si Jing, "May aaminin ako."
"Ano?" tanong ni Otis, na parang wala na lang ngayon 'yung isyu ng pagiging magkapatid nila.
"Actually hindi ko rin alam kung saan na tayo papunta." Nagkatinginan lang kaming lahat, wala kaagad nag-react.
"We're just tired." Si Cloud, "Sa tingin ko tama nga na magpahinga muna tayo." One thing's for sure, we're all afraid to admit to ourselves that we're really lost, even though we had a map and a compass, it seems like we can't find the right way.
Tinitipid naming maigi ang mga pagkain at tubig na dala namin, we don't know how long we can go on with this. Pagkatapos naming kumain ay natulog kami, siguro dala ng pagod ay hindi na naging alintana ang sobrang ginaw at gutom.
"JILL! Gising!" naramdaman ko ang sunud-sunod na yugyog sa balikat at ang sigaw ni Cloud, "Gising!"
"Cloud?" pupungas kong sabi, hanggang sa magbalik ako sa ulirat nang namalayan ko ang paligid, isang ipu-ipo? Punum puno ng alikabok at malakas na hangin. Kaagad akong napabangon at nakita sila Finnix, Otis, Jing, at Vince di kalayuan, nakatayo, habang kaming tatlo nila Cloud at Cairo ay narito, hawak-hawak nilang maigi 'yung mga bag ng supplies namin dahil kung hindi ay tiyak na tatangayin iyon ng malakas na hangin. "Anong nangyayari?!" sigaw ko.
"Nagising na lang kami bigla sa lakas ng hangin!" sigaw ni Cairo.
"Anong ginagawa nila ron?!" tanong ko, tinutukoy silang apat na tila pronta.
"There's a monster, Jill!" nagkatinginan kami ni Cloud bago muling tiningnan ang apat. Kaagad akong tumakbo sa kinaroroonan nila, "Jill!" hindi ko siya pinakinggan, ngunit napahinto ako nang dumagundong na malakas at umuga ang lupa. Lumitaw mula sa likuran ng alikabok ang isang higanteng halimaw na hindi ko matukoy kung anong klase, dalawang malaking galamay, bibig na tila hinati-hati upang makapanglamon ng buhay ng sinoman, and the worst thing? It has multiple snake-tails!
What the hell is this?
"Jill!" napalingon ako at nakita si Cloud na tatakbo rin palapit pero pinigilan siya ni Cairo
"We're useless, Cloud! We're just Telepaths!" halos magawala si Cloud pero hindi siya hinayaan ni Cairo. Tumakbo muli ako palapit sa kanilang apat, they all began to circle up around the monster.
Finnix threw his fires, Vince made tons of his clones, and Otis just gathered any huge stones he can get so he can throw it, and Jing, she gathered first all the air and sands around us so that it won't be a hindrance. I helped Jing, I stood near her so that I can copy her powers, but it's no good, sa huli tumatakbo lang kaming lahat at umiiwas. We need a wise plan to defeat this monster. Hindi kami pwedeng mamatay dito lang!
And at this rate we can't communicate well dahil magkakalayo kaming lahat. Alam ko na.
'Cloud! Cairo!'
'Jill!' they answered
'I need your help, hide as far as you can.'
'What, I can't-do that.'
'Cloud! The only way to help us right now is to transfer our thoughts in each other. Can you do that?'
'Y-yes.'
'Then, I had a plan! I-send mo kila Jing 'yung maiisip ko.'
'Okay!'
The monster's attack all at once because of its multiple snake-tails, kaya hindi kami makaatake ng iisa. Sinabi ko kay Cloud na kailangan naming maputol ang bawat buntot nito bago namin atakihin ang mismong main head nito. Kumabaga, hima-himayin, mukha lang malaki o nakakatakot pero kung tutuusin, isa lang namang ilusyon ang mundong 'to. We can do anything. But before that, Vince needs to make a lot of clones to and use it to distract the monster, pagkatapos ay aatras kami at tiyak na mapupunta ang atensyon ng bawat snake-tails sa clones na nakapalibot, doon kami aatake.
Magkakakonektado 'yung isip namin dahil sa tulong ni Cloud at Cairo, sa isip lang ay nagkakaintindihan kami kung anong dapat gawin. In coordination, katulad ng plano ay na-distract na ng clones ni Vince ang bawat snake-tails atsaka kami sabay-sabay umatake para putulin ang bawat buntot hanggang sa matira ang main head ng halimaw.
'Jing! Use your powers to lift the monster! I will help you!' I commanded and she agreed, mas gumaang na ang creature kumpara kanina dahil wala na ang mga buntot nito, 'Then Finnix! Throw all the fire you got!' Jing and lifted the monster and Finnix blasted all his fire, 'Huwag kang titigil, Finnix!' pero ilang sandali lang ang kinaya namin ni Jing, bumagsak ulit sa lupa ang halimaw. Hindi na ito gumagalaw. And then Otis came in the scene, with a huge rock, he smashed the monster's head.
It's dead.
Humupa ang mga buhangin at nakita ko sila. Lahat kami ay habol ang hininga.
"W-what the...fuck." Usal ni Vince, hinang hina at napaupo sa lupa.
"I told you, this is not going to be easy!" Si Finnix na parang nanunumbat pa. We all gathered but Finnix continued whining, "Sa tingin niyo ba binigay ni Rama Melchiore yung choice na yon dahil mabait siya?! Hinde! Noong una pa lang bago tayo magsimulang maglakbay alam ko ng mangyayari 'to!"
"Hey! Bakit mo ba iniisip yan?!" sagot ni Cloud sa kanya, "We chose this because—"
"We?! She chose this!" duro sa'kin ni Finnix, "We're all going to stuck here anyway, then why fight?!" napikon si Cloud kaya kaagad niyang sinugod si Finnix pero mabuti na lang ay pumagitna si Otis at hindi sila nagpang-abot, "Alam natin na si Jill lang ang makakalabas dito! Bakit inaaksaya pa natin yung mga energy natin na lumaban?!" napatingin ako sa iba pa at naramdaman ko na lihim sa kanilang kalooban ay parehas sila ng nararamdaman kay Finnix, maliban kay Cloud na nakataya lahat ng puso niya na naniniwala sa'kin.
"So hindi ka naniniwala na kaya nating makalabas dito?" kalmado kong tanong sa kanya, lumapit ako ng kaunti kay FInnix.
"Kung nagtatanim ako ng galit, Finnix, pinili ko na 'yung unang choice ni Rama Melchiore, pero hindi, pinili ko 'yung pangalawa dahil naniniwala ako...naniniwala ako na kung magkakasama tayo kaya nating makalabas dito ng buhay."
Katahimikan.
"Jill—"
"Narinig niyo ba 'yung sinabi ko?!" sigaw ko sa kanila, "Naniniwala ako sa inyo sa kabila lahat ng nangyari! Naniniwala ako sa kakayahan nating lahat na makalabas dito! Dahil may naghihintay sa'ting lahat sa labas, maraming dahilan para bumalik tayong lahat ng magkakasama sa totoong mundo." Tinignan ko silang lahat, "Hindi man kayo maniniwala sa'kin, o naubos na lahat ng kung anong lakas na meron kayo, pero ako, hindi, dahil paninindigan ko lahat ng paniniwala ko—ang maniwala sa inyo." I am not saying that I am fully certain, but one thing's I'm sure of to myself, I have a braveheart that nobody else has. This heart that I have that's why I made this far.
Hindi na nagsalita pa si Finnix, naglaho na parang bula ang patay na halimaw, lumiwanag ang paligid, nasa gitna pa rin kami ng kawalan. Nawala na halos lahat ng supplies na meron kami. Dalawa lang ulit pagpipilian, ang tumuloy at lumaban o isuko nila at ako ang hiranging panalo.
"Ang dami mong sinasabi, kung kanina pa tayo lumakad." Nagulat kami kay Otis, "Tara na."
Tiningnan ko silang lahat, pinulot nila 'yung mga natirang supplies na nagkalat.
"Tama ang kapatid ko." Mas nagulat kami sa sinabi ni Jing, dahil sa tinawag niyang kapatid si Otis, "As long as kasama niyo ko, madali lang 'to." At nagmayabang pa siya, "Nahati ko—"
"Hep! Hep! At kung i-memention mo na naman 'yung paghati mo ng dagat, tandang Jing, alam na namin okay." Binato ni Jing si Vince ng bato at tumawa lang ito.
"Let's go." Nilahad ni Cloud ang palad niya.
At tinanggap ko 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top