/17/ Brainstorm
"We're all the same, even if from another world.
We don't belong here anymore."
/17/ Brainstorm
"SINABI ko nang wala akong alam!" sigaw ni Vince matapos hampasin ng malakas ang mesa, ngayon lang namin siya nakita ng ganito, nakita na sobrang napuno at sumabog, marahil na-fed up na sa mga nangyari lalo na sa ginawa ng kakambal niya.
"Jill." Naramdaman ko ang isang pagtapik sa balikat, si Cloud, inalis ko 'yung kamay niya sa balikat ko.
"Vince. Please." This time may halo ng pagmamakaawa ang tinig ko, sabihin lang niya kung anong alam niya.
"Attention, players." Biglang tumunog 'yung speakers, "You are advised to go to your respective rooms; you only have one and a half hours to stay in common room. Thank you."
"Jill, kahit basahin niyo pa 'ko o i-hypnotize, wala kayong mapapala sa'kin." Sagot ni Vince na kalmado na ngayon. "Hindi ko rin maintindihan kung bakit ginawa 'yon ng kapatid ko, ang tanging plano lang namin..." bigla siyang natigilan.
"Ano?" lahat kami nakatitig sa kanya, katabi niya sa sofa si Cairo, katapat nila si Finnix, nakaupo naman sa may bar stool si Jing habang hawak ang isang kopita ng alak, si Otis nakasandal sa pader at kami ni Cloud ang nakatayo.
"Memoire, may kasunduan sila ni Eliza," naramdaman ko na unti-unti ng magkukwento si Vince, "Hindi ko alam kung anong eksakto nilang pinag-usapan, pero ang sigurado ako kapalit ng pagpilit namin sa'yo na sumali sa larong 'to ay hinding hindi na gagambalain ng Memoire ang mga Peculiar na itinakas natin noon sa Mnemosyne Institute at ang Chintamani, ang siguraduhin na mapunta ito sa Memoire kaya kami sumali."
"Sinabi ni Eliza na kahit iyon ang idahilan niya ay hindi pa rin siya paniniwalaan ni Rama Melchiore na nagsasabi siya ng totoo, narinig niyong lahat 'yon."
"Iyon nga, Jill! Hindi ko rin alam kung bakit sinabi niya 'yon!" muli, nagtaas siya ng tinig. Napahinga ako ng malalim, nagiging paikut-ikot lang ang usapan namin. Walang alam si Vince sa totoong intensyon at plano ni Eliza, sa kabila ng nangyari ay tila bigla akong nabuhayan ng loob...sa pag-asang sa huli ay isang kakampi si Eliza.
Believe me, I'm lying.
After all this time, paano kung iyon...iyon 'yung bagay na hindi niya sinabi sa akin?
I tried to read Vince's mind and he's telling the truth, he knows nothing about the real intentions of her sister's plan, about the truth that Eliza chose to hide until death.
"Pwede bang pag-usapan natin 'yung isa pang issue dito?" biglang nagsalita si Finnix, tumingin muna siya sa aming lahat, tumayo atsaka itinuro si Otis na ngayo'y nakasuot muli ng clown mask, "Kanina pa ko nababagabag kung paano sila naging magkapatid." At tinuro naman niya si Jing na biglang naubo, kapansin-pansin ang kanina pa niyang pananahimik. "Otis, baka naman gusto mong ipaliwanag 'yung mga rebelasyon na sinabi mo."
Hindi kaagad sumagot si Otis, bagkus ay tinanggal nito ang maskara, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami sanay na makita siyang ganyan. Jiro Kerubin ang totoo niyang pangalan at kapatid niya raw si Jing Rosca.
"Siguro dahil anak din ako ng nanay at tatay niya?" pilosopong sagot ni Otis at siya lang din mismo ang natawa sa sarili niyang kalokohan.
"Ginagago mo ba kami?" nagsalita na rin si Jing.
"Para saan pa't kailangan niyong malaman kung anong totoo, kung pare-parehas naman tayong may itinatago rito hanggang ngayon?" humalukipkip siya at tumingin sa akin, "Hindi ba, Jill?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang ibig kong sabihin, walang ibang importante sa'yo ngayon dapat kung hindi ang manalo sa larong 'to. At kung ano man ang totoong plano ni Eliza, isa pa rin ang malinaw, ikaw ang gusto niyang manalo."
"Teka, Otis, hindi mo sinagot ang tanong ko—"
"Finnix, hindi muna mahalaga ngayon kung paano, pero kung bibigyang pagkakataon na makalabas tayong lahat sa larong 'to, sasabihin ko."
"May karapatan akong malaman kung paano." Tumayo si Jing at medyo lumapit kay Otis, "Magkasama tayo sa Mnemosyne Institute sa loob ng ilang taon, Otis."
"Jiro, Jiro ang pangalan ko."
"Aba! Wala akong pake sa totoo mong pangalan. Mamili ka, sasagot ka o—"
"Sasagutin kita kung sasagutin mo rin ako kung bakit pinoprotektahan mo kaming lahat."
Natigilan si Jing.
"Oh, hindi ba't hindi mo rin kayang sabihin ngayon?" muli akong binalingan ni Otis, "Kita mo na Jill? It is irrelevant to talk about my past right now, aside from that it's a long story and I just don't want to compromise to tell the truth, hindi patas lalo pa't kung may iba pa rin namang nagatatago ng totoo. Isa lang itong pag-aaksaya ng oras. Wala kang mapapala sa aming lahat—sa ngayon."
"Sa ngayon?" ulit ko sa huli niyang mga sinabi.
"Katulad ng sinabi ko kanina, kung bibigyang pagkakataon na makalabas tayong lahat sa mundong 'to, handa akong magsabi ng totoo."
"Pero bakit hindi pa ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Para mong tinatanong na kung mamatay ka rin lang bukas ay bakit hindi pa ngayon?"
"Hindi kita maintindihan." Medyo natawa ko ng sarkastiko sa sinasabi niya.
"Pumapayag ako." Biglang sumingit si Jing, "Sasabihin ko ang dahilan ko sa inyong lahat kapag natapos ang larong 'to."
Napakunot ako, nakita kong nagtanguan silang lahat, si Vince, Cairo, Cloud, Finnix, at Otis. Tiningnan ko silang lahat... Naguguluhan ako, iba ang nakikita ko ngayon, iba ang sinasabi ng kutob ko.
"You... guys..." napatingin silang lahat sa'kin. "What are you keeping from me?" walang sumagot, nakatingin lang sila sa'kin.
"There's only one thing for sure." Nagsalita na rin si Cairo, "If Eliza wants you to win..." tumingin si Cairo sa katabi ko.
"You must win, Jill." Cloud said.
Come to think of it... Sa natitira sa'min ngayon... Tanging ako lang ang determinadong makuha ang Chintamani, sa dahilang para iligtas si Ate Karen mula sa kamay ng Memoire. Si Cloud, nandito siya para suportahan ako. Si Jing, dahil daw para protektahan kami, si Vince ay para suportahan si Eliza, si Otis at Finnix para suportahan si Cairo—si Cairo na gustong makuha ang Chintamani para buhayin ang patay niyang kapatid... Kung meron man akong natitirang kalaban ngayon walang iba kundi si Cairo 'yon. Pero hindi... sa mga naririnig ko mula sa kanila at base na rin sa nararamdaman ko... nakasuporta silang lahat sa akin ngayon. If Cairo wants the Chintamani for himself then bakit kailangan niya pa kong puntahan para aluking maging kakampi noong una, at kung naglilingkod si Eliza sa Memoire bakit niya sa'kin ipinapangako na ako ang manalo sa huli? Sobrang ironic. Sobrang gulo.
Napatingin ako kay Otis o Jiro. Tama siya, isang malaking aksaya ng oras ang pag-iisip ng ganitong bagay ngayon, lalo pa't kung ang objective ko rito ay ang manalo, wala akong ibang dapat isipin kung hindi iyon.
"I will definitely win." I assured them, "At pag napa-sa'kin na ang Chintamani, I swear I will compel all of you to tell me the truth." May halong pagbabanta ko sa kanila, at tumingin ako kay Cloud. "Now, gusto kong malaman niyo kung sino ang totoong kalaban dito. At kung gusto niyong makalabas ng buhay sa larong 'to, we need to make a plan."
"Sinong kalaban?" tanong ni Finnix.
"Si Rama Melchiore."
"Does that mean..." si Vince, "Magkakampi na tayong lahat ngayon?"
"I guess ganon na nga." Sabi ko sa kanila, hindi ko alam kung bakit biglang ngumiti si Vince, pati na rin si Cloud.
"So, about this Rama Melchiore." Sumingit sa usapan si Cairo, "How can we defeat the game master of this game?"
Umupo ako katabi ni Finnix, si Jing naman ay bumalik sa pwesto niya, si Otis ay lumapit. At si Cloud naman ay pilit na sumingit sa gitna namin ni Finnix.
"Malinaw na umpisa pa lang na naloko tayong lahat ng larong 'to, walang nagsabi sa'tin noong umpisa pa lang na tanging mga kaluluwa lang natin ang maglalaro sa mundong 'to. It's clear that they're trying to trick us."
"Hindi ba't dapat sa lalong madaling panahon ay dapat makahanap sila ng winner dahil ang pinakagoal nila ay ma-activate ang Chintamani?" Sabi naman ni Cloud.
"Unless that winner is the only one who can activate the stone." Wika ni Jing. "Base lang sa naobserbahan ko, ten years na ang nakalilipas mula nang ginawa nila ang larong 'to pero hanggang ngayon wala pa rin ang nananalo at hanggang ngayon tayo pa lang ang nakakarating sa panglimang level, dahil..."
"Dahil?"
"Hindi ba't nakapagtatakang lahat ng mga players noon ay na-stuck sa pang-apat na level sa India? Paano kung..." tumayo si Jing at lumapit sa amin, "Paano kung objective ng larong 'to ay hindi naman talaga manalo, paano kung ang objective talaga nila ay hanapin mismo kung sino ang 'winner' na 'yon?" sa una ay mukhang magulo ang sinabi niya, pero pare-parehas kaming natigilan at tila iisa ang naalala.
"According to the legends, the heavens assigned the Rosencruz clan to keep it for generations and they're the only one who can activate and use the stone."
"...There is a huge riddle in this game and you have to solve it, and the only key to finishing it."
"Rosencruz..." bulong ko. "Only the Rosencruz clan can activate and use the Chintamani." Sabay-sabay silang napatingin sa akin at tama nga ang hinala ko na magkakaparehas kami ng naalala. Ito ba yung sinabi noon ni Rama Melchiore na malaking bugtong?
"Kung ganon... iyon ang dahilan kung bakit sa loob ng sampung taon ay wala pang nananalo?" si Finnix.
"Dahil wala sa kanilang Rosencruz." Si Vince.
"At kung nalagpasan natin ang ika-apat na level at tayo pa lang ang nakarating sa panglima..." si Otis.
"One of us is a Rosencruz." Parang tumigil ang mundo sa sinaad ni Cairo. "Then...he or she is the only one who can get out."
"Kung ganon... sino?" tanong ni Jing.
"Eliza knew the truth." Si Cairo ulit, "And she believes in you, Jill."
"Promise me that no matter what happens you will win this game and you will get the Chintamani."
"And what if... that's the reason why she hid the truth?" sinundan iyon ni Cloud. Mukhang alam ko na kung anong gusto nilang iparating.
I am a Rosencruz and I am the only one who can get out of this world.
"P-pero paano..." angal ko.
"Wala tayong oras para alamin ang katotohanan, katulad ng sinabi ko kanina, Jill." Si Otis.
"Sige, i-assume na natin na ako ang Rosencruz—"
"No, Jill." Kontra ni Jing, sa totoo lang bigla akong napaisip ulit sa intentions niya rito, before she's trying to become an antagonist in this game and now here she is, she told that she's here to protect us, "Sa tingin ko hindi naman coincidence na ikaw lang nagka-kutob noon na hindi totoo ang mundong ito, at hindi rin coincidence na ikaw lang din ang nakahanap ng sagot noon mula sa mga Lost players."
"Anong dapat niyong gawin? Kung ako rin lang ang makakalabas dito?" tanong ko sa kanila.
"Well, we have to make sure you'll make it." Si Cairo. "And once you got the Chintamani, you'll get us out here as long as hindi kami namamatay sa bawat level na natitira."
"How?"
"Remember, Jill, that Chintamani, the most powerful thing on Earth. Walang imposible kapag nasa kamay mo na ang kapangyarihang 'yon." Wika naman ni Cloud.
"Okay, that's the deal."
"Nakakatawa lang." si Finnix, "Nag-umpisa tayong magkakalaban dito pero sa huli, tayu-tayo rin ang magiging magkakakampi."
"After all, this is the original Team Morie." Nagkatinginan kami sa sinabi ni Vince.
Well, irony it is.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top